CHAPTER 6
Chapter Six
Pagdating sa parking lot ay katulad ng lagi ko namang ginagawa ay ini-abot ko na kay Les ang helmet na para sa kanya pero nanatili syang nakatitig doon at hindi kumikibo.
"Les, ayos ka lang? May.. problema ba?" kinakabahan na tanong ko kasi ang seryoso ng hitsura niya.
"Sorry Reck.." sa sinabi pa lang niya ay triple na ang nerbyos ko. Ano bang iniisip niya?
Damn.
"Uy, sira. Bakit ba? Ano ba 'yon? Hindi ka ba magpapahatid ngayon? Kahit doon na lang sa sakayan kita ihatid, tara na.." tumatawang sabi ko na pilit iniiwasang mag-overthink.
Hindi naman sya nauntog tapos biglang narealize na hindi niya talaga ako gusto, ano?
"Reck kasi, hindi ko alam paano ko sasabihin. Naguguluhan ako, hindi pa pwedeng maging tayo.." pagkasabi noon ay diretso niya akong tiningnan sa mata.
Fvck. Teka ba't ang sakit? Iiwasan na ba niya ako? Palalayuin?
"H-Hindi naman tayo nagmamadali 'di ba? Ayos lang sa akin kahit dalawang taon pa bago mo ako sagutin. Legal age ka na noon, handa naman akong maghintay Les. Ilang taon na nga akong nanatili kahit hindi mo ako gusto 'di ba? Basic na 'yon," litanya ko habang parang kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko.
Shit, ang weak.
"Hindi kasi ganoon, Reck." tipid na depensa niya tsaka bumuntong-hininga.
"A-Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko bago inihanda ang sarili ko sa anuman na pwede niyang banggitin.
"Let's make it private."
Fvck what?
"Ha?" naguguluhan na tanong ko pero hindi na niya ako pinansin. Isinuot na rin niya ang helmet matapos 'yong hablutin sa kamay ko.
"Hatid mo na ako, late na baka hanapin na ako nina ate," normal na ang kilos at boses niya nang sabihin 'yon habang maang naman akong nakatingin sa kanya.
"Anong... private?" pag-uulit ko sa sinabi niya kaya natawa sya ng bahagya.
"Low-key. I know hindi pa dapat pero parang gano'n na rin naman ang set up natin kaya gawin na nating official. But again, private relationship," paliwanag niya at sya na ang nagsuot ng helmet ko.
Loading..
Damn?
Seryoso?!
Pinigilan ko ang kamay niyang abala sa pag-aayos ng helmet ko bago ko sya tinitigan sa mata.
"Legit? Prank ba 'to? Kasabwat mo ba sina Shai, Annie, Renz at Kevin? Fvck, Les hindi magandang biro.." nagdududang tanong ko pero itinawa niya lang.
"Ba't mo alam?" she then typed something on her phone then started talking.
"Buking na tayo guys, labas na. Izzaprank Reck!"
Nakatulala ako ng ilang segundo bago lumingon sa paligid pero wala naman sinuman kina Kevin ang lumabas.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hampasin ni Les sa braso bago sya nameywang.
"Siraulo! Inipon ko lakas ng loob ko para roon tapos sasabihin mong prank? Hatid mo na ako, naiirita ako sa 'yo!" reklamo niya bago ako itinulak pasakay sa motor.
Later that time, I realized she's serious about "us".
"Yes beb, hatid kita sa bahay namin, meet the parents na kahit kilala ka naman na nina papa," biro ko pa kaya mas malakas niya akong hinampas. Shit, ang bigat ng kamay ah?
Sadista.
"Uwi na tayo, umayos ka Reck, isa!" banta niya kaya seryoso ko nang ini-start ang makina ng motor bago sya umangkas at kumapit sakin.
Sana lang hwag niyang mahalata 'yong lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
***
Nagising akong masakit ang ulo, nang i-check ko ang tabi ko ay wala na roon ang asawa ko.
As what's indicated at the wall clock, it's already passed eight. Sunday naman ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho pero kailangan ko pa ring mag-report sa opisina. May titingnan din pala ako sa site dahil sa ongoing project namin na kailangang tutukan.
"Papa, you're awake! Good morning!" mabilis na lumapit sa akin si Alex tsaka dumamba sa kama. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi bago sinapo ang mukha ko.
"You seems sad, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Okay lang ako, where's your mom?" tanong ko na lang bago umalis sa kama. Si Alex naman ay nakamatyag lang sa ginagawa ko.
"Nagluluto po, she said she's cooking your favorite. Carbonara? Gano'n yata," halatang nalilito sya habang nagkkwento na ikinatawa ko.
"Yes baby, it's Carbonara. Ayusin ko lang sarili ko tapos I'll join you for breakfast. Go help your mom prepare the dinning," ilang beses munang tumango si Alex bago umalis ng kwarto.
Kinuha ko naman ang tuwalya sa rack bago nagdesisyon na maligo. Hindi ko alam gaano akong katagal nakatunganga lang sa tapat ng shower at hinahayaang dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig. Gising na ang buong sistema ko pero paulit-ulit na naglalaro isip ko ang sinabi ni Alex.
Her mom is cooking Carbonara.
Fvck.
Ano ba, Reck? Uso mag-move on. Pero.. paano? Mahigit isang dekada na pero gano'n pa rin ang epekto sa akin tuwing naaalala ko sya.
Masakit.
***
Hindi ko alam kung anong isusuot ko pati na rin ang dapat ayos ng buhok ko. Kanina pa akong papalit-palit ng damit at sobrang kalat na nga ng kama dahil nakalatag doon lahat ng damit ko.
"Yawa, ano ba kasing bagay?!" naiinis na sabi ko bago tingnan ang orasan na nakapatong sa mesang katabi ng kama. Pasado alas onse na, maaga pa bukas ang gising ko.
Hindi ako 'yong tipo ng sobrang conscious sa bihis kasi sapat ng pogi naman na ako, de joke, pero totoo. Ang kaso, may gala kasi kami ni Les bukas sa kabilang city, damn, it's our second monthsarry.
Ang corny. Ni wala nga akong alam sa date basta ni-aya ko lang syang gumala tapos balak kong kumain kami, gano'n lang.
Pero tang ama, dito pa nga lang sa pagpili ng susuotin ay hindi ko na alam ang gagawin. Kinakabahan ako na ewan, halos lahat naman yata ng damit ko nakita na ni Les. Ilang taon na ba naman kaming magkakilala.
Noong first monthsarry namin, busy kami pareho kasi may kani-kaniyang family gathering. December noon kaya sa chat lang kami bumati sa isa't isa.
Bukas, Sabado kaya wala kaming church duties tapos first celebration namin ng monthsarry na unang buwan ng taon kaya gusto ko sana memorable. Ang sentimental ko kayang tao, sa totoo lang.
"Bahala na nga, heto na lang.." pinal na desisyon ko tsaka kinuha 'yong brown na sweater at jogger pants. Iniayos ko na 'yon sa hanger bago inilagay sa kaunahang parte ng closet. Mag-malling lang naman kami kaya ayos lang na long sleeves kasi malamig naman doon.
Ni hindi ko alam kung nakatulog ba ako ng ayos dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Saktong alas sais ay tumunog na alarm ko sa cellphone at nagsimula na akong gumayak.
"Ma, gagala lang ako kasama sina Kevin. Nakapag-paalam naman na ako kay Papa kagabi kaso pinapaalala ko lang po para hindi n'yo ako hanapin," sabi ko kay Mama ng madatnan ko syang nagtutupi ng damit sa salas.
"Ba't bihis na bihis ka? Saan ba kayo?" tanong ni Mama na medyo may halong pagdududa.
"Ah, debut po kasi ng pinsan ni Renz kaya niyakag niya kami ni Kevin. Alangan naman hong hindi ako pumorma eh maraming tao roon," paliwanag ko tsaka lumapit kay Mama para mag-mano.
"Debut? Aba alas siete pa lang ng umaga. Baka ikaw ang kaunahan doon?"
"Bibili pa kaming regalo Ma, kaya maaga," biro ko at tsaka tumindig ng ayos.
"Ayos ba suot ko?" tanong ko pa kaya tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ayos naman na, sige na basta mag-ingat ka. Lumayo kayo sa gulo kundi lagot ka sa Papa mo," bilin pa ni Mama bago ako makalabas ng pintuan.
"Opo, bait kaya ng bunso nyo," sagot ko nang nasa terrace na ako tsaka isinuot ang sneakers ko.
Magkikita na lang naman kami ni Les sa malapit na park kaya inihabilin ko na muna kina Kevin 'yong motor ko. Magko-commute na lang kasi kaming dalawa para iwas-aksidente.
Mahirap na lalo't takas lang kami pareho.
To: Les <3
San ka na, beb?
Fr: Les <3
Nandito na, inagahan ko para hindi pa gising sina ate. Kay Mama na lang ako nagpaalam.
Nang mabasa ko 'yon ay mas mabilis na akong naglakad patungo sa park at malayo pa man ay kita ko na agad sya.
Naghihintay sya sa entrance ng park habang nakatayo. Nakasuot sya ng hanggang tuhod na itim na bestida na pinatungan ng denim jacket. May suot syang specs at nakalaylay lang ang itim at lampas balikat na tuwid na buhok. Naka-doll shoes din sya at may suot na sling bag.
Ang simple pero.. ang ganda. Sabagay, kailan ba sya pumangit sa paningin ko?
"Les.." tipid na tawag ko ng nasa harap na niya ako. Ang bango niya, shit.
"Uh, alis na tayo?" mahinang tanong niya rin bago itinago ang cellphone na kanina ay umookupa sa atensyon niya.
"Oo, medyo matagal din kasi ang byahe. Tara?" aya ko bago sya inilalayan para maglakad.
"Ano palang sabi ng Mama mo?" tanong ko kinalaunan.
"Uh, wala. Anong sasabihin niya? Ang alam niya kina Shai ako pupunta kasi may project," tsaka sya alanganin na tumawa.
"Iba rin paalam ko sa bahay, yawa.." komento ko kaya mabilis syang napalingon sa akin. Ilang saglit pa ay pareho na lang kaming natawa.
"Ang sinungaling ah, bad influence tayo sa isa't isa," biro niya tsaka nailing.
"White lies naman, tsaka hindi naman tayo gagawa ng kalokohan, sira ka," depensa ko na mas ikinatawa niya.
"We are secretly in a relationship and lied just so we could date somewhere far, hindi pa ba kalokohan 'to?" pangangatwiran niya at tinaasan ako ng kilay.
"Well," kibit-balikat na sagot ko kaya mas lalo syang natawa.
Nang saglit syang nasilaw sa liwanag ng araw na tumama sa salamin niya ay isinuot ko na sa kanya ang suot kong Gray na cap.
"Happy monthsarry, beb.." malambing na sabi ko bago ngumiti.
"Happy monthsarry.. beb," tugon niya tsaka namumula ang pisnging umiwas ng tingin.
Sa daan na nakatutok ang atensyon niya hanggang makarating kami sa paradahan ng Jeep at sumakay sa byaheng ang destinasyon ay sa pinakamalapit na bus station.
Hindi nga nagtagal ay nakasakay na ulit kami pero sa bus naman. Medyo matagal din ang byahe kaya pansin ko na ang pagkaantok ni Les.
"Pwede naman matulog, halatang inaantok ka," puna ko sa kaniya pero tumango lang sya na mapungay ang mga mata.
"Oh, willing ako kahit lawayan mo pa balikat ko," biro ko tsaka tinapik ang kanan kong balikat.
"Hindi ako naglalaway kapag tulog, Reck. Baka ikaw 'yon," ganting pang-aasar niya bago mas lumapit sa akin.
Sasagot pa sana ako para asarin sya kaso sumandal na sya sa balikat ko.
"Di ako nakatulog ng maayos, paano kasi ay kinakabahan ako na excited para sa ngayon. Hmm.." mahinang sabi niya habang nakapikit na ang mga mata.
Somehow, I can relate to her as that exactly what happened to me last night. Para ng "wedding jitters" sa sobrang tensyonado ko dahil sa araw na 'to.
Today's the first time we travel on our own together, just the two of us.
"Kulang isang oras pa naman ang byahe, good night beb," malumanay na sabi ko na nginitian niya na lang.
Walang ilang minuto pa ay naramdaman ko na nga ang pagdepende ng bigat niya sa akin. She really do fall asleep.
Cutie.
All throughout the trip, I just took photo of us because I just can't resist her charm. Iniaayon ko rin ang pwesto niya sa akin dahil ayaw ko naman na mangalay sya at magka-stiff neck.
"Les.. malapit na, gising na." kasabay noon ay ang mahinang pagtapik ko sa balikat niya. Saglit naman syang gumalaw bago tila naalimpungatan at inalis ang pagkakasandal ng ulo sa balikat ko.
She's facing me but her eyes remain close.
"Good morning, sunshine.." nakangiting bati ko bago sinapo ang magkabila niyang pisngi.
"Gising na SPO1, malapit na tayo sa babaan."
Nanatili syang nakapikit pero nakangiti na. Suddenly, her sweet innocent face cause tingling sensation inside my stomach.
Fvck.
My gaze trail from her slightly shut eyes, long eyelashes, small pointed nose and her.. natural pinkish lips.
For a moment, I have the temptation to ki--
"Antok pa ako, Reck.." bulong niya tsaka iminulat ang kaliwang mata.
Para syang bata na nagmamakaawa para pagbigyan sa gusto niya.
Hell, nasisiraan na nga yata ako ng bait! If she didn't speak maybe I have done something stvpid. Kung anu-ano ng naiisip ko, epekto lang 'to ng kulang sa tulog. Tama.
"So bubuhatin kita pababa rito? Sige matulog ka pa, ako na bahala," pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Wake up, sleepyhead.." mahinang sabi ko bago sya pinitik sa noo. Tila natauhan naman sya at bigla akong hinampas sa braso.
"Masakit ah!" reklamo niya at sinamaan ako ng tingin. Marahan din niyang hinaplos ang noo niya na pinitik ko.
"Sorry na beb, oh at least gising na diwa mo.." pagdadahilan ko bago umiwas ng tingin. Naging abala naman na sya sa pag aayos ng sarili niya. Gumamit sya ng wet tissue para punasan ang mukha.
With that, I just watch her as if I'm the calmest person alive.
Pero 'yong puso ko.. sasabog na yata sa kaba. Bakit kasi ang ganda?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro