Life After You
Napangiwi ako ng isang hindi inaasahang sipa ang dumapo sa tiyan ko, nakita kong nagalala si Jiro at hindi nakahuma inakalang magpapagapi ako dahil lamang sa isang sakit na saglit lamang ang epekto. Ipinukos ko ang mga mata ko sa kanya at pinag aralan ang kanyang kahinaan. Dahil nalingat siya nagkaroon ako ng pagkakataon na makabawi, umikot ako at umigkas ng buong lakas ang paa ko sa pisngi niya. Hindi rin nito inasahan ang galaw na iyon kaya hindi ito nakaiwas. He was flat on his back when I smiled and gave him a hand. Bago pa niya makuha ang kamay ko ay naroon na si Ark.
Lumuhod ito sa tabi ni Jiro at tinitigan ang nakabulagtang kaibigan. Sabay ang malakas na tawa. "Ano tol, nakilala mo na si San Pedro?" pang aalaska nito. "Kawawang nilalang. Tumayo ka diyan tol nakakahiya ka!"
"Gago!" umigkas ang kamay ni Jiro at tinamaan ang ilong ni Ark. Ang tawa nito biglang naging hikbi. "Gago ka kapag nasugat 'to! Akin na 'yan Sofia!" pikon at sapilitang niyang inagaw ang gloves sa kamay ko at hinamon si Jiro ng suntukan. "Tara, suntukan! Akala mo hindi kita papatulan kahit bogbog sarado ka na! Hindi ako maawa sa'yo!"
"Ganyan ang napapala ng mga pakialamero, nasasapak!" ganti ni Jiro na balewala nang nakatayo parang hindi nasaktan. Hindi rin naman talaga nito gaaanong ininda ang sipa ko, pakiramdam ko ang nashock lang talaga ito sa naging bilis ng galaw ko.
Magpapambuno na sana ang dalawa kung hindi ako pumagitna. "Hep! Hep! Hep! Tama na 'yan ha. 'Wag ka nang mapikon Ark, bagay naman sa 'yo ang namumulang ilong eh. Kamukha mo na si Jacob Elordi."
"Who the fuck is Jacob Elordi?" tiningnan niya ng masama si Jiro. "Hindi pa tayo tapos ah!"
"Basta gwapo 'yon!" sabi kong nakatawa at nakaakbay sa kanilang dalawa. Para akong lulutang sa sobrang tangkad nilang dalawa halos hindi na sumayad ang paa ko sa sahig.
"Ang daldal mo!" ganti ni Jiro.
"Pikon ka lang." ani Ark tapos ako ang binalingan. "Sofia, gumagaling ka na ah."
"Ako pa ba? Wala akong hindi kayang gawin ano." sabi ko, sabay padaan ng hinlalaki sa gilid ng ilong. Sa tuwing hapon at walang activity sa club dito ako sa taekwondo training room namamalagi. Kailangan kong maging malakas, hindi na ako babalik sa dating Sofia na malamya at walang kalaban-laban. Wala na akong ibang aasahan kundi sarili ko nalang, wala nang magtatanggol sa akin ng katulad ng pagtatanggol na ginawa ni......Jave.
Isang buong school year na ang lumipas simula ng mawala siya sa Westside, sa buhay ko at sa buhay naming lahat. Maayos na ang buhay ko ngayon sa school bilang isang normal na estudyante. Matapos mawala ni Bella sa University ay hindi na ganoon kasama ang tingin sa akin ng mga estudyante. Hindi na nila pinagdudahan ang existence ko sa school dahil siniguro ni Jave na magiging kapantay ko ang mga estudyante ng Westside. I started to make friends. Marami na din ang pumapansin at kumakausap sa akin, hindi dahil bad boy's princess ako kundi dahil regular akong estudyante ng school.
I had learned to be tough and strong. Kahit sa mga assignments at projects ko sa school hindi ako nagpapatulong sa impluwensya nila Ark at Jiro. I had climbed to a higher number as well, I did it on my own and I was proud of it. Magaling na ako sa Judo at Taekwondo, kaya ko ngang patumbahin si Jiro kapag distracted ito eh. Magaling na rin akong magmotor--scooter pala. Kailangan ko iyon dahil sa tuwing weekend nagtatrabaho ako sa hotel nila Dianne bilang chambermaid. Kailangan kong kumayod para sa araw-araw kong pangangailangan at pati na rin sa mga projects. Lihim din akong nagpapadala sa Tita ko ng pandagdag sa kabuhayan nito dahil nang minsan akong bumisita doon ay talagang hirap itong itaguyod ang dalawa nitong anak na mag isa.
Tanging ang scholarship ang tulong na pinabayaan kong ibigay sa akin ni Ms. Ysabel, I had to face the reality na hindi ko kakayanin ang tuition kahit pa magpawis ako ng dugo. Hindi ko ginalaw kailanman ang kayamanang nakapangalan sa akin dahil alam kong dugo at pawis ng mama ni Jave iyon at inilaan nito ang lahat ng iyon para sa anak. Hindi ko pwedeng agawin kay Jave ang simbolo ng pagmamahal ng ina niya sa kanya.
Ilang beses kong naisipang umalis ng Westside at lumipat sa public University, pero ilang beses din akong kinontra ng sarili kong puso. Sa kaloob-looban ko alam kong babalikan ako ni Jave, at ang Westside ang unang lugar na pupuntahan niya. Kahit anong mangyari, hindi ako aalis.
Jave had sacrificed a lot for me because I was weak. He even had to put up a ridiculous show that he was with Bella and had nothing to do with me so he could protect me. Kung hindi ako lampa at tatanga-tanga, hindi kailangang gawin ni Jave ang ginawa niya. Hindi sana siya matatakot na mawala pasumandali kung alam niyang kaya ko naman ang sarili ko. He even had to lie to me to save me, and that really had hurt my soul. Kaya ngayon gagawin ako ang lahat para maging malakas, matapang at maabilidad kagaya niya. Sa pagbabalik niya, ako naman ang poprotekta sa kanya, ako naman ang mag aalaga, at ako naman ang magmamahal sa kanya ng walang kondisyon at walang hanggan.
Sa kasamaang palad ni isang balita tungkol sa kanya ay wala akong natatanggap. Hindi ko alam ang naging resulta ng operasyon niya at hindi ko rin alam kung nasa isip at puso niya pa rin ako pagkatapos noon. Araw-araw ko siyang hinihintay. Araw-araw akong nananalangin sa Diyos na sana mabigyan ako ng pagkakataon na maibalik kay Jave ang lahat ng kabutihan niya sa akin. Hindi na ako makapaghintay na muling mayakap at mahagkan ang nag iisang Paniki ng aking buhay!
"Sofie, we need to go.. Alam mo na, life's on the way kailangan na naming bumalik sa opisina." ani Jiro pagkatapos naming sabay na maglunch sa school canteen. Graduate na sila at kasalukuyang intern na kanya-kanyang kompanya. Si Jiro ay dedicated sa trabaho samantalang si Ark bihira lang kung pumasok. Ang pagkanta at pagtogtog talaga ang hilig nito, pagkakaalam ko nga ay malapit na itong itakwil ng sariling ama sa dami ng kapalpakan nito sa opisina.
"Sure." mahina kong turan. "Balik kayo ha?"
"Oo naman. Lagi ka naming babantayan dito, kapag may umepal alam mo na kung kanino ka tatakbo!" may pakindat pa si Ark. Natawa ako. Gumagaan kahit papaano ang dibdib ko kapag bumibisita sila. They never failed to remind me of Jave. Magkakadugtong nga ang bituka nilang tatlo, sa gitna si Jave dahil ang ugali nito ay pinagsamang ugali nina Jiro at Ark. Kumusta na kaya si Jave? Ano kaya kung nagiintern na din ito sa Santillan Empire? Ano kaya ang magiging itsura niya kapag nakasuit and tie at pumapasok ng 8-5 sa opisina? Kakayanin kaya ng maiksi nitong pasensya? Haay. Sana bumalik na siya. Miss na miss ko na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro