LII: Cursed Goddess
Heshiena's Point of View
Isang mahabang pangangapos ng hininga ang nagpabangon sa akin sa pagkakahiga. I fix my breathing first before my eyes wanders. My forehead instantaneously furrowed in confusion. Nandito ako sa lugar na tila isang templo. I kept looking to every side because I couldn't find a way out. Paano ako napunta rito?
Ang naalala ko, bago ako nalagutan ng hininga ay nasa loob pa ako ng dorm namin. I scornfully scoff when I remembered what Zuki said. How terrible my life is from the start. Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot.
Every corner of the hall, there are torches. It was supported by pillars. Karaniwang istraktura ng mga templo ng mga griyego. Ang ipinagtaka ko lang ay bakit walang labasan ang templo na 'to. Kinilabutan kaagad ako sa naisip ko.
Nasa underworld ba ako?
Hindi naman nagtagal ang pananakot ng sarili ko nang may mapansin akong mga salitang nakaukit sa mga pillars. Lumapit ako roon. Unang salitang nakita ay ang Chaos. Sa pinakadulo nito ay nakaukit naman ang salitang The Beginning.
Napahawak ako sa baba nang mapansing hindi lang sa mga pillars may nakaukit, maging sa kisame at sahig. Every words were carved. Napansin ko pa nga ang mga pangalan ng mga Olympians. At iilang mga minor deities na kilala ko.
"Where am I?" Umalingawngaw ang boses ko nang tanungin ko ang aking sarili.
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita. "You are in my temple," a distorted voice of a woman echoed. "You are here." Nakarinig ako ng mabigat na presensya sa kaliwang side ko.
At dahil doon ay napalingon ako. There I saw no one, only a white-colored wooden chair at edge of the hall. Sa hindi malamang dahilan bigla akong kinabahan. Humakbang ang aking paa patungo sa upuan na tila may sariling isip.
"Your heart seeks the truth." Muli ko na namang narinig ang boses na 'yon. It gives me goosebumps. It's as if her voice can blast things hundred yards away. "For I am the one who knows everything," she said.
Huminto ako sa paglalakad nang maaninag ko ang isang malaking estatwa na hindi ko nakita mula sa kinaroroonan ko kanina. Sa harap naman nito ay ang upuang kulay puti. Maging ito ay may mga nakaukit na salita.
Tumingala ako para tignan ang hitsura ng estatwa.
Napatingala ako dahil sa taas niya. Mas mataas pa ata ito sa mga estatwa na nakita ko sa claiming chamber ng academy. It's a statue of a woman who had a beautiful but stern face. Her hair curls around her face. She was wearing a robes covered in intricate black words.
Napasinghap ako nang makaramdam ako ng presensya mula sa likod ko. Mabilis akong napaharap. There, finally, I saw a woman who looks the same as the statue. Hindi ko alam kung bakit, pero nanginig ang aking tuhod.
Just a presence, she had that kind of impact.
"I know everything about you," she said. Napaalerto ako nang ikutan niya ako. She even looking at every piece of myself. "A goddess who was cursed," pagpapatuloy niya.
When she mentioned that, it hurts. Lahat ng mga sinabi ko noon na baka isinumpa ako ng Diyos dahil sa lahat ng pinagdaanan ko. I couldn't believe I came to the point knowing it's true.
"Trauma," she said. Sinundan naman niya ito ng pagsinghap dahilan upang umalingawngaw ito sa lugar na 'to. "Heart that full of hatred." Napayuko ako ng aking ulo. Bumagsak ang aking mata sa sahig. She then clicked her tongue and shook her head. "But despite of that, the spirit of hope is still burning inside."
"Who are you?" I finally asked the question that has been running through my mind. "Your presence is different―" she immediately cut me off.
"Indeed," she said. She then looked me in the eye. I was so surprised when I was able to meet her gaze. "Impressive. The divinity within you is slowly awakening." Nakangiti niyang sabi.
Huminto siya sa paglalakad paikot sa kinatatayuan ko. Naglakad siya papalapit sa mga pillars. She even caressed them gracefully. And trace all those carved words with her fingers.
"I am one of the beings who came first before the gods you all know as Olympians," she said. Dahil dito ay nagsilakihan ang mga mata ko. Huminto siya sa paghimas sa mga pillars at hinarap ako. "And now . . ."
I was taken aback when she suddenly appeared in front of me.
"What do you seek, brave one?" she asked.
Hinawakan niya ang aking baba at inangat ito.
"My mother." She smiled when she heard what I said, "and truth about myself," dagdag ko pa.
Tumatango-tango pa siya habang binibitawan ko ang mga katagang 'yon. I was quick to look behind my back when I noticed her eyes went through me. Doon ko nakitang nakatingin siya sa white-colored wooden chair. Sa isang iglap, nakaupo na siya roon.
"This is the Throne of Memories," she said. Pagkatapos ay bumalik siya sa harapan ko. "All you have to do is to sit and you shall find answers to what you seek," dagdag niya.
Tiningnan ko siya sa mata. Doon ko lang napansin kung gaano kalinaw ang mga 'yon. Napasinghap pa ako nang masilip ko ang sarili kong memorya noong araw na pagdating ko sa academy. Humanga ako, pero may kasamang takot.
They're purple, but have a reflection, almost like a mirror.
"Why are you helping me, titaness of memory?" Maging ang aking sarili ay nagulat nang mapagtanto kung ano ang tinawag ko sa kaniya.
How did I know that?
"You came to me, my goddess."
Mas nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Katulad lamang ng tinatawag sa akin ni Katarina. I was about to asked one last thing when she suddenly disappeared into thin air. Dahil dito ay napabuntonghininga na lamang ako ng malalim.
Humarap ako sa upuan na tinutukoy nito bilang trono ng mga alaala. I heaved a sigh once again to calm my nerve. Hanggang sa napagdesisyonan kong umupo. Nang makaupo ako ay tila hinila ang buong pagkatao ko ng isang puwersang hindi ko naman nakikita.
Makaraan ang dalawang segundo, nag-iba ang paligid. Nasa labas ako ng munting bahay ng unang mga kinikilala kong magulang. Literal na nasa loob ako ng sarili kong alaala. Napalingon ako sa aking kaliwa. There I saw a vast ocean.
"Sab, halika na, magdidilim na!" Tila pinunit ang puso ko nang muli kong marinig ang boses ni Mama Maria.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang batang si Sabrina, naglalaro ng buhangin sa dagat.
Tumakbo kaagad ito papunta kay Mama Maria nang marinig ang sinabi nito. Sinundan ko sila hanggang sa bahay. Pumunta ako sa nakabukas na bintana sa kusina.
Bumuhos ang aking luha nang makita ko si Papa John. Nagluluto ito ng pritong isda. Sa kabilang banda, nahagilap ng aking mata na binihisan ni Mama Maria ang batang si Sabrina. Ngunit makaraan nang ilang segundo ay bigla itong bumagsak sa sahig at sumigaw na tila nasasaktan.
Napatakbo si Papa John papunta sa batang si Sabrina.
Biglang kumulimlim ang kalangitan. It was then followed by deafening thunder and lightning. And a violent gust of wind. Sumunod ang malakas na ulan. Just as I remembered. Muli akong napatingin sa loob ng bahay.
"The moon," I whispered to myself.
Biglang umalingawngaw ang sinasabi ni Zuki no'ng bago ako malagutan ng hininga. Ang kaninang nagwawalang batang si Sabrina ay mabilis na bumalik sa dati. Kumuha ng kahoy na hagdan si Papa John at umakyat upang ayusin ang bubong na gawa sa nipa.
Habang si Mama naman ay nakahawak sa hagdan upang maiwasang bumagsak si Papa.
And then a lightning strike happened. I saw the eyes of young Sabrina changed its color into gold before losing her consciousness. Habang sina Mama Maria at Papa John ay duguang napabagsak sa sahig.
"No!" I fell my knees to the ground.
Nanginig ang aking mga labi sa nasaksihan.
Tuluyang nagsibagsakan naman ang mga luha ko sa mata. Flashes of memories is the next thing that happened. Palaging present ang buwan sa mga alaala ko. Full moon, to be exact. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko sa sobra-sobrang nalaman ko.
I've caused their demise.
I am the one who killed them.
Pagsisisi at hinagpis ang tanging alam ko sa mga oras na 'to. Ang sira-sirang buhay na sinapit ko ay mas lalo lang nasira sa pagdaan ng panahon. Halo-halo at sabay-sabay na emosyon.
"Make it stop," I pleaded under my cries. "Please, make it stop!" muli kong pagmamakaawa.
But no one listened. It didn't stop. Durog na durog na ako. Pagod na pagod na ako. Hanggang kailan ko ito maranasan? Hanggang kailan hihinto ang mga paghihirap ko? I scoffed with a bitter smile plastered upon my lips.
"Filia Diana aeternum patietur. Merces pudicitiae matris erit!"
My heart shattered into pieces when I understood what Zeus' said; Artemis' daughter will suffer for eternity. She shall be the compensation for her mother's chastity!
"I'm sorry, child. You should have never been born. It's a mistake."
Tama nga ang sabi nila. Masakit ang katotohanan. Pero mas masakit isipin na ginawa akong kabayaran sa kasalanang hindi ko naman ginawa. My mother, Artemis, the goddess of chastity, hunting, and the moon, chose to abandon her daughter over her reputation.
Nothing new. The deities will only save their asses first over anything.
Ang mabigat na nararamdaman ko kanina ay gumaan kahit papaano nang makita ko ang mga alaalang kasama ko ang mga Anostatos. They're the only one who accepted me with open arms. After the flashes of my memories with the Anostatos, it stopped.
Walang lakas akong tumayo sa pagkakaupo sa trono ng mga alaala. At pinunasan ang aking mga luhang hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil sa pagtulo sa aking mga mata.
"Heshiena." The anger prevailed within me when I suddenly heard her voice inside my head. "I know . . ." her voice cracked, "you are angry, and I have no excuse for that," she added. I heard her cleared her throat. "I, Artemis, the goddess of chastity, hunting, and the moon, claim you as my daughter," rinig kong sabi niya.
Naramdaman ko ang kapangyarihan na nagsitakbuhan sa mga ugat ko. It felt powerful, and dominant. But that doesn't change what I felt for her. What I felt for the gods. Ang galit sa puso ko'y mas lalong umusbong matapos malaman ang katotohanan.
"I have no right to say this to you, but there are deities who are after you, Heshiena," muli niyang sabi. Habang ako naman ay nanatiling tahimik. "They will use your vulnerability for the end of―"
"The end of Olympians." I impetuously cut her off by telling her the exact words she wanted to say. Namayani ang katahimikan sa pagitan sa aming dalawa. "Isn't it that convenient for me?" I threatened her.
Couple of seconds later, she answered.
"You shouldn't threatened me like that, Heshiena," may pagbabanta sa boses niya.
"Because you're an Olympian? Because you're a major deity?" I scoffed. "Did you even express your remorse when you chose your reputation over your own daughter?" I couldn't help myself but raise my voice against her.
The temple shook slightly because of my voice.
"Of course!" Sigaw niya pabalik sa akin. "What makes it painful is I didn't wish you to came into my life! Your existence destroyed my eternal oath." Mas masakit pala talaga kapag sa kaniya mismo galing ang mga salita. I heard her once again cleared her throat. "You have already my blessing. And I guess you have now your answers," pag-iiba niya ng topic. "You may now wake up," dagdag pa niya.
"And why would I trust you?" tanong ko.
"Your friends need you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro