Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6. Duel


Hindi ko magawang tumanggi kay Mia, lalo’t pati si Dianne ay interesado ding mapanood ang laban. Ayokong magkaroon ng masamang first impression sa kanila kaya sumama nalang ako. Wala naman sigurong masama kung manood ako sa laban ni Zirk? Kaibigan ko din naman siya at matagal ko na siyang hindi nakikita.

Tama, wala namang masama. Naupo kami sa bandang gitna ng crowd. Hindi pa man nagsisimula ang laban ay puro hiyawan na ang naririnig ko. Marami akong naririnig na Zirk, ngunit madami pa din ang sumusuporta sa dating Rex na si Xymon.

Nakita kong dumating ang grupo ni Bella, ilang araw palang siya sa school madami na siyang kaibigan na sumusunod sa kanya saan man siya magpunta. Kasama na doon si Agatha na kaklase namin at dalawa sa mga kasama ko sa dance club.

“Looks like the queen bitch is here.” bulong ni Mia. Napatingin ako sa kanya. Walang dudang si Bella ang tinutukoy nito. “Kakarating lang akala mo kung sinong bida-bidahan na. Mayaman lang at maganda. Eh ano ngayon kung matalino siya? Puro IQ wala namang EQ. Napaka-cold ng babaeng yan.”

Natawa ako. May pagka-bitch din pala tong si Mia. Gusto ko sanang marinig kung ano ang opinyon niya tungkol sa akin. Kung anong klase ng estudyante ang tingin niya sa akin.

“Mabait naman siya at palatawa ah, ano bang problema mo sa kanya Mia?” ani Dianne.

“Napaka-naive mo talaga Dianne. Front niya lang yan, masama talaga ang ugali ng babaeng yan.”

“Oh?” parang hindi makapaniwalang turan ni Dianne.

“Kaya mag-iingat ka sa kanya, Sofia. Sa tingin ko masama ang tama niya sa boyfriend mong si Jave. Sooner or later, gagawa yan ng paraan para maghiwalay kayo.” bulong sa akin ni Mia.

Tumikhim lang ako. Napapansin ko kasing madami na naman ang mga matang nakatingin sa akin sa paligid. Simula nang maging girlfriend ako ni Jave, pakiramdam ko ako ang laman ng tsismis sa buong school. Buti sana kung positive, pero alam kong puro negative ang kumakalat na balita tungkol sa akin.

Kagaya ngayon.

“Maganda lang naman yan. Pero hindi siya ganun ka-talino. Mas bagay talaga si Bella sa ating Demon Rex.”

“She doesn’t deserve someone as almighty as our Jave Santillan. Bakit ba niya nakuha si Jave? Ano bang ginawa niya na hindi natin nagawa?”

Napapapikit nalang ako.

“Excuse me. May space pa doon oh. Pwedeng umusog ka?” napukaw ako nang may magsalita sa harap ko. Si Bella. Pinapausog niya sa bakanteng upuan si Dianne para makaupo siya sa tabi ko.

“Bakit hindi nalang ikaw ang maupo sa bakanteng upuan na yun? Nakapwesto na kami--” natigilan si Mia nang tingnan siya ng masama ni Bella. Tapos parang naghahamon ng away ang mga kasama nito.

“May problema ba kung siya ang uusog?” asik ni Agatha kay Mia.

Bago pa man makapagsalita si Mia, umusog na ng upuan si Dianne. Biglang hindi ako naging komportable sa upuan ko. Parang gusto ko nang umalis pero ayoko namang iwanan sina Mia at Dianne. Isa pa, wala na kaming ibang malilipatan. Lahat na ng upuan ay ukopado.

“Why are you here Sofia? Wala naman si Jave dito. Magchi-cheer ka ba kay Zirk o kay Xymon?” bulong sa akin ni Bella.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Diretso lang sa court ang tingin ko. Mas mabuti nang mapanisan ng laway kesa makipag-debate tungkol sa mga walang kwentang bagay sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit nandito ulit si Xymon? Narinig kong ikaw ang una niyang hinanap nang dumating siya dito. Hindi ko alam na magkakilala kayo?”

Doon na ako napatingin sa kanya.

“I happened to hear as well na dati siyang Rex sa school na ito at kaaway na mortal ni Jave? Nakikipagpatintero ka sa kanya? Alam ba ni Jave yan?”

“Anong sinasabi mo? Wala akong kinalaman sa Xymon na yan. Wag kang gagawa ng kwentong wala ka namang basehan.”

Ngisi lang ang isinagot niya pero nakakakaba ang kislap ng mga mata niya parang may binabalak siyang masama at hindi ko mapagtanto kung ano yun. Nang isa-isang pumasok sa court ang mga players, kinailangan kong takpan ang tainga ko sa sobrang ingay ng audience. Tumingin sa gawi ko si Zirk at ngumiti sa akin.

Hindi ko inaasahang titingin din sa gawi ko si Xymon Fuentebella. Hindi ito ngumiti bagkus ay kumindat sa akin. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ng marami kaya nag-umpisa na naman silang magbulungan.

“Walang basehan? Sa tingin ko sapat nang basehan ang kindat ni Xymon, pati na ang ngiti ni Zirk sayo. Sabihin mo sa akin Sofia, anong sekreto mo? Bakit lahat yata ng Rex sa school na ito ay interesado sayo? Dapat bang kabahan kami para sa Demon Rex namin? Baka masaktan ang puso niya sayo..”

Opisyal nang nagsimula ang laro. Hindi ko alam kung matatapos ko ang laro na katabi ko si Bella at walang nasasaktan sa aming dalawa. Pikon na pikon na ako sa mga pinagsasabi niya pero pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Ayokong madawit na naman sa gulo dahil mag aalala lang sakin si Jave at baka mapaaway na naman ito.

Mahigpit ang naging labanan ng dalawang kupunan. Himala dahil sa pagkakataong ito lumalaban ng patas si Xymon. Hindi ko ito nakikitang nananakit ng kalaban. Pero hindi rin maipagkakailang magaling ito sa basketball court kahit pa patas ang labanan. Hindi ito nagpapa-ungos kay Zirk. Hindi nagkakalayo ang score ng dalawang team dahil sa galing ng dalawa.

Nang matapos ang first half ng laro. Lamang ng isang puntos sina Zirk. Dahil iyon sa huling pag-score ni Zirk ng three points.

Nagulat ang lahat nang biglang agawin ni Xymon ang microphone sa announcer.

“Ang boring. Naboboring ako sa larong ito. Wala man lang bang maibibigay na motivation sa akin ang school na ‘to para naman ganahan akong makipaglaro sa basketball team niyo?” patuyang sabi ni Xymon.

“Naboboring ka dahil talo ka?” sagot ni Zirk.

Tumawa lang si Xymon. “Nagpapapawis palang ako. Hindi pa kita siniseryoso. Narinig mo naman ako, kailangan ko ng motivation kung gusto niyong ipagpatuloy ko ang laro.”

“Ano bang kailangan mo?” ubos na ang pasensya sa boses ni Zirk.

“Pusta. Pustahan tayo ngayon. Kapag nanalo kayo, magbaback out ang buong team ko sa finals. Pero  kapag nanalo kami---” binitin pa nito. “Kapag nanalo kami, isasama namin pauwi si Sofia Althea Perez. BOOM!!”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Siraulo ka ba? Anong akala mo papayag nalang kami basta-basta sa mga kapritso mo??”

“Bakit natatakot ka bang matalo? Wala ka bang bilib sa sarili mo Alcantara? Kagaya ka pa rin ba ng dati? Naturingan kang Rex pero bahag ang buntot mo, nakakahiya ka.”

“Hindi ako natatakot sayo. Lalabanan kita sa kahit na anong duelong gusto mo, pero hindi mo kailangang mandamay ng ibang estudyante dito!” palabang asik ni Zirk.

“Hindi ba’t katuwaan lang naman ang game na ito? Kaya nga walang rules eh. Bakit hindi natin pagbigyan ang gusto ng mga dayo? Isa pa, naniniwala kami sa kakayahan mo Rex Zirk. Sa lahat ng mga Rexes, ikaw ang pinakamagaling sa larong basketball hindi ba? Sigurado kaming ,hindi mo ipapatalo si Sofia.” si Bella iyon.

Nanigas ang mga tuhod ko sa kinauupuan ko. Lalo pa’t sumang-ayon sa kanya ang lahat ng mga estudyanteng naroon. Napapikit nalang ako. Nang tumingin ako kay Zirk nababasa ko sa mga mata niya na tutol siya. Mapapahiya siya kapag tumanggi siya, iisipin ng mga nanonood na natatakot nga siya kay Xymon.

“Kaya mo yan!” I mouthed him. Sinenyasan ko siyang OK lang sakin at gawin niya ang lahat para manalo. May tiwala ako sa kakayahan ni Zirk. Walang ibang magliligtas sakin sa mga kamay ni Xymon kundi siya lang. Sana maayos ang gusot na ito nang hindi nakakarating kay Jave. Dahil kapag nangyari yun, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.

Let’s get this over and done with. Mananalo si Zirk. Mananalo siya.

“Sige. Tinatanggap ko ang hamon mo. Hindi ako papayag na magsakripisyo ng isang taga-Westside. Tatalunin kita.”

“Tama na ang dada. Simulan na natin ‘to.”

Walang pagsidlan ang kaba ko. Kahit pa sa second half ay naunang pumuntos si Zirk, hindi pa rin mawala ang kaba ko. Panay din ang tingin ko sa crowd, pinagdadasal kong sana hindi makarating kay Jave ang kalokohang ito.

“Urrgghhhh!” napatingin ako sa court. Sinubukan ni Zirk na irebound ang bola mula sa ilalim ng ring pero tinamaan siya ng siko ni Xymon sa gilid ng labi nang tumalon ito ng mas mataas sa kanya. Bumagsak ni Zirk sa hardcourt na hawak ang nasaktang pisngi. Putok ang labi niya kaya umagos ang dugo mula doon.

Pagkatapos nilang saktan si Zirk, isinunod ng mga ka-team ni Xymon ang lahat ng main players ng Westside. Nagsisimula na ang madugo nilang laro. Nagtawag ng time out ang coach ng Westside nang sunod-sunod na ang naging puntos ng kalabang school.

Hindi dapat pinapayagan ang mga ganitong klaseng laro sa loob mismo ng paaralan. Bawal ito, pero sa tingin ko sa eskwelahan ng mayayaman, lahat posible. Lahat pwede. Nakikita ko ang desperadong mga mukha ng buong team ng Westside. Hindi nakapagtatakang pinagpapawisan na ang coach nila dahil halos kalahati na ang lamang ng kalaban.

Ako man ay nanginginig na sa upuan ko . Hindi ko alam kung tatakbo na ba ako o tatawagan si Jave para magsumbong.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa score na nakikita ko. At sa duguang anyo ng team nila Zirk. Kaya pa kaya nilang manalo?

“You. Are. Mine.” nabasa kong sabi ng mga labi ni Xymon nang dumako ang tingin ko sa kanya. Napakapit ako sa laylayan ng damit ko.

“Kinakabahan ka na ba Sofia? Iiyak ka na? Bakit hindi mo tawagan ang boyfriend mo. Sa tingin ko, sa pagkakataong ito, siya lang ang magsasalba sayo…”

Tiningnan ko siya ng masama.

“...o baka naman, gusto mo ring sumama talaga kay Xymon? Plano niyo ba ‘to? Kaya ba wala si Jave dito?”

“Tumahimik ka!” asik ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako ng masama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro