Chapter 2. In a Relationship
Maybe It’s a bad thing na gumawa pa ako ng facebook account. Ang dami kong message at friend request mula sa mga taong hindi ko naman kilala. Isa sa mga mensaheng iyon ang kumuha ng atensyon ko, kilala ko ang lalaking nagpadala ng mensahe, ito yung lalaking makakalaban ni Zirk sa susunod na linggo sa finals ng basketball. Yung madayang maglaro at nananakit sa court. Si Xymon. Binuksan ko ang message niya.
Ngayon ko lang napansin na maganda ka pala? Gusto ko sanang makipagkaibigan, pwede ba?
Kinabahan ako. Bakit pakiramdam ko may dalang bad news ang simpleng message na niya yun? Napapailing akong isinara iyon. May nag-pop na notif. In a relationship request from… from Jave Santillan??
Anong problema niya? Ba’t siya nagsesend bigla sa akin ng ganito eh never naman siyang nag-online sa FB. Simula nang magcreate ako ng account ko ni minsan hindi ko siya nakitang online. Tapos ngayon may ganang mag-in a relationship request. Tapos yung laman ng facebook niya puro Rianne? Hindi man lang niya burahin ang mga pictures ng first love niya? Kung di lang Jave Santillan ang nakalagay na pangalan ng account iisipin kong account ni Rianne ‘to eh. Ni-reject ko nga ang request niya!
Wala pang limang minuto kumakatok na siya sa pinto. Tumirik ang mga mata ko, ano pa nga ba ang ineexpect ko sa isip batang paniki na ito? Hindi ko alam kung pagbubuksan ko siya ng pinto o hahayaan ko siyang maagnas sa labas.
“Alien! buksan mo nga ‘to.”
“Obvious bang ayoko?” sigaw ko sa kanya. Pilit kong tinakpan ng unan ang magkabila kong tainga. Napaka-ingay niya talaga.
“Online ka di ba? Iaccept mo yung request ko ngayon na.”
“Ni-reject ko na.”.
Natahimik siya sandali. “Anong sinabi mo?” Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya kaya napilitan akong bumangon at pagbuksan siya ng pinto .
“Hindi ba nagnotify ang facebook sayo na ni-reject ko na?” halukipkip kong tanong.
“Mabuti pa ang facebook may awa. Ikaw wala. Ba’t hindi mo inaccept?”
“Facebook mo ba talaga yun o facebook ni Rianne??” ganting tanong ko sa kanya. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya, kumislap bigla ang mga mata ni Jave.
“Bakit, nagseselos ka ba? Asus. Nagselos ang Alien. Wag mo kasing ipahalatang patay na patay ka sakin. Kontrolin mo naman…”
Aba at ang yabang pa ng Paniking ‘to. “Dun ka na nga sa kwarto mo, bakit ka ba nandito?”
“Kasi ang init sa kwarto ko, sira ang aircon. Buti pa dito ang lamig, pwede bang dito ako matulog kahit ngayong gabi lang?”
Nanlaki ang mga mata ko. Aba’t sasakalin ko na talaga ‘tong baliw na ‘to. “Pwede naman. Basta ba ibibitin ko sa kisame yang dalawang paa mo.”
Napatitig siya sa akin. “Ang sama mo.”
“Di ba ganun matulog ang mga Paniki? Hindi ka ba ganun?”
“Alam mo ba kung paano matulog ang mga alien? Ganito!” napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin, halos masubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang bitbit niya ako papuntang kama at walang kaabog-abog na diniposito ako doon. Pinaikot niya ang katawan ko sa comforter hanggang sa mabalot ako na parang cocoon hindi ako makagalaw.
“Bwesit!! Jave!!!!” tili ko.
Napapikit siya. “Dahan dahan ang sigaw, Babe. Yung bibig mo nasa tapat ng mukha ko ang sakit sa ngipin. Masyado ka talagang malambing. Haaayyy…” tumabi siya sa akin. Nakatukod ang kamay niya sa ulo habang nakangising nakatitig sa akin.
“Ang ganda mo talaga, mukha kang cocoon ang cute mo, matulog na tayo para bukas butterfly ka na. Ok?”
“Hayop ka.”
“Aw harsh. Don’t say bad words baby..”
Ayoko talagang magmura, pero hindi ako makagalaw, nahihirapan akong huminga, at halos nakadagan na siya sa akin. “Ayaw naman talaga kitang murahin pero kapag nakaalpas ako dito ibibitin kita sa kisame tapos hihimayin ko yang pakpak mong Paniki ka! Pakawalan mo’ ko dito. Isa!”
“Dalawa! Tatlo!” nakatawa niyang bilang. Talagang pinag-aapoy niya ang asar ko. “Papanu kita pakakawalan kung hihimayin mo ‘ko? Akala ko malunggay lang ang hinihimay, paniki din pala. Kumakain ka ba ng Paniki sa bundok niyo Sofia? Ay oo nga pala, tribo wakwak ka nga pala. Kumakain ka pala ng kahit ano..tsk tsk. Nakakatakot.”
Namumula na ako sa inis. Malapit na akong mapuno. Lalo’t ganyan ang tawa niya na parang nakakaloko at wala akong magawa.
“Ganito nalang…papakawalan kita diyan pero sabihin mo munang mahal na mahal mo ako. Mga ten times--”
“Pakawalan mo ako dahil pag ako nakawala, sisipain ko yang mukha mo ng ten times!”
“Ohh. Ang sakit nun.” naningkit pa ang mga mata niya sa pang aasar. “Dali na, sasabihin mo lang naman na Jave, mahal na mahal kita, patay na patay ako sayo iniisip kita sa bawat segundo ng buhay ko..yun lang! Ang dali, hindi mo kailangang pagisipan.”
“Bwesit. Bwesit ka! Ahhhh!!!” nagwawala na talaga ang mga ugat ko sa galit pero imposibleng makawala ako sa pagkakabalot ko dahil hinigpitan niya pa iyon. Ilang beses pa akong nagtangkang kumawala pero wala talaga hanggang sa nanghina nalang ako at antokin na siya sa kakatawa sakin.
“Ayaw mo? Ayaw mo talaga? Oh sige, bahala ka. Matutulog na ako. Ganyan ka nalang magdamag.” aniya sabay hikab.
Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin niya ang damit niya.
“Hoyyyy!!! Anong ginagawa mo bakit ka naghuhubad??”
Nagtakip siya ng tainga. “Aray. Ang sakit. Tsk. Masarap matulog ng nakahubad ano. Palibhasa may pagnanasa ka sa akin kaya affected ka masyado. May pagnanasa ka sakin ‘no? ‘no?”
Pilit kong iniwas ang mga mata ko sa matipuno niyang pangangatawan. Manipis lang ang katawan ni Jave, bumagay lang sa tangkad nito, hindi man siya yung tipong bulky, lean and muscled naman siya. Maganda din ang hulma ng katawan niya. Yung mga tipong may pinaglalaban kung pagka-modelo lang naman ang labanan.
Bwesit na Paniking ito, kung illegal ang pagiging gwapo, silya elektrika ang hatol nito. Hay, bakit ba ganito na naman ang tinatakbo ng utak ko? Totoo nga kayang pinagnanasaan ko siya? Hindi! Ipinilig ko ang ulo ko! Hindi ko tuloy maisip kung paano makakawala dito. Napasinghap ako nang yakapin niya ako sa labas ng makapal na comforter na nakabalot sa akin. Kahit hindi direktang nagkadikit ang mga katawan namin para akong inaapoy ng lagnat. Lalagnatin ako sa hayoop na Paniking ito, napapamura ako ng wala sa oras. Bwesit!!
“Jave…” bulong ko nang matahimik kaming dalawa. Nanatiling nakapatong ang kamay at isang paa niya sa kin. Nang lingonin ko siya nakapikit na siya. Hindi matahimik ang kalamnan ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, iisang unan lang ang gamit namin.
“Oh..” aniyang nakapikit na, halatang totoong inaantok na.
“Tulog ka na?”
“Oo tulog na ako. Kaya nga sumasagot pa ako di ba?” papilosopong sagot niya pero halata ang antok sa boses at hindi na maimulat ang mga mata. Ilang sandali kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Yung kagwapuhan niya kahit titigan ng isang taon hindi nakakasawa, bagkus ay nakakatuwa. Ayan na naman ang mga paro paro sa sikmura ko.
“I love you.” namutawi sa bibig ko. Nagulat ako nang kaagad na dumilat ang mga mata niya. Biglang naging alerto parang nakarinig ng sunog. I love you ang sinabi ko hindi sunoooggg.
“Ano sinabi mo? Ulitin mo nga.”
“Ang sabi ko….”huminga ako ng malalim tapos ay tumitig sa kanya. “Babe, hindi na ako makahinga dito. Pakawalan mo muna ako, please..?”
“Ha? Sorry Babe ko, wait lang..” kaagad niyang niluwagan ang pagkakabuhol niya sa comforter. Kinailangan ko ulit umikot para makawala ako doon.
Sa wakas, naigalaw ko din ang katawan ko. Pakiramdam ko nangawit lahat ng ugat ko. Nagstretch ako ng mga kamay at paa ko, pati na ng leeg nang maging komportable ako, nakangiti ko siyang hinarap.
“Ok ka na? Ano na nga ulit yung sinabi mo kanina, hindi ko masyadong narinig. Ulitin mo dali!” atat niyang sabi.
Ngiting aso ang pinakawalan ko sa kanya. Kumuyom ang dalawang kamao ko kaya napatayo siya bigla.
“Ay. Oo nga pala. Ok na pala ang aircon sa kwarto ko!!” bigla niyang sabi na namumutla pa. “Bye!!” sabay takbo.
“Bumalik ka dito , Babe, bwesit ka !! Anak ka ng Paniki!!!” sigaw ko hanggang sa manakit ang ngala-ngala ko. Sumunod ako sa kanya dahil hindi ako papayag na hindi ko masipa sa mukha ang bwesit na Paniki na yun! Sa bilis niyang tumakbo hindi ko siya inabutan, naisara na niya ang pinto ng kwarto niya bago ko pa man siya masipa.
Kumukulo ang dugo ko sa asar dahil hindi ako nakaganti. Akala niya hindi siya lalabas diyan, tingnan lang natin bukas!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro