17. Injury
Ilang minuto lang dumating na din si Jiro. Humahagulgol pa ako nang abutan niya sa gilid ng daan.
"Sofia!" patakbo akong dinaluhan ni Jiro at isinakay sa kotse. "What happened? Nasaan si Jave?"
Umiling-iling lang ako. Pina-inom niya ako ng tubig. "Come on you need to talk." aniya. "Are you alright?"
"Ok lang ako. Si Jave...kinuha siya ng mga tauhan ng Papa niya."
"Ganun ba? Ok lang 'yon. Wag kang mag alala. Kaya ni Jave 'yon, hindi 'yon magpapatalo sa Papa niya."
"Hindi Jiro. Nawalan siya ng malay. Tingin ko matindi ang tama niya kahapon pinipilit niya lang ang sarili niya na kayanin. Pero kanina napansin kong panay ang hawak niya sa ulo niya.. tapos hinimatay siya.."
Napalunok si Jiro. Napakuyom din ang kamao niya sa manibela. "Sofia I think you're just being paranoid. Si Jave Santillan ang pinag uusapan na 'tin malakas pa sa kalabaw 'yon. Isa pa hindi pababayaan ni Ate Ysabel 'yon.."
"Pwede mong tawagan si Ms. Ysabel? Tanungin mo kung ano na nangyare kay Jave."
Ginawa iyon ni Jiro. Ilang minuto nitong kausap si Ms. Ysabel. Mas lalo akong nag alala dahil wala pa rin daw malay si Jave. Kailangan nitong sumailalim sa CT scan dahil ayon sa initial na pagsusuri ng doctor ay nagkaroon ito ng serious head injury dahil sa sunod sunod na pagtama ng ulo nito sa matigas na bagay. Bali din ang isa sa mga ribs nito.
Dalawang linggo ang lumipas, walang araw na hindi ko sinubukang tawagan ang cellphone ni Jave. Pero lagi lang iyong unattended. Wala na akong magawang matino para sa preparation sa foundation day kaya kahit ang mga teachers ko ay nagagalit na sa 'kin.
Inilipat nila halos lahat ng responsibility kay Bella.
"Hey." bati ni Bella sa akin pagkatapos ng klase. "Look at you. You look so devastated. Kawawa ka naman.."
"Bella, wag ngayon." pikon kong sagot. Kinuha ko ang bag ko para sana ay umalis na pero hinarang niya ako.
"Wala ka na ngang magawang matino sa org ganyan pa ang ugali mo. Ang dami kong trabaho ng dahil sayo!"
"Di ba 'yon naman ang gusto mo dahil gusto mong magpasikat? Ikaw na. Ikaw na ang bida, walang umaagaw sayo sa trono mo. Tantanan mo ako dahil wala akong panahon sayo."
Tinawanan niya lang ako na parang demonyita. "You. Are. So. Pathetic. Nahospital lang ang boyfriend mo nagkakaganyan ka na? Siguro kasi good for nothing ka naman talaga. Kung wala si Jave, wala ka. Ang mind you hindi ako tumitigil sa pag iimbestiga sa tunay mong pagkatao at kung paano ka nakapasok dito sa Westside. Nalalansahan talaga ako sa pagkatao mo---"
"Gawin mo kung ang gusto mo wala akong pakialam!"
"I visited your boyfriend sa hospital kanina. Buti pa ako pwedeng bumisita. Ikaw hindi. Kawawa ka naman talaga."
Napatingin ako ng maiigi sa kanya. Sa tingin ko ay nagsasabi ng totoo si Bella.
"Alam mo kung saang hospital si Jave?"
Tinawanan lang ako ni Bella. "But of course. Kilala ako ni Tito David. Magbestfriend sila ng Daddy ko. I bet he didn't contact you yet. Sa itsura mo ngayon parang walang paramdam si Jave samantalang tapos na ang operation niya at nakakapagcellphone na siya."
"Sabihin mo kung nasaang hospital si Jave."
"No freakin'way. Ba't ko sasabihin sayo?" tapos ay kusa niya akong tinalikuran. Ako naman ang naghabol sa kanya.
"Please Bella, nakikiusap ako sayo. Sabihin mo lang sa 'kin kung nasaan si Jave. Please..gagawin ko lahat ng gusto mo."
Tumawa pa siya ng malakas. "Malalagot ako kay Tito David pero pag iisipan ko 'yan. Anyway nagkausap kami ni Jave, hindi na siya galit sa akin. Tuwang tuwa nga siya na may bisita siya eh. Nagkwentuhan kami magdamag. Feeling ko nga close na kami sa isa't isa ."
Natigilan ako sa sinabi niya. Malaking bahagi ng puso ang hindi naniniwala sa kanya pero may parteng nagsasabing totoo ang sinasabi ni Bella. Bakit ayaw akong kausapin ni Jave? Naoperahan siya ng hindi ko alam? Gano'n kalala ang naging injury niya?
Tinawagan ko si Jiro. "Alam ni Bella kung nasaan si Jave. Nasa hospital daw, naoperahan...alam niyo ba ni Ark 'yon?"
"I'm sorry Sofia, pero wala din kaming alam ni Ark. Walang sinasabi si ate Ysabel. Ang sabi niya lang wag mag alala dahil ok lang si Jave. Papasok din siya as soon as possible."
"Pero bakit alam ni Bella kung nasa'n si Jave?"
"Malapit si Bella kay Tito David."
Napabuntong hininga ako.
"Nasa klase ako Sofia, magkita tayo mamaya pagkatapos ng klase ko sa park sa tapat ng dorm. Wag ka nang mag alala." dagdag pa ni Jiro.
"Sige.."
Napakuyom na lang ako. Sinubukan ko ulit tawagan ng cellphone ni Jave pero hindi pa rin iyon nagri-ring. Sana may kakayanang akong suyurin lahat ng hospital sa mundo para lang mahanap ko siya. Ang sakit na ng ulo ko, halos wala akong tulog araw araw dahil iniisip kong baka pag natulog ako ay hindi ko masagot ang tawag niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro