36. Forever
Nakaligo na ako, nakabihis na ako hindi ko pa rin naririnig na pumasok ng bahay si Jave. Nang sumilip ako sa bintana nakita ko siya sa basketball court na nasa loob ng bakuran ng bahay. Nakahubad ng damit si Jave kaya malaya kong nakikita kahit sa malayo ang magandang porma ng katawan nito. Naka-low cut jeans siya na kulay dark blue at nagbabasketball ng naka-paa. Pinagmasdan ko siyang magdribol ng bola sa court sa mag-shoot ng paulit-ulit. Kahit saang kanto, kahit saang anggulo ng ring nagagawa niyang ipasok ang bola. Nagpangalumbaba ako habang nakatanga sa kanya. Kahit pa siguro lumipas ang maraming taon, sa paningin ko, isa pa rin siyang nilalang na nanggaling sa ibang dimension sa sobrang kagwapuhan. Para siyang bituin sa kalangitan, nagliliwanag, kumikinang.
Napaayos ako ng upo nang may mapuna ako. He got another tattoo on the left side of his lower abdomen. It was in a shape of a pearl. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang perlas na dapat ay ibibigay niya sa first love niya na si Rianne. Bigla ang pagbugso ng kaba sa dibdib ko nang maalala ko ang babaeng mahal na mahal ni Jave noon. Hindi ko mapigilan ang mapa-isip kung bakit kailangan na nakatattoo ang perlas na iyon sa katawan niya.
Hindi ako nakatiis, bumaba ako upang kompirmahin iyon sa malapitan.
"Hindi ka pa natutulog?" tanong niya. Kakaiba ang lamig sa paligid, masama ang panahon parang uulan.
"Hindi ako inaantok." Sagot ko. Bumaling siya sa ring at hinagis doon ang bolang hawak. Tumakbo ako upang saluhin ang bolang iyon sa ilalim ng ring. Sinubukan kong idribol ang bola, pero hindi ko alam na mahirap din palang gawin iyon. Kailangan mo ng balanse at control para mapanatili mong steady and bawat pagbagsak at pag-angat nito sa lupa.
"Bola 'yan, hindi mababasag 'yan. Masyado mong iniingatan." Puna ni Jave sa paraan ko ng paghawak sa bola.
"Nagkita ba ulit kayo ni Rianne noong nasa ibang bansa ka?"
Tumingin siya sa kalangitan. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay pinansin niya ang masamang panahon at nagbabadyang ulan.
"Kailan ka nagpa-tattoo ng bago?" hindi ako tumigil. Kailangan kong malaman dahil gusto kong alisin ang masamang elemento ng selos na dumadaloy sa katawan ko ngayon. Mahal ko ng buong-buo si Jave, mahal niya din ako ng buong-buo alam ko (yun ang pagkakaalam ko) pero anong ginagawa ng perlas na 'yon at nakaguhit sa katawan niya?
"In Israel.. few months back." Sagot niya.
"The pearl you're suppose to give Rianne? Bakit?" halos pumiyok ng boses ko. Alam kong OA na ako dahil hindi naman big deal ang tattoo na iyon pero.. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Sofia. Where are we going with these questions right now, huh?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi ko alam. Sagutin mo nalang."
"Yes. This is the pearl I was to give Rianne. Ok? Happy Now?"
Mahigpit ang naging hawak ko sa bola. Wala sa sariling naibato ko iyon sa kanya ng malakas. Kagaya ng inaasahan, nasalo niya lang iyon. "Bakit?" tanong ko ulit.
"Anong bakit?"
"Bakit ka nagpa-tattoo ng ganyan?"
"I don't wanna answer that question, ok. Ano bang nangyayari sayo bakit biglang ang init na naman ng ulo mo?"
"Hindi mainit ang ulo ko. Nagtatanong lang ako. Ayaw mo akong sagutin? Fine! Let's play basketball then. Kapag naka-score ako sa 'yo sa loob ng 30 minutes. Sasagutin mo lahat ng tanong ko!"
"Are you sure about that? You'll never score. Kahit dalawang oras pa tayo dito."
"Try me." Buo ang loob kong sabi.
Hindi pa ako nakakapaglaro ng basketball sa buong buhay ko pero madami na akong napanood na game. Visual learner ako, madali nalang gayahin kapag nakikita ko. Pagkatapos ng tatlumpong minutong nakipaghabulan at nakipag-agawan ako ng bola kay Jave, ni isang dribol at isang palpak na hagis sa ring hindi ko nagawa. Pagod na pagod na ako, halos itukod ko nalang ang mga kamay ko sa tuhod ko para lamang suportahan ang sarili.
Nakatawa pa siya sa akin. "I told you."
Huminga ako ng malalim. Wala akong paki-alam sa rules, sa mga travelling, carrying or charging na yan basta maagaw ko ang bola at maishoot iyon. Inumpisahan kong sikuhin si Jave sa tiyan. Nagulat pa siya at nabitawan ang bola nang mapahawak siya sa tiyan.
"Uy, iba na. sakitan na?" reklamo niya.
"Mananalo ako."
"Malamang. Sadista ka eh." Naghabulan kami papunta sa bola. Hindi ko pa rin nakuha, nakuha pa rin niya at naihagis sa ring. Pasok iyon. Sa kagustuhan kong sagutin niya ang nagpapabagabag ng loob ko kahit masakit na ang buong katawan ko sa pakikipagbuno sa kanya, hindi pa rin ako sumusuko.
Hanggang sa isang oras na ang nagdaan. Pakiramdam ko iikot na ang paningin ko sa pagod anumang oras. Kahit si Jave hinihingal na. "Tama na ha. Masakit na katawan ko! Basketball sa 'kin, karate sa 'yo eh! Ganito ba mag-basketball ang mga alien may mix martial arts na kasama?"
"Ang dami mong sinasabi!" sabay patid ng paa niya para mabuwal siya sa court. Nagawa ko iyon, nagawa kong mapahiga si Jave . Nang akmang babangon na siya, hindi ako pumayag. Kaagad akong dumagan sa katawan niya.
"Gagawin mo talaga lahat 'no?" sabi niya. Hindi na siya nagprotesta. Hinayaan niya ako sa ganoong posisyon sa ibabaw niya. Kaagad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ko ulit ang kakaibang pitik sa puso ko na nararamdaman ko lang kapag magkadikit kami ng ganito. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya upang magkaroon kami ng kaunting distansya. Sa ginawa kong iyon, malaya kong natitigan ang mukha ni Jave , ang mga mata niyang parang maraming sinasabi, ang mga labi niyang parang hinihigop ako at parating nag-iimbita ng halik.
"Anong gusto mong malaman?" tanong niya.
Bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan. Parang kumikinang iyon sa paningin ko, ilang beses akong napalunok bago mahagilap sa utak ko ang sagot sa tanong niya.
"Iniisip mo pa rin si Rianne? Nanghihinayang ka pa rin na hindi ka niya minahal na kagaya ng pagmamahal mo sa kanya?"
"Anong sinasabi mo?" kunot na ang noo niya.
Gusto kong pigilan ang namuong luha sa mga mata ko pero huli na.
"Babe what's wrong?" ang kunot sa noo ni Jave ay napalitan ng pag-aalala. Lahat ba ng mga babaeng nagmamahal emotional at paranoid kagaya ko? O ako lang? Naupo siya kasabay ko, hinayaan niya akong nasa kandungan niya habang inaayos ang nagulo kong buhok na halos tumakip na sa mukha ko.
"Wala." Kahit na ang dami kong tanong. Hindi ko kayang magsalita na ganito ako ka-emotional. Saan ko ba nakukuha ang mga emosyong 'to na halos sakalin ako?
"This tattoo has nothing to do with Rianne, ok? Walang katiting na kinalaman si Rianne dito. This tattoo is all about you.."
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
"It has always been about you. You swallowed the pearl remember? The pearl actually had made it possible for us to be together. Kung hindi mo nalunok ang perlas, hindi kita isasama sa bahay ko. Hindi kita makikilala ng husto. Hindi ko malalaman na may isang tao sa mundo na kaya akong turuan na magmahal at magkaroon ng direksyon sa buhay. Hindi ko malalaman na may isang tao sa mundo na harapan akong kakalabanin, sisipain, pipingutin at aasarin nang walang takot. Maaring nagustuhan ko si Rianne noon pero wala 'yon sa katiting ng pagmamahal na nararamdaman ko sayo ngayon."
Suminghot ako. "Totoo?"
"Totoo. Huwag ka ngang umiyak ng walang dahilan! Kapag iyak ka ng iyak baka kunin ka ng mga magulang mo sa ibang planeta sige ka."
Sinimangutan ko siya. "Anong sinasabi mo?"
"Di ba nga si Kokey kinuha na nila? Baka isunod ka, hindi ako papayag."
Humaba ang nguso ko sa asar sa kanya. Ginawa pa akong Kokey. "Anong magagawa ng isang paniki kapag kinuha nga ako ng giant platito ngayon?
"Eh di.....sasama. Alangan namang magpa-bad shot pa ako sa lahi mo di ba?"
Umikot ang mata ko.
"Selos ka lang eh." Sabi pa niya. "Tara na. Matulog na tayo dahil may pupuntahan tayo bukas."
"Saan?"
"Puntang.....forever.."
Kasabay noon ang biglang pagguhit ng kidlat at malakas na kulog sa kalangitan. Natawa ako dahil napaiktad sa gulat si Jave. Akalain mo 'yon, nagugulat din pala ng kalikasan ang maangas na lalaking ito.
"Forever pala ha." Pabiro kong tuya sa kanya. "Bakit parang sinasabi ni Lord na hindi?"
"Totoo nga!" Pagkasabi niya noon ay bigla ang pagbuhos ng malalaking patak ng ulan. Kaya naman tumingala siya sa langit. "Boss, wala namang laglagan!"
Kunwa'y umiiling-iling ako sabay takbo papasok ng bahay.
"Totoo nga sabi eh!" sigaw niya sa likod ko.
"Tseeh! Bahala ka!"
NOTE: Final Chapter Up Next!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro