Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Let Go

Kung nagulat ako sa pagtulak nila sa akin. Mas nagulat naman ako sa nakita ko nung tiningnan ko kung sino yung may hawak sa akin na hanggang ngayon ay hawak parin ako.

Umatras naman ako at yumuko dahil pakiramdam ko namumula ang dalawa kong pisngi.

Tatalikod na sana ako kasi nahihiya na ako, ang dami na kasing nakatingin ee. Yung iba nakasilip sa bintana ng classroom nila.

Pero naalala ko yung dare, at tiningnan si Seb. Nakita ko naman sa mukha na naamused sya sa ginawa ko. Nakangiti kasi sya at ang laki pa nang ngiti niya.

Tiningnan ko naman ang tatlo kung kaibigan. Halatang tuwang-tuwa at parang kinikilig din si Marielle

Binalik ko naman ang tingin kay Seb at sa mga kaibigan niya. Halatang tinutukso si Seb dahil sa laki nang ngisi nila.

Huminga ako nang malalim.

Kailangan kong gawin to para matapos na pero may parte sa puso ko na nasasaktan sa naisip ko na kakalimutan ko na siya pagkatapos nito.

Hinila ko yung kwelyo ni Seb at halatang nagulat siya.

Ngumisi nalang ako at pumikit sabay lapat nang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko naman ang pag stiffened nang katawan niya.

Narinig ko pa ang pagsinghap nang mga babae na nanunuod.

Para akong lumulutang sa cloud9 nung lumapat na nang labi ko sa labi ni Seb. At alam ko pulang-pula na ang mukha mo ngayon.

Para druga yung labi ni Seb, naaadik ako.

Nanatili lang nakalapat ang mga labi namin, hindi gumagalaw.

At alam ko nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung ilang minutong nakadikit ang mga labi namin.

Natauhan lang ako nung nag bell na. Tiningnan ko naman si Seb, halata parin sa mukha niya ang gulat.

Napakunot naman ang noo niya nang matauhan siya. Yumuko ako at akmang tatalikod na para tumakbo.

NAKAKAHIYA! Nakakahiya kaya yung ginawa ko.

Pero hinawakan niya ako kaya hindi ko natuloy ang balak kung pag takbo.

Tiningnan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at tiningnan ko naman siya.

"Pagkatapos mong nakawin ang unang halik ko, tatakbuhan mo ako?" seryosong sabi niya sa akin.

"Ha?" Tanging nasabi ko nalang.

Nagulat ako sa sinabi niya. Unang halik? Nagpapatawa ba ito?

"Akala mo ba hahayaan lang kita?" mas lalong sumeryoso yung mukha niya.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Naalala ko naman yung narinig ko dun sa cafeteria.

Nangilid naman ang mga luha ko. Tumingala naman ako para pigilan ang pagtulo nito.

"Bi-bitawan mo a-ako."utal kong sabi sa kanya.

Pilit ko namang binabawi ang kamay ko na hawak niya pero mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"No!" napaigtad naman ako dahil biglang sabi niya.

Oo nga pala may gusto siya kay Nana. She's a lucky girl.
Sumikip naman ang dibdib ko.

"S-sorry. Pl-please bit-bitawan muna a-ako." sabi ko at inilibot ang paningin sa paligid. Mas lalo naman akong nahiya dahil sa dami nang nakatingin sa amin.

May iba pa palang ang sama ng tingin sakin. Kung siguro nakakamatay lang ang titig kanina pa siguro ako nakabulagta sa sahig.

"No, hindi kita bibitawan." napatiim bagang sabi niya. "Ngayon na hawak na kita tapos bibitiwan kita? Ano ako tanga?" Mahabang litanya nya.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
May iba ba siyang ibig sabihin noon o ako lang talaga ang nag-iisip noon.

"A-ano bang pi-pinagsa-sasabi m-mo? Bitawan muna nga ako." pilit ko paring binabawi yung kamay ko.

Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Sinabi ko naman sayo diba na hindi kita bibitawan." mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.

"A-aray, n-nasasaktan ako." napangiwi naman ako.

"S-sorry." lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero di parin niya ito binitawan.

Napatingin naman ako sa dalawang kaibigan niya nang bigla itong sumipol.

"Pare, wag lang torpe. Magtapat kana." bigla sabi ni Max.

"Magpakalalaki kana pare." sabat naman ni Cleighn.

Sinamaan naman sila nang tingin ni Seb kaya nanahimik nalang sila.

Pero nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Nana sa likuran nila Max at Cleighn.

Sinubukan ko namang hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. At sa wakas nahila ko rin.

Dali-dali naman akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya pero napatigil naman ako nung may maalala ako. Kaya tiningnan ko ulit siya na ngayon ay mataman nang nakatitig sa akin.

"Sorry nga pala sa nagawa ko. Parte kasi yun ng dare ko." Buti nalang di ako nautal.

Tatalikod na sana ako kaya lang bigla akong napatigil nung may nakita ako sa mga mata niya. Na parang nasasaktan siya.

Tumalikod nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Siguro namamalikmata lang ako. Impossibleng masaktan siya sa sinabi ko hindi naman niya ako kilala. Yung ego niya siguro oo.

Bigla naman akong napatigil nung bigla niyang tawagin ang pangalan ng mahal niya. Nana.

Napayuko nalang ako nung maramdaman ko na nangingilid na yung luha ko. Pasimple ko naman itong pinunasan.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Siguro wala na talaga dahil may mahal na siya ee.

Mas lalo lang akong nasaktan nung narinig ko na sinigaw na niya yung pangalan ni Nana.
Bakit kaya siya sumisigaw? Para siguro ipamukha sakin na may gusto na siyang iba. Alam ba niya na gusto ko siya, ayy mali mahal pala. Well, kung ginagawa nya yan para masaktan ako. Nagwagi siya dahil kanina palang nadurog na ang puso ko.

Nanatili parin akong nakayuko. Baka kasi malaman nilang umiiyak ako.

Pinunasan ko naman ang luha ko. Umaayos na ako sa pagkakatayo baka kasi mabangga ako.

Napakunot naman ang noo ko nang makita kung nakatingin sila sa akin.

Napalingon naman ako bigla sa kanya nung bigla nyang banggitin ang buong pangalan ko. Hindi alintana kung makikita niya ang bakas nang pag-iyak ko.

"Brianna Yllana Yap." Sigaw niya ulit sa pangalan ko.

"H-how did you k-know my n-name?" nauutal kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Simple lang." unti unti naman siyang naglakad palapit sa akin. Tinitigan niya naman ako ng mabuti. Napakunot naman ang noo nya. "Are you crying?" bigla niyang hinawakan ang mukha ko.

Kaya napaatras naman ako sa ginawi niya.
"No." umiwas nalang ako nang tingin.

"uhm. I l-like y-you." biglang sabi niya kaya napatingin naman ako bigla sa sinabi niya.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakatingin sa amin. May narinig pa akong bulungan, kung bulungan bang matatawag yun halos marinig ko na sila.

"Ha? " yun nalang ang nasabi ko. Tama ba yung narinig ko? He l-likes me?

Tiningnan ko naman si Nana nakatayo parin sa likod nila Max. Tumingin naman ulit ako kay Seb na halatang kinakabahan.

"I like you." deretsong sabi niya na nakatitig sa mga mata ko. Lumundag naman ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Napatingin naman ako kay Cleighn nung bigla siyang sumipol at sumigaw.

"Sa wakas umamin narin!" nag fist bump pa sila ni Max.

Naguguluhan naman ako sa ginawi ni Max at Cleighn. Sa pagkakaalam ko naman kasi si Nana naman talaga ang ma--. Wait, mahal niya si Nana ee ako Like lang niya hindi love. Magkaiba ang dalawang yun.

Napangiti naman ako ng mapait. Gusto nga niya ako pero may mahal naman siyang iba, mas matimbang parin yung mahal niya keysa sa akin na gusto lang niya. Nasaktan naman ako sa naisip ko.

Napailing nalang ako at tiningnan siya deretso sa mata.

"Sabihin na nating gusto mo ako, pero alam ko namang may mahal kana. So ano pang saysay nang pag-amin mo? " inis na komento ko. Buti nalang hindi ako nauutal kahit na sa loob loob ko grabe na talaga ang tibok nang puso ko.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"What are you talking about?" Nakakunot parin ang noo niya

"You love someone else. Tapos aaminin mo sakin na gusto mo ako." halata parin sa bosea ko ang inis.

"Tanga kaba? Aamin ba ako sayo na gusto kita kung may mahal na akong iba." irita niyang sagot sa akin.

Inirapan ko naman siya at akmang tatalikuran na sana siya kaso pinigilan na naman niya ako sa paghawak sa kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako, pagkatapos mo akong tawaging tanga." iwinaksi ko naman yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro