Chapter 12. Rebellion
JAVE
"Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlo. Tatlo. Tatlo. Tatlo. Tatlo. Tae nang yan wala pa rin. Tssk!!" Sa sobrang asar ko naibalibag ako ang cellphone ko. "Oh shit!" kaagad ko ding tinakbo iyon baka nasira. Sheyt! Nabasag lang ang screen pero buo pa naman. Makakareceive pa din ng txt at tawag.
Buang na Alien hindi talaga magparamdam? Buong araw akong wala sa school hindi man lang niya napansin? Hindi man lang subukang kontakin ako? Aba't tinulungan ko na't lahat sa problema niya wala pa din? Nasaktan talaga ako sa sinabi niya kahapon, tunay yun. Tapos wapakels? Hayop, ang sarap manapak leche. Tiningnan ko ang mga gamit ko sa buong paligid ng kwarto ko. Kama nalang yata at laptop ang hindi sira. Kung pati yun sisirain ko pa baka masiraan na din ako ng ulo sa kwartong ito.
"Pa! Ano ba nababaliw ka na ba? Hindi mo ba ako palalabasin dito? Susunugin ko tong bahay mo!" sigaw ko. Malapit na akong mapaos wala pa rin akong marinig na sagot. Bingi na nga ang sama pa ng ugali, tarantado talaga tong Tatay ko kahit kelan.
"Why don't you shut up and contemplate of what you just did! You knew very well that we had an agreement with the Fuentebellas! Malaking problema itong pinasok mo ngayon Jave pati ang negosyo natin maapektuhan. Marami na silang padreno ngayon. Hindi na sila pipitsuging kompanya nalang. Hindi ka talaga nag iisip!"
He's talking to me behind the door. Great! "Wala akong pakialam. Si Xymongoloid ang naghanap ng gulo hindi ako. Tumuntong siya ng Westside, hindi ko na kasalanan kong naghahanap talaga siya ng sakit ng katawan. Bakit mo ba ako kinukulong dito? Akala mo ba hindi ko kayang sirain ang pintong to?"
"Wag mo nang subukan. Alam mong hindi ka uubra sa akin."
"Matanda ka na. Kayang kaya na kitang ilampaso sa sahig David. Palabasin mo ako dito dahil nabuburyo na ako, susunugin ko talaga tong bahay na 'to!"
"You stupid disrespectful brat! Ganyan ka na makipag usap sa akin ngayon?"
Ganyan nga magalit ka. Hindi ko na kailangang magbilang. Bumukas na kaagad ang pinto at lumilipad na kamao ang dumapo sa pisngi ko. Masakit pa rin palang manuntok ang gurang. Pumutok ulit ang sugat ko sa bibig. Napadura ako ng dugo. Humigit ng matalim na hininga at binalingan ang ngangangalit na tatay ko. "Tapos ka na? Pwede na akong bumalik sa bahay ko?"
Dahil doon isa pang suntok ang inabot ko. Tinanggap ko lang iyon, ngumisi pa nga ako. Hindi siya nakontento, sinipa niya ako sa tiyan. Ayun talaga masakit na yun namaluktot ako sa sakit, inulit pa niya ng inulit pero nanatili akong nakatayo. Hindi na ako susuko sa kanya, sanay na ako.
"Sumusobra ka na, sobrang tigas na ng ulo mo! Hindi ka makakalabas ng bahay na ito hanggat hindi ka sumusunod sa mga gusto ko!"
Sunod-sunod na sipa at suntok pa ang tinanggap ko mula sa kanya. Nag uumpisa nang uminit ang ulo ko, tumalim na ang mga tingin ko sa kanya.
"Ano lalaban ka na? Sige lumaban ka!"
Nag angat ako ng kamay, ibibigwas ko sana iyon sa kanya--
"Jave!!" Sigaw ni Ysabel na kakarating lang. Tumatakbo itong humarang at pumagitna sa aming dalawa. "Pa, Jave! Tama na, magpapatayan ba kayo??"
"Tingnan mo yan, lumalaban na ang tarantadong yan, masyadong matigas ang bungo!"
"Tama na. Wag mo na siyang saktan 'Pa! Jave, alis na! Umalis ka na bilisan mo!"
Matalim na tingin ang iniwan ko sa dalawa bago ako padabog na umalis. Lintik na buhay to, mas maayos sana ang pesteng buhay na ito kung wala akong pamilya. Mga salot! Sinipa ko pa isang malaking vase bago ako lumabas ng pinto dahil sa asar.
I rode my motorbike. Naisipan kong pumunta kay Sofia pero mukhang wala naman siyang pakialam sa akin. Ni isang txt nga wala siyang pinadala tapos aasa pa akong dadamayan niya ako? Baka nga hindi niya talaga ako mahal. Baka nga sinasakyan niya lang ang trip ko dahil ang totoo kagaya ng iba takot na takot din siya sakin.
Pinaharurot ko ang motor, wala akong pakialam kung overspeeding. I'm so fucked up right now. Gusto ko ng gulo, ng away, gusto kong manakit ng maraming tao!
SOFIA
Nagising ako sa sunod-sunod na tawag ni Jiro. "Sofia, did you just wake up? Si Jave, tumawag sayo??"
Napabalikwas ako. "Jiro? Hindi. Bakit napanu siya? Nasan siya? He just posted a video last night."
"Damn. He's broken right now. Binogbog siya ng tatay niya kagabi, muntik na siyang gumanti. Buti nalang naawat ni Ate Ysabel, but right now he's missing. Hindi siya mahanap ng mga tauhan nila."
"Diyos ko." nanginginig ang kamay ko na chineck kung may missed call o txt siya kaso wala ni isa. "Wala Jiro, hindi siya nagparamdam sa akin.." abot langit ang kaba ko biglang nanikip ang dibdib ko sa pagaalala.
Napabuntong hininga si Jiro sa kabilang linya. "This is not good. Ikaw dapat ang una niyang pupuntahan. Nag away ba kayo?"
"Ha?" naalala ko ang last encounter namin. Sumama ang loob niya sa akin at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagsorry at makapagpaliwanag sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Sa mga panahong ganito ako dapat ang karamay niya, ako dapat ang nagtatanggol sa kaniya pero wala akong magawa. Ni hindi ko alam kung paaano siya hahanapin.
I felt so useless. Pakiramdam ko dumagdag pa ako sa dinadala niya nung huling mag away kami, alam kong nasaktan ko siya. Kapag nasa panganib ako lagi niya akong nahahanap, ngayon na siya ang nangangailangan wala akong magawa.
"Sofia, wag ka nang umiyak. Tama na yan, wala kang kasalanan, hahanapin namin siya ni Ark. May mga alam kaming lugar na pwede niyang puntahan. Just remain calm, iponin mo ang lakas mo dahil kakailanganin ka ni Jave pagbalik niya--"
"Sasama ako. Pupuntahan ko kayo dyan sa dorm, wag muna kayong aalis hintayin niyo ako."
"Hindi pwede Sofia, delikadong lugar ang pupuntahan namin hindi ka pwedeng sumama!"
"Jiro, sasama ako! Hintayin niyo ako!"
Maraming lugar ang pinuntahan naming tatlo para mahanap si Jave. Maraming mga street gangs ang napagtanungan namin kung nagawi ba si Jave sa mga teritoryo nila. Pero isang buong araw na ang nakakalipas wala pa ring resulta.
Ngayon ay kausap ni Jiro ang isa sa mga lider ng motorcycle gang na siyang pinakamalaki sa lugar na iyon. Ang mga miembro nun ay mga mayayamang drop outs, bulakbol sa klase, mga batang naligaw ng landas, yung iba ay lulong sa droga.
"Ark, panu niyo nakilala ang mga taong ito?" pabulong na tanong ko kay Ark habang mahigpit na nakakawit ang kamay ko sa braso niya. Isang abandonadong pagawaan ng mga motor ang lugar, madilim ngunit halatang mamahalin ang mga motor sa paligid dahil nga mayayamang mga estudyante ang narito. Kompleto sa gamit, maganda ang lugar pero magulo at mabaho, nagkalat ang mga upos ng sigarilyo at puno ng pintura at vandals ang paligid.
"We used to be members here. Si Jave ang kinikilalang leader dito noon." bulong sa akin ni Ark.
Kinakabahan ako dahil matalim ang titig sa akin ng mga myembro. Ang babata pa pero may mga tattoo na sa katawan.
"Bakit ang init ng tingin nila sa akin?"
"Dahil alam nilang girlfriend ka ni Jave."
KInabahan ako. May kasalanan ba si Jave sa mga ito?
"Hindi nagagawi dito si Jave, Jiro. Sa ibang lugar kayo maghanap. Bakit niyo sinama yan dito?" anang lider ng grupo na ang tinutukoy ay ako. Halos manginig na ako sa takot sa kinatatayuan ko. "Syota yan ni Jave di ba? Kapag nalaman ng kabilang gang na nandito yan lulusubin tayo dito, alam niyo naman na mainit ang dugo ng mga yun kay Jave di ba?"
"Warren. Nawala na ba ang bayag mo nang mawala kami sa grupo? Totoo ba ang nababalitaan kong takot na takot ka na?" may pang iinsulto sa tono ni Jiro. Hindi ko alam na may ganitong side si Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya lagi siyang mabait at cool sa lahat ng bagay. "Wag kang mag alala hindi kami magtatagal. Balitaan mo ako agad pag nadalaw si Jave dito.
Pero hindi pa kami nakakabalik ng kotse isang itim na motorsiklo ang dumating. "Warren! Si Jave nasa teritoryo ng kalaban! Lasing na lasing naguumpisa ng away!"
Nagsalubong ang kilay ni Jiro. Hiniklas ang kwelyo ng bagobg dating. "Saan? Samahan mo kami!"
"O-oo Jiro. Sasama ako. Hindi natin pwedeng pabayaan si Jave wala siyang laban sa dami ng mga yun."
Nagtaas ng manggas si Ark. "Ano Warren, patunayan mong hindi ka takot." Ang maamong mukha nito at palaging nakatawang aura ay napalitan ng bangis. Marami nga siguro akong hindi alam pati na sa mga kaibigan ni Jave. Lahat ba sila nagtatago lang sa maamong nilang anyo?
"Hindi na kayo parte ng grupo. Wala na kaming pakialam sa inyo." sagot ni Warren.
"Tatandaan ko yang mga sinabi mo ngayon. Duwag." galit na sagot ni Ark.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro