Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Isang linggo na agad ang nakalipas mula nang tumira ako rito kay kuya. Katulad nga ng inaasahan ko na ay nagsimula na naman akong istorbohin ni Maxine. Kagaya na lang ngayon na agang-aga ay panay ang pindot niya ng doorbell. Nakaalis na si kuya papuntang trabaho at ang uwi no'n ay mamaya pang alas siete ng gabi.

"Ano bang kailangan mo?" naiinis na bungad ko sa kaniya nang buksan ko ang pinto.

"Good morning, Reck! Uh, nandiyan pa si kuy—"

"Sa tagal mo na syang kilala, sigurado akong saulado mo na ang schedule niya. Hwag ka ngang magdahilan," pagputol ko sa sinasabi niya at agad nagsalubong ang kilay.

"Ah, ano kasi.. teka nga! Alam mo naman pala na hindi 'yong kuya mo ang dahilan so malamang ikaw ang ipinunta ko rito!" singhal niya tsaka ako itinulak bago sya pumasok ng unit.

"Ano ba, Maxine hindi ako nakikipagbiruan. Busy ako, umuwi ka na."

"Busy saan?" lumingon pa sya sa paligid bago bumalik ang tingin sa akin.
"Halata namang wala kang ginagawa. Ba't ba ang damot mo? Nakikipag-kaibigan lang naman ako, Je."

Isa pa 'yon sa ikinakainis ko— ang hilig niyang tawagin ako sa palayaw na hindi ko naman nakasanayan.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan, after Summer break ay aalis din naman kasi ako rito." sumusukong paliwanag ko tsaka naupo na lang sa sofa at itinuloy ang pakikipag-chat kay Lesley.

"Saan ka pupunta?" pang-uusisa niya pa bago tumabi sa akin pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Ano ba, ang lawak ng upuan ah!" puna ko ng mas dumikit sya sa akin, naiinis naman akong umagwat sa kaniya.

"Allergy ka ba sa babae? Don't tell me bakla ka!" malisyosong sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapahawak sa sentido tsaka ito minasahe ng bahagya.

"Umalis ka na lang, Maxine. Baka hindi ako makapagtimpi ay kung ano pang magawa ko sa 'yo."

Nakasimangot siyang tumayo at tsaka naglakad patungo sa kusina, sakto namang nag-pop up sa screen ng cellphone ko ang request ni Les para makipag-video call.

I press the green button and smile from ear to ear when I saw her face.

"Good morning, Sunshine." bati ko at umayos ng pagkakaupo sa sofa, komportable akong sumandal tsaka itinaas ang paa ko sa center table.

"Hello, my engineer. Hmm.." then she yawn while scratching the corner of her eyes.
"Alas otso na pero nakakatamad pa ring bumangon." reklamo niya pa at tsaka itinaas ang sarili para sumandal sa headboard ng kama.

"Mapapagalitan ka ng mga ate mo, tanghali na."

"Asa ka. Sabi nga nila ay sulitin ko raw ang mahabang tulog hangga't bakasyon."

"Talaga ba? Sana all," I exhale briefly then close my eyes. Hindi naman ako makapag-reklamo sa kaniya tungkol sa nangbubulabog sa akin tuwing umaga.  Baka mag-overthink pa kasi si Les kapag nalaman niya ang tungkol kay Maxine.

"Je, gusto mong iced coffee?" speaking of the dev— nevermind.
Nakasilip sya sa pintuan ng kusina at todo pa ang pagkakangiti. Hindi ba niya pansin na sobra na ang pagkunot ng noo ko?

Biglaan ay ini-mute ko ang video call at tsaka nag-off cam bago ako tumitig ng seryoso kay Max.
"Ayaw ko, at kung gusto ko man.. kaya kong gumawa ng akin." sagot ko sa tanong niya.
"At isa pa, may kausap ako. Mind your own business, Max. Nakaka-abala ka na. Naalala ko rin, pwede bang huwag mo akong tatawagin na 'Je', it's Reck. Pauso ka masyado."

Saglit syang natigilan dahil sa mga sinabi ko at napawi rin ang ngiti sa labi. Pero maya-maya ay ngumiti na naman sya at tsaka ngumuso.

"Suplado mo pa rin!" reklamo niya bago ako tinalikuran at bumalik na sa kusina. Nang wala na sya sa paningin ko ay agad ko ng kinalikot ang cellphone ko.

"Hey beb, pasensya na may ginawa lang ako." paumanhin ko kay Les nang i-on ko na ang camera.

"I think I heard someone.. a girl's voice perhaps?" naka-arko ang isang kilay niya at halatang nagdududa.

"Kalmahan mo, SPO1. Nanonood lang ako ng movie, pinatay ko na nga 'yong TV kasi hindi kita gaanong maintindihan."

White lie. That's it.
I didn't intend to lie and hide such thing from her because of irrational motives— I just don't want her to be paranoid about it.

Ba't kailangan ko pa siyang bigyan ng alalahanin sakaling sabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Maxine?
Imagine, your boyfriend being chase by his brother's neighbor who happened to be a girl with the same age. Hindi ka kaya mapapaisip ng... alanganin? Iyon ang iniiwasan ko, ayaw kong mag-aksaya pa siya ng oras dahil lang sa pag-ooverthink lalo na at malayo kami sa isa't isa.
Wala naman kasing dapat ipag-alala si Lesley, siya lang ang mahal ko.

  It was already last week of Summer break when I had the chance to go home because I need to get some necessary papers that should be submitted at PIU's registrar. Hindi na ako nagsayang ng oras at pagkatapos kong kuhanin 'yon sa school kung saan ako nag-Junior highschool ay dumiretso na ako para puntahan si Les.

Naibalita niya noong huli kaming nag-usap na may part-time job sya sa isang department store kaya roon na ako pumunta.
Pagpasok ko pa lang ay agad ko ng hinanap ang pamilyar niyag pigura pero hindi ko makita. Baka naman hindi pa oras ng shift niya?

Nasa section na ako ng Personal Hygiene nang matanaw ko sya hindi kalayuan sa pwesto ko. I decided to walk towards her to surprise her but I was left dumbfounded when a random guy hug her from behind.

Gago.

Halatang nagulat din si Les pero nang makita niya kung sino iyon ay sya pa mismo ang yumakap sa lalaki. Damn. Sino ba 'yon? Ngayon ko lang sya nakita. The two of them looks close based on how they smile at each other.

I won't over think. May tiwala ako kay Lesley, pero.. tang ina normal lang na magselos. Girlfriend ko sya eh.
Halos isiksik ko na ang sarili ko sa istante nang maglakad silang dalawa para dumaan sa likod ng stall kung nasaan ako. Nakaakbay 'yong lalaki kay Les at tumatawa pa sila.

"Sigurado kang walang magagalit ha?  mamaya may manuntok sa akin dito, Lele." the guy ask for assurance as they pass through the shelf where I'm hiding.
Lele? Kailan pa naging ganoon ang nickname ni Les? Pauso 'to ah.

"Nah, wala. Don't worry, okay lang. Lunch break na rin naman namin." dinig kong sagot ni Les hanggang tuluyan na silang makalayo.

Walang magagalit? Eh ano pala ako?

I still hide myself as I watched how she gesture something to the person assigned at the cashier. Parang nagpaalam na lalabas sya at kakain. Tumango lang naman 'yong katrabaho niya bago kumaway.

What should I do now?
Teka, sigurado naman akong nag-update sa chat si Les. She's eating with a guy, dapat lang na magsabi sya sa akin. I have the rights to know so I eagerly logged in and wait for her name to appear on my phone's screen but fifteen minutes have passed and there's still nothing.

Calm down self, mahal mo si Lesley and you trust her. Kilala mo sya, hindi ka niya kayang lokohin. Hindi niya 'yon gagawin sa 'yo.

With a heavy heart, I take all my remaining courage and type at the designated section.

To: Beb <3
Hi beb, good morning! May surprise ako sa 'yo. Are you busy?

I click the send button and wait for her response, online naman kasi siya. Ilang sandali pa nga ay lumabas na ang chathead ng conversation namin sa phone ko.

Fr: Beb <3
I'm sorry beb, medyo busy kasi rito sa store eh. What is it anyway? I miss you :<

She misses me? Tss. This is bullshit. Miss n'ya ako pero nasa labas sya at kumakain kasama ang iba? And damn it, she lied.

To: Beb <3
You're busy? Sige uh, next time na lang. I trust you, Les. I love you, always.

Nanghihina ko 'yong inisend sa kaniya bago ako tuluyang nag-offline. The more na makakausap ko sya, mas lalo lang akong masasaktan. Hindi ko sya pagdududahan kasi hindi niya deserve 'yon. Maybe she have valid explanation about this, I'm sure she won't intentionally hurt me. Si Les  sya eh.

Nagpasya na lang akong umuwi sa bahay, pansin din siguro ni Mama na wala ako sa mood kaya hinayaan niya na lang akong magpahinga pagdating. Kinabukasan kasi ay maaga rin akong luluwas dahil dadalhin ko pa sa PIU ang mga dokumentong kinuha ko rito. Tsaka ko na lang kakausapin si Les, o kaya hihintayin ko na lang na magkusa syang sabihin sa akin ang tungkol doon.
I'm not good at confrontation, moreover I'm afraid to get hurt with her answers to my questions.

Medyo tanghali na at galing na rin ako sa university, naipasa ko na 'yong hinihingi nilang kulang na requirements para sa admission ko. Pagdating ko sa building kung nasaan ang unit ni kuya ay nakasalubong ko naman sa lobby si Max. Nakaporma sya at halatang may pupuntahan dahil taliwas sa normal niyang suot na oversized shirt at shorts na pambahay ay naka jumpsuit sya ngayon na kulay Pink. Kulay puti naman ang suot niyang sneakers at maayos na naka-braid ang buhok niyang medyo kulot.

"Ganda ko ano? Natulala ka na riyan," pang-aasar niya nang mapansin ako tsaka nag-pose pa na parang pini-picture-an.

"Confidence level 999?" pambabara ko tsaka sya nilampasan. Hindi naman na ako nag-abalang tanungin kung saan ba siya pupunta dahil wala naman akong pakialam doon.

"Pupunta ako sa university kung saan ako magse-Senior high. H'wag mo akong ma-miss agad, puntahan kita pagbalik ko!" sigaw niya na himig nanunukso pero hindi ko na lang pinansin. Ni hindi ko nga siya nilingon dahil baka isipin n'yang interesado ako sa sinabi niya kung sakali.

"Ang kulit talaga, tss.." bulong ko na lang nang makasakay ng elevator.

Pagpasok ko ng unit ay naabutan ko si kuya Binoy na abala sa pagtitipa sa laptop n'ya. Teka, tanghali pa lang ah? Ba't nandito na agad sya?

"Nag-leave ka or absent?" pang-uusisa ko bago inabala ang sarili sa paghuhubad ng sneakers na suot ko. Isinunod ko na rin ang hoodie kaya naka-puting sando na lang ako tsaka joggers.

"Ang jacket mo, doon mo 'yan ilagay sa laundry basket sa kwarto mo Reck." puna n'ya agad nang sulyapan ako at makitang nakapatong sa single couch 'yong hoodie na hinubad ko.
  Nagawa niyang punahin 'yon pero ni hindi man lang sinagot ang tanong ko.

"Nag-day off ka ba? Epal mo, bukas ka pa walang pasok ah."

"Sumasakit ang ulo ko, puta kasing hangover. Naka-absent tuloy ako," reklamo niya bilang sagot bago sumimsim sa basong may teabag na nakapatong sa center table.

"Sige, inom pa brad. Congrats, ayos 'yan," nag-thumbs up pa ako tsaka ngumisi sa kaniya kaya naiinis niya akong binato ng unan na nasa sofa.

"Payapa araw ko kahapon kasi wala ka, gunggong!" sigaw niya pa pero nasa loob na ako ng kwarto kaya hindi na ako sumagot. Inihagis ko ang hoodie sa laundry basket pagkatapos ay tsaka ako tinatamad na humilata sa kama.
Pagpikit pa lang ng mga mata ko ay 'yong nangyari agad kahapon ang pumasok sa isip ko. Her smile that used to lighten my mood suddenly turn into something that pierce my heart. Ako lang 'yong ngingitian niya ng gano'n eh. Suplada nga sya sa school dahil madalas ay di niya pinapansin lahat ng lalaking nagpapa-cute sa kaniya.
That's the sole reason why I'm confident she won't be taken away by anyone else. Stiff kasi sya at maldita sa iba. Pero sa lalaking 'yon? Ba't gano'n na lang sya kung ngumiti? And, she hugged him. Hindi naman sya clingy, lalong hindi touchy. Kaya panigurado.. malapit talaga sa puso n'ya 'yong lalaking iyon.
Who the hell is he?

Naputol lang ang paglalakbay ng diwa ko nang tumunog ang phone kong nasa bag pa na dala ko kanina. Nanlalata man ay matiyaga ko pa rin 'yong kinuha dahil baka si Les ang nag-chat.
At hindi nga ako nagkamali.

Fr: Beb <3
Usap tayo, I need to tell you something.

To: Beb <3
Ring mo ako, beb.

Wala pang ilang minuto ay nag-pop na nga ang video chat request niya na sinagot ko naman agad.

"Hi, Les.." malamyang bati ko pero nagawa pa ring ngumiti.

"Uh, hello.. Reck," mahina ring sagot niya at halatang balisa. Nasa kwarto niya sya base sa background niya. Sabado nga pala, wala syang part-time job kapag weekends.

"Baka busy ka. Teka, kumain ka na bang lunch? Sana naman hindi ka nagpapalipas," sunod-sunod na sambit ko. Kahit pa kasi hindi masyadong maayos ang nararamdaman ko dahil sa nasaksihan kahapon ay ayaw ko pa rin na pinapabayaan niya ang sarili n'ya.
Ngayon na kitang-kita ko ang mukha niya, bigla ay mas lalo ko syang na-miss. Dapat kasi ay ako ang kayakap niya kahapon, peste.

"Tapos na, don't worry." she answered and timidly smile. She then let out a heavy sigh.
"Reck.. I'm sorry." dugtong n'ya bago ako matamang tinitigan.

"Sorry dahil? Wala ka namang.. kasalanan hindi ba?" kinakabahan na tanong ko tsaka sinalubong ang tingin niya.

"Hindi ko pala kasi kaya, Reck. Ang hirap na nasa malayo ka. Namimiss kita lagi tapos ay wala akong magawa. Nasanay kasi akong nasa tabi lang kita.. na kapag kailangan kita, isang tawag or chat lang ay nandito ka na." her eyes then became teary as she gasp for air.

Tang ina naman. Please don't turn my nightmare into reality, Les.

"Next week lilipat na ako ng dorm, kaya ko nang puntahan ka lagi. Les, kaunti na lang oh. Ano bang sinasabi mo? Ano ba 'to?" nanginginig ang boses na tanong ko pero umiyak na lang sya at yumuko. Patuloy din sya sa pag-hikbi at pinapanood ko lang sya. We're miles away, I can't hug her. I can't shove her tears away, damn.

"Beb, h'wag ngayon.. baka naguguluhan ka lang. Siguro nasasabi mo lang 'yan dahil matagal na tayong hindi nagkikita. Malungkot ka lang, pero hindi ibig sabihin noon ay gan—"

"May iba na, Reck."
And her words wounded me like a sharp knife. Shit, she won't do that. Hindi niya gagawin sa akin 'yon.

"Les, tang.. ama." naiinis akong napabuga ng hangin tsaka pumikit. Ba't hindi ko magawang magalit sa kaniya?
  "Uuwi ako ngayon, bahala na. Tsaka na lang natin pag-usapan kapag nandiyan na ako, please beb. Hintayin mo muna ako." nanghihinang dugtong ko pero sunod-sunod ang naging pag-iling niya.

"I'm sorry Reck, pero hindi na kailangan. Tapusin na lang natin, kasi nakakapagod na eh." wala ng emosyon ang mata n'ya ng sulyapan ako at parang bigla ay nawalan na sya ng pakialam sa akin.
Now, she's looking at me as if I'm just no one. Iba na ba talaga ang gusto niya? We're just in this kind of set up for almost two months, ba't ang bilis naman niya yatang umayaw?

"Anong nakakapagod, Les? Ginagawa ko naman lahat para hindi mo maramdaman 'yong distansya sa pagitan natin. Nagkakausap naman tayo, hindi naman ako nawawalan ng oras sa 'yo. Anong mahirap doon? Saan ka napagod? Kulang pa ba? Sabihin mo para mapunan ko, h'wag namang ganito.."

I never begged for my entire life. Kasi kapag may gusto naman ako ay nakukuha ko sa t'yaga. Pero si Les, pinaghirapan ko syang makuha, ilang taon akong naghintay. I can't lose her especially now that I already devoted my remaining lifetime to be with her.
Hindi ko makita ang buhay ko na wala sya. She corrupted my whole existence like some kind of malware. Bawat plano ko sa hinaharap, nandoon siya. Sa bawat desisyon na kailangan kong gawin, isinaalang-alang ko sya; laging siya ang una sa listahan ng priorities ko.

Kaya hindi ko kaya kung sakaling mawawala siya; hindi ko kakayanin. Handa akong magmukhang gago, handa akong magmakaawa basta lang manatili sya sa buhay ko.

"I've been thinking about this for weeks already, Reck. Akala ko kasi kaya ko, akala ko sasapat na 'yong nagkaka-usap lang tayo through calls and chats. Pero hindi pala," she stifle her sobs as tears started to roll down on her cheeks again. Sa hitsura niya ay para bang pagod na pagod na siya.

She's like a bomb that just reached the time limit. Can't she really take it anymore that she badly wanted to get rid of me? Gano'n na ba niya kamahal 'yong bago niya kaya gusto na niyang lumaya sa kung anong mayroon kami? Oras na ba talaga para sukuan niya.. ako?
Gano'n na ba katindi ang pagkukulang ko? Sobra ko na ba s'yang napapahirapan? Hindi na siya masaya? Tang ina.

"Hindi ko naman sinasadya. You're a big part of my life Reck but.. that's just it. Hanggang doon na lang, tapos na. I'm sorry." with that, she ended the call while I left with emptiness.

Fvck, hanggang dito na lang lahat? Really?
I was intuitively preparing to hit the call button but her immediate message shattered me more.

Fr: Beb <3
  Don't even try contacting me, Reck kung ayaw mong i-block kita sa lahat ng socmeds ko. I still value the solemnity of our friendship after everything so please just know your place.

Friendship? So.. kaibigan na lang talaga? Punyeta, iyon na lang?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro