23. Tears and Pain
Para akong nahulog sa isang malalim na malalim na bangin.
Gustuhin ko mang gumalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko maikilos ni isa sa mga paa ko.
They were torridly kissing like they missed each other very much. Bella's hands were on Jave's shoulders while he's pinning her body tightly to his. I can't watched it anymore. Napayuko ako. Tumulo ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi.
Maraming bagay ang pumasok sa isip ko habang nakikita kong hinahalikan ni Jave si Bella. Sa sobrang dami naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kailangan ko ng kasagutan, bakit ginawa ni Jave sa 'kin ito?
"Let's go Babe, I wanna kiss you more somewhere...private." narinig ko si Bella.
Napatingin ulit ako sa kanila. Binigyan ako ni Bella nang nakakalokong ngiti. Babe talaga? Ha!
"Sofia! What's going on here? Tatayo ka nalang ba d'yan wala kang gagawin??" nakaiktad pa ako nang bigla akong sugurin ni Zirk at yogyogin sa balikat. Nakita ko ang pagka awa at galit sa mga mata niya. "Damn!" asar niyang asik, susugurin na sana niya sila Jave pero nahawakan ko siya sa braso.
"Zirk! No! Please!" mariin kong sigaw. I was thinking about Jave. Bali pa ang buto nito at bagong opera lang sa ulo. He couldn't take any physical blow with his condition right now.
Pero hindi ko napigilan ang biglang pagsugod nila Ark at Jiro sa kaibigan. Napatili ako nang walang kaabog abog na sinuntok ni Jiro sa panga si Jave. Dahil mahina ang katawan nito ay kaagad itong natumba sa lupa.
"Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?" I can see rage on both Jiro and Ark's faces.
"Eh sira ulo pala 'to eh!" ani Ark na hawak sa kwelyo si Jave.
"Stop it! Guard! Guard!!" naghestirikal na sigaw ni Bella, pinigilan niya ang dalawa pero itinulak lang siya ng mga ito.
Napatakbo ako nang pagtulungan ng dalawa si Jave kahit na hindi pa rin ito makabangon sa pagkakatumba. Jiro was about to punch him again when I covered him with my body. Kung hindi napigilan ni Jiro ang kamay niya, tumama sa likod ko ang suntok na 'yon.
"Jave..are you ok?" umiiyak kong turan, hawak ko ang duguan niyang mukha. "Jiro, Ark, ano ba! Ano ba kayo! Mahina pa siya.."
"Ipagtatanggol mo pa 'yan? Ginago ka sa harap ng maraming tao!" sigaw pabalik ni Jiro.
"Wala kayong pakialam, bakit niyo ba sinasaktan si Jave? Kaibigan niyo siya!" sigaw ni Bella. Lalapit sana ito kay Jave pero hinarang ni Ark.
"Wag kang makialam dito, dahil baka ikaw ang masipa ko sa mukha. Pumapatol ako sa babae." banta ni Ark sa nagbabagang mga mata. Natamihik si Bella.
"Jave..Jave.. Look at me. Ako 'to si Sofia. Ano bang nangyayari sa 'yo?"
Hindi siya sumagot. Pinunasan lang ang dumudugong labi.
"Jave!"
"Ano??" singhal niya na ikinatakot ko.
"Tell me what's going on. Tinakot ka ba ng Papa mo? Nasa panganib ba ang buhay ko kaya kailangan mong gawin 'to? Pinagbantaan ka ba ng mga kaaway mo? Sabihin mo sa 'kin ang dahilan Jave, dahil kailangan kong maintindihan kung bakit nagawa mo sa'kin 'to? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito..? Alam kong may dahilan ka, kilala kita, alam kong mahal mo ako at hindi magbabago 'yon anuman ang paninirang sabihin ni Bella laban sa 'kin...Parang awa mo na..." halos lumuhod na ako sa harapan niya. Hawak ko ang mukha niya, at nakatitig ako sa mga mata niya habang bumabaha ng luha ang sarili kong mga mata.
Blangko ang tingin sa akin ni Jave. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Pero 'yon ay para lamang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya. Tumayo siya habang ako ay naiwang nakalugmok sa lupa.
"Wala ka man lang sasabihin sa kanya? Hindi ka man lang magpapaliwanag?" ani Jiro na mas mahinahon na. "Hindi ako naniniwalang may kinalaman dito si Tito David dahil kahit anong gawin ng Papa mo, hindi ka naman nakikinig sa kanya. Mas lalong hindi ako naniniwalang mga kaaway mo ang nagbanta sayo, dahil walang magtatangka. Kilala ng lahat ang pagkagago mo, pinapadala mo sa impierno sinumang kumalaban sayo. Kaya bakit?"
"Dahil ba sa mga pictures? Anong kasinungalingan ang sinabi ni Bella sa 'yo? Sabihin mo ipapaliwanag ko isa isa. Nangangapa ako ngayon sa dilim Jave.. hindi ko alam kung paano kita gigisingin--"singit ko.
"Pwede ba Sofia tama na. Wag mong kawawain ang sarili mo, tigilan mo na din ang kaiiyak mo. Sampalin mo nalang ako, sipain mo ako, saktan mo ako para makaganti ka. Harap harapan ka nang ginagago, tapos ganyan ka pa? Para kang tangang nagmamakaawa. Anong sinabi ko sayo? Kapag inapi ka lumaban ka!" di ko inaasahang sisinghalan niya ako ng ganito. "Tama si Jiro. Walang nagsolsol sa akin na gawin 'to. Ako lang. Desisyon kong ipagpalit ka at, desisyon kong saktan ka. Gusto ko nang mawala ka sa buhay ko. Walang rason. Nagising nalang ako isang araw na ayoko na."
Nadurog ang puso ko. Nagdilim ang paningin ko. Parang wala na akong narinig pagkatapos no'n. Hindi ko kailanman naisip na maririnig ko mula kay Jave ang mga katagang iyon. Hindi na niya ako kailangan sa buhay niya? "Hindi 'yon ang sinabi mo sa 'kin sa hospital. Hindi ko makakalimutang sinabi mong kahit na anong mangyari mahal mo ako."
"It. Doesn't. Matter. Ayoko na nga 'di ba? Shut me out of your life now, I'll do the same." malamig niyang turan.
Napapikit ako sa sobrang sakit. Hindi ko kayang salubungin ang nagyeyelo niyang mga tingin sa akin na para bang wala talaga siyang pakialam. Si Zirk ang umalalay sa akin na makatayo. " You know what, Santillan, for a while there I forgot who you really are. I have forgotten that you are THE Demon Rex. Thank you for reminding me." ani Zirk.
Nagkibit balikat lang si Jave. "You're welcome." Sarkastiko pa niyang tugon na may kasamang ngisi. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ako bago tumalikod. Mabilis siyang naglakad palayo kahit si Bella hindi niya inintindi.
"Hey Babe! Wait up!" malanding tawag ni Bella dito. Tinawanan muna ako bago sumunod kay Jave.
Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga tao. May ibang naaawa sa 'kin. Meron din namang natutuwa. Nahihirapan akong huminga. Gusto kong pigilan ang luha ko pero hindi ko magawa. Hindi siya tinakot ng Papa niya, hindi siya pinagbantaan ng mga kaaway. At hindi rin siya naniwala sa kasinungalingan ni Bella. Kaya anong dahilan? Anong dahilan?
Ayoko mang tanggagapin sa sarili ko pero isa lang ang kasagutang pumapasok sa utak ko ngayon. Ayaw na niya. Nagsawa na siya. Ganun siguro talaga ang mga lalaki, kapag nagsawa na, bigla na lang manlalamig at mang iiwan sa ere. Tapos lahat ng pinagdaanan niyo, lahat ng pangako sa isa't isa, mawawalan nalang ng kahulugan. At wala kang magagawa kundi tanggapin iyon. Wala kang choice kundi pulutin isa isa ang mga piraso ng puso mong binasag niya at binasura.
Sa ginawang pagtalikod ni Jave sa akin sa gabing ito. May pakiramdam akong ito na ang huli naming pagkikita...
https://youtu.be/34x9lct5hxE
Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal
Parang naging salat
Pangako habang buhay
Nangakong 'di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal
Parang 'di na ikaw
Sa Maykapal ang dinasal
Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan
Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan
Puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan
Nasaan ang sumpaan
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan
Hanggan dito na lang ba
Ang ating walang hanggan
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro