29. Party Lonely Girl
I'm sorry for the loooooooong wait. Enjoy!!
*********************************
"Alam mo Mia, parang hindi talaga ito magandang ideya." nakangiwi kong turan habang pilit na hinihiklas pababa ang laylayan ng palda kong nasobrahan sa iksi. Hiniram ko ang damit na iyon kay Mia. It was a black off shoulder party dress na labas ang tiyan at labas ang kalahati ng hita ko.
"Come on, Sofia. Loosen up! Ilang buwan ka ng ganyan na puro aral, trabaho at bahay nalang ang inaatupag baka mamaya may depression ka na pala hindi pa namin alam lahat. Isa pa, we're here to party! Nandito si Ark!" gumagalaw-galaw pa ang kilay ni Mia.
Ginalugad nalang ng mata ko ang paligid. It was a high end disco bar na puro mga mayayamang kabataan ang laman. Kulay pula at asul at berde ang usok sa paligid. Nakakatulig ang lakas ng sounds ng live rock band sa stage, parang binabayo ng bass drum ang puso ko. Ayoko sa mga lugar na ganito. Lalo't unang beses na nagpunta ako sa ganitong lugar dumilim ang paligid, next thing I knew I was being kissed by....the most amazing yet annoying bat in the world.
Kasama namin si Dianne at maging ito man ay tila nasisiraan na ng eardrums sa matinding ingay. Iba't-iba ang nasasagap ng ilong ko. Usok, pabango, pawis, alak at kung ano-ano pa. Palagay ko tatlumpong minuto lang ang itatagal ko sa lugar na ito.
"Matagal pa ba lalabas si Ark?" sigaw ko sa tainga ni Mia nang makahanap kami ng pwesto. Hindi ko maintindihan kong paano naging close si Mia kay Ark. Nalaman ko nalang nagyayaya na si Mia sa mga lugar na ganito dahil kay Ark. Tama nga siguro sila, I must have been focused waiting for Jave so much na nakalimutan ko nang may buhay din ako at may mga kaibigan akong nanatili sa tabi ko. Darating pa nga ba si Jave? Kung darating siya, kelan pa?
Napaiktad ako ng isang mainit na palad ang dumapo sa balikat ko. Napasinghap ako, natuod ako sa pagkakaupo ng nanuot sa ilong ko ang isang pamilyar na amoy ng pabango. Hindi ako maaring magkamali dahil 'yon ang pabangong naaamoy ko araw-araw sa tuwing magkasabay kaming papasok, at magkasabay na uuwi ng bahay, sa iisang kotse. Ni Jave.
Patayo akong lumingon.
"Hey,"
Sinalubong ako ng malawak at masiglang ngiti...ni Xymon.
"Anong ginagawa mo dito?" dismayado kong tanong. Pareho sila ng pabangong ginagamit ni Jave. That's all. Hindi ko lang napagtanto kaagad na hindi eksaktong magkapareho ang amoy ng pabangong iyon kapag nahalo na sa pawis at singaw ng katawan, dahil sa samu't saring amoy sa paligid.
Inangat ni Xymon ang dalawang kamay. "Hey, chill. We're not here to ruin the fun. Nandoon sa kabilang table ang mga barkada ko, tapos napansin kita dito. Are you alone?"
"Hindi mo ba nakikita may kasama ako?" naging mas mataray ang tono ko dahilan sa pagkadismaya at kahungkagang naramdaman ko. Umasa ako.
Tumawa ng pagak si Xymon. "You're still the same old you. Beautiful and feisty. Santillan was an idiot. He went after a fake shiny little gold and left a real diamond in here. I always thought you are better than Bella, thats why I came after you."
"Alam mo Xymon, bumalik ka nalang sa barkada mo dahil hindi naman tayo close para makipaglandian ka sa akin ng ganito."
"Hindi ako naniwalang pinagpalit ka nga ni Santillan." biglang sabi nito. "Kaya lang nakita ko sila ni Bella sa Amerika two weeks ago. At mukhang masaya na ang gago. Alam mo bang sinundan ko pa si Bella sa bahay niya? Galit na galit ako eh, kung hindi ko kayang pagapangin si Santillan, pwede naman sigurong ang syota niya nalang ang gapangin ko. Kaya lang....wag nalang. Ang dami ko ng nasayang na oras kakatanim ng galit sa gagong iyon, nakakasawa na. Akalain mo 'yon. Kaya pinabayaan ko nalang sila." lasing si Xymon, naamoy ko sa bibig niya ang alak at kinakapos din ang pagsasalita niya. Sa tingin ko, nagsasabi siya ng totoo. There was no reason to lie anyway.
Parang kinurot ng matindi ang puso ko, umikot ang buong kalamnan ko sa narinig. Buhay si Jave, nakaligtas ito sa operasyon, masaya ako doon. Pero kasama niya si Bella..? At masaya na silang dalawa? Nakamove on na siya sa buhay niya samantalang ako, ni isang hakbang palayo sa mga alaala niya, hindi ko magawa.
Tama bang naniwala ako sa mga sinabi ni Ms. Ysabel? Totoo nga kayang nagkasakit si Jave? O pati 'yon kasinungalingan para lang hindi ako maghabol at gumawa ng gulo noon? Gustong tumulo ng luha ko pero, huminga ako ng malalim para pigilan iyon. Inagaw ko mula sa kamay ni Xymon ang isang baso ng iniinom nitong kulay brown na alak, gumuhit ang pait at init niyon sa lalamunan ko.
"Hey, are you ok?" tanong nito.
"Sofia, tama na 'yan. Gusto mo bang umuwi na tayo?" ani Mia na nasa tabi ko na.
"Tara na, Sofia." yaya ni Dianne.
"Ano ba kayo, hindi pa nga nag uumpisa ang party." pilit akong tumawa.
"That's my girl!" ani Xymon. Pumulupot ang braso niya sa balakang ko. Para akong nauupos na kandila sa loob, kahit ayokong hawakan niya ako pinabayaan ko nalang. Jave was with another woman anyway. Bakit ko pipigilan ang sarili kong maging masaya kahit man lang sa gabing ito.
"Sofia-" si Dianne.
"Paaaaarrrttttyyyyyy everyoneee!!" that was Ark. Looked like he's gonna be the DJ for the night.
"Let's go! We came here to party, right?" isang gwapong lalaking kaedaran ko ang nakabangga ko, may hawak itong baso ng alak, kinuha ko iyon at nilagok. Hindi ito nagreklamo ng kindatan ko, sinayaw ako nito ng ilang minuto.
"Sofia, this is enough, I'm calling Jiro." ani Dianne.
Bago niya magawa iyon, hinablot ko ang cellphone at pinatay. Nakakadalawang basong alak palang ako pakiramdam ko nahihilo na ako. Ako mismo ang naghila kina Dianne, Mia at Xymon sa gitna ng dancefloor kung saan nagbabanggaan at nagkikiskisan ang katawan ng lahat ng sumasayaw.
Ginalaw ko ng maigi ang katawan ko, sinunod ko sa beat ng togtog ni Ark and paggiling ng balakang ko. Xymon was all over me, hinahawakan ako sa balakang, sa balikat, sa likod. Kinikiskis ang katawan sa akin. Well, I don't care. As Mia said, I need to loosen up. Pagkatapos ng napakaraming buwan na umiyak ako at nagmukmok, ito ang unang pagkakataong magwawala ako. Pakakawalan ko lahat ng sakit, ng hinanakit, at ng lungkot na nararamdaman ko. Itinodo ko ang pagsasayaw, ginalaw-galaw ko ang ulo ko hanggang sa mahilo ako, itinaas ko ang kamay ko at dinama ang ingay, ang usok, ang lahat ng kaguluhan sa paligid. Xymon's perfume was all over my nose.
Hinila ako ni Mia. "Sofia! Bumalik na tayo sa table, malapit nang mag-midnight papatayin na nila ang ilaw, hindi tayo dito pwede!" sigaw niya sa tainga ko.
"Talaga? Meron din silang ganoon dito? Lahat ba ng bar may ganoong pakulo??"
"Yeah! You can kiss, you can hold and you can touch anyone anywhere for thirty seconds! Great, right?"
"Yeaaahhhh!" sagot ko kay Xymon.
"I'm gonna kiss you, Sofia. Santillan was a loser when he left you-"
"I know." wala sa sarili kong sagot.
The countdown began.
"Sofia! Enough! Let's go!" hinila ako ni Mia palayo kay Xymon. Dumilim ang buong paligid. Kadilimang walang kapares, wala kang makikita kahit ano. I knew Xymon was able to find me, I smelled his familiar perfume. Naramdaman ko ang pag-ikot ng braso niya sa balakang ko. Ramdam ko ang balat niya sa balat ko dahil hanggang kalahati lang ng tiyan ko ang abot ng pang-itaas na suot ko.
I wanted to protest. I knew the guy will kiss me. Pero nanghihina na ako. And in my drunken state, Jave's familiar and intoxicating smell overwhelmed me. I was being tricked by my own subconscious desire to be with him, badly. Kaya ng magtagpo ang labi namin sa gitna ng dilim, napapikit nalang ako.
I relived the moment when Jave and I first kissed. Ganito din 'yon kaingay. Ganito din kausok, at ganito din kadilim. Ang lasa ng bibig niya, ng dila niya at ang amoy ng hininga nya. Ganitong-ganito. Part of my brain was telling me to stop. I was not kissing Jave, that I was whoring around. Hindi ako 'to. Pero hindi ko na kaya. Kahit ilusyon, kahit hindi totoo, basta lang muli ko siyang maramdaman ...mahalikan, kahit ano papatusin ko.
And this kiss, this felt like real. His tongue on my mouth, his arms on my waist and his lingering smell on my nose. It felt genuine, it felt true. It felt like him. Like.....
Jave.
Then it hit me.
Humahangos ako ng mapugto ang halik. Kinabahan ako. Napahawak ako sa dibdib. Hindi ako gumalaw. Hinintay ko ang pagbukas ng ilaw. Hindi maaring magkamali ang puso at katawan ko.. nang agawin ng liwanag ang dilim, napakurap-kurap ang mata ko para mag-adjust sa liwanag. Nang luminaw ang pangingin ko, walang tao sa harap ko. Xymon was beside me, but the guy who kissed me was definitely in front.
Pero wala ngang tao sa harapan ko that was close enough to kiss me like that!
"That was awesome!" sabi ni Xymon na nakatawa sa akin.
"Huh?"
"The kiss!"
Napalunok ako. Yeah right. I was tricked by my own imagination again. Malala na talaga ako. Tama nga siguro silang lahat, this was me and my pathetic depression acting out. Patakbo akong lumabas ng bar, walang tigil ang pag agos ng luha ko. Tinawag nila ako pero hindi ako lumingon. Gusto ko lang makalayo. Pagdating sa parking, napahawak ako sa sasakyan ni Mia, humahagulgol akong dumausdos doon. Sobrang sakit ng puso ko, parang ginugupit-gupit ng matalim na gunting ang buong katawan ko.
I heard my phone rang.
Kinuha ko iyon sa clutch bag na hawak ko. It was an unknown number.
"Hello."
"Can I speak with Ms. Perez?"
"Yes..?"
"I'm David Santillan, can I invite you to my house tomorrow night, hija?" said an old man with pure Spanish accent. Napasinghap ako. Lutang ang utak ko at hindi ko kaagad naproseso ang sinabi niya.
Sinabi niya bang siya si David Santillan? David Santillan. David Santillan. Papa ni....Jave? Tumigil ang mundo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro