Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32. The Tunnel of Death


Inaasahan ko na ang paghila sa akin nina Jiro at Ark. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na basahin anuman ang naging ekspresyon ng mukha ni Jave dahil sinadya niyang tumalikod sa akin.

"Sofia, are you out of your mind? Kelan ka pa natutong magmotor?" nanlalaki ang singkit na mga mata ni Jiro.

"Marunong akong magscooter, pareho lang 'yon!"

"Hindi! That's a high powered racing motorcycle out there! At the very least you have to be able to handle it kung gusto mo talagang hamunin si Jave," halos walang masabi si Jiro. "Si Jave talaga? At sa ganitong klaseng karera pa?"

"Kahit ako hindi lalaban do'n. Papunta na sa pagka-psycho ang gagong 'yon hindi takot mamatay. Mukhang friendship sila ni kamatayan, ayaw siyang kalawitin." komento ni Ark.

"Bawiin mo ang sinabi mo habang may oras ka pa." maigting na utos ni Jiro.

"Ayoko."

"Bakit mo ba ginagawa 'to?"

"May gusto akong malaman."

"Ba't di mo itanong sa kanya ng diretso? Gusto mong malaman kung naalala ka niya? Pwes ako na nagsasabi sayo naalala ka niya. Kilala ka niya, kompleto ang memorya niya. Hindi mo kailangang gawin 'to."

"Kailangan ko Jiro. Isa pa, ayokong mapahiya. Nagbitaw na ako ng salita, hindi ko siya aatrasan."

"Pero hindi ka nga marunong!"

"Bahala na, Ok?"

Napailing si Jiro samantalang natawa si Ark. "Suicidal ka na rin?"

"Ayokong mamatay. Natatakot ako syempre. Pero susugal ako, ngayon kung gusto niyo akong tulungan, sabihin niyo sakin kung paano ako makakalabas ng buhay sa tunnel na 'yon at kung paano ko tatalunin si Jave."

Napabuntong-hininga si Jiro. Napahawak sa beywang. "Kailangan mo talaga siyang talunin kundi hindi ka makakalabas ng tunnel. Isa lang ang pwedeng makarating sa dulo. Ganun ang design ng larong ito. There are four levels of obstacles you need to pass through. Water, air, fire and a surprise element at the end of the path. The first stage would be water, and like I told you this tunnel was designed for a single player only, dahil kapag naunahan ka ni Jave na malusutan ang tubig, automatic na magsasara ang pinto ng first level, matatrap ka doon, tapos na ang laban. Isa lang ang paraan para pareho kayong makalusot sa first level, kailangang dumaan kayo sa dulo ng pinto nito ng magkasabay. Walang mauuna, walang mahuhuli."

"And Sofia, before you even get to the first stage, you have to race with him in the first 500 meter trail na puno ng matataas na humps and blades. Lilipad ang motor mo sa humps at, liliko-liko ka para maiwasan ang mga blades." dagdag ni Ark. "Hindi scooter ang gamit mo dito ha? Yung motor na 'yon. Matangkad 'yon. Teka nga, abot mo ba yun?"

"Hindi ko alam. So panu ko na malalampasan ang lahat ng iyan?"

"Ewan ko sa'yo. Pwede lang naming sabihin kong ano ang kakaharapin mo doon but you will have to pass through them on your own." mainit na ang ulo ni Jiro. "Itigil mo na 'to."

Bago pa man ako makasagot ay tinawag na ang pangalan ko sa mikropono. Tinapik ko si Jiro sa balikat. Ito na ang tinatawag na kahibangan 101, at bahala na si Wonder Woman. Kapag namatay ako, eh di wow. Pero sisiguraduhin kong kakalasin ko ang hikaw sa tainga ni Paniki sa gabing ito. Sa dami ng pasakit, lungkot at sama ng loob, hindi ako papayag na hindi ko man lang mahila ang tainga niya.

Ang lamig ng tingin niya sa akin, kilala pala ako, ni hindi man lang ngumiti. Para akong hangin kanina sa paningin niya.

Nakipagkamay ako sa mga barakong lalaking nasa entablado. Maya-maya pa ay sumulpot na din si Jave doon. Hindi ko maiwaglit sa mukha niya ang paningin ko. Ang tingin ko mas gwapo at mas mabagsik na ang anyo ni Jave. Tumingin siya sa akin. Katulad kanina, malamig iyon at walang emosyon. Parang dinudurog ang puso ko ng mga tingin niyang iyon na para bang wala na talagang pakialam sa akin.

"I decline the challenge." taas noo at harapang tugon ni Jave sa mikropono. "What right does she have to challenge me anyway? She doesn't have the credentials, and I doubt if she even have the slightest idea how to run the motorcycle you're giving her. She's wasting our time...my time."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Naningkit ang mga mata ko habang nakikipaglaban ng tingin sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko. Kailangang matuloy ang laban na ito. Hindi pwedeng hindi.

"I am a professional underground motocross racer. I know how to run your bike like a pro. As for my credentials, I came from Westside University and I came with Jiro and Ark. They could tell you how good I am in this kind of battlefield. I want to challenge your winner." hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga kasinungalingang iyon pero lumabas iyon sa bibig ko ng normal at walang bahid ng pag aalinlangan. Maniniwala sila sa akin.

"Prove it." ani Jave.

Napaawang ang bibig ko.

"Run the bike through the tunnel tonight. If you can make it to the end of the trail, I'll race with you tomorrow evening."

Naalala ko kung ilang levels meron ang tunnel. Lahat iyon kailangan kong lagpasan para lang mapatunayan kong kaya ko ngang labanan si Jave.

"Fair enough, so young lady, gear up. The bike is waiting for you at the entrance of the death tunnel." ani lalaking nakapagitan sa amin. Sinulyapan ko si Jave. Ni hindi man lang pumiyok ang anyo nito. Ikamamatay ko 'to, alam ko. At wala siyang pakialam. Parang gusto kong umiyak, parang gusto kong sumuko nalang at itigil na ang kahibangan. Nakikita ko naman kung ano nalang ang halaga ko sa kanya ngayon eh.


Ilang minuto lang ang lumipas, mag-isa ako sa bunganga ng tunnel. Nakapalibot sa akin ang maraming tao sa itaas ko, kanya-kanyang hiyawan. I was dressed in an all black leather gear. Saktong-sakto ang helmet na binigay nila sa ulo ko, kahit papaano kaya akong protektahan niyon. Huminga ako ng malalim, hinagilap ng mata ko si Jave pero hindi ko na siya nakita. Umuwi na siguro. Kabang-kaba ako, ang pagka-stubborn ko na yata talaga ang papatay sa akin. Tama si Jiro. Hindi ko kailangang gawin ito. Pero sa kaibuturan ng puso ko naniniwala akong may magandang kalalabasan ito at malalaman ko ang sagot sa tanong na bumagabag sa akin ng mahabang panahon. Plus, I really miss Jave. I couldn't find a better way to connect with him aside from doing this. Being like him and being tough inside his world. Paano ko siya susundan sa mundo niya kung lampa ako at hindi ko kaya ang mga bagay na ganito na normal na sa mundong ginagalawan niya?

Itinayo ko ang bike at sumakay doon. I could barely reach the ground but it's ok. I could manage. I started it's engine. It sounded powerful and pure. Kinondisyon ko iyon, nang maging steady na ang motor at kumalma na ang tibok ng puso ko, pinaandar ko iyon sa pinakamabilis na paraang kaya ko. Kailangang maabutan kong nakabukas ang pinto ng first level kung hindi, unang stage palang talo na ako.

Tama ang sinabi ni Jiro, bago ko marating ang unang pinto, bako-bakong daan muna ang kinaharap ko, dahil mabilis ang andar ng motor sa tuwing may humps na napagdadaanan ang gulong ko lumilipad ang sasakyan, kailangan kong kontrolin ang manibela kung hindi, babagsak ako na una ang katawan. Tiniis ko ang lahat ng iyon, ang lahat ng nginig at takot, hindi ko makukuha ang sagot na gusto ko kung mamamatay ako dito. Dalawandaang metro nalang, mararating ko na ang unang pinto. Habang papalapit at unti-unting nagsasara iyon. Kailangan kong ipatagilid sa sahig ang motor para makalusot ako, hindi ko alam kung kaya kong gawin.

Pero pagdating ko sa bunganga ng pinto, kusang gumalaw ang katawan ko, nagawa kong ilusot ang motor sa pamamagitan ng pagkabig dito hanggang halos dumikit sa sahig. Hindi ko inaasahan ang biglang pagbuhos ng malakas na agos ng tubig sa harapan ko. Ito na ang first level, at ito na rin ang katapusan ko. Wala kong sapat na lakas para kontrolin ang handle ng motor sa ganito kalakas na pressure. Nang bumuhos pa ang dagdag na tubig sa harap ko, napapikit ako!

At hindi pwedeng pumikit! Babangga ako!

Halos hindi na pumitik ang puso ko sa sobrang kaba, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nahulog ako sa trail. Hindi ko alam kung ano ang babagsakan ko sa ibaba. Bago pa man ako makadilat, isang poste na ang umangat mula sa tubig, dahil mabilis ang andar ko, pagbangga ko doon, tumilapon ako!

Aaaahhh!! sigaw nalang ang nagawa ko. Alam kong babagsak ako sa tubig at pwedeng bumagsak pa nga ang motor ko sa akin..... pero hindi nangyari iyon. Isang malakas na pwersa ang humila sa akin. Pagdilat ko ng mata....

"Stride the bike properly, Alien! If you don't wanna fall."

Jave.

Ilang beses pa akong napakurap. Nagawa niyang saluhin ako, nasa iisang motor nalang kami at pilit niyang pinaglalabanan ang mga patibong ng tunnel.

"Lumipat ka sa likod ko. Bilis! Dahil pareho tayong mamatay dito."

Ginawa ko iyon, mabilis ang andar namin dahil hinahabol niya ang pagsara ng pangalawang pinto. Ang second stage. Niyakap ko ang katawan ko sa kanya. Dahan-dahan akong puma-ikot sa katawan ni Jave hanggang sa marating ko ang likod niya. Pagdating doon nanginginig ang buong katawan ko. Pina-ikot ko ang braso ko sa beywang ni Jave. Mahigpit. Inilapat ko ang pisngi ko sa likod niya. Ganoon ang posisyon ko hanggang sa unti-unting nakabawi ang katawan ko sa matinding shock. Pakiramdam ko kinalawit na ako ni kamatayan kanina, hindi lang ako ibinigay ni Jave. Hinila niya ako mula dito.

Dalawang stage pa. Pero alam kong ilalabas niya ako ng buhay sa nakakamatay na tunnel na ito.  Sa ngayon, hinayaan ko ang sarili kong pumikit, at mas lalo pang yumakap sa katawan ni Jave. Yung ganitong pakiramdam.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro