Nkri's Point of View
"Paris now prepared to sail to Greece to win his prize," Dash continued reading the book aloud. And to tell you honestly, it only makes my reading disturbed. "Upon arriving in Sparta, he was welcomed by King Menelaus, who offered him hospitality. Di-nagtagal, si Menelaus ay naglayag patungong Crete upang dumalo sa libing ni Katreus, ang Hari ng isla at siya rin ang Lolo sa in ani Menelaus. Naiwan niya naman si Helen sa kaniyang mga bisita," he added.
I tightened my jaw to resist myself from bursting.
Kanina pa siya ganito. Hindi ko alam kung talaga nga bang nagbabasa siya o 'di kaya'y gusto lang akong asarin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit kaming dalawa ang ipinadala para sa misyong 'to.
Napatingin ako sa paligid. We were surrounded with different kinds of food plants. Sa hindi kalayuan, tanaw ko rito sa veranda ang malaking corn field. Each edge of four corners of the farm, may mga nakatayong mga iba't ibang fruit trees.
May vegetables field din ang farm ni Mang Demetrio. At mukhang halos lahat ata ng gulay ay nandito na. Napili si Dash na maging isa sa top pick para sa misyong 'to ay marahil isa ito sa forte niya bilang anak ni Demeter.
Because his mother is known as the goddess of harvest and fertility.
"Paris took advantage of his absence to court Helen, and as soon as she was willing, he eloped with her, and the two set sail for Troy." Muli na namang umalingawngaw sa tenga ko ang nakakairita niyang boses.
Bigla syang napatayo sa kaniyang kinauupuan nang ma-proseso niya ang kaniyang binabasa. Tapos tinapunan niya ako ng tingin na tanging pagtaas lang ng kilay ko ang aking nagawa. Itinuro niya ang hawak-hawak niyang libro.
"What the f*ck? Hindi ganito ang mga lalaki, hoy!" reklamo pa niya.
Habang ako naman ay napailing na lamang. "That's his prize for choosing Aphrodite, Dash," pagre-recall ko sa kaniya sa binabasa niya kanina.
Bumagsak ang kaniyang balikat. "Sabi ko nga magbabasa na ulit," tila bata niyang wika. Sinundan niya pa ito ng pagnguso ng kaniyang labi.
"Paris' apparent kidnapping of Helen caused Menelaus to be deeply affected by the crime," huminto siya sa pagbabasa. The next I've heard is clicking his tongue in disappointment. "Sino ba kasing hindi?" umalingawngaw ang mataas niyang boses.
Pati mga magsasakang abala sa kanilang ginagawa ay napapalingon. He cleared his throat to break the awkwardness that he brought to himself.
"Nagalit si Menelaus, nag-alok siya ng mabuting pakikitungo kay Paris, at ganito ang ibabayad nito sa kaniya? Sa pagkidnap sa asawa niya?" Gusto ko matawa sa pamamaraan ng pagbabasa niya.
Binigyan niya ng buhay ang mga tanong na 'yon na tila nasa isang theater play.
"Menelaus thus went to his brother, Agamemnon, King of Mycenae, to ask him for permission to take war to the grounds of Troy. Sumang-ayon si Agamemnon sa mga pakiusap ng kaniyang kapatid at nagpadala ng mga mensahe sa buong Greece upang magtipon ng mga puwersa para sa ekspedisyong ito," pagpapatuloy niya sa pagbabasa.
"Tangina, madugong digmaan ata 'to," rinig kong bulong niya sa sarili.
Out of the corner of my eyes, I saw him constantly shaking his head. "Since all the former suitors of Helen were bound by oath to support her husband were she to ever be taken, most of the rulers and heroes of Greece were obliged to fight as Menelaus' allies. This being so, the Greeks marshal their forces, as Agamemnon is appointed the leader of the expedition." I heard him disappointingly heave a sigh.
Napahinto ako sa pagbabasa nang biglang tumama ang sinag ng araw sa braso ko. Napatingala din ako sa maaliwalas na kalangitan. Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ko ang mga alon ng dagat. The sea were as calm as blue as the sky.
I gasped for air when I saw a huge shadow of a bird.
"Samantala, nagpasya si Paris na ibalik si Helen sa Troy upang isagawa ang kanilang kasal." My forehead was quick to furrowed in suspicion. Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo't tumakbo papunta sa dulo ng veranda upang sumilip. "Tuwang-tuwa ang Haria at Reyna nang makita ang kanilang anak at hinayaan silang manatili, sa kabila ng mga babala ng kanilang anak na babae, ang nakatatandang kapatid ni Paris, si Cassandra."
I am pretty sure that huge bird will come cross above the house where we are staying. Gusto ko lang kumpirmahin ito. Nagsibagsakan ang aking mga balikat sa pagkadismaya nang wala man lang akong napala.
Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga, at madiing isinirado ang aking mga mata. Mukhang hindi ako napansin ni Dash dahil tutok na tutok siya sa kaniyang binabasa. A smile quickly plastered upon my lips.
Nang mapawi ito ay bumalik ako sa kinauupuan ko.
"Cassandra had the gift of seeing into the future, given by Apollo himself. But in exchange for the gift, she had to give her love and hand in marriage." I was about to continue the book I was reading when his forehead furrowed in disbelief. "However, after she received the gift, she broke her promise. Almost every woman Apollo loved, for example, Daphne, and Koronis, all had unfortunate endings."
Sa pagkakataong 'to, kumunot na ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Eyes that filled with question. Marahil ay nai-intriga siya sa sa dalawang ex-lovers ni Apollo.
"Cassandra didn't want to end up like them. Apollo was infuriated and changed Cassandra's gift into a curse." I heard him click his tongue. Kitang-kita ko pang gumalaw ang panga niya. "She would utter true prophecies, but nobody would believe her." Finally, he made a sour face, a sign he was disgusted.
Ibinaling ko na lamang ulit ang aking tingin sa aking binabasa. Nasa kalagitnaan na ako nito, kung saan kinidnap ni Hades si Persephone. Because of that, that made Demeter driven to madness.
She became obsessed with finding her daughter.
I just shrugged my shoulders. Ano pa ba ang ikinagulat ko? That's what a mother for you. They will find a ways to find their children even if it's impossible. Hindi siya mapapanatag kung hindi niya malalamang ligtas na ang kaniyang mga anak.
"Nagtipon ang mga Achaean sa daungang-lungsod ng Aulis, where the winds is needed to set sail had all but ceased. Sinabi ni Propeta Calchas na ito ay parusa mula sa diyosang si Artemis dahil sa pagpatay ni Agamemnon sa usa sa kaniyang sagradong kakahuyan," pagpapatuloy pa ni Dash sa pagbabasa.
Dash is reading about the Trojan War, me, on the other hand, reading about the abduction of Persephone. The Queen of the Underworld.
"And boasting that he was a better hunter than her. The only way to appease Artemis, he said, was to sacrifice Agamemnon's eldest daughter, Iphigenia―what?" Napatayo siya nang marahas dahil sa nabasa niya.
Trojan War is indeed messed up in so many ways. At hindi na ako nagulat pa sa naging reaksyon niya. We had the same reaction when I first read it. Well, what can I say, gods are being gods. They did something good, but they're also selfish.
A common nature we all have.
The deities' revenge stories―well, some of them are indeed deserved―but majority of them are shallow. The reasons are shallow. Isa sa halimbawa si Aphrodite. She is the jealous type of a goddess because she did not want any mortal to be more beautiful than her. I was about to respond to him when someone suddenly knocked at the veranda's sliding door.
"Doesn't mean to intrude, but." A skinny woman with a tanned skin spoke. "Pasensya na kung pumasok na ako. Kanina pa kasi ako katok na katok sa pintuan pero wala namang sumasagot," panghihingi niya ng paumanhin.
I just nodded at her once to tell her it was fine. She smiled. "Pinapunta kayo ni Mang Demetrio sa kubo upang mapag-usapan niyo ang pakay niyo rito," magalang niyang saad.
Dash and I exchanged looks. Kasabay nito ang pagtango namin sa isa't isa. "Lead the way," maikli kong sagot sa kaniya.
She nodded at us.
Kasunod ay ang pagtalikod niya sa amin. Iniwan naming pareho ni Dash ang librong binabasa namin sa aming inuupuan. Habang ang kapeng ininom ko ay naiwang hindi ubos. Nang makalabas kami ng bahay ay humampas ang malamig na hangin sa balat ko.
I think it did the same thing to Dash when he exhaled softly. Tila gumagaan ang pakiramdam niya. Nagsimula na kaming sumunod sa babae nang mapagtanto naming ilang pulgada na pala ang layo niya sa amin.
We rushed towards her. Kumakaway pa si Dash sa mga magsasakang nadadaanan namin. Habang ako naman ay nanatili pa rin ang pagiging seryoso. Binabagtas namin ang isang masikip na daan. Dumaan kami sa mga taniman ng gulay.
My forehead once again furrowed in confusion when I saw the other portion of their vegetable field was filled with tons of bird's feathers. Napahawak ako sa 'king baba. Ang kaninang hinala na nararamdaman ko nang makakita ako ng anino ng isang malaking ibon ay unti-unting bumalik.
Nabalik ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni Dash sa braso. Napatingin ako sa kubong nasa harapan namin. Ang laki nito't panigurado'y kasya na kasya ang mahigit tatlongpung katao. The woman gestured her hand to the door, telling us to get inside.
Sinunod namin siya. Nang makapasok kami sa loob ay tumambad sa aming dalawa ni Dash ang malaking statue ni Demeter. Nakaluhod si Mang Demetrio sa harapan nito't may nakaalay na mga iba't ibang klaseng gulay.
Maging mga prutas.
It's already unquestionable why they choose her to worship. A light bulb suddenly appeared above my head when I remember something. Papalapit na pala ang harvest season. Pagkatapos ni Mang Demetrio na iyuko ang kaniyang ulo sa harap ng estatwa ni Demeter ay tumayo siya't hinarap kami.
Sinalubong niya naman kami ng matamis na ngiti sa labi.
"Kamusta naman ang tulog niyo?" tanong niya sa 'min.
Dash snorted in excitement. "Napasarap po ng tulog. Ang lambot ng mattress. Hindi na kailangan mag-aircon kasi ang lamig sa gabi," he answered.
Dahil sa sagot niya ay mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Mang Demetrio. "Mabuti naman," puno ng kaginhawaan niyang sabi. "Nakapag-almusal na ba kayo?" Muli niyang tanong, pero nakatingin na siya sa malayo.
"Tapos na po," inunahan ko na si Dash sa pagsagot. He only nodded and look into the void. Tila ba'y may dinadalang takot. "Why can't we discuss the mission since we all are available," pag-aaya ko sa kaniya.
He hummed in agreement. Naglakad siya papunta sa sala ng kubong 'to. Sinenyasan niya kaming maupo sa sahig, habang may maliit na mesa sa aming harapan. Bumuntonghininga muna siya bago tignan kami sa mata.
"Nagsimula ito noong nakaraang dalawang taon," pagsimula niya sa kaniyang kuwento. Pumikit siya at lumunok bago ipagpapatuloy ito. "Masagana naman ang nagiging ani namin noon," huminto ulit siya.
His eyes couldn't set on us. Tila ba'y nagdadalawang-isip siya kung dapat ba niyang isatinig ang susunod niyang sasabihin. Nakita ko pa ang pagkagat niya ng kaniyang ibabang labi. At ang nagbabadya niyang luha sa mata.
Hinawakan ko siya sa kamay upang pakalmahin siya. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga't tinanguhan kami.
"Hindi naman sa sinisisi ko ang diyosa ng ani at pagkamayabong." May takot sa boses niyang patuloy. "Pero kasi noong nagtayo kami ng templo para sa kaniya dito mismo sa sakahan ko, tuwing papalapit ang harvest season, nasisira ang aming mga pananim," he finally stated the problem.
Muling bumalik sa isipan ko ang mga malalaking balahibo ng ibon. Wala naman kasing gano'ng kalaking balahibo, sa halip kung ang nagmamay-ari niyon ay isang halimaw.
"Baka po dahil sa mga hayop o 'di kaya'y sa panahon," Dash commented.
Mabilis na napailing si Mang Demetrio. "Nakakulong naman sa mga hawla ang mga alagang aso at pusa rito sa aming lugar, Dash. Sinisuguro kasi namin at ng aming barangay captain na makakasaka kami nang maayos," sagot niya.
"So, your only concern are those huge bird's feathers, am I right, Mang Demetrio?" tanong ko sa kaniya.
Dahilan para mapatingin siya sa akin na gulat. Maging si Dash ay nagulat din. Pero kalauna'y tumango siya bilang sagot sa tanong ko.
"I have a few in mind."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro