Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10. Xymon

Halos malalim na ang gabi nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi rin ako makatulog sa pag iisip sa kung anong nangyari sa amin ni Jave kanina. Paano kami napunta sa pag aaway gayong pinapaalalahanan ko lang naman siya sa mga gawi niya na tila hindi niya napapansin. Yung akala niya ok lang pero malala na pala.

Kinakabahan man ay pinilit kong lumapit sa pinto upang icheck kung sino ang naroon. Si Jave, bumalik siya.

“Sofia, kami to. Si Dianne to buksan mo ang pinto.”

Tila nadismaya ako. Ibig sabihin aabot hanggang bukas ang away namin. Sinabihan ko pa naman din siyang wag akong pakialaman. Hindi naman siguro niya seseryosohin iyon di ba?

“Sofia..”

“Oh heto na.” pinagbuksan ko sila ng pinto.

“Umalis na si Jave?” tanong ni Mia.

“Oo kanina pa. Saan kayo galing? Pasensya na ha, naistorbo pa kayo..”

“Ano ka ba wag mong isipin yun. In a way isang malaking karangalan na napunta sa kwartong ito ang Demon Rex ng school. Maraming naiinggit samin ngayon.” nakatawang pahayag ni Mia.

“Ok lang ba siya?” tanong ni Dianne. “Masama ang lagay ng mga kagrupo ni Xymon sa hospital. Narinig kong inaareglo na ng mga magulang nina Zirk at Jiro. Pero mukhang hindi nila kayang aregluhin ang mga magulang ni Xymon. Balita ko si Mr. Santillan na mismo ang kakausap sa mga iyon.”

“Mukhang andami niyong nahanap na impormasyon ah..” pilit akong tumawa kahit na kinakabahan ang sa mga susunod na mangyayari. Grounded na ba si Jave? Hindi ko na ba siya muling makikita?

“Ano ka ba? Yan ang power ng technology at mga secret forums and websites dito sa Westside. Mabilis kumalat ang balita. Pati nga sa ibang school kalat na ang ginawa ni Jave. Panibagong takot na naman ang kakalat sa buong elite world. Nakakapangilabot talaga ang demon rex..” dagdag pa ni Mia. “Halos mawalan ako ng malay ng sigawan niya ako kanina. Nagalit ba siya sakin..?” nagaalalang tanong nito.

Umiling ako. “Hindi ah. Hindi naman ganun kasama si Jave katulad ng nababasa niyo sa mga tsismis. Kung makakasama niyo lang siya at makakapagpalagayang loob, makikita niyong may pagka isip bata lang talaga yun. Malakas ang prince syndrome pero mabait.”

Nagkatinginan ang dalawa at umaktong izizipper ang bibig.

“Hey, totoo sinasabi ko.” pagpupumilit ko.

Nagkibit balikat si Dianne. “Ewan ko lang Sofia ah, pero siguro sayo lang mabait si Jave dahil ..dahil gusto ka niya..”

Ako naman ang natahimik. Narinig ko na kina Ms. Ysabel, Jiro at Ark yan. Pati na rin kay Xymon. Parang malapit na akong maniwala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tuluyang bumait si Jave sa lahat.

Nang mahiga na sa kanya-kanyang kama ang dalawa. Ganun na din ang ginawa ko. Naamoy ko ang iniwang bango ni Jave sa unan at sa buong higaan ko. Napakabango ng lalaking iyon. Pinaghalong mamahaling pabango at pawis nito ang nanunuot sa ilong ko na nagpapakalma ng isipan ko.

Habang nagba-browse ng ipad niya si Dianne ay bigla itong napabangon. May nabasa itong isa sa mga forums na nagpadilat ng mga mata nito. “Mia basahin mo to.”

“Ano yan?” Napabangon ako.

“Mas malaki na at makapangyarihan ang kompanyang pag aari ng mga Fuentebella. Mas mayaman na sila ngayon kaysa dati. Mukhang hindi sila papayag na hindi maparusahan si Jave this time. Pinalagpas nila ito noon dahil hindi nila kaya ang impluwensya ni David Santillan, pero ngayon parang lalaban na sila. What happened today opened a long forgotten wound from the past.” ani Mia.

“Alam ko ang history nila Jave at Xymon noon. Si Jave ang dahilan kung bakit lumipat ng school si Xymon di ba? Dahil sa away nila? Jiro and Ark told me about him..”

“May mas malalim na dahilan. At sa tingin ko hindi sasabihin nila Jiro yun sayo. Kaibigan pa rin nila si Jave, hindi nila sisiraan sayo ang boyfriend mo..”

“Bakit Mia, anong hindi ko alam..?”

“Xymon had a twin sister--” hindi natuloy iyon ni Mia nang sikuhin siya ni Dianne. “ She had to know, Dianne! The poor girl was so in love with Jave she would follow him everywhere. Kung takot lahat ng tao kay Jave noon si Xyrelle hindi. Palagi siyang nakabuntot kay Jave ilang beses na siyang muntik nang mapahamak dahil dito. There was a time na ipinusta siya ni Jave sa karera. Mabuti nalang nanalo si Jave pero maling mali ang ginawa nito.”

“Xymon that time was one of the rexes in school. Hindi niya magawang kantiin si Jave dahil mahal na mahal ito ng kapatid niya. Until a tragedy came.” dagdag ni Dianne.

“Anong nangyari?” halos hindi tumigil ang mabilis na tibok ng puso ko. Habang unti-unti kong natutuklasan ang pagkatao ni Jave bago ako dumating parang mas lalong namumuo ang di maipaliwanag na kaba sa dibdib ko.

“Despite everything that Xyrelle did for Jave, hindi siya nagkaroon ng puwang sa puso ng demon rex. Napahiya si Xyrelle nang sa harap ng madaming tao ay kutyain siya ni Jave at buhusan ng malamig na tubig sa ulo sa mismong foundation day ng school. Dahil sa pagkapahiya, nagpakamatay si Xyrelle. Binangga niya ang kotse niya sa isang ten wheeler truck ng gabing iyon. Ni hindi dumalaw sa libing si Jave. Wala man lang itong pagsisisi sa nangyari. Doon nag umpisa ang poot ni Xymon.”

Nanghina ako sa narinig. Hindi nakapagtatakang walang nagtangkang magsabi sa akin tungkol sa mga bagay na ito. Hanggang saan ang kasamaang matutuklasan ko sa kanya? Tama ba talaga ako sa paniniwala kong nagbago na siya? O nabubulagan lang ako dahil mahal ko si Jave? Anong totoo sa pagkatao niya? Anong totoong kulay ng isang Jave Santillan?

“Ang dami ko nang sinasabi. Sa tingin ko kailangan na nating matulog Sofia.”

Ramdam ko sa boses ni Mia na pinagsisihan din kaagad nito ang pagki-kwento sa akin.

“Oo nga Sofia. Nakalimutan mo ba may mga bisita tayo galing sa ibang school bukas? Preparation para sa nalalapit na foundation day. I’m sure magiging busy ang org niyo! Excited na kaming panoorin kang sumayaw!” biglang pag iiba ng usapan ni Dianne.

Pinilit ko pa din ang ngumiti. Para mawala ang pag aalalang nasa puso at isip ko sa mga oras na ito.





Kinabukasan. Napaubo bigla si Dianne ng walang tigil halos iluwa na niya ang baga niya. Binuksan niya ang bintana dahil nasusuffocate na daw siya sa aircon sa loob. Pero parang mas nasuffocate siya sa hangin na nagmumula sa labas. Kaagad kaming lumapit ni Mia.

Namumula ang mukha niya. Kaagad niyang isinara ang bintana at hinila kami paupo sa sahig na parang may tinataguan mula sa labas.

“Dianne, anong nangyayare?” ani Mia.

“Ok ka lang?” tanong ko.

Isang minuto siyang hindi makapagsalita, nakatitig lang sa amin ni Mia. “Nakita ko si …si Jiro.”

Kumunot ang noo ko. “Anong gagawin ni Jiro dito eh maaga pa para sa klase nun? Mamayang 10am pa darating yun eh 7am palang.”

“Namamalikmata ka na naman ba Dianne? Yan ang napapala mo kakatitig sa stolen picture niya eh.” tumayo si Mia upang kuhanin ang picture ni Jiro na nakasiksik sa taas ng kama ni Dianne na mukhang tinititigan nga nito gabi gabi. Nilapag ni Mia ang picture sa study table. Picture iyon ni Jiro habang naglalaro ng soccer.

Napabuntong hininga ako dahil isa lamang si Dianne sa maraming babaeng halos mabaliw kay Jiro.

“Hindi ako namamalikmata, nakita ko nga siya. Sa katapat na building sa malaking balcony.”

“Ang layo ng katapat na building Dianne, nakilala mo talaga siya?” si Mia.

“Tingnan mo.”

Dahan-dahang binuksan ni Mia ang bintana tapos ay sumilip. Siya man ay nanlaki ang mga mata. Kaya napilitan din akong sumilip dahil may kutob na ako kung ano ang nangyayari. Hindi nga ako nagkamali.

Sa katapat na building kung saan may pinakamalaking balcony nakita ko sina Jiro at Ark na nagkakape sa isang maliit na coffe table. Ark was wearing a navy blue shirt with matching shorts,nakasuot ito ng malaking headset habang umiinom ng tea at tila nagpapractice ng kanta. Sa harap niya naman si Jiro na may hawak na dyaryo.

“Sa dorm na sila nakatira?” bulalas ni Mia.

Hindi sila ang tipong titira sa dorm. Kaya anong ginagawa nilang dalawa doon? Kasama kaya nila si Jave?

Kaagad akong gumayak, pagkatapos ay patakbo kong tinungo ang male’s dorm, nakasunod sa akin sina Mia at Dianne. Saktong palabas ng building sina Ark at Jiro.

“Jiro! Anong ginagawa niyo dito? Dito na kayo nakatira?”

Tila nagulat si Jiro sa biglaan kong pagsugod. “I was kicked out from the house. Pinagalitan ako ng parents ko dahil sa nangyari kahapon. Sinamahan lang ako ni Ark. Papasok ka na? Sabay ka na samin.”

“May- may kasama ako eh.” sabi ko na nakatingin sa likod ni Jiro baka sakaling kasunod ng mga ito si Jave.

“Wala siya. Kagabi ko pa hindi makontak si Jave. Nandito ang Papa niya. Mahihirapang makalabas ng bahay yun.”

“Hindi siya papasok?”

“I told you, schooling for Jave is just a display.” Nakatawang pahayag ni Jiro.

“Galit ba ang Papa niya? Hindi naman siguro nananakit ng anak yun di ba?”

“Nag aalala ka kay Jave noh?” singit ni Ark. “Wag kang mag alala. Matanda na si Mr. Santillan, kayang kaya na ni Jave ang mga suntok at sipa nun. Kung dati nga nginunguya lang si Jave ang sipa ng tatay niya, ngayon pa kaya! Chill ka lang OK?!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Anong chill? Sadista ang tatay niya tapos chill lang ako? Hindi niyo ba siya pupuntahan?”

“At this point Sofia. Mas mabuting wag tayong makialam. Lalong lalo ka na, stay away from his father as much as possible. Hindi mo gugustuhing makabangga ang taong iyon.” hinawakan ako ni Jiro sa balikat.

Si Ark naman ay inakbayan ako at hinila papunta building kung saan naroon ang classroom ko. Napansin kong nahiya na ang dalawa kong kasama at sumenyas na mauuna na sila.

“Sino sila? Roommates mo?” tanong ni Jiro.

“Oo.”

“Ahh, the younger lady looks familiar. Parang nakita ko na siya somewhere…”

“Schoolmate natin siya matagal na. Nakita mo siya sa canteen.”

Tumango lang si Jiro pero halatang hindi nito maalala si Dianne.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro