Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


“Alam mo tama ka eh. Dapat sa mga oras na ito tinatawagan ko na si Jave. Baka kailangan na nga ng tulong ni Zirk sa maduming laro ni Xymon. Hindi naman kasi palaaway si Zirk at hindi siya sanay sa ganito kaduming basketball. Baka kailangan na ngang basagin ni Jave ang pagmumukha ng Xymon na yan para matuto. Hindi na siya nakakatuwa eh sampu ng buong team niya.” hindi ko napigilan ang bibig ko. Natawa ako nang gumuhit ang asar sa mukha ni Bella. Hindi niya siguro ini-expect ang sagot kong iyon. “Ini-expect mo sigurong kapag nanalo sina Xymon ay basta nalang akong sasama sa grupo nila? Nagkakamali ka. Wala akong sinabing pumapayag akong gawing trophy dito. Bakit ako matatakot kung nasa Westside ako. At huling check ko teritoryo ito ng boyfriend ko!”

“Ang yabang mo.” narinig kong bulong niya. Lihim na napangiti ang dalawa kong kasama sa pagkapahiya ni Bella. Ganitong laban pala ang gusto niya ah. Sige, hindi ko siya aatrasan. “Wag mo ngang idadamay si Jave dito. Ginawa mo ang gulong ito. Lutasin mo ng mag isa. Hindi mo ba nakikita kung gaano kabrutal ang grupo ni Xymon. Masasaktan lang si Jave--”

Anong problema niya? Kanina lang sinasabi niyang tawagan ko si Jave? Bakit nagbago yata ang isip niya? Gusto kong magdiwang sa nakikita kong mukha ni Bella ngayon, namumula siya sa inis pero wala na siyang maibato. Gusto niya akong saktan pero hindi niya magagawa sa harap ng mga taong ito dahil masisira nga naman ang iniingatan niyang goddess-of-kindness image. Pwe! “Hindi mo pa nakita kong paano maglaro si Jave.” taas noo kong sagot. “Baka magulat ka at maintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng salitang Demon Rex?” inangat ko ang cellphone ko at idinayal ang number ni Jave. Sa totoo lang kinakabahan ako sa ginagawa ko, pero kapag natangay ako ng grupo ni Xymon at wala akong sinabi kay Jave, magwawala yun. At mas takot ako sa boyfriend ko kesa kanino pa mang hudas dito.



Jave POV

Kakatapos lang ng isang mahabang lecture. Ang sakit ng balakang ko kakaupo walanghiya. Para akong na-rape ng isandaang bulldog. Tsk. Binasa ko ang mga papel na dapat naming kompletohin sa third quarter ng taon. Hmmm. Kailangan ko ba talagang gawin to? Iniisip ko palang napapagod na ako.

“Saan ka mag-iintern?” tanong ni Jiro.

“Sa company niyo.” sagot ko.

Napaubo siya ng malakas at matalim na tumingin sa akin. “Baliw ka ba? Gusto mo bang durugin ng kapatid mo si Papa? Wag kang mag-aappply samin, doon ka sa Santillan Empire hinihintay ka ni Ate Ysabel doon.”

“Oo nga Jave. Nakakatakot kaya ang Ate mo alam mo ba yun? Halos lahat ng mga business owners dito sa Pilipinas hawak sa leeg ni Ate Ysabel kaya maawa ka sa kompanyang papasukan mo. Sumunod ka nalang kasi sa kanya.” segunda ni Ark.

“Hay. Ang kulit niyo naman eh. Kapag nag-intern ako sa ‘min, hindi trabahong pang-intern ang ibibigay ng mangkukulam na yun sakin. Matinding mang-alipin si Ysabel, palibhasa matandang dalaga, malapit nang tirhan ng gagamba ang matris nun, baka matuyuan ako ng dugo sa kanya, ayokong ma-haggard dahil baka pumangit ako iwanan ako ng girlfriend ko. Hindi ko ita-take ang risk na yun!”

Natawa sila sa sinabi ko. Totoo naman. Kailangan kong alagaan ang image ko noh, lalo pa’t hindi na kami magkasama sa bahay ni Sofia ngayon. Kailangan pagwapo nang pa-gwapo ang tingin niya sakin sa tuwing makikita niya ako. Yun ang goal ko ngayon, kaya hindi ko kailangan ng stress sa buhay ko.

“Eh san mo naman balak mag-apply? Walang tatanggap sayo noh!” sabi pa ni Ark.

“Eh di doon ako sa hindi hawak ni Ysabel.”

“Alam ko na! Doon ka SmartView! Naalala mo si Mrs. Demetri? Pwede kang mag-apply sa kompanya niya. Nakakatakot na Boss nga lang din yun kagaya ng Ate mo pero tatanggapin ka niya sigurado.”suhestiyon ni Jiro.

Inirapan ko siya. Naalala ko ang bwesit niyang asawa. Muntik pa akong makulong sa Korea dahil sa ungas na yun. “Hindi na noh. Ako na ang bahala, bakit ba ako ang iniintindi niyo eh pare-pareho tayong lalabas ng school dito.”

“Baka kasi bigla kang tupakin at hindi mo gawin ‘to. Hindi pa naman normal ang takbo ng utak mo.” komento ni Jiro.

“Hoy. I am a changed man now, ok? Hindi ko kailangang magbolakbol dahil ano nalang ang ipapakain ko kay Sofia kapag kinasal na kami? Hindi naman pwedeng alikabok ang isubo ko sa kanya di ba?”

“Oh my God. Praise the Lord Hallelujah.” biglang singit ni Ark na nakalahad ang mga palad sa langit. “Sa wakas, umepekto na ang pagpi-pray over namin sa kaluluwa mo Jave!”

“Anong kaluluwa?” binatukan ko siya. Mas mabilis ang kamay ko sa ilag niya kaya sapol. “Buhay pa ako tanga. Mesa ka din eh. Mesahayop kang hayop ka! Umalis ka sa harap ko sisipain kita!” bago ko pa man magawa yun tumunog na ang cellphone ko.

Uy! Ahem! Ang girlfriend ko, mukhang miss na miss na ako neto. Wala pang kalahating ring pinindot ko na agad ang answer button. “Anong kailangan mo busy ako.” kunwari hindi ako atat, pero sheyt sasabog na ang pwet ko sa saya.

“Jave. Nasan ka?”

Nakarinig ako ng ingay. “Ikaw ang nasan? Di ba iniwan kita sa dorm?”

Nandito ako sa basketball arena. Kasama ko ang mga roommates ko. Busy ka ba talaga? Kailangan sana kita dito..”

Kung ganitong boses ang gagamitin niya sakin sa phone kahit nasa dulo ako ng mundo uuwi ako eh.

“..pero kung busy ka..”

“Bigyan mo akong sampung minuto, pupuntahan kita dyan.” nang ibaba niya ang cellphone saka ko lang naalala. Anong ginagawa niya sa basketball court eh andun ang grupo nila Xymon? Tsk. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. “Jiro, Ark, tara. Magla-lunch na, sunduin natin si Sofia.”



Hindi aabot si Jave. Malayo ang building niya dito. Hay. Ayoko man pero kinakabahan na talaga ako. Sa estado ng katawan ng buong team ni Zirk, talo na sila.

“Shit!” narinig kong mura ni Zirk mula sa court. Napaawang ang mga labi ko nang makita kong masama ang bagsak ng isa niyang kasama. Napilayan ito at kung hindi ito makakatayo, wala nang ibang pwedeng ipasok na player ang coach ng Westside.

Tinangka kong tumayo ng upuan ko pero hinawakan ako ni Bella. “Saan ka pupunta? Tatakas ka?”

“Hindi. Wala akong dapat takasan dahil hindi ako pumayag sa pustahang yan!”

“Ipapahiya mo ang buong school. Iisipin nila wala tayong isang salita.”

“Gusto mo ikaw ang sumama!” pinalis ko ang kamay niya. Pero hindi niya pa rin ako pinayagang makatayo. Namataan kong papalapit na si Xymon, itinigil na ang laro at tatlo sa mga players ng Westside ang inilabas ng stretcher. Napakuyom ako, alam kong masamang mag isip ng masama sa kapwa pero sa mga oras na ito gusto kong isumpa ang buong team ni Xymon. Wala silang awa, wala silang pakialam sa buhay ng mga kalaban nila. Kung makapanakit sila ganun-ganun nalang.

Napasinghap ako nang hilahin ako ni Xymon mula sa kinauupuan ko. Walang nagawa ang dalawa kong kasama dahil hawak din sila ng grupo ni Bella. Nakataas pa ang kilay ng maldita habang kinakaladkad ako ni Xymon pababa ng court.

“Bitiwan mo ako!” pero parang bakal ang kamay niya.

“Sumama ka nalang ng maayos, panalo na kami oh. Pinatalo ka ng magaling mong Rex.” nakakalokong sagot niya sakin.

“Hindi ako sumang-ayon sa pustahang iyon! Pinalakas ko ang ang loob ni Zirk pero hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ko sa kanya.

Wala man lang bang professor na tutulong sakin? Nakakadismaya ang patakan sa school na ito!

“Hindi niya gustong sumama, hindi mo siya pwedeng pilitin!” narinig kong sigaw ni Zirk. Lalapit na sana siya pero hinawakan siya ng mga ka-team ni Xymon.

“Pinatalo mo siya di ba? Kaya sasama siya sa’min.” patawa-tawang sagot ni Xymon.

“Yun ay kung makakalabas ka ng buhay sa court na ‘to.”

Napalunok ako sa nakakatakot na boses na iyon.

Si Jave!

May hawak siyang baseball bat at nasa likuran niya sina Jiro at Ark.

“Ang Demon Rex!”

“Hindi maganda ‘to.”

“Malaking gulo ‘to. Nakakatakot na dito.”

“Tara na! Umalis na tayo!”

Kanya-kanyang takbuhan lahat ng mga tao palabas. Hindi malaman ng iba kung saan tatakbo makalabas lang kaagad.

“Tanggalin mo yang kamay na yan sa braso ni Sofia, kundi dudurugin ko lahat ng buto niyan hanggang bungo ko.” humigpit ang hawak ni Jave sa baseball bat. Pinaikot niya pa ito sa ere habang nakatungo ang noo. Those eyes, I have never seen them so deadly until now. Nasa mga mata ni Jave ang matinding galit, parang isang mabangis na leon na nakahandang manakmal anumang oras. Hindi siya mangingiming ihampas kay Xymon ang hawak niya, nakikita kong naghihintay lang siya ng maling galaw ng kalaban, sigurado ako doon. Napalunok ako. Hindi ako alam kung handa akong makita si Jave sa ganitong estado. Ganito ka-demonyo. Gusto kong ipikit ang mga mata ko.

Lumuwag ang dibdib ko nang bitawan ako ni Xymon. Tumakbo ako sa bisig ni Jave. Kaagad niya akong niyakap gamit ang isang kamay niya. “Ok ka lang?” nabawasan ang bangis sa mga mata niya.

Tumango ako. Napansin niyang nanginginig ang buo kong katawan kaya kinabig niya ako at hinalikan sa noo. Nang dumampi ang mainit na labi ni Jave sa noo ko doon lang unti-unting humupa ang kaba ko.

Namataan niya sina Dianne at Mia. “Hinihintay ka na ng mga kasama mo. Bumalik ka na sa dorm, ilock mo ang pinto. Pupuntahan kita pagkatapos ko dito.”

“Wag na Jave. Hayaan mo na sila. Umalis na tayo dito.”

Sinulyapan niya ang braso ko. Nagmarka doon ang mahigpit na pagkakahawak ni Xymon sa akin kanina. Kaagad kong hinawakan iyon ng isa kong kamay para itago. Pero alam kong huli na, nakita na niya at bumalik na ang nakakatakot niyang mga mata.

“Hindi ko alam na mga duwag pala at walang isang salita ang mga tao dito sa Westside.” kantiyaw ni Xymon bago pa man ako makaalis. “Siya ang price ko hindi ba?”

“Price? You gotta be fuckin kidding me.” tumatawa ang boses ni Jave pero nababalot naman iyon ng pagbabanta. “Claim her if you can..”

Binitawan ni Jave ang hawak niyang baseball bat, tapos pinulot ang bolang nasa paanan niya.

“Sofia, anong sinabi ko? Sabi ko alis na di ba?” asik ni Jave.

Napaiktad ako sa utos na yun. Nagmamadali akong naglakad palayo kasama sina Mia at Dianne. Nang lumingon ako sa likod ko, apat laban sa lima. Kompleto ang team ni Xymon, samantalang magkakampi sina Jiro, Ark, Zirk at Jave laban sa mga ito.

“Take care of the ball, Alcantara. We’ll make a way for you.” pakindat na bulong ni Ark.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro