37. Finale
"Jave, anong ginagawa natin dito?" tanong ni Sofia nang iparada ko ang sasakyan sa terminal ng bus papunta sa probinsyang pinanggalingan niya.
"Makikitae? Malamang sasakay."
Umikot ang mata niya. Nagtataray na naman. Bakit 'yong ibang babae ang sweet sa 'kin? Bakit siya para siyang pusang laging bagong panganak sa sungit. "Hetong ticket nating dalawa."
Nanlaki ang mga mata niya. "Uuwi tayo?"
"Oo dadalhin mo ako sa bahay niyo sa probinsya ipapakilala mo ako sa Lola at mga magulang mo."
"Patay na sila."
"Hindi pwedeng pumuntang sementeryo?"
Nang sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ni Alien, pakiramdam ko sulit na ang puyat ko. Tama 'tong ginagawa ko. Paminsan-minsan man lang may magawa akong matino para sa kanya. Kailangan kong patunayan sa kanya araw-araw na tama ang desisyon niyang pabalikin ako sa buhay niya. Sa abot ng aking makakaya, gagawin ko ang lahat para pasayahin siya.
Nang maakyat kaming pareho sa bus, hinanap ko ang pwestong kagaya ng pwesto namin noon papuntang Manila. Mauunahan na naman niya ako sa may window seat kaya hinila ko siya para ako ang unang makaupo. Hindi magiging accurate ang replay kung magkapalit kami ng pwesto di ba?
"Ako d'yan!" reklamo niya.
"Hindi ah. Ako dito ako nauna."
"Nauna ka dahil hinila mo ako! Alis na, isa!"
Tumingin ako sa likuran niya. "Maupo ka na. May dadaan oh, nakakaharang ka." Sabay ngisi sa kanya.
"Nakakainis ka!" gigil na gigil si Alien. Nanlilisik na naman ang mga mata. Wala siyang nagawa kundi ang maupo sa tabi ko. Gusto kong tumawa ng malakas. Panalo ako, wala siyang magawa. Nang umandar na ang bus asar siyang pumwesto patalikod sa akin.
"Hoy, humarap ka nga!"
"Harapin mo mukha mo!" gigil niyang balik.
"Harap ka na!"
"Ayoko ah!"
Kinuha ko ang braso ni Sofia at masuyo siyang hinila sa dibdib ko. Pinaikot ko ang braso ko sa balikat niya para hindi siya makagalaw. "Huwag ka nang masungit. Hindi ka maniniwala pero nalulula talaga ako sa bus kaya gusto ko sa may bintana."
"Nek nek mo!"
Sinubukan kong patamisin ang ngisi sa mga mata at labi ko. Minsan umeepekto kay Alien kapag nagpapacute ako eh. "Oo nga."
"Hmmm.."
"Dito ka na." hinila ko ang ulo niya at hinilig sa balikat ko. Napakagaan ng pakiramdam ko simula nang makasama ko ulit siya. Hindi madaling malayo sa kanya ng mahabang panahon pero ang pakiramdam ko ngayon sulit ang lahat ng pinaghirapan ko. Nagbunga naman na, I just received from one of my people in the US that among all the powerful and extremely rich young sharks in the business world I was the one chosen. It became official just today. The elite business world had its most feared and respected list of all powerful businessman in the world. They called them the Princes of Hell. Starting today, I was one of them. The 5th on the list. And Probably will be the last member in the next decade.
Imbes na sundin ang mga tao ko at bumalik ng US dahil kailangan ako doon para sa gaganaping announcement party, nandito ako kasama si Alien ko. Hindi ko ipagpapalit ang oras na kasama ko siya sa kahit na ano pa mang bagay. Hindi niya pa alam ang balita, pero hindi na importante 'yon. Myembro man ako ng Princes of Hell o hindi, alam ko ang mahalaga sa kanya. Ako. Ako lang. Wala na siyang ibang rason.
Ilang sandali pa naramdaman ko na ang steady niyang paghinga, nakasandal pa rin siya sa balikat ko pero tuluyan nang kinain ng antok. Inangat ko ang kamay ko upang hagilapin ang kamay niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang hawak ko ang kamay niya.
SOFIA
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sigaw ng konduktor pinapababa na ang mga pasahero. Nasa terminal na kami ng probinsya. Pamilyar sa akin ang lugar dahil ilang kanto lang ay bahay na namin. BInalingan ko si Jave. Mahimbing pa rin ang tulong niya nakasandal sa balikat ko. Hawak niya din ng mahigpit ang kamay ko. Napangiti ako.
"Jave.." niyogyog ko ng marahan ang balikat niya. "Nandito na tayo, babe."
"Ha?" aniyang kinukusot ang mga mata.
Matapos bisitahin ang puntod ng mga magulang ko at ni Lola, dumiretso kami ni Jave sa bahay na kinalakihan ko. Pinandilatan ko pa siya ng sipain niya ang plastic ng basura na nakaharang sa harapan ng bahay, kumalat iyon sa katabing bakuran ng kapitbahay.
"Oh bakit? Basura nila 'yan binabalik ko lang sa kanila." reklamo niya na nandidiri ang mukha dahil sa kumapit na dumi sa sapatos niya. Buti nga. Sisiga-siga na naman kasi. Wala na talagang pag-asa ang attitude ng Paniking ito. Kinailangan niyang pwersahing buksan ang kahoy na pintuan ng bahay para makapasok kami. Gawa lang sa purong kahoy ang bahay na iyon, ang tanging semento lang ay ang sahig
na inaapakan namin. May isang maliit na kwarto, tapos kusina at sala na kaagad ang bubungaran galing sa pinto.
Binuksan ni Jave ang lahat ng bintana, walang tigil ang ubo niya sa dami ng alikabok sa nagmula doon. "Napuno ang baga ko doon ah. Posporo nalang ang kulang sa bahay na 'to!" reklamo ni Jave na nakatakip na ng ilong. Gusto kong matawa sa itsura niya, hindi nga naman bagay ang gwapo nitong mukha at mayamang pormahan sa barung-barong namin. Kaya masayang akong niyaya niya ako dito para naman magkaroon siya ng koneksyon sa mundo ko.
"Huwag ka munang magreklamo dahil mas malala pa d'yan ang alikabok na sisinghotin mo, maglilinis tayo."
"What? That's not part of the plan you know--"
"Pero dito tayo matutulog. Gusto mong matulog na ganito kakapal ang alikabok sa sahig?"
"Gusto kong lumayo na dito. Maghotel tayo."
"Hindi tayo maghohotel. Gusto mo ikaw nalang. Dito ako matutulog."
"What??"
Pinagmasdan kong umawang ang mga labi ni Jave at tumikom. Napahilamos siya sa mukha ng ilang beses. "You're not serious, are you?"
"Seryoso ako." nakangiti kong sabi sabay hawak sa isang lumang walis tingting upang simulang linisin ang taas ng bahay pababa sa sahig. Maliit lang naman ang bahay kaya kapag sinwerte ako't tumulong si Jave, wala pang gabi malinis na ito. Natatawa ako habang pinagmamasdan siya na tamad na tamad na kumuha ng sariling walis at gayahin ang ginagawa ko na linisin ang mga sapot ng gagamba. Kinilig pa nga ako nang kuhanin niya ang panyo sa likod ng bulsa niya at itali iyon para matakpan ang ilong ko.
"Ikaw nalang, ok lang ako." sabi ko pa dahil alam kong sa aming dalawa siya ang hindi sanay sa alikabok.
"Don't dare remove it, kundi kakargahin kita palabas ng bahay na ito maghohotel tayo. Ano ha?"
Umikot ang mata ko. "Yes Boss."
Alam naman pala ni Jave maglinis? Ilang oras kasi ang nagdaan halos nailabas na namin lahat ng dumi na naipon sa loob ng bahay. Nagawa pa nga niyang ayusin ang ilang mga butas sa dingding gamit ang mga kagamitang nahiram ko sa mabait naming kapitbahay na si Aleng Neldy.
"Dito ako sa kwartong ito pinanganak." deklara ko nang matapos naming ayusin ang papag sa loob ng kwarto.
"Syempre, alangan namang sa hospital, malalaman nilang aswang ka."
Inis ko siyang nilingon. Nanlisik ang mga mata ko sa kanya. Kaya naman kaagad niyang hinarang sa mukha niya ang hawak na walis kahit na madumi iyon.
"Oh. Joke lang. Hindi ka na mabiro."
"Buksan mo 'yang kabinet sa likod mo." utos ko. Tumalima naman siya ngunit nanlaki ang mga mata ng ilang mga garapon ng itim na likido na may mga ugat sa loob ang nabungaran niya doon.
"Anong 'tong mga 'to?"
"Ano ba pa sa tingin mo?"
Muli niyang tiningnan ang laman ng kabinet. Lumunok siya at bumaling sa akin. Parang nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang aninagin kung ano ang nasa loob ng mga garapon pero hindi niya magawa. Itong paniking ito ang tapang-tapang pero pagdating sa mga simpleng bagay matatakutin. Kaya alam na alam ko kung ano ang kahinaan niya palagi eh. He's rock and all diamond-hard in the outside but all soft and fluffy-innocent on the inside. Kaya sa kabila ng takot na nararamdaman ng maraming tao sa kaya, mahal ko siya. Kasi ako, kilala ko ang totoong Jave.
Napabuntong-hininga ako. Inaasar niya ako kaya nagalit ako, pero isang pa-cute na ekspresyon niya lang na natatakot bumigay na naman ang puso ko.
"Aswang ka nga?"
"Oo. Isang pahid ko lang ng mga 'yan sa balat ko mamayang gabi mahahati na ang katawan ko, kakagatin kita sa leeg sisipsipin ko ang dugo mo hanggang sa mawalan ka ng buhay."
"Teka lang naman. Bampira 'yon eh. Ano 'to all in one laman-lupa ka ganun?"
"Parang ganoon na nga. Ngayong alam mo na ang totoo, mahal mo pa ba ako?"
"Ha? Ano ko bale? Syempre sibat na 'ko!" Sabay hakbang paikot sa akin upang makalabas ng kwarto. Walanghiya 'tong paniking ito, sa itsura ng pagmumukha na mukhang sinawsaw ng isang oras sa suka mukhang naniwala talaga. Inis akong pumihit para sundan siya dahil mukhang uuwi na nga ng wala sa oras. Pero hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto nakabalik na siya.
"Oh bakit bumalik ka?" tanong ko na nakataas ang kilay.
"Mahal kita eh. Kahit na wakwak ka pa."
Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi ni Jave pero hindi ko magawa. Sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako ..hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, kumakalembang pa rin talaga ng malakas ang puso ko, parang lalabas sa dibdib ko.
"Siraulo. Halamang gamot 'yang mga 'yan."
"Oh?" aniyang parang nakahinga ng maluwag.
"Joke. Laman loob ang mga 'yan." bawi ko na may kasamang ngisi. Binuksan ko ang isang garapon at kumuka ng kaunting likido mula doon pinahid ko sa leeg ko. Tapos ay parang sinasapiang elemento na humarap kay Jave. Sabay tawa ng pang-evil. "Hahahahaha! Akin na ang kaluluwa mo Jave Santillan! Akin na!! Wahahahaha!"
"Tumigil ka nga!" pasigaw na sabi ni Jave pero halatang-halata sa mukha ang takot. Natuyuan na yata siya ng laway, sobrang putla na parang hihimatayin anytime. "Tumigil ka! Tatamaan ka sa akin!"
Humakbang ako palapit sa kanya. "Hindi mo ba alam na lahat ng tao sa bayang ito ay kampon ng kadiliman. Lahat ng taga-ibang lugar na tumapak dito ay hindi na nakabalik ng buhay--"
"Shut up!"
"Itatarak sa puso mo ang gintong punyal pagtapat ng bilog na buwan, kukunin ang lahat ng laman-loob mo. Babalatan ka ng buhay! Wahahaha."
Pinagpawisan na si Jave. Gustong-gusto ko nang humalakhak. Nagawa ko lang iyon nang kumaripas na siya ng takbo! Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa.
"Jave! Babe! Haha! Bumalik ka nga!"
Hindi ako makapaniwalang kakagatin ni Jave ang prank na 'yon. Ang layo ng tinakbo niya! Grabe ang tawa ko. Lahat ng mga iniyak ko noon, lahat ng kirot at sakit ng sandaling paglayo niya sa akin, nabawi na niyang lahat iyon. Wala na akong hihilingin pa at wala na akong ibang ipapanalangin pa kundi ang manatili lamang na ganito sa piling ng isa't isa.
Alam ko, life will soon get in the way. Gagraduate ako, magtatrain na maging isang magaling na negosyante para maayos kong mahawakan ang negosyong pinagkatiwala sa akin ni Jave. Mas madami pa akong makikilalang Bella sa mundo niya, maraming-maraming pagsubok pa akong pagdadaanan. Pero isa lang ang alam kong panghahawakan ko sa malalamig na gabing maari kong kaharapin: ang puso ni Jave ay akin. Anumang kasupladuhan, kasamaan at katarantaduhan ang ipakita niya sa akin at sa madla, walang makakapagpabago ng katotohanang mahal niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ang pagiibigan namin ay mas malalim pa sa pinakamalalim na kweba ng mga paniki at mas malawak pa sa pinakamalawak na kalawakan na diumano'y may mga Alien na kagaya ko.
Hindi dito nagtatapos ang kwento namin ni Paniki, magsisimula palang...
The End.
A/N: Kung nagustuhan mo ang story nina Jave at Sofia, baka magustuhan mo din ang story ng apat na Princes of Hell. Tatlo ang nasa "Paid" isa ay "libre."
All four books available in Bookstores. Shopee and Lazada. Maraming salamat sa suporta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro