Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XLIV: School Festival

Heshiena's Point of View

Kinukusot-kusot ko pa ang aking mata habang pababa ng hagdan. I yawn for a moment and stretch my arms. Today is school festival. Ngayong araw mismo kung kailan naitayo ang Imitheos Academy. Kaya ay may ganitong klaseng pagdiriwang taon-taon.

It's just similar to schools in mortal realm. And pretty sure, this kind of event here in half-blood realm is different. Nabalitaan ko nga'y may mga kompetisyon katulad na lamang ng chariot race, capture the flag, duel fight, archery, sword fight, find me at sea, at pageant competition.

Iilan sa kanila ay hindi ako pamilyar.

Mamayang alas nuebe ng umaga magsisimula ang chariot race. Each cabin have two representatives. Sa 'min naman ay sina Mavros at Dash. Hanggang ngayon ay hindi pa nakauwi sina Nkri at Dash galing sa misyon nila.

But they're both expected to return home today.

"I dragged those nasty sirens into the golden trap." Tuluyan ng nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Dash. "Kung hindi lang dahil sa plano ni Nkri, ewan ko na lang," he said.

Sumilip ako sa living room. There I saw Dash sitting on the sofa between Fuego and Blaze. Si Nkri naman ay nasa kabilang sofa. Her arms are crossed. Pinagitnaan naman siya nina Blei at Violeta. Mukhang gising na ata ang lahat.

Napalingon sila sa akin nang mapansin nila ang aking presensya.

"Good morning," I awkwardly greeted them. "What time you both arrived?" tanong ko sa dalawa.

Nkri and Dash flashed a smile. Pinakamalaki lang 'yong ngiti ni Dash kumpara kay Nkri. I smiled back. Mabilis na napawi iyon nang mapansin ko ang titig sa 'kin ni Mavros. My eyes went straight to the floor when my heart started to beat rapidly.

Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig kong may tumikhim. The boys were now teasing Mavros that made my forehead furrowed.

"Thirty minutes ago," it was Nkri who answered my question. Tumayo siya sa pagkakaupo't nilapitan ako. "You want coffee?" alok niya sa 'kin.

I nodded at her as a response. Pareho kaming pumunta sa kusina. Narinig ko naman ang mga yabag ng paang nakasunod sa 'ming dalawa. Ako na sana ang magtitimpla ng para sa akin. But Nkri insisted. Sumunod naman sina Erin at Chry na kumuha ng sa kanila.

"How are you?" tanong kaagad sa 'kin ni Nkri nang i-abot niya ang tasa. "I've heard you're our representative in capturing the flag later this afternoon," she added.

Bumalik ang takot na kagabi ko pa nararamdaman.

I heaved a deep sigh before responding. "Ayos lang naman ako. Sabi kasi ni Sir Michael, kailangan kong mag-participate para mabawi ko ang grades ko sa fight examination no'ng nakaraan." Tila may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon.

Napayuko na naman ako sa ulo ko. Napatitig ako sa laman ng tasa. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang takot ko para sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan hihinto ang malas na palaging dumarating sa buhay ko.

Nakakapagod na kasi.

Napaangat ako ng aking tingin nang hawakan ako ni Nkri sa kamay ko. Sumalubong sa akin ang nakakagaan niyang ngiti. Hindi ko inakalang nandito na pala sila lahat.

"I can complain to the school director if you don't want to participate," said Chry.

Napalunok ako ng laway dahil dito. My throat started to be clogged by something, preventing me to breath normally. Hindi ako nagpapahalata sa kanila. Tears are threatening me to escaped from my eyes.

"Ilang ulit pa ba akong lalaban?" I couldn't resist myself but asked. Natigilan silang lahat dahil sa mga salitang isinaboses ko. I was quick to look apologetically to Nkri and Dash with tears falling upon my eyes. "Gosh, sorry for ruining your arrival," I said with my voice cracked.

Pinisil ni Nkri ang kamay ko.

"Of course not!" she said. "Your feelings are valid. You can share if you're ready. And." Tinignan niya ang iba isa-isa. "We're here ready to listen, right?" Mabilis na tumango ang lahat, maliban kay Chry.

After ng pag-uusap na 'yon ay nagpaalam ako sa kanila na lumabas muna para magpahangin.

They just nodded at me as a response. Some give me a comforting smile. The boys give me a gentle tap on my shoulder. Mavros, on the other hand, gives me a sympathetic look with his intense black eyes.

Pagkalabas ko ng dorm ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. The sun is peeking behind those trees. Kalma rin ang dagat. Naglakad na ako papunta sa dalampasigan, bitbit ang tasang may lamang kape.

Pagkarating ko ay 'di ko inakalang maabutan ko si Mario. Nakaupo lamang siya sa isang malapad na bato. Sapat na para mauupuan niya. Pinaglalaruan niya ang buhangin habang nakatitig sa kawalan.

"I didn't expect I could find you here, Mario," I said.

Natataranta siyang napatayo nang marinig ako. "Lady Heshiena." He bowed his head. I scoff because of how he formally greeted me.

Sinenyasan ko naman siyang maupo. He offered me his seat, but I was quick to decline. Sa halip ay umupo ako sa buhanginan. He looked at me in confusion. Tila ba'y nagtataka siya kung bakit hindi ko 'yon tinanggap. I mean, I am aware of my class's position compared to the other cabins, but I didn't take it for granted.

I just don't want to live with the system.

"It's beautiful yet―"

"Empty." Napatingin ako sa kaniya nang dugtungan niya ang gusto ko sanang sasabihin. A bitter smile impetuously plastered upon his lips when he saw me looking at him. "A beauty to behold yet such painful to the heart," pahabol niyang sabi.

His eyes turned to white. Hindi ko maipagkakailang ang ganda ng mga mata niya. Pero mabilis akong napaiwas nang makita ko ang isang lalaking nakaluhod sa lupa, habang duguan. Mario was there crying while holding the man in his arms.

It's as if I was seeing a painful ghost of memories.

"The feeling to wake up for a brand new day, pero ramdam na ramdam mo pa rin 'yong kulang sa buhay mo," he shared. Ako naman ay napapangiti na rin nang mapait. We quite had the same experience in life. "'Yong pakiramdam na gusto mo na lang sumuko, pero kailangan mo pa ring lumaban," he scoff after saying those words.

Nabigla ako nang tumayo siya. Nakatingin pa rin siya sa kawalan. Habang ang mapait na ngiti sa kaniyang labi ay nandoon pa rin. Pinagpagan niya ang kaniyang suot na denim short bago ako tapunan ng tingin.

"Mauna na ako sa 'yo, Lady Heshiena. I have to prepare myself later in the race," pagpapaalam niya sa 'kin.

I was about to bid my goodbye, but he was rushing back to his cabin.

Nagpakawala na lamang ako nang malalim na buntonghininga. At muling tumingin sa karagatan. Ang kaninang mapait na ngiti sa aking labi ay napalitan ng panandaliang matamis na ngiti nang makita ko ang mga dolphins.

Masayang lumalangoy sa kalmadong karagatan.

"What a sight."

☽ ♆ ☾

Magkasabay kaming lahat na lumabas sa aming cabin. Nakasuot kami lahat ng chiton, Greek ancient garment. They were wearing a Doric chiton. It has a fold over at the top, attached with fibulae at the shoulders, and is belted at the waist. Except me.

I am wearing the Ionic chiton. Kulay sea-green naman ito.

Ionic chiton doesn't have the top and is a long enough rectangle of fabric that when folded in half can complete a wingspan. It was attached with fibulae all the way up both arms to join the front and back top edges of the fabric. It was also belted at the waist.

Sabi nila gawa raw sa wool ang Doric chiton, habang ang Ionic chiton naman ay linen. Hanggang ankles naman ang aming suot. At sandals naman ang aming footwear. Sina Ace at Blaze ay proud na proud na inilantad ang kanilang maskuladong dibdib.

Sina Mavros at Dash naman ay above the knee lang 'yong suot nilang chiton dahil maglalaro sila mamaya. Pinarisan naman nila ito ng chlamys. It is a seamless rectangle of woolen material. Chlamys served as a cloak and fastened at the right shoulder with a brooch.

Mavros' chlamys were black, and Dash's green.

Chry told us to stopped by in the school grounds before going to the dome. Dumaan kami sa hallway. As usual, napapayuko ng ulo ang mga estudyante kapag napapadaan kami. Makaraan ang ilang minuto ay narating namin ang school grounds.

My face instantaneously lighten up when I saw how lively this place now. May nakatayong mga tent sa bawat sulok. Iba't ibang klaseng booth. Pero karamihan ay mga tindahan ng pagkain. A smile quickly plastered upon my lips when I heard Ace giggled in excitement.

"We'll have our breakfast here," Chry announced. "Pagkatapos kumain ay magkita-kita ulit tayo rito," she added and excused herself until she lost in our sight.

Nagkaniya-kaniya na kami. Napaayos ako ng tayo nang mahagilap ng aking mata si Mavros na papalapit sa akin. My eyes grew wider when Violeta pulled me with her. Tiningnan ko si Mavros. Nakita ko siya napailing-iling.

"Ano gusto mo kainin, Heshiena?" tanong niya sa akin.

"Kahit ano," tipid kong sagot sa kaniya.

Nakahawak pa rin siya sa aking kamay. Ayoko namang sapilitang bawiin ito dahil baka ma-offend ko siya. Ayoko lang makasakit ng damdamin. Hanggang sa huminto kami sa isang tent na nagtitinda ng iba't ibang klaseng sandwiches.

Nagtitinda rin sila ng inihaw na pusit.

Naglaway kaagad ako sa inihaw. Kaya 'yon ang binili ko. Pinaresan ko na rin ito ng isang egg sandwich at warm water bilang panulak. Habang paupo na kami sa bakanteng lamesa ay napapansin kong parang balisa si Violeta.

Her eyes were wandering constantly. Tila may hinahanap.

"Violeta, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Bahagya pa siyang napalukso at napasinghap nang tabigin ko siya sa braso niya. Halos pa nga siya mapatumba dahil doon. She seem noticed me looking at her with worried in my eyes when she cleared her throat.

"I have the feeling something is going to happen." Kinilabutan ako dahil sa pinagsasabi niya. Talagang balisang-balisa siya. "Ito 'yon eh. Mangyayari na ba ang nasa propesiya?" takot na takot niyang sabi sa sarili.

Nanatili na lamang akong tahimik. To my surprise, lumapit sa amin si Mario. Ngumiti ito sa akin at tinanguhan ako. Pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin si Violeta.

"Can we talk?" Mabilis na kumunot ang aking noo.

Magkakakilala sila? Kailan pa? I just gritted my teeth to resist my curiosity. Isa pa, wala akong karapatan para pakialaman ang buhay ni Violeta. It's her privacy. Violeta was also quick to nod as a response, but she wasn't looking at Mario in the eye.

Nagpaalam silang dalawa. Hanggang sa nawala ang mga ito sa paningin ko. Despite that my mind tortured me with questions on how they became close, I still resist myself not to be nosy to someone else's businesses.

Natapos na lamang ako sa pagkain ay hindi pa bumabalik si Violeta. Dala naman niya ang pagkain marahil ay nakabalik na ito sa lugar kung saan kami dapat magkita ulit. Pagkabalik ko'y nandito na nga ang lahat, maliban sa kaniya.

"Where's Violeta? Akala ko ba kasama mo siya?" nagtatakang tanong sa akin ni Chry.

Tumango ako. "I was. Dumating si Mario para kausapin siya," sagot ko sa tanong niya.

Now everyone looked at me as if I was being serious. Their forehead furrowed simultaneously. Tila ba'y parang hindi makapaniwala sa narinig nila sa 'kin. Sa hindi malamang dahilan kinabahan ako. It's as if I committed a terrible crime.

"When did the two of them became close?" tanong ni Zuki. Sumunod naman ang pilyo niyang ngiti sa labi. "Well, I guess, the daughter of Aphrodite is dating with a new guy, huh?" he commented.

"It's not funny, Zuki," malamig at seryosong saad ni Chry. "That guy, Mario, you say?" dugtong niya. Zuki nodded. "Palagi ko 'yan napapansin umaaligid sa dorm natin." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Chry.

Napaisip ako ng malalim sa sinabi niya. Violeta indeed behave different when Mario approached us. She couldn't looked at him in the eye. It seemed like fear is taking over her system, and a trail of anger behind those pretty eyes.

Ayoko rin namang lumukso sa maling konklusyon.

And she also mentioned that she have the feeling that something is about to happen out of the blue. Kinakausap niya pa ang sarili niya tungkol sa propesiya. Nawala ako sa pag-iisip nang akbayan ni Zuki si Chry.

"Relax, leader," pagpapakalma pa ni Zuki kay Chry. "If something bad will happen with Violeta, do you think she can't handle it herself?" he added. "We already experience it firsthand," patuloy pa niya.

That somehow made the tension lighten up.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro