Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26. Reasons


Walang pagsidlan ang galit sa akin ni Bella pagkatapos namin sa guidance office. Nalaman na kasi ng buong populasyon ng Westside ang doble kara niyang pagkatao. Akala nilang lahat, isa itong anghel na pagkabait-bait. Pero nagkamali sila, gamit ang mga ebidensyang binigay sa akin ni Mr. Viktor naipalabas ko sa lahat ang tunay niyang pagkatao.

She was the one who took the pictures. She framed me up and called me a slut. She accused me of being a low class student, na bandang huli kinain niya dahil parang magic na lumabas si Mr. Viktor at sinabing isa akong tagapagmana. Nakakatawa pa dahil tumabingi yata ang pisngi ni Bella sa lakas ng pagkakasipa ko sa kanya. Serves her right!

"Jave uploaded a new profile picture on his Facebook account! Look!" halos tili ni Agatha.

"Really?"

"Yup."

"Oh.My.God."

"Ang gwapo niya talaga..pero bakit ang lungkot niya?"

Napamura ako ng sunod sunod. Sa lahat ng pangalang ayokong marinig, 'yon pa talaga ang babanggitin ng mga leche kong kaklase. Napilitan akong lumingon dahil hindi ko pa rin magawang pigilan ang sarili kong maging curious lalo't si Jave ang pinaguusapan. Tumayo ako at pinuntahan sila.

Sumikdo ang puso ko nang makita ko sa screen ng ipad ang matamlay na mukha ni Jave. Nakatitig ito sa kamera na para bang anumang oras ay tutulo ang mga luha sa mata. Ilang beses kong hinampas ang sarili kong dibdib upang pigilan anumang kahungkagang nararamdaman ko doon. Gumawa ako ng paraan para masagi ang ipad na iyon at mahulog sa sahig. Pagbagsak sa sahig ay kaagad kong inapakan ng aking sandals na may mahabang takong. Basag ang screen.

"Sofia! Anong ginawa mo sa ipad ko??" tili ni Agatha.

"Sorry. Hindi ko sinasadya..." walang emosyon kong turan.

" Arrgghh! Nakakainis ka." matalim ang mga tinging ipinukol niya sa akin.

Wala akong pakialam. Kung magalit siya at awayin ako, handa akong bumalik sa guidance office anumang oras. Pero hindi siya kumibo. Kaya pairap nalang akong lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko para akong naglalakad na walang patutunguhan. Wala akong maramdamang emosyon sa puso ko kundi galit at hinanakit. Walang kasing lungkot ang mundo, hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para makabalik sa dating ako. Sa loob lamang ng ilang araw, naiwala ko ang sarili ko. Ni hindi ko na kilala ang mukha ko kapag nasa harap ako ng salamin at hindi ko na rin marinig ang dating boses ko sa tuwing nagsasalita ako.

Then I saw Jave came out of his expensive car. Salubong ang kilay niya ng lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo sa labas ng campus Sofia? Hindi ka pumasok sa mga subjects mo?"

Napatingin ako sa paligid. Nakalabas na pala ako ng campus ng hindi ko namamalayan. Madilim na rin ang paligid at walang masyadong tao o sasakyang dumadaan sa parteng iyon.

"Kanina pa kita hinahanap, gabi na bumalik ka na sa dorm."

Napatingin ako sa kanya. Pinigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya, hawakan siya sa kamay at ikulong sa balikat ko.

"Hindi mo ba ako ihahatid pabalik?" tugon ko. Alam kong nagtutubig na ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Hindi sumagot si Jave. Nanatili lang din siyang nakatingin sa akin at hindi makakibo.

"Hindi? Baka makita tayo ng girlfriend mo? Takot ka ba sa kanya Jave, ha?"

"Wala akong kinatatakutan."

Tumawa ako ng mapakla. "Oo nga naman. Jave Santillan ka eh. Wala kang kinatatakutan, wala ka ring pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. 'Yan ka eh. Jave Santillan ka!"

"Sofia. Bakit mo ba ginagawa sa sarili mo 'to?" sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero pinalis ko iyon.

"Wala kang pakialam. Hindi na kita kakausapin simula ngayon. Hindi na tayo magkakilala, para sa'kin anino ka nalang." galit kong sabi sabay talikod sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta o kung saan ang dulo ng daan na tinatahak ko pero wala akong pakialam. Gusto ko nalang makalayo sa kanya.

"Tinatanong mo ako kung bakit ko kailangang gawin 'to di ba?" tawag niya. "Hindi mo ba gustong malaman ang sagot ko?"

Napakuyom ako pero hindi ko siya nilingon. "Wala na akong pakialam anuman ang rason mo. Tigilan mo na ang pagsunod sa 'kin dahil hindi na kita kilala. You asked me to shut you out of my life, I'm doing exactly what you wanted me to do right now. I'm shutting you out of my life...forever."

Hinabol niya ako. Sa isang iglap lang nasa harap ko na si Jave sa nagsusumamo niyang mga mata.

"I've tried to keep it from you. Inisip kong mas makakabuti sayo kung hindi mo alam ang dahilan pero parang nagkamali ako."

"Jave. Tama na. Anuman 'yang dahilan mo sa tingin ko hindi na rin mahalaga. Kagaya nang hindi na din mahalaga sa 'kin kung mahal pa kita o hindi na. Maghiwalay na tayo ng tuluyan. Sa'kin na nanggaling kaya 'wag ka nang makonsensya, kung meron ka man no'n."

"Sofia..please. Just listen to me.."

"Hindi na nga ako interesado. Gusto mong pakinggan kita? Umakyat ka ng bundok tapos tumalon ka! Bahala ka na sa buhay mo."

Nagpatuloy ako sa walang direksyon kong lakad. Alam kong hindi siya umalis, nakasunod lang siya saan man ako magpunta.

Maghahating gabi na ng bumalik ako ng dorm. Ilang sandali lang inabutan na ako ni Mia ng isang supot ng pagkain na may kasamang band aid para sa namamagang paltos ko sa paa.

"Salamat." mahina kong sabi.

"Si Jave ang nagdala niyan dito. Pinapaabot lang sayo. Alam mo bang kanina pa siya sa labas ng pinto ng dorm natin?"

"Baliw siya." inis kong bulong.

"Alam mo Sofia. Mahal na mahal ka talaga niya...nararamdaman ko."

"Kaya harap harapan kung halikan niya si Bella?" asik ko kay Mia. "Ibalik mo nalang sa kanya 'yan. Hindi na ako tatanggap ng anumang galing sa kanya. Sana kayo rin."

Salubong ang kilay kong nagtalukbong ng kumot at dinaan sa iyak lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Gusto ko siyang puntahan sa labas, gusto ko siyang pakinggan sa kung anuman ang sasabihin niya pero hindi kaya ng puso ko. Sobra akong nasaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro