CHAPTER 11
Chapter Eleven
Naging mabilis ang paglipas ng araw at ngayon nga ay ang huling araw ko na rito bago sumama kay kuya paluwas.
Nasa plaza lang kami ni Les at tahimik na nakaupo sa isa sa mga wooden bench na nasa tapat ng kiddie playground.
"Uh.." hindi ko maapuhap ang dapat sabihin kahit pa nilingon na niya ako; halatang naghihintay kung ano man ang sasabihin ko.
I then let out an awkward laugh.
"Hindi ko alam ang sasabihin, pasensya ka na." nahihiyang pag-amin ko.
We are officially together for almost five months now but everything still feels like new. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon na ako lang ang may gusto sa kaniya ay— 'akin' na siya.
It's all worth it.
"Hmm, ayos lang.. ganoon din naman ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong.. sabihin." mahinang sagot niya bago tumingin na ulit sa ilang bata na naglalaro sa playground.
Pinagmasdan ko na lang sya habang pilit inuukit sa memorya ko ang bawat detalye ng hitsura niya.
Ang bilugan niyang mata, hugis-pusong mukha, maliit pero matangos na ilong, 'yong natural na mapula niyang labi at higit sa lahat—
"Why?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin nang maramdaman ang pagtitig ko.
"Wala SPO1, ang ganda mo kasi."
"Siraulo!" singhal niya tsaka agad namula ang pisngi pero maya-maya naman ay may ngiti na ring sumilay sa labi.
That's what I would surely miss about her the most; her heartwarming smile. Iyong ngiti niya na kayang pakalmahin at kaya ring guluhin ang buong sistema ko.
'Yong kapag sobrang hindi ko na alam ang gagawin, isang ngiti niya lang kumakalma na lahat. Her smile recharge my drained energy. Gaano man ako kapagod, sa tuwing nginingitian niya ako... ang gaan na sa pakiramdam.
She always calm the storm in me. She is the source of my Dopamine, Oxytocin, Endorphin, Serotonin; my happy hormones and happy pill.
"Reck.." the way she pronounced my name brought chills through my spine. Nang tingnan ko siya ay malamlam na ang mga mata niyang nakatuon sa akin.
"Magiging okay naman lahat hindi ba?" alangan ang tono ng boses niya bago pasimpleng pinagsiklop ang kamay at doon na tumingin. Halatang tensyonado.
"Oo naman, bakit naman hindi? Kaya natin, Les. Trust the process." seryosong sagot ko bago ipinatong ang kamay ko sa ulo niya kaya napalingon sya ulit sa akin.
"Hindi tayo matatalo ng distansya lang, maniwala ka."
Nagpakawala sya ng buntong-hininga at mabilis na napalunok nang bumaba ang kamay ko sa pisngi niya. We just stare at each other's eye for a moment and again, for the countless time around— I feel the urge to kiss her but..
"Cutie~" pang-aasar bago pisilin ang pisngi nya. Mabilis naman niyang hinawakan ang palapulsuan ko para tanggalin ang hawak ko roon pero hindi niya matanggal.
"Reck, ano ba?!" singhal niya kahit nahihirapang magsalita.
Nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya ay agad nanlaki ang mata niya. Nagbababala ang tingin niya na halos patayin na ako sa pag-aakalang may binabalak akong kalokohan.
"A-Ano ba Jereckson!" reklamo niya pa pero mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya— sadyang nanunukso.
"Mahal kita, Lesley.." bulong ko tsaka sya pinatakan ng halik sa noo at hinigit para yakapin.
Ilang sandali pa bago ko maramdaman ang dahan-dahang pagpulupot ng braso niya sa akin dahil siguro sa gulat.
"I love you too, beb."
The solemnity of this moment was just too much to handle. Namumuo ang luha sa mata ko at agad bumigat ang paghinga. Napansin niya yata kaya akmang hihiwalay na sya sa akin pero mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya.
"Few more minutes, Lesley. Kaunti pa.." mahinang sabi ko bago pasimpleng pinunasan na ang luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.
She never saw me crying even if we're already with each other since childhood. Kaya kung iiyak ako ngayon ay paniguradong maiiyak din sya lalo na at iyakin naman syang talaga.
"There I was an empty piece of a shell.. just mindin' my own world without even knowin' what love and life were all about.."
I softly caress her hair as I started singing those lines.
"Then you came, you brought me out of the shell.. You gave the world to me, and before I knew.."
I gently pull her away then hold her face as I met her gaze.
"There I was so in love with you.."
She then smile genuinely as tears started forming in the corner of her eyes.
"You gave me a reason for my being, and I love what I'm feelin'.. You gave me a meaning to my life, yes, I've gone beyond existing.."
Les being herself; already start crying. Agad naglandas ang mga luha sa pisngi niya na maagap ko namang pinunasan gamit ang hinlalaki ko.
"And it all began when I met you.."
Patuloy ang paghikbi niya at pag-iyak kaya hindi ko maiwasang matawa. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa bago ipinagpatuloy ang pagpunas doon.
"Hey, stop crying. Patay na ba ako? Kung maka-iyak ka ay parang nagluluksa.." biro ko pa kaya naiinis niya akong hinampas sa braso na lagi niya namang ginagawa kapag naaasar sya sa akin.
"Uuwi naman ako lagi rito kaya hindi mo ma-mi-miss ang kagwapuhan ko. Twice a month? O kahit weekly pa. Lahat kaya kong gawin hwag ka lang malungkot." pag-alo ko sa kaniya na puno ng sinseridad.
"Pero hindi ba't two months kang sa apartment ng kuya mo mag-i-stay? So.." agad lumungkot ang boses niya at alam ko naman agad kung bakit.
"Dalawang buwan lang, Les. Tiisin muna natin 'yong two months, pagkalipat ko sa university dorm malaya na akong makakauwi rito para puntahan ka basta bakanteng araw."
Kung uuwi kasi ako rito para dalawin si Les kada linggo ay panigurado na magagalit si Papa kapag nalaman niya. Bukod sa magastos at nakakapagod ay iisipin niyang aksaya iyon sa oras halip na nakakapag-aral ako kapag walang klase.
But I'm willing to take the risk; para kay Les. Ganoon ako kahibang sa kaniya, gano'n ko siya kamahal.
With assuring smile, I caress her face and pull her closer again. Lesley was always tough and stiff. Iyakin lang siya kapag ako ang kaharap. She keep her stern personality as she advance trained herself to be brave enough because it's essential for her dream profession— a policewoman.
Mataray sya at suplada sa mga lalaking nagpapapansin at nagpapalipad hangin sa kaniya. Kahit noong hindi pa man niya ako gusto ay ganoon na siya sa lahat kaya kampante rin akong walang makakalapit sa kaniya.
At kahit nga noong Grade 8 na nalaman kong may pag-asa naman ako sa kaniya ay quota pa rin ako sa kamalditahan niya. Maybe that's her defense mechanism to shield herself to any threat of pain. Pero hindi ko siya sinukuan, lagi ko pa rin siyang sinusundan at lagi ko pa ring sinasabi kung gaano ko sya kagusto. Ilang beses kong sinabi na manliligaw ako pero ni minsan ay hindi niya ako sinagot ng klaro at matino.
Not until last year when we're in Grade 10. And now, she's here— envelop by my arms as we already have 'us'. After constant chase, I finally solely have her in my life.
"Hindi kita makikita nang dalawang buwan.." bulong ni Les bago ko naramdaman ang mariin niyang pagpikit kahit yakap ko sya.
"Ang clingy mo, beb. Sinapian ka ba?" pang-aasar ko sa kaniya kaya nakatikim na naman ako ng pinong kurot sa tagiliran.
"Sa 'yo lang, beb."
It's funny how we argue before about how I called her "beb". It's just my way of teasing her back then. Noong una talaga ay 'yong normal na endearment lang ang gamit ko sa kaniya tulad ng "baby" at "babe" kaso nagreklamo siya na hindi raw sya kasama sa listahan ng mga babae ko kaya huwag na huwag ko syang tatawagin ng ganoon. As if namang may iba ako?
Well, to make it somehow 'special' just as what I feel towards her; it evolves to "beb". Hindi naman na sya nagreklamo kaya 'yon na ang itinatawag ko sa kaniya mula noon.
Matapos tumambay lang sa plaza ay inaya ko lang si Les sa pinakamalapit na convenience store tsaka kami bumili ng pagkain. Doon na rin kami kumain kagaya ng nakasanayan na naming gawin.
We continue talking as we reminisce some of our Junior high school memories together. Puro 'yon kalokohan na kasama sina Kevin, Renz, Annie at Shai.
Before we part our ways when I sent her home, naiyak na naman si Les. Mabilis din naman siyang kumalma dahil sa takot na makita sya nina ate Alice tapos ay kung anong isipin lalo na at maghapon kaming magkasama.
Kinabukasan, naging mabilis lang ang lahat. Namalayan ko na lang na nasa byahe na kami nina Papa at kuya Binoy. Si Mama ay hindi na sumama dahil malulungkot lang daw sya lalo kapag umuwi na silang hindi ako kasama.
Wala rin ang iba kong kapatid kasi si kuya JM ay sa ibang lugar din naman nagtatrabaho. Tapos si kuya Bronson naman ay may date dahil anniversary nila ng girlfriend niya. Bale ang kasama namin ngayon ay si kuya Binoy.
Tatlong oras ang normal na byahe pero dahil nga mabigat ang daloy ng trapiko ay tumagal iyon ng isang oras pa. Pagdating tuloy namin sa lugar nina kuya ay halos tanghalian na. Kumain muna kami sa kalapit na mall bago kami tuluyang inihatid ni Papa sa mismong buiding.
Nakababa na kami ni kuya Binoy sa kotse at hawak ko na ang maleta at traveling bag ko nang tawagin kami ni Papa. Nakasilip sya sa bintana at seryoso ang mukha.
"Nelson, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha? Turuan mo na agad sa mga pasikot-sikot dito para alam na niya kung paano kahit mag-isa sya. Ikaw naman Jereckson, huwag kang matigas ang ulo. Kapag may problema, tawagan n'yo lang kami ng Mama n'yo."
Nang sulyapan ako ni Papa ay kumunot din agad ang noo niya.
"Isa pa, huwag akong makakarinig ng hindi magandang balita tungkol sa 'yo Jereckson. Pag-aaral ang atupagin mo rito, don't disappoint me."
"Opo, 'Pa."
"Paano, aalis na ako. Sige na, pumasok na kayo sa loob at magpahinga." paalam niya bago i-start ang makina ng kotse.
"Ingat po, 'Pa." paalala pa ni kuya tsaka namin bago ito tuluyang umalis.
"Tara na, bro. Masyado ngang nakakapagod ang byahe. Nangalay ang pwet ko sa tagal na nakaupo," biro ni kuya tsaka ako inakbayan.
Nang hilahin niya ako papasok ng building ay nagpatianod na lang ako.
Ilang beses na rin naman akong nakabisita rito. May pagkakataon nga na nagbakasyon din ako rito ng buong Summer vacation bago ako mag-Junior Highschool. Hindi na bago sa paningin ko ang lugar na 'to pero noon kasi ay sa loob lang ako ng apartment lagi tapos ay sa malapit na plaza at mall. Maliban doon ay wala na akong napuntahan.
This city is wide and civilized. Maraming matataas na gusali tsaka mga establishments. May iilan din akong naging kaibigan noon mula sa karatig na exclusive subdivision at iilang taga-rito rin sa apartment building ni kuya. Hindi ko nga lang alam kung tanda pa nila ako at kung nandito pa rin sila.
Nang marating namin ang fourth floor kung nasaan ang unit ni kuya ay may nakasalubong akong pamilyar na mukha. The woman stare at me for a moment until her eyes widen.
"Je? Halah, ikaw 'yan? Oh my gosh!" she blurted out with disbelief.
"Sabi ko sa 'yo Max, pupunta nga sya rito." natatawang sagot ni kuya bago ako nginisian.
Max?
"Hindi ka nga scam, kuya!" malawak na ang ngiti no'ng babae bago lumapit sa akin.
"Do you still remember me? It's me— Maxine Angel."
At nag-sink in na ang lahat pagkarinig ko sa second name niya. Kaya pala pamilyar ang hitsura niya. She's one of kuya's neighbor since then; she was the silly girl who constantly pestered me during my vacation here. Mala-Anghel ang pangalan niya pero sobrang kulit at napaka-hyper. Ka-close sya ni kuya kasi ex-girlfriend niya ang ate nito; kahit naman si Lesley ay ka-close din niya.
Sa amin kasing apat na magkakapatid, si kuya Binoy ang halos kasing-ugali ko. Sya ang kasama ko sa kalokohan dahil pareho kaming mapagbiro. Ang madalas lang naming pagtalunan ay ang hilig niyang mag-utos. Napaka-utosero kasi.
Si kuya Bronson naman ay 'yong tipo na seryoso sa buhay. Sobrang loyal nga niya sa girlfriend niya. Unang nobya n'ya iyon pero balak na yatang pakasalan. Masungit sya at suplado tapos ayaw niya nang may iistorbo sa kaniya kapag may ginagawa sya. Iyon ang rason kaya madalas niyang kaaway si kuya Binoy— dahil nga loko ang huli at hilig mang-asar.
Si kuya JM ang panganay sa amin pero sina lolo kasi ang nag-alaga sa kaniya mula pagkabata kaya hindi ko sya gaanong nakakasama. Hindi rin kasi sya sa amin nakatira hanggang ngayon dahil ayaw niyang iwanan sina lolo.
Noong nagbakasyon nga ako rito kay kuya Binoy halos apat na taon na ang nakalipas ay madalas akong pinupuntahan ni Maxine para lang daldalin. Even though I told her I'm not interested, she never stopped bugging me. Ang sabi niya kasi ay curious lang sya kung bakit ang suplado ko gayong 'funny' naman daw si kuya.
When it comes to her; my personality contradicts my real self. I am snobbish and I barely interact with her. Ewan ko ba pero kapag sya ang kasama ko ay tinatamad talaga akong makipag-usap. Tapos hetong si kuya naman tuwang-tuwa kapag napipikon ako kaya welcome na welcome sa unit niya si Maxine.
"Ah, good afternoon." malamyang bati ko bago higitin si kuya sa braso.
"Pagod si kuya eh, hindi ba? Ah.. una na kami, Maxine." paalam ko at tsaka nagsimulang maglakad palayo. Panay naman ang tawa ni kuya habang hila-hila ko sya.
"Hanggang ngayon ba'y pikon ka pa rin kay Max, Reck?" nang-aasar na komento niya na hindi ko na pinatulan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro