33. Light in my World
Pagdilat ko ng mga mata nasa labas na kami ng bunganga ng tunnel. Paghinto ng sasakyan kaagad niya akong ibinaba doon, wala siyang pakialam kung bumagsak man ang motor sa sahig.
"Are you hurt??" Akala ko habang nagmamaneho siya kanina, kalmado siya, nagkamali ako. Dahil pagtingin ko sa mukha at sa mga mata ni Jave, kulang nalang manginig siya sa takot. He checked me everywhere, pinaikot pa ako para siguruhing buo ang katawan ko at walang dumudugong parte sa akin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay nanginginig ang kamay na napasuklay sa sariling buhok. Nakailang ikot siya, nakailang hinga ng malalim, nakailang hawak sa tuhod. Unang nakita kong ganito sa Jave ay noong hinarang ko ang sports car niya sa race track sa Westside. "God damn it, Sofia! Answer me when I'm talking to you. Ok ka lang??"
Hindi pa rin ako sumagot. Hindi dahil shock ako o dahil muntik na akong namatay kanina, kundi dahil hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng mahabang panahon, pagkatapos ng lahat ng mga araw, buwan at taon na hinintay ko siya ay nandito na siya sa harap ko. He was the same Jave. Walang nagbago. Kahit ang feelings niya sa akin, sigurado akong hindi nagbago. Napatunayan ko na kung ano ang gusto kong patunayan, at hindi ako nagsisi sa ginawa ko.
"Ano ba bingi ka ba?" niyogyog na niya ako sa balikat. "Akala ko utak mo lang ang nakalimutan mo, pati tainga at dila mo hindi mo dala? Kung hindi ka ok, himatayin ka na. Ngayon na."
Himatayin? Baliw talaga. Wala nga siyang pagbabago, paniki pa rin siya hanggang ngayon. Mas malala, paniking suicidal na! Muntik na niya akong kargahin kaya naggsalita na ako. "Ok lang ako." sabi ko.
"Bakit ang tagal mong sumagot?" halos dumagundong ang boses ni Jave tensyonado pa rin siya.
Ang tagal mo nga ring bumalik eh. Hindi mo pa ako pinansin kanina. "Sinagot na kita. May reklamo ka pa?" mataray kong sagot. Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat ng hirap at balde-baldeng iyak ko sa mahabang panahong wala siya. Naiinis ako dahil hindi naman nawala ang alaala niya pero kinaya niyang hindi magparamdam sa akin ng matagal. Hindi ko kayang gawin sa kanya 'yon pero siya kaya niya. I knew I said a lot of things bago siya nawala, pero dahil lang 'yon sa sobrang selos ko kay Bella, at sa sobrang sakit na naramdaman ko. Pero hindi ko talaga kayang tiisin siya ng matagal.
"Nagpapakamatay ka? I was fucking scared like shit back there! Lahat ng demonyo pumasok na sa utak ko, paano kung nagkamali ako? Paano kung hindi kita nasalo? Paano kung hindi kita nailabas ng buhay sa hayop na tunnel na 'yan ha?" Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig niya. Alam kong gusto niya akong hawakan pero pinigilan niya ang sarili niya dahil nanginginig ang katawan niya sa sobrang kaba at sa galit. "I have done a lot of scarier stunts in the past but that trick you performed just now, it outplayed everything! Nothing scares and irritates me more than you do! Nasaan na ang common sense mo ha? Tao lang ba ang meron no'n, wala ba ang mga Alien na katulad mo? Puro ka tapang wala ka namang abilidad! Alam mong hindi mo kaya papasukin mo pa rin! Damn! When will you start taking care of yourself? When will you start going the safe side of the road? Kapag nabaliw na ako sa pagaalala sayo? Kapag sumabog na ang ulo ko sa asar sayo?"
Kumuyom ang kamao ko. Umikot ang sakit sa sikmura ko, hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sigaw niya at sa sakit ng sinabi niya. Alam kong mali ang ginawa ko, pero may tama din ba sa ginawa niya? Wala din naman di ba? "Sige, sigawan mo pa ako. Kasalanan ko naman talaga lahat. Pinagtabuyan kita. Hindi ako nagtiwala sayo noon. Deserve ko lahat ng singhal at masasakit na salita."
Diretso ang tingin ng mga mata ko sa kanya. Walang tigil ang agos ng luha ko dahil na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Ilang sandali niyang tinitigan ang mukha ko, ilang sandali niya ding pinagmasdan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Pagkatapos no'n, Jave's face softened.
"Kasalanan kong hindi ako nagtiwala sa 'yo noon. Hinayaan kong kainin ako ng selos at ng takot ko na tuluyan ka niyang maagaw sa akin. Jave, alam mong ikaw lang ang meron ako, sayo umikot ang mundo ko. Ikaw lang ang tanging natatakbuhan ko sa lahat ng mababaw at malalim na problemang meron ako. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang gabing iyon na hinalikan mo si Bella. Para akong nawalan ng kaluluwa, namatay ang malaking bahagi ng pagkatao ko. Naging manhid ako at naging makitid ang utak ko. Akala ko nagalit ako sayo, hindi pala, kinain lang pala ako ng takot na mawalan ako ng Paniki sa buhay ko. Hindi ko kayang makita kang nasa piling ng iba. Hindi 'yon kayang tanggapin ng puso ko Jave."
"Babe.."
Sinubukan niya akong lapitan, abutin ang mga luha ko pero lumayo ako sa kanya. "kaya noong nalaman ko ang totoo, sising-sisi ako, galit na galit ako sa sarili ko. Lagi mo akong pinagtatanggol, lagi kang nandyan para sa akin tapos nang dumating ang time na ako naman dapat ang magtanggol at mag-alaga sayo, hindi ko nagawa. Sinaktan pa kita, pinagtabuyan kita, inutusan kitang layuan ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao sayo, Jave. Inabandona kita nung panahong kailangan mo ako. Kaya sinunod ko ang sinabi ng Ate mo, naghintay ako sayo. Pinilit kong makibagay sa mga tao sa Westside, tiniis ko ang araw-araw na mag-isa at nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar sa school na madalas mong puntahan. Madalas akong tumakas at pumasok sa classroom mo, ilang oras ako doon sa upuan na inuupuan mo. Tapos pag pupunta sa canteen, hinahanap ko ang madalas na pwesto mo. Pati ang paso na binigay mo sa akin noon, halos yakapin ko iyon araw-araw dahil alam kong hinawakan mo din iyon. Jave, ang sakit, ang hirap, ang hirap-hirap maghintay ng walang kasiguraduhan. HIndi ko alam kung buhay ka pa, ni hindi ko alam kung naalala mo pa ako. Hindi ko alam kung naghihintay lang ba ako sa wala, pero naghintay ako. Hinintay kita..."
He made another effort to touch me pero lumayo ulit ako. I didn't wanna break down on his arms, kailangan ko munang masabi ang lahat ng gusto kong sabihin. "Ilan buwan mo akong hindi pinansin, tapos sa unang pagkikita natin ang lamig ng mga mata mo sa akin. Kaya, pasensya ka na kung naging reckless na naman ako. Pasensya ka na kung kinailangan mo na namang itaya ang buhay mo para sa 'kin. Tama ka, alam kung hindi ko kayang lusutan ang tunnel na 'yan. Pero may tanong kasi ako sa sarili ko na gusto ko ng kasagutan. Alam kong hindi mo ako nakalimutan, nasa utak mo pa rin ako, alam mo kung sino ako. Ang gusto kong malaman ay kung kilala pa ba ako ng puso mo, Jave. Kung hindi ba ako nakalimutan ng paniki ko..."
"You're crazy." mahinahon na siya ngayon pero nagaalab pa rin ang mga mata. "You're crazy to think that I would ever forget you. My mind and my heart always have worked alongside each other. Neither one of them would dare to forget you. In fact, I couldn't forget you even if I wanted to. You're like a DNA engraved to my system. You're the air that I breath, the water that sustains me and the only light in my world. I'd die if I ever forget about you."
Napaawang ang labi ko. Napatitig ako sa mukha ni Jave.
"I never really have left you. Hindi ko kaya na hindi ka makita, kaya whenever I had free time from work, I would sneak out, fly on my private plane and travel for miles and miles just to see you for a couple of minutes every now and then. I have a complete track of your day to day activities na kapag may lumalapit na lalaki sayo at nagpaparamdam, natatakot ako. Every time I see you cry, kailangan kong pigilan ang sarili ko na magpakita sayo at yakapin ka nalang. I would do death defying stunts just to flash you out of my system using dose of dose of adrenaline. Pero walang makakapantay sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko kapag nakikita kita."
"Bakit hindi ka nalang nagpakita? Bakit hindi mo nalang ako yakapin? Gusto ko rin 'yon.."
"Babe, I can't. I have to be ready to face you again. Ayokong iwanan at saktan ka ulit just because I'm threatened. One thing I have learned when I was in Korea with the Princes of Hell is that, there's a jungle out there that's far more dangerous and wider than the world I was living in. Paglabas mo sa Westside, you're gonna face that same jungle too and I want to be ready to take you in and protect you. Hindi ko na gustong iwanan at saktan ka kahit kelan..."
"Bakit ang cold mo sa akin kanina?"
"Because now is not yet the right time. I still have to work things out with my father-"
"Tapos na. Nagawa ko na. Nakausap ko na siya."
"You did?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"He wanted us to live together, kagaya ng Ate mo he has a job for me too."
"He wanted us to get married? No, you're not yet ready for that, ni hindi ka pa nga graduate-"
"Wag kang advance mag-isip Paniki, hindi kasal ang gusto niya. Magkasama tayo sa bahay dati di ba? Gusto niya ulit ng ganoong set up, para daw mabantayan kita. Tingin ko pagod na sila sa kaka-baby sit sayo kaya sa akin na pinapasa."
Lumawak ang ngiti ni Jave. "Shit. Talaga?"
Tumango ako.
"Akalain mo 'yon may matino din palang nagagawa sa buhay niya si David. Akala ko inugat na ang utak niya eh!"
Ang galing. Tatay niya yang ginaganyan niya ah. Kaya suko na si Mr. Santillan sa kanya eh. Paniki talaga. Tatawa na rin sana ako kasabay niya nang mahagip ng liwanag ang silver na hikaw ni Jave at kuminang iyon. Teka sandali, parang may nakalimutan akong gawin. Hindi pa pala ako nakakabawi sa sampong heart attack na binigay niya sa akin habang nanonood ako ng nakakamatay niyang stunt kanina. Naningkit ang mga mata ko, sandali nga lang, inangat ko ng dahan-dahan ang magkabila kong manggas...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro