Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15. Love Afterall


Jave


Ilang beses na akong pabalik-balik sa salamin. Hindi pa rin magbago ang mukha ko, mukha pa rin akong hybrid ng panda, ng dalmatian at ng lecheng paniki na 'yan! Kung saan-saan tumubo sa mukha ko ang mga pasa mula sa rambulan kahapon. Tapos may band aid pa ako sa ilong, taenang buhay 'to oh.  Kung minamalas ka nga naman,  pumapangit ka!

Wala naman kaso sa akin kung ano ang itsura ko, kaya lang. Kasama ko si Alien ngayon, pag nakita niya ang mukha ko paggising niya, tulog ulit siya! Ano na nga ulit ang nilalagay ng mga babae pangtapal sa mga sumpa sa mukha nila? Yung basang pulbos, yung kulay brown. May nakita ako sa banyo. Baby powder, pwede na 'yon. Nilagyan ko ng kaunting tubig tapos pinahid ko sa mukha ko. Tae, nagmukha akong espasol na may kologo. Naibalibag ko sa salamin ng banyo ang pulbos. Basag. Tsk.

"Jave, anong ginagawa mo d'yan?"

Napalunok ako. Gising na ang Alien.

"Wala!"

"Binasag mo ba ang salamin d'yan?"

Napatingin ako sa salamin. "Hindi ah!" Taena ang pangit ko talaga.

"Lumabas ka d'yan naiihi ako."

"Pigilan mo may ginagawa pa ako!" Naghilamos nalang ako. Tapos ay naghugas ng buhok. Bahala na nga!

Nang lumabas ako ng banyo nakapagsuklay na si Alien. Nakatali na ang buhok niya at kahit wala pang hilamos ang ganda na ng mukha niya. Bagay kami kahapon eh, ngayon...tae, wag na nga lang! Akala ko tatawa siya, pero tumitig lang siya sa'kin. Nilapitan ako, tumingkayad siya at inabot ang buhok ko na tumutulo pa sa sahig. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay niya. Kinailangan kong bahagyang yumuko dahil matangkad ako ng ilang pulgada sa kanya.

"Hindi ka marunong magpunas ng buhok mo? May towel sa banyo!" sermon niya.

Tumawa lang ako at humalukipkip. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Hindi eh." Paganda siya nang paganda sa paningin ko. "Punasan mo ako. Masakit ang buong braso ko eh, pati kamay.." nakangisi kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya. Umikot ang mata ni Alien pero inabot niya ang malinis na towel sa banyo.

"Maupo ka, hindi kita abot." aniya.

Naupo ako sa gilid ng kama habang siya nasa harapan ko pinupunasang maigi ang buhok ko. Of all the shits going on in my life now, she's the only light in my dark world. Mabuti nalang nakilala ko siya, dahil kung hindi wala akong balak na magbago at ayusin ang buhay ko. Sana sinuntok ko pabalik si Papa nang suntukin niya ako. Sana sinunog ko nga ng tuluyan ang bahay niya. Sana nakapatay ako sa rambol. At sana binangga ko na ang motor ko sa truck na nakasalubong ko kagabi. Lahat ng iyon dahil sa kanya.

 I'm not the fucking prince charming nor the hero she was talking about. I brought her straight to danger and I almost fucking rape her! No hero would ever to that to anyone, especially to the only person he cared about. I was a complete asshole. And yet she had chosen to stay. She was busy tending my wounds while she suffered from her own. I was a freakin' nightmare for her.

Last night I had to hug her real tight because she was shouting my name in her sleep. Like I was dying or something. She was crying all night, her pillows almost soaking wet.

She said I was God sent. Hell no. It was the other way around, she was God sent to save a sinful soul like mine.

Hinuli ko ang kamay ni Sofia at nilapit siya sa akin. Siniksik ko ang ulo ko sa gilid ng beywang niya so I can hug her real tight. Naramdaman kong natigilan siya. Nabitiwan niya din ang hawak na towel.

"Jave.." bulong ni Sofia. "Are you ok? May masakit ba sayo?"

"Buong katawan ko." bulong ko. " But you know what I fuckin' deserve this and more. I want you to know how sorry I am for being a complete shit last night. Hindi lang dapat mura ang ginawa mo, sana binasag mo 'yang lampshade sa bungo ko kagabi."

"Muntik na. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko kayang gawin sayo 'yon eh."

Napatawa ako sa sagot niya. Like the typical Alien I knew. I caught her waist and flip her so she can sit in my lap. Magpoprotesta sana siya pero hinawakan ko siya ng mahigpit.

"SSSSsssshhhh. May sasabihin ako sayo, you gotta listen to this."

Natigilan siya at tumitig sa mga mata ko. Alam kong handa na siyang makinig sa 'kin.

"I got a lot of things going on in my head right now. It's just that I'm not good with words. I don't know how do I even start telling you this..."

Natigilan ako. Napahigit ng hininga si Sofia, hindi niya binabawi ang tingin niya sa kin.

"I love you." Hindi ako makapaniwalanang nasabi ko nga! Nag echo iyon sa tainga ko papunta sa puso. "With all of my twisted and shitty and dark heart."

"Sigurado ka...?"

"Sigurado akong Alien ka, pero mas sigurado akong mahal talaga kita."

Inirapan niya ako at marahang sinuntok sa panga. "Jerk!"

"Kinilig ka naman! Kapag kinikilig pala ang mga Alien parang bagong lutong alimasag.  Nagche-change color!"

"Ah ganun ah!"

Inabot niya ang tainga ko at piningot iyon ng matagal. Sa gawain ni Alien na ito, hinding-hindi na talaga ako maghihikaw kahit kelan!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro