
Chapter 11. Highway to Hell
Lumipas ang buong araw na walang paramdam si Jave. Ni isang txt wala akong nakuha mula sa kanya. Iniisip kong hindi ko kailangang mag aalala dahil bukod sa matapang si Jave, malakas din ito. Walang masamang mangyayari dito at walang sinuman ang pwedeng makapanakit dito.
"Sofia."
Napaangat ako ng tingin. Si Ms. Jimenez iyon isa sa mga coordinator namin at Professor na nakaassign sa org.
"Here are the list of the things you need to do for the Foundation Day. I included excuse letters as well kung sakaling kakailanganin mong lumiban sa klase. Binigyan ko na rin ang iba pang members kaya pag aralan mo nalang kung paano mo iexecute lahat yan ok? I'm counting on you, Sofia." magiliw na sabi ng Professor ko.
Wala sa sarili akong napatango kahit hindi ko pa alam kung ano ang mga gagawin. Wala sa loob ng klase o sa loob ng University ang utak ko. Madami akong iniisip na masasagot lamang kung pupuntahan ko si Xymon sa hospital o kung makakausap ko si Jave. Kailangan kong malaman ang totoo, kailangan kong marinig ang side ni Jave tungkol sa nangyari sa kanila ni Xyrelle noon. Kung may basehan nga ba ang malalim na galit ni Xymon sa kanya.
"Ms. Jimenez assigned you to advertise the Foundation Day activities in exclusive online forums and social media under Westside University. Kaya mo ba yan Sofia? Looks like the Professor trusted you so much she's given you that." si Bella.
Siya ang pinakahuling taong gusto kong makita sa araw na ito. Sobrang malas ko naman talaga noh. Sabagay, hindi ko siya maiiwasan dahil para siyang langaw na sunod ng sunod kahit saan ako magpunta. Saang parte kaya ng sosyal na eskwelahang ito nakakabili ng fly killer?!
"Hindi lang ako ang gagawa. Lahat ng members ng Org. Kasali ka di ba?"
Tinawanan niya ako. Pinakita niya sa akin ang listahan ng mga gagawin niya, hindi kasali ang advertisement doon. Pinakita niya rin ang listahan ng isa pa naming kasama na laging nakabuntot sa kanya.
"We we're assigned to polish evening performances to entertain the crowd. Kasama mo dapat si Zirk sa job na yan kaso nasa hospital pa siya. Kawawa...ikaw kasi eh.." umarte pa si Bella na parang nalulungkot mas lalo siyang nakakainis sa paningin ko.
Imbes na makipagbangayan ako, mas pinili ko nalang na talikuran ito.
"Tito David Santillan is back. Just for your information Ms. No Identity. You will never get his consent unless you reveal your bloodline. You must be old rich of some sort, otherwise you're doomed." habol nito.
Napilitan akong muling humarap sa kanya. "Alam mo Bella, that is no longer any concern of yours. Labas ka sa relasyon naming dalawa ni Jave, at wag kang magalala, hindi ka kailanman madadamay. Tigilan mo na ako, tigilan mo na ang pagpapapansin kay Jave ."
"Pinagbabantaan mo ba ako?"
"Hindi. Pinapaiwas kita sa gulo. At sana wag ka na ring mag uumpisa pa. Tama na pwede?"
Biglang sumungit ang mukha ni Bella at lumabas na ulit ang tunay na kulay nito. "Sa tingin mo talaga may pakialam ako sa mga sasabihin mo? Isa lang ang gusto kong mangyari, layuan mo si Jave dahil hindi kayo bagay. Hindi mo siya deserve, masyado ka lang talagang ambisyosa. Alin yung nangyari kahapon? Ako ang nag initiate nun at marami pa akong gulong kayang gawin umpisa palang yun!"
"Wala akong pakialam ano man ang gawin mo sakin. Hindi ako natatakot sayo. Pero sa oras na si Jave ang masaktan, I'm warning you Bella I have nothing to lose while you have a lot!"
"Hinahamon mo ako?" nagulat ako nang hawakan niya ang kwelyo ng damit ko at hilahin iyon.
"Tingin mo?" Ginamit ko ang buong lakas ko para hiklasin ang kamay ni Bella mula sa leeg ko.
Nang gabing iyon nagpatulong ako kina Dianne at Mia na gawin ang draft ng mga post na kaillangan to advertise the activities for the Foundation Day ang goal ay makakuha ng maraming sign up. Mahirap dahil halos walang pumapansin sa online banner na ginawa ko. Wala nga halos likes and comments eh sa mga websites eh.
"Naku Sofia, mahirap magparticipate ang mga taga Westside sa ganitong bagay. Ayaw nga nilang maglike lalo pa ang iclick ang link ng sign up." komento ni Mia
"Hindi ba pwedeng sa mismong Foundation Day nalang sila mag sign up?" ani Dianne.
"Hindi pwede. Hanggat walang listahan ng participants na ipopost sa wall, walang estudyanteng sasali. Matitigas kaya ang ulo ng mga spoiled brat na yan!" sagot ni Mia.
"So panu na?" nakatingin sa akin si Dianne.
"Siguro kailangan na ko lang maglagay ng advertisement beneath the advertisement itself para makuha ko ang atensyon nila? Like some kind of an entertainment or suprise gifts.." suhestiyon ko.
"Gifts?" ani Mia.
"Oo, yung makikita lang nila kapag clinick nila ang link to sign up."
"Magandang idea. Pero anong klaseng gift? Prada shoes? Diamonds? Brand new car?"
"Ha?" napatanga ako sa mga suhestiyon ni Mia.
"Eh kasi friend yun lang ang mga klase na gifts na maeexcite sila.."
Napahilamos ako sa sariling mukha. Nakagat ko nalang ang labi ko, wala akong mga ganoong bagay na pwedeng gamitin para maengganyo ang mga taga Westside na sumali sa mga palaro. Ano bang pwede kong gawin?
"Well bukod sa mga material things may isa pang pwedeng gamitin. Yung tipong titili sila kapag nakita nila pangalan palang...?"
"Si Jave!" kaagad na sagot ni Dianne.
"Titili sa takot pangalan palang. Yun ba?" umiiling kong sabi. Naalala ko na naman siya. Kahit anong gawin ko hindi siya mawala sa utak ko.
"Eh di si Ark at si Jiro nalang kaya? Kaibigan mo naman sila tutulungan ka nila." maningning ang mga mata ni Dianne nang sabihin iyon.
"Malabo.. baka hindi pumayag si Jiro, may sumpong din yun eh. Napalayas pa siya sa bahay nila dahil sa gulo kahapon. Nahihiya na akong lumapit sa kanila para sa simpleng bagay na ito. Dapat kayanin ko 'to ngayon."
"Wag kang mag alala. Kami nalang ang magcoconvince kina Jiro at Ark na magsign up sa isa sa mga activities. I'm sure kapag sila at iba pang mga rexes ang nag umpisa mas madaming sasali."
Complicated. Hay. Hindi ba ako pwedeng mabuhay nang walang nakakasalamuhang mga rexes sa school? Yung normal lang, yung walang komplikasyon at walang ingay, walang tsismis at lalong lalo nang walang gulo?
Ganito ba maging girlfriend ng isang Jave Santillan? Baka nga tama si Bella, nahihirapan ako dahil hindi ako bagay sa kay Jave at kahit anong gawin ko magkaibang mundo ang ginagalawan namin. Sa mga panahong ganito gusto ko nalang maging normal na estudyante.
Napatitig ako sa cellphone ko. Wala pa ring txt o kahit missed call man lang galing sa kanya. Paulit ulit ko din tinitingnan ang messenger ko baka kahit man lang doon magmessage siya.. pero nakakapanghinang wala din pati doon.
Nakaidlip na ako nang maalimpungatan ako sa lakas ng hiyaw ni Mia.
"Mia? Ok ka lang?" tanong ni Dianne na tila naalimpungatan din.
Nanlalaki ang mga mata ni Mia sa amin. "Check out your ad Sofia. Jave posted a video and signed up to one of the activities! At ang dami nang views ng ad mo. Andami na ding nagsign up! This was just 23 minutes ago! I can't believe it."
Hindi pa man natatapos magsalita si Mia ay kaagad ko nang hinanap ang cellphone ko. Kinakabahan ako na naeexcite makita ang video na tinutukoy ni Mia. Anong klaseng video yun and why did he sign up? Babalik na ba siya right before the Foundation Day?? Halos manginig na ang kamay ko at ang lakas ng tambol ng dibdib ko.
Highway to hell? Kumunot ang noo ko sa banner na nakita ko sa video. It looks like he's in a dark room. Hindi ko malaman kung nasa bahay ba siya dahil madilim ang piligid ng video na natatanglawan lamang ng sumasayaw na ilaw na may iba't ibang kulay.
Then he started singing. He was making a distinct music with his little piano. It was his own version of the song Highway to Hell.
Napatitig ako sa mukha ni Jave habang kumakanta. Bawat buka ng bibig niya, bawat expresyon ng mukha niya nanunuot sa akin ang lyrics ng togtog niya. Highway to Hell. Jave nasan ka na ba talaga at ano ba talagang nangyayari sayo ngayon? Sana naman kausapin mo na ako..
https://youtu.be/u7ySVut0fV0
No stop signs, speed limit
Nobody's gonna slow me down
Like a wheel, gonna spin it
Nobody's gonna mess me around
Hey Satan, paid my dues
Playing in a rocking band
Hey mama, look at me
I'm on my way to the promised land, whoo!
I'm on the highway to hell
Highway to hell
I'm on...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro