Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4. Family



Nang matapos kami sa gym, nagsabi si Jave na pinapatawag siya ng assistant ng ate niya. Malamang para magkaroon ako ng pagkakataon na mapuntahan si Ms. Ysabel. Kabado akong pumasok sa opisina niya.

She's wearing her usual striking white business suit. Kagaya ang laging ayos niya, nakaponytail ang buhok niya ng mataas na nagbibigay sa kanya ng istriktong anyo.

"Good afternoon Ms. Ysabel."

Saka lang siya nag angat ng tingin. Sa dami ng mga papel na nasa table niya mukhang napakarami niyang ginagawa.

"Jave was able to get a lot of clients when he went to Korea. Nakuha niya pati ang tiwala ng karamihan sa malalaking businessmen na naroon lalong lalo na ang dalawang Prince of Hell. Hindi nagkamali ng tingin si kanya si Papa, palagawa lang siya ng gulo at patambay-tambay sa school pero nasa dugo ni Jave ang isang magaling na businessman. Balang araw mamanahin ni Jave ang lahat ng ito. Ipinanganak siyang nasa kanya na lahat at hawak niya sa mga kamay niya ang daigdig. Kapalit nun ay isang malaking responsibilidad na hindi niya pwedeng talikuran. Santillan Empire has nearly more than 250 thousand employees all over the world. Lahat ng mga empleyadong iyon ay may mga pamilyang umaasa, darating ang araw si Jave ang mamumuno sa kanila, so he has to be more than ready for it, he cannot walk away from his destiny."

Alam ko na kung ano ang gusto niyang ipamukha sa akin pero nanatili akong tahimik.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ko sinasabi sayo 'to."

Tumango ako. Kaya ganun na lamang ang paglipad ng tingin niya sakin. Ang mga mata ni Ms. Ysabel ay parang kang Jave kapag galit, nakakatakot.

Umangat ang kilay niya. "He has both power and responsibility tied up to his neck Sofia. Kung mag aasawa si Jave kailangan niya ng isang babaeng makakatulong sa kanya sa lahat ng bagay. Cause quite frankly, ang tingin ko sayo ngayon, pabigat ka lang kay Jave. Mahina ka, ni hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. You became a weakness to a very powerful man like Jave Santillan!"

Maaring tama ang sinabi niya, pero hindi lahat. "Jave might be tough on the outside pero isa pa rin siyang teenager na hindi alam kung ano ang gagawin at walang clue kung ano ang direksyong tatahakin sa buhay. Hindi niya alam kung sino ang kaaway at kung sino ang kakampi niya. Para siyang isang batang leon na nakawala sa hawla, sasakmalin niya sinuman ang makita niyang threat sa kanya. Ganyan si Jave ngayon, malakas nga siya pero wala namang laman ang puso. Nung namatay ang mama niya dapat kayo ang nag alaga sa kanya, dapat ipinaramdam niyo sa kanya na hindi siya nag iisa, kung ginawa niyo yun ng maayos..sana..sana..hindi dumaan si Jave sa madilim na parte ng buhay niya na kinailangan niya pang manakit ng maraming tao. Imbes pangaralan, kinonsente niyo pa." hindi ko mapigilan ang iyak ko habang isinusumbat ko kay Ms. Ysabel ang lahat ng iyon. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Xymon Fuentebella tungkol kay Jave. At hindi ko matanggap na walang ginawa ang pamilya niya tungkol doon. "Hindi ko po hihiwalayan si Jave. Mag aaral ako ng mabuti, sisikapin kong pagdating ng araw maaari akong makatulong sa kanya. Pag aaralan kong ipagtanggol ang sarili ko at si Jave, sa kahit na anong paraan.."

"Masyado kang matapang. Para sa isang batang nag iisa sa buhay at walang kilala ni isang kamag anak wala kang takot. Alam mo bang pwede kitang ipatapon ngayon din sa dulo ng planeta kung gugustuhin ko? At sisiguraduhin kong agnas ka na bago ka pa man mahanap ni Jave. Wala kang karapatang kwestyunin ang pagpapalaking ginawa namin kay Jave kasi hindi madali, Sofia. Hindi madaling maging haligi ng gumuguhong tahanan na ito. Pilit kong inaayos si Jave para maging malapit siya kay Papa at maging maayos na ang pamilya namin. Nung dumating ka akala ko matutulungan mo ako dahil napapasunod mo si Jave. Kailangan kita bilang kaibigan niya at hindi bilang isang girlfriend!!" tumaas na ang boses niya. "Hinding-hindi ka magugustuhan ni Papa, mas lalo lamang lalalim ang lamat sa relasyon nilang dalawa dahil sayo! Sa mga oras na ito malamang alam na din ni Papa ang tungkol sa inyo. At hindi ko alam kung makakaya ko pa kayong pagtakpan at ipagtanggol sa oras na bumalik siya ng Pilipinas!"

Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam na lalalim na ganito ang sitwasyon.

"Ito, kunin mo." inabot ni Ms. Ysabel ang sobreng naglalaman ng mga litrato ng isang pamilya. "Alam mo ang nakakatawa nang malaman kong may relasyon na nga talaga kayo ni Jave? Una kong pinahanap ang pamilya mo. I desperately had hoped na sana may interesting sa bloodline mo. Na sana nawawala kang heredera just like in the old pathetic dramas, pero wala eh.

Your only surviving relative is that woman. She's a government employee, she's separated with two high school kids to take care on her own. In short, she can't even adopt you at magwawala si Jave kapag ipinatapon kita doon. Pwera nalang kung kusa kay umalis ng bahay niya at magdesisyong tumira sa kamaganak mo. Ayan na ang address at lahat ng inpormasyong gusto mong malaman. Hindi ba't sa kanya ka naman ipinagkatiwala ng Lola mo at sa kanya ka naman talaga pupunta nakialam lang si Jave?"

Tumulo ang luha ko habang nakatitig ako sa mga litratong iyon. Kamukha siya ng Lola ko kaya alam kong tama ang nahanap na tao ni Ms. Ysabel. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa bagay na ito. May parte sa puso ko na masaya dahil nakilala ko sila, pero mas nalulungkot ako dahil ngayon wala na akong dahilang manatili pa sa bahay ni Jave. Hindi ko na pwedeng kumbinsihin ang sarili ko na wala akong mapupuntahan dahil meron na ngayon.

"Iiyak ka na lang ba? Mas maganda kung pupuntahan mo na ang totoo mong pamilya. Wag mo nang gawing komplikado ang buhay ni Jave. Nakaguhit na ang tadhana at kinabukasan niya, nakaplano na ang lahat--"

"Ysabel!!"

Dumagundong ang boses na iyon kasabay ng malakas na pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni Ms. Ysabel samantalang ako ay nawalan ng kulay sa mukha.

Si Jave iyon. Madilim ang anyo, salubong ang dalawa nitong kilay at hindi maipinta ang mukha sa galit. "Anong ginagawa mo?" he stormed inside the room like a raging bull. Inagaw niya sa akin ang mga litratong hawak ko.

"Jave, wag kang makialam dito. Gusto ko lang ipaalam sa babaeng ito kung saan ang dapat niyang kalagyan!"

"Ha! Ikaw, gusto mo din bang ipaalam ko sayo ang dapat mong kalagyan? Ang lakas ng loob mo. Alam mo ba kung saan ka nararapat? Ang kapal ng mukha mong gamitin ang apelyidong Santillan eh hindi ka naman kasali sa pamilya!!" sigaw ni Jave sa mukha ng kapatid niya. Sinubukan ko siyang hawakan sa braso pero pinalis niya iyon. "Nagreklamo ba ako nang iupo kang Director ng Papa ko sa kompanyang pagaari ng pamilya ko?? Hindi ako nakialam dahil wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Papa, kahit ipalamon niya sayo lahat ng titulo, lahat ng mana, at lahat ng pera niya, wala pa rin akong pakialam! Isa lang naman ang gusto kong mangyari eh, ang tantanan niyo ako. Tantanan niyo ako utang na loob! Habang mabait pa ako, wag nyong sagarin ang pasensya ko dahil kapag napuno ako sa inyong dalawa, ako mismo ang magpapabagsak sa kompanyang pinagmamalaki niyo!"

Naging palaban na din ang anyo ni Ms. Ysabel at hindi man lang kumurap sa mga sinabi ni Jave. "You know what Jave, do whatever you want , say whatever you wanna say dahil sanay na ako diyan sa talas ng bibig mo." napahawak ito sa noo na tila biglang sumakit ang ulo. "Hindi siya magugustuhan ni Papa. Yun ang iniisip ko. Kilala mo si Papa at alam mo kung ano ang pwede niyang gawin, handa ka doon?"

"Hindi mo na problema yun."

"Napakatapang mong bata ka. Talaga bang gusto mo siya?"

"Bobo ka ba? Tinatanong mo pa?" pabalang na sagot ni Jave.

"Wala kang galang."

"Wala ka din namang galang sa kung ano ang gusto ko."

Naningkit ang mga mata ni Ms. Ysabel sa inis. "Fine. Bahala ka. Don't tell me I didn't warn you. Pero kailangang lumipat ni Sofia ng bahay dahil hindi magandang tingnan."

"Oh come on--"

"Hindi ikaw ang iniisip ko, siya! Maganda ba sa image ng isang babae na tumira sa bahay ng kanyang nobyo lalo't kayong dalawa lang doon? Maraming interesado sa inyo ngayong alam na ng maraming tao ang tungkol sa relasyon niyong dalawa, kaya bago pa man mapahiya yang girlfriend mo, payagan mo na siyang lumipat ng bahay. Siguro naman hindi makitid ang utak mo at naiintindihan mo ang ibig kong sabihin Jave?"

Kuyom lang ang kamay ko sa mga oras na iyon. Pinagmasdan ko ang pagkunot ng noo ni Jave, ramdam ko sa kilos niya ang pagtutol. Tumingin siya sa akin na parang binabasa kung ano ang nasa isip ko.

"Sa dorm ng Westside siya titira."

Napamaang ako. Iniisip kong pwedeng tumira ako sa Tita ko pero sa kalagayan nito ngayon sa buhay parang mas lalo itong mahihirapan kapag doon ako. Pakiramdam ko ngayon sa sarili ko walang silbi, si Jave nalang lahat ang gumagawa ng paraan para sa akin. Hindi pwedeng laging ganito. Paano ko siya susuportahan kung ni hindi ko masuportahan ang sarili ko.

"Ok." pagsangayon ni Ms. Ysabel. Tiningnan niya ako. "Sana matupad mo kahit isa lang sa mga sinabi mo sakin ngayon si Sofia. Na balangaraw makakatulong ka sa kanya at hindi magiging pabigat." binalingan niya si Jave. "Ikaw naman Jave, tigilan mo na ang kakatawag sa akin na anak sa labas dahil hindi ka na nakakatuwa!"

"Totoo naman--" bago pa man makapang-insulto si Jave at magalit na naman ang dragonesa niyang kapatid tinakpan ko na ang bibig niya.

"Maraming salamat po Ms. Ysabel, hindi ko po kayo bibiguin."



**********

#Mayaman si Sofia. Mayaman sa pagmamahal ni Jave:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro