18. Main Girl
"Sofia? Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap anong oras na oh?" dumating sila Dianne at Mia. "Bakit ka ba naglilinis dito eh may tagapaglinis naman tayo dito sa dorm."
Ngumiti ako sa dalawa. Naliligo ako sa pawis ko dahil sa laki ng kwartong kinuskos at nilinis ko. Ngayon naman ay sa hallway.
"Ok lang ako wag niyo na akong hintayin. Nagpapalipas lang ako ng oras kaya naglilinis ako--"
"Sofia, tapos ka na ba d'yan.Marami ka pang gagawin dito." biglang lumabas si Bella sa kwarto niya.
Nagkatinginan sina Mia at Dianne.
"Oh, you bring friends with you! Tutulungan ka ba nila?" nakangiting sabi ni Bella na may halong pa cute. Ang sarap sabuyan ng basahan na hawak ko.
"Hindi. Paalis na sila."
"Awww, sad naman, pagod na pagod ka pa naman na..Teka, kayong dalawa, hindi niyo ba ako iwewelcome dito sa dorm? I just moved in! Congratulations to me!"
Hindi ito pinansin ni Mia. "Sofia, ano bang ginagawa mo? Tara na bumalik na tayo sa kwarto, hayaan mo na 'yan!" hinawakan ako ni Mia sa kamay at pilit na hinila pero ako na ang tumanggi.
"Mia, Dianne, ako na ang bahala dito ha? Umalis na kayo."
"Pero.."
"Please?"
Wala silang nagawa kundi sundin ang gusto ko. Kailangan kong malaman kung nasaan si Jave at si Bella lang ang makakapagsabi no'n. Madali lang naman ang maglinis eh, sanay ako sa gawaing bahay, ang hindi ko maatim ay ang tumunganga habang alam kong hindi mabuti ang lagay ni Jave. Miss na miss ko na siya. Gagawin ko lahat makita lang siya ulit.
Ilang minuto nang makaalis sila Mia, si Jiro naman ang dumating.
"What the hell do you think you're doing Sofia? Nagpapaalipin ka sa babaeng 'yan?" angil ni Jiro sabay hablot sa hawak kong mop.
"Excuse me. Hindi ko siya inaalipin, nagpapatulong lang ako. Masama bang maging mabait si Sofia sa 'kin? Kung si Jave nga mabait na sa 'kin eh." singit ni Bella.
"Shut up! We both know you're doing this to humiliate her. Tigilan mo na si Sofia, dahil sinasabi ko sayo, wala kang mapapala." galit na sagot ni Jiro diretso sa mukha ni Bella.
Tumawa lang ang isa. "How sexy. Ang gwapo mo din pala sa malapitan Jiro. Hindi ka nalalayo kay Jave.."
"Ano ba talagang kailangan mo?"
"Wala. Bakit ba napaka over protective niyong lahat sa kanya? Prinsesa ba siya? Ganun ba siya kayaman at kaimpluwensya at lahat kayo parang mga langaw na nakabuntot sa kanya??" biglang sigaw ni Bella. Namumula ito sa asar.
"Hindi mo kailangang malaman. Whatever the reason is, it's none of your god damn business." asik ni Jiro tapos ay hinila niya ang kamay ko. Gustuhin ko mang tumutol, hindi ko na nagawa. Malakas si Jiro at mukhang pikon na pikon na. Alam kong mahaba ang pasensya niya pero kapag umabot iyon sa hangganan. Kagaya ni Jave, sumasabog din ito.
Napansin ko ang pag flash ng camera sa likuran namin. Nakita ko si Bella na kinunan kami ng litrato ni Jiro na magkahawak ang kamay. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. Kinabahan ako.
Kinaumagahan ay pinatawag ako ni Mrs. Jimena sa office ng org. Alinlangan akong pumunta pero wala naman akong karapatang tumanggi dahil extra curricular ko pa rin ang org na sinalihan ko. Babagsak ako sa larangang iyon kapag hindi ako sumipot sa mga rehearsals.
"You know what guys, Sofia is a lot shorter than me, mas maganda kong siya ang nasa center stage at siya ang ihahagis. Tapos support nalang ako sa kanya." si Bella.
"Are you sure about that Bella? In that case Sofia will be the lead dancer."
"But of course Mrs. Jimena. We're friends now and I know her capabilities. Sa totoo lang sa tingin ko mas magaling pa siya sa 'kin. The dance will be the main event of the evening. We will make sure that everyone will be there to watch the show. And our beautiful darling, Sofia, otherwise known as the bad boy's princess will be the main girl of the show. Isn't that a brilliant idea? Even our VIPs would be very interested to watch Jave Santillan's girlfriend perform, right?"
Bella was such a charmer. Ang paraan nito ng pagsasalita kay kakaiba, nakakaengganyo ang kagandahan nito kaya naman lahat ng sabihin nito, nasusunod.
Alam ko sa sarili ko na marunong akong sumayaw at kakayanin ko ang mga steps...pero hindi ako sanay na ihagis sa ere. Hindi ko pa nararanasan iyon kahit kelan. Sobra akong kinabahan.
"Sofia!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Zirk?" Naka-walker pa ito at nakabenda ang paa. Patakbo akong lumapit sa kanya.
"Kumusta ka na? Ok ka lang ba?"
Tumawa ito. "Ok lang, hindi naman ako napuruhan. Ilang sessions nalang with my doctor makakapaglaro na ulit ako. Ikaw, kumusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari kay Jave.."
Nalungkot na muli ang mukha ko. "Papasok din iyon. Magaling na 'yon. Nagpapa-miss lang siguro sa 'kin" pinilit kong siglahan ang boses ko.
"Oo naman. Si Jave pa eh may infinity stone 'yon sa noo. Hindi 'yon basta basta masasaktan!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Siraulo ka din eh."
"Congrats nga pala. Ikaw ang main event sa foundation! Panonoorin kita. Galingan mo!
"Oo naman."
"Panu, dumaan lang ako para makita ka. Alis na ako."
Nagulat ako nang yakapin ako ni Zirk. Pero alam kong bilang kaibigan nalang iyon. Niyakap ko syang pabalik.
"Sofia! Ikuha mo nga ako ng tubig." pagkaalis ni Zirk, tumawag si Bella. Hawak nito ang cellphone at marumi na naman ang ngiting ipinukol sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro