Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9. Complication


Ysabel

 "He has grown up to be the beast you expected him to be.." mahina kong usal na alam kong naririnig ni Papa sa kabilang linya. Pareho naming pinapanood ang laro ni Jave sa school kanila lang. Ginusto kong pigilan iyon pero si Papa mismo ang nagsabing hayaan ko.

" A beast with chains on it's neck. If you want to see it's full power and ferocity you have to unleash it. Right, Ysabel?"

Kinabahan ako sa sinabi ni Papa. "What do you mean?"

"We need to get rid of the girl he's crazy about right now."

"You're sick. You can't do that, Jave will be a catastrophe."

Tumawa ang matanda sa kabilang linya. Doon ako mas lalong kinabahan dahil alam kong hindi siya makikinig sa akin.

"Exactly what I mean, and what I intend to do.."nanginginig ang tawa sa boses niya. "I want to see how evil,how cunning and how desperate my youngest son can be."

Napapikit na lang ako. "If he gets out of hand, bahala ka. Don't tell me I didn't warn you." kusa kong pinatay ang telepono nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. Mag-ama nga talaga sila. Parehong may tama sa ulo.



SOFIA

Ilang oras nang tulog si Jave sa kama ko. Kinakabahan ako sa tuwing magri-ring ang cellphone ko knowing na si Ms Ysabel ang tumatawag. Hindi nito pwedeng malaman na nandito si Jave kundi magkakagulo sa buong dorm.

Kahit sobrang asar ko hindi ko pa rin magawang gisingin si Jave. Mapayapa siyang natutulog na parang anghel sa kama, nakabuka man ng bahagya ang bibig mas lalo lamang itong pumogi sa paningin ko. Nakayakap siya sa unan ng mahigpit na para bang may kung anong pinanggigigilan kahit na sa panaginip.

"Jave! Gising ka na?" kaagad kong tawag nang mapansin kong gising na siya. Nagtago siya ng mukha sa hawak na unan. "Alam kong gising ka na wag kang umarte dyan!"

"Tulog pa ako."

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Bumangon ka dyan habang kaya ko pang pigilan ang inis ko sayo!" Hinila ko mula sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha. Nakakalokong ngisi ang sumalubong sakin.

"Ano ba iniistorbo mo ang pasyente---AAHHHH!!" sigaw niya nang pitpitin ko ang tainga niya.

"Nakakainis ka muntik na akong mawalan ng malay sa pag aalala sayo kanina kaya wag mo akong artehan ng ganito Jave Santillan! At saka anong pasyente, hindi hospital 'tong dorm ko"

"AArayyy, a-ng sakit tama na!" reklamo niya sa nakangiwing mukha. "Ano ba Alien sumosobra ka na, baka gusto mong--"

"Ano??" singhal ko sa nanlalaking mga mata.

"Baka gusto mong bitiwan ang sakit na ng ingrown ko--"

"Anong ingrown ang sinasabi mo dyan?"

"Ang hikaw ko bumabaon sa tainga ko!"

Ayts. Muntik na akong maniwala, titingin pa sana ako sa paa niya. Dahil dun nakaalpas siya kaya kinailangan kong habulin papunta sa kabilang kama habang hinahagisan ng mga unan. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi gumagaan ang pakiramdam ko, kanina pa ang bigat ng dibdib ko sa sobrang pag aalala sa kanya.

"Ano bang kasalanan ko eh gusto ko lang namang makita ka, malabong papasukin mo ako dito sa dorm at patulugin sa kama mo kung hindi ako aacting di ba? Gumagawa lang ako ng paraan para magkasama tayo, palibhasa wala kang kaeffort effort. Sa gwapo kong 'to ikaw pa ang may ganang maging choosy, dapat nga nagdadasal ka sa simbahan ng paluhod sa altar dahil pinatulan kita. Napaka-ungrateful na Alien--"

"Ikaw naman selfish na Paniki! Hindi mo iniisip kong ano mararamdaman ko. Hanggang ngayon nanginginig ako sa kaba, alam mo ba yun?" ako na din ang sumuko. Kahit ilang unan pa ang ibato ko sa bungo ng Paniking ito alam kong walang mangyayari mapapagod lang ako.

Napatitig ako sa cellphone ko nang muling magring iyon. Alam kong si ate Ysabel iyon. "Kanina pa tumatawag ang ate mo, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong magsinungaling."

"Hayaan mo siya. Malamang alam na niya nangyari sa mongoloid na si Xymon. Nagwawala na naman ang matandang dalaga!" nilapitan ni Jave ang cellphone ko at pinatay iyon.

"Bakit hindi mo sagutin?" tanong ko.

"Ano sasabihin ko? Magkasama tayo sa dorm? Tinanan mo ako?"

"Magseryoso ka nga!" angil ko sa kanya. Ngumisi lang si Jave at tumabi sa akin sa kama. Hindi siya nagsalita sa halip ay tinitigan ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.

"Seryoso naman ako eh. Sayo."

Alam kong nagloloko lang siya pero hindi ko mapigilan ang kiligin.

"Alam mo kung ano talaga gusto kong sabihin sayo? Gusto kong sabihin na good job, naisipan mo akong tawagan kanina. Naisipan mong nandito ako, at ipagtatanggol kita kahit kaninong demonyo."

"Pinagsisisihan ko yun ngayon. Dapat hindi kita sinali, hindi sana naging ganito kalaki ang gulo. Sana sumama nalang ako ng maayos sa grupo nila Xymon--"

"Darn it, Sofia!" Nanginig ako sa biglang pagbabago ng mood ni Jave. Kung kanina ay sweet at maaliwalas ang mukha nito ngayon kaagad na napalitan ng dilim. "I hate it when you talk nonsense."

"Totoo naman. Hindi mo alam kung paano kontrolin ang sarili mo Jave. Muntik mo nang mapatay ang mga estudyanteng yun kanina, alam mo ba yun?"

"I can drag anybody down to hell if they tried to hurt you!"

"I know exactly what you are capable of Jave. At nakakatakot na, kahit ako natatakot na sayo. Kaya please, tama na ang basag ulo. Tama na pagtatanggol sa akin simula ngayon, kaya ko na ang sarili ko. Wag mo na akong pakialaman."

Napatitig ako kay Jave at sa biglaang pagbabago ng aura niya. Sa likod ng maamong mukha nito ay ang hindi mapapantayang bangis. Para siyang natutulog na leon na sa oras na magising ay lalapain ang kahit na sinong nasa harapan.

Tumawa siya ng mapait. "Pagkatapos kong isugal ang buhay ko doon yan lang ang maririnig ko sayo?"

Hindi ko kinayang tumitig sa nangangalit na mga mata ni Jave. Yumuko ako ngunit hinawakan niya ako sa baba upang magtagpong muli ang mga mata namin. "Look at me when I'm talking to you. And you better listen very well...what happened in the court earlier was a battle. I needed to do what I had to do to survive. Dahil kung naawa ako, at nagpakita ng kahit na anong kahinaan, baka wala na ako sa harap mo ngayon. Baka ako ang nasa hospital, baka ako ang namatay! Hindi mo kilala si Xymon at ang grupo niya. Hindi lahat ng tao mabait kagaya mo Sofia, merong kagaya ni Xymon na mainit ang dugo hanggang ngayon dahil naghahanap ng pagkakataong makaganti! At gaganti siya sa kahit na paanong paraan. Naunahan ko lang siya kanina, he would have killed me if he had the chance."

"Jave.." nanginginig ang bibig ko.

"Natatakot ka sakin?"

"Hindi."

"Hindi pero nanginginig ka?"

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Akala ko iba ka. Kagaya ka rin pala nila, takot na takot " umiiling siyang tumayo at tinungo ang pinto.

"Jave wait!" tinangka ko siyang habulin. Hinawakan ko siya sa braso pero marahas niyang tinabig iyon dahilan para mapasigaw ako sa kaba. Ibang-iba ang mga mata ni Jave sa gabing ito, parang kumikislap ng kasamaan. Parang hindi ko na siya kilala..

"Scared, are you? Stay the hell out of my sight Sofia. Kung natatakot ka sakin, tumakbo ka palayo doon sa hindi kita kayang abutin.."

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Alam ko sa puso ko gusto ko siyang habulin at kalmahin pero hindi maipagkakaila ng katawan ko ang takot na nararamdaman ko. Pinilit kong gumalaw upang habulin siya sa labas pero mga paa ko na mismo ang tumututol. Tinanong ko ang sarili ko. Kelan ba ako sinaktan ni Jave? Maraming beses na siyang nagalit sa akin pero ni minsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Bagkus pinoprotektahan niya ako kahit isugal niya pa ang sariling buhay. Walang dahilan para matakot ako sa kanya. Mahal ko si Jave kahit na sino pa siya..

Tinakbo ko ang pasilyo palabas ng dorm. Hindi pa siya nakakalayo dahil alam kong wala siyang dalang kotse.

Nakita ko ang bulto niya papalayo ng dorm, mabilis ang lakad niya dahil sa galit pero pilit ko pa ding hinabol.

"Ja-" tatawagin ko sana siya pero hindi ko naituloy nang isang magarang kulay silver na kotse ang huminto sa harapan niya. Kinabahan ako dahil baka kaaway, hindi pamilyar ang mamahaling kotse na iyon dito sa University.

Nang bumaba ang passenger window nito isang middle aged man ang sakay niyon. Matanda na ngunit kitang-kita sa postura ng mukha nito ang pagiging aristokrato. Kamukha ito ni Ms Ysabel..

Napasinghap ako ng maisip kung sino ang lalaking iyon. Napatakip ako ng bibig ng biglang lumingon sa akin ang matanda at tinitigan ako ng matalim. Tila niyaya nitong sumakay ng kotse si Jave.

Ilang minuto nang nakakaalis ang silver na kotse ,hindi pa rin ako magalaw sa kinatatayuan ko. Si Mr. David Santillan ba ang matandang iyon? Umuwi na siya ng Pilipinas? Ang mayaman at makapangyarihang ama ni Jave..

Muling tumunog ang cellphone ko. Si Ms. Ysabel.. nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko iyon. "Ms. Ysabel...?"

"Goodness Sofia! Bakit ngayon ka lang sumagot? Si Papa papunta na siyang University hinahanap si Jave! Malaking gulo ang ginawa ni Jave ngayon, bakit niya binogbog ulit si Xymon Fuentebella eh alam naman niyang hindi na niya pwedeng kantiin ang batang yun! Galit na galit ang mga magulang ni Xymon baka kung ano ang gawin nila kay Jave! Nasan si Jave ngayon?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"We had an agreement with Xymon's parents in the past. Hindi na siya pwedeng saktan ni Jave and yet my stupid and disastrous brother did it again! I'm asking you where is he now?"

"Sinundo siya ni Mr. Santillan.."

"Ni Papa? Sigurado ka?"

"Opo."

Dahan dahan kong binaba mula sa tainga ko ang cellphone. Ano ba talagang nangyayari...?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro