22. Queen of the Night
"Sofia!" nanginginig pa si Dianne nang lumapit sa akin. "Sino 'yon?"
"Ha...?"
"'Yong humalik sa 'kin, sino?"
"Estudyante dito." hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya. Mas tama kasi kung kay Jiro nalang manggaling ang bagay na iyon.
"Hmm. Alam ko naman na bawal kong itanong sayo kasi against the rules 'yon. Kaya nga dapat nakapiring..para kasing kumakabog ang dibdib ko eh. Kasi naman! First kiss ko 'yon." namumula pa ng husto si Dianne. Gusto kong mapangiti ng todo. "Anong itsura niya?"
"Itsura? Hmm..matangkad. Maputi. Medyo chinito.."
Napasimangot si Dianne. "Parang kilala ko na 'yang sinasabi mo 'wag mo nang ituloy."
"Kilala mo na?"
"AARrrrrggghhhh." Pinahid niya ng husto ng kamay niya ang labi niya hanggang sa mamula iyon. "Oo. Yung mistisong matabang hilaw na intsik na palaging nambwebwesit sa 'kin. Nakakainis naman eh!" mangiyak ngiyak si Dianne.
"Hey. Kalma ka lang muna. I'm sure hindi 'yon 'yong iniisip mo. Ibang tao 'yon--"
"Sigurado akong siya 'yon. Wala namang iba."
Madami pa sana akong sasabihin kay Dianne pero bigla na namang umeksena si Bella. Nilapitan si Dianne at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"I don't get it. You're not even beautiful. You wear expensive clothes but they look cheap on you. Lemme guess. You're not born rich, are you? I can see it just by looking at your skin." palatak ni Bella sa nakakairita nitong facial expression.
Malapit na talaga akong sumabog. Pag nagkataon hahampasin ko ng lahat ng paso sa school na ito ang pagmumukha niya. Tinulak ko siya sa braso. "Anong problema mo?"
Nginisian niya ako. "Becoming violent now, are we? Hindi kita papatulan Sofia. Nakakaawa ka na nga kakawawain pa ba kita?"
"Ikaw ang nakakaawa sa ating dalawa. Ano bang mapapala mo sa pakikialam sa buhay ng ibang tao? Bakit ba lahat nalang inaaway mo? Ang hilig mong magpahamak ng iba, ang hilig mong gumawa ng kwento. Ganyan na ba talaga kalungkot ang buhay mo para magpapansin ka ng ganito?"
"Ha! What did you just say? Me? Papansin? Why would I do that when everybody in this campus is dying for my attention? They would do whatever I ask them to do, I don't even have to say a single word. You see, I'm the queen of Westside University. Sooner or later I will kick you out of this school along with your ugly friends. And by the way, watch me as I strip you out of your title being the bad boy's princess. I will claim what's rightfully mine, including the Demon Rex himself. After all, ako ang mas maganda sa ating dalawa. Mas bagay sa 'kin si Jave.."
"Sabihin na nating totoo ang sinabi mo na ikaw nga ang reyna at ikaw ang mas maganda. Pero si Jave, hindi mo siya maaagaw kahit anong gawin mo."
Tumawa ng malakas si Bella. "Jave Santillan is mine now, he didn't tell you yet? Ako na ang bagong girlfriend niya at ikaw, pwede ka nang bumalik sa planetang pinanggalingan mo..Alien!"
"Libre ang mangarap. Tikbalang!"
Hindi pa man dumidilim ay tinipon na kami ni Mrs. Jimena. Kinausap niya ang lahat ng members ng Drama and Dance Club, lalong lalo na ako. So far the foundation day has been so good that the completion of it's success now lies to the evening dance finale. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi ko pwedeng sirain ang araw na ito ng Westside at mas lalong hindi ko hahayaang mapahiya kay Jave. Inimbita ko pa naman siya.
Ipapakita ko sa Bella na 'yon na maaring kaya niyang makuha lahat, pero ang kaisa isang akin na hindi niya pwede at hindi niya kayang agawin ay si Jave lang. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I was wearing a tight fitting see through black dress. It looked so elegant and at the same time very sexy. The dress kindda reveal both of my legs through its flowy skirt yet still looked so formal. Kumikinang ang damit kapag tinatamaan ng liwanag. Sinabi sa akin ni Mrs. Jimena na ako ang magiging pinakamaganda sa gabing ito, sana nga dahil pakiramdam ko ang kapal na ng mukha ko sa dami ng mga koloreteng nakalagay. Ang pula pa ng labi ko, hindi ako sanay.
"Hey beautiful, your time to shine now!" nakangiting bungad sa akin ni Ark. Kasama niya sina Jiro at Zirk. I noticed they were wearing the same costumes as the other male dancers. Nakaitim na suit din ang mga ito.
"Kasali kayo?"
"Oo. Just for the first part." ani Jiro.
"I volunteered. Apat sana kami, but I really can't find Jave." sabi pa ni Zirk.
The concept of the dance, I was a dark princess brought to Earth by lightning. I must come from beneath the stage inside a glamorous cage carried by the most beautiful men from down under. Jave would be in the audience. Hindi ko rin naman siya papayagan na kargahin ako dahil baka mapwersa ang katawan niya.
Huminga ako ng malalim nang mag umpisa ang togtog. "Alright. Let's do this Rexes!"
I was brought up to the stage by three gorgeous men. Halos mabingi ako sa sigawan ng napakaraming taong tumambad sa akin. Muntik na akong hindi makagalaw dahil sa kaba pero ang isiping sa gitna ng mga taong 'yan ay naroon si Jave, 'yon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na ibigay ang lahat ng makakaya ko.
Pumayag akong ihagis sa ere ng ilang beses. Hindi ako natakot. Pinaghandaan ko ang bagay na ito. I was doing the sexy part of the dance when I caught his eyes. Sa wakas nakita ko rin siya. Lumukso ang puso ko at mas gumaan ang katawan ko. Nagpatuloy ako sa pagsayaw, may mga pagkakataong nagkakatabi kami ni Bella, pero ako pa rin ang pinapanood ng madla. Nasa akin pa rin nakapako ang tingin ni Jave. Tumagal ng ilang minuto ang sayaw, napagod ako pero para akong lumutang nang masigabong palakpakan ang narinig ko pagkatapos.
Yes!
Pagkatapos ng sayaw nang pababa na ako sa stage, namataan ko si Jave na malaki ang pagkakangiti sa akin. He looked so proud of me and I loved it. His bandage has been removed, he looked very handsome as ever. Sinuklian ko ang ngiti niya at sinalubong ko siya ng yakap.
Pero tumigil ang mundo ko nang ginawa ko 'yon. Dahil umiwas si Jave. Nilagpasan ako, dumiretso ito kay Bella. Hinalikan niya si Bella sa mga labi..ng matagal na matagal na matagal sa gitna ng napakaraming tao.
Para akong namatay ng paulit ulit. Sumikip ang dibdib ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Bakit...? Anong nangyayari....?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro