35. Dark and Tainted
Sinadya kong bilisan ang pagmamaneho para kaagad na makauwi ng bahay. Sa nakalipas na maraming mga buwan ang lugar pa rin na ito ang hinahanap-hanap ng puso ko. Ang amoy ng sariwang hangin, ng mga dahon at ng mga bulaklak sa paligid. Higit sa lahat ang pamilyar na amoy ni Jave na aminin ko man sa hindi talagang sobrang nakakagaan ng pakiramdam ko.
Binalingan ko si Jave sa passenger seat. Napangisi ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha habang tulog na nakasandal sa upuan. Pinakatitigan kong mabuti ang bawat anggulo ng mukha niya, ang makapal at masungit niyang kilay, ang matangos na ilong at perpektong mga labi na bahagyang nakaawang. Kung gwapo siya noon, mas lalo ngayon. Hindi maipagkakaila na mas lalong lumakas ang appeal niya, he's features were sharper and even more rebellious than ever. At kagaya pa rin ng dati..anghel 'pag tulog, 'pag gising Paniki!
Imbes na gisingin nakapangalumbaba akong pinagmasdan siya. Halos bilangin ko ang bawat paghinga niya, bawat pag-angat ng dibdib at pagbuga ng hangin. Ang bawat pagkibot ng ilong at mga labi. Miss na miss ko ang Paniking ito, hindi sapat ang salitang miss para ilarawan ang nararamdaman ko. Para akong hinukay mula sa libingan. Parang isang isdang ibinalik sa dagat matapos ma-stranded sa pangpang. Ganoon ang pakiramdam ko ngayon.
Gusto ko siyang hawakan, yakapin ng mahigpit pero may takot sa loob ko na baka hallucination ko lang ang lahat ng ito. Na baka kapag ginawa ko iyon ay maglahong parang bola si Jave sa harapan ko. Ayokong gawin.
Hindi ko malaman kung ilang minuto ako sa ganoong posisyon. Hinintay ko ang pagdilat ng mga mata ni Jave, hindi ko namamalayan ang pagikot ng relo sa orasan. Nang sa wakas ay dumilat ang mga mata niya, bahagya pang sumirko ang puso ko.
"Are we home?" tanong niya. Sinalubong ng mga mata niya ang titig ko.
"Yes." I'm home. Coz you're my home and you're back. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya ng kahit na isang segundo.
"Anong tinatanga mo? Baba na."
Napahugot ako ng malalim na hininga. Umikot ang eyeballs ko. Panira talaga sa mood kapag binubuka niya ang bibig niya. "Alam mo Jave, may sasabihin ako sayo. Kanina habang natutulog ka, tinititigan ko ang mukha mo.."
"Talaga?" sumilay ang mayabang na ngisi ni Paniki. "Alam kong gwapong-gwapo ka sa 'kin—"
"Oo. Dati. Pero bakit parang pumangit ka ngayon? Mas gwapo na nga si Ark kaysa sa 'yo eh."
"Paano mo nasabi?"
Nagkibit-balikat ako. Pero tinawanan ko ang reaksyon niya na mas lalo niyang kinapikon. Kumuyom ang dalawang kamao niya. "Akala mo ang ganda mo? Ang itim ng pusod mo!"
Nawala ang ngisi ko. "Ano? Bakit? Nakita mo?"
"Sasabihin ko bang maitim kung hindi ko nakita?"
Sira-ulo 'tong Paniking ito. Kahit gaano kakalmado at kaganda ang mood ko nagagawa niya talagang sirain isang buka lang ng bibig niya. Kelan pa umitim ang pusod ko? Maganda ang pusod ko ha! "At saan mo naman nakita, aber?
"Sa bar."
Umangat ang kilay ko. Saan daw? Sa bar? Kelan ako pumunta sa bar na labas ang pusod? Hindi ko ginawa iyon, napakasinungaling talaga ng Paniking ito! "Hindi ako—" natigilan ako sa sasabihin nang maalala ko ang huling beses na nagpunta ako sa bar kasama sina Dianne. Napatitig ako kay Jave. Ibig sabihin hindi ako dinaya ng instinct ko ng gabing iyon? Kaya hindi ko magawang magprotesta sa halik na iyon ay dahil kahit pa walang makita ang mga mata ko, kahit halos mabingi ang tainga ko, kilalang-kilala siya ng buong sistema ko? Sa likod ng utak ko alam kong si Jave ang kayakap ko ng gabing iyon.
"Ikaw 'yon?" makahulugan kong tanong sa kanya na sinagot niya ng makahulugang kibit ng balikat.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw 'yon! Bakit hindi ka nagpakita? Bakit nagtago ka??"
"Bakit pumayag kang magpahalik? Paano kung hindi ako 'yon?"
"Naramdaman kong ikaw 'yon. Inasahan ko na pagbukas ng ilaw makikita kita sa harapan ko pero wala ka. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Ang umasa saw ala, ha?"
Napansin ko ang paglunok ni Jave at pagtingin sa malayo. Naging mailap din ang mga mata niya. "Mas masakit na hindi ako makalapit sa'yo sa parking kahit na gustong-gusto ko na. Nakita kitang umiiyak, oo. I was there the whole time, I was watching you, I was stupidly breaking my heart back then not being able to hold you when I wanted to so much. But you know what, it'll never happen again. Never."
Napangiti ako ng lihim sa pag-amin niyang iyon. Lahat ng kawalan na naramdaman ko nang mawala siya napunan lahat ng realisasyong sa halos lahat ng mga pagkakataong mag-isa akong umiiyak at down na down ako, lihim siyang nakamasid at nakaalalay sa likuran ko. He might be the baddest bad boy in town, but there was the sweetest, the kindest and the purest side of him that he kept to the world and I was the only one who knew about.
"Kaya simula ngayon, yayakapin kita kung kelan ko gusto. Hahalikan kita kung kelan ko gusto dahil ayoko nang maulit ang pakiramdam na 'yon na para akong gago, nilalabanan ko ang sarili ko. At kapag pumalag ka, tatamaan ka. Maliwanag?"
"Ah ganun? Kapag hinalikan mo ako ulit nang walang paalam ikaw ang tatamaan sa 'kin. Magaling na ako sa judo at taekwondo baka hindi mo alam."
"Is that so?" walang babalang kinabig niya ako at binigyan ng isang patak ng halik sa mga labi. "So what are you gonna do about that Ms. Judo-dash-taekwondo expert?"
Hindi ako nakahuma. "Subukan mong ulitin!"
Ngumiti siya, muling bumaba ang mukha sa akin at muli akong hinalikan. This time his sweet tongue glided on my closed lips and it started a deep fire inside my system. Sa imagination ko na lang ba siya masusuntok? Gusto ko siyang sapakin pero ayaw kumilos ng kamay ko. Sa halip gustong pumikit ng mga mata ko para namnamin ang tamis ng halik na iyon mula sa taong pinakahihintay kong magbalik sa buhay ko.
"What now?" pang-aasar pa niya na nakatawa ang mga mata. Gustong-gusto ko ang aurang nakikita ko sa bad boy ko ngayon. Sa mga oras na ito parang ang bait niya, hindi rebelde, hindi pasaway at hindi biolente. Parang totoo, parang kapani-paniwala..
"Suntok na. Sipa na. Baka naman pingot pa gusto mo?" nakakaloko ang tawa niya. Napansin ko ang pagbabago ng kislap sa mga mata ni Jave. Those were the fierce glitters in his eyes that he often showed the world—dark. Tainted. And very, very dangerous. Pinasadahan ng likod ng kamay niya ang buhok ko, lumapit siya ng husto at sa mababang boses ay bumulong sa tainga ko. "Pero kapag ginawa mo 'yon, hahalikan lang din kita ng pauli-ulit, hindi ko alam kung gaano katagal, kung hanggang saan, at kung—" sinadya niyang bitinin ang sinasabi. Naramdaman ko ang pagdulas ng mga daliri niya mula sa balikat ko pababa sa kahabaan ng braso ko. That fire that he ignited burned even more wilder. Naka-aircon ang kotse ngunit naglalabas ng kakaibang init ang katawan ko. Hindi sapat kahit ilang beses akong lumunok sa tindi ng uhaw na naramdaman ko.
Hindi ako nakagalaw. Nang ibaba ni Jave ang ulo sa leeg ko at maramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa leeg ko. Napahawak ako sa likod niya. Kumuyom ang kamao ko sa damit niya. Nang iangat niya ang mukha, naroon ang ngisi sa mga labi niya na parati kong nakikita sa tuwing may binu-bully siya. He had never showed me this kind of treacherous face before. Binubully niya ako pero hindi kagaya ng pambubully niya sa ibang tao.
"You stiffened. I never have seen you cringed before me like this... Are you afraid of me now, Sofia?"
Afraid? Of him? Why would I? I have seen the best and the worst of him, walang makapagbabago ng pagibig ko kay Jave kahit pa sarili kong takot. Mas mabangis na siya ngayon? Mas brutal na at mas topakin? So what?
Mas mahal niya ako higit kailanman at napatunayan ko na 'yon. Tinanggap ko ang isa pang halik na ginawad niya sa leeg ko. Tapos na ako sa self-denial stage, tapos na ako sa mga walang kwentang pag-aalala, nasa punto na ako ng buhay ko na lahat gagawin ko mapasaya lang ang taong laging nagpapasaya sa akin. Ang taong handang itaya ang sariling buhay para sa akin. Ang taong handang magpakasama para lang mapabuti ako. Ang taong sentro ng buong daigdig ko.
"Hindi ka talaga papalag?" tanong pa niya sa nakakatakot at nakakalokong tono.
Umiling ako. "Hindi. So paano ba gawin 'to? Hindi ko alam first time ko 'to eh, ikaw siguro maraming beses mo nang ginawa kaya you teach me."
Kumunot ang noo niya. "What now?"
"Ako ba ang maghuhubad sa sarili ko. O ikaw na?" kinakabahan kong tanong. Ilang beses pa akong lumunok. Pinagpawisan ako. Inangat ko ang mahaba kong buhok at ipinusod iyon ng pataas. Humarap ako sa kanya, dahil nakatitig lang sa akin si Jave, ako siguro ang maghuhubad? Inabot ko ang zipper ng leather na jacket na suot ko at ibinaba iyon hanggang sa makita na ang manipis na damit panloob ko. Akmang tatanggalin ko na ng tuluyan ang pantaas ko nang hinawakan ni Jave pulsuhan ko sa magkabilang kamay at pilit na binalik sa ayos ang damit ko.
"Shit!" awang ang labi niya at nanlalaki ang mga mata. " What the hell are you doing?"
"Di ba ito ang gusto mo? Was I doing it wrong? Then you have to teach me."
"I don't fucking have to teach you how to do sex you should fucking know it!"
"Bakit ba ang init ng ulo mo?"
"Because I was just teasing you! Sinong may sabing pumayag ka??"
"Oh." Umawang ang bibig ko tapos muling kumipot. "Ok." Gusto kong mahiya sa ginawa ko pero nang makita ko kung paano namula si Jave at kung paano siya pinagpawisan. Narealise ko kung bakit siya naiinis. Dahil talo ko na naman siya. Sinimulan niya ang larong alam niyang mananalo siya pero bandang huli talo pa rin. "I won." Sabi ko pa.
"What?"
"Puro ka what? What now? What the hell-fuck now? Admit it. You thought you got me. But I got you instead. Right?" Marahan kong tinapik ang magkabilang pisngi niya. Nang-aasar ako pero sa loob ko masaya ako. Jave even though how naughty he became he had always this securely placed room of respect and love for me.
"I love you, Babe." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Let's go to bed now." Nauna akong lumabas ng kotse. Naiwan siya doon na nakatunganga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro