Chapter 6
Nalibang ako sa pagmamasid sa paligid. Panaka-naka ay sinusulyapan ko ang grupo ng mga basketball players na tumambay sa kabilang bench kasama ng ilang mga babae.
"Baka matunaw si Alcantara kakatitig mo!" Puna na naman ni Ark na malaki ang pagkakatawa, nang aasar pa.
"Hindi no." hindi lang naman si Alcantara ang tinitingnan ko kundi silang lahat. Iniisip ko din kung paano nila nasabi na si Jave Santillan ang Gu Jun Pyo sa lugar na ito at hindi si Zirk Alcantara. Looking at his features, his status in school and at the way the girls are treating him, he's definitely Gu Jun Pyo of the Korean version of F4. Bakit si Jave Santillan? Ano bang meron sa paniking iyon kundi ang super mega ultra blockbuster niyang kayabangan?
Speaking of Santillan, napatingin ako sa gym, matagal pa kaya siya? Masyado naman yata niyang namiss si Rianne, halos ayaw nang umuwi. Kanina pa ako naghihintay, kinalimutan na yata ako. Sana hindi nalang niya ako isinama. Akmang tatayo na ako para silipin sina Jave nang isang rumaragasang bola ang tumama sa ulo ko mula sa kung saan. Nahilo ako dahil may kalakasan iyon at nakalog ng husto ang ulo ko. "Aray!" kulang ang simpleng daing na iyon para ilabas ang sakit. I realized where the ball came from nang magtawanan ang grupong nasa kabilang bench. Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ng masama ang grupo. Kahit outsider ako, walang karapatan ang mga itong manakit at tumawa pagkatapos. I got the ball and held it firmly. Nang ma-realized ng grupo na wala akong balak ibalik ang bolang iyon. Isa sa mga ito ang lumapit. Sa Zirk Alcantara.
"Excuse me Miss, but that's my ball." pukaw niya sa akin. Yun lang? Yung lang talaga ang sasabihin niya, wala man lang balak mag-sorry? Bahagyang umangat ang kilay ko, pinagtaasan ko siya ng noo.
"Sayo to? Tinamaan ako sa ulo ng bolang to."
Kinagat niya ang labi at pa-cute na nagsalita. "Uhm. Sorry?" wala sa tono niya ang salitang sorry. Parang natatawa pa nga na mas lalong kina-init ng ulo ko. Hindi dapat Zirk ang pangalan nito eh, mas bagay ang jerk. Kung kanina magaan ang pakiramdam ko, biglang bumigat ng sampung beses iyon. Gusto niya ng bola? Ubod lakas kong ibinato sa tiyan niya iyon, hindi siguro inaasahan na gagawin ko iyon kaya hindi nakadepensa. Sapol siya at kandagiwi sa sakit. Namaluktot din ang katawan niya, napahawak sa nasaktang bahagi. Napalakas yata, nakaramdam ako ng kaunting konsensya pero he deserved it.
"Bitch!!" narinig kong sigaw ng mga babae mula sa kabilang bench. Hindi ko sila pinansin. Ibinalik ko ang ngisi ko kay Zirk. "Uhm. Sorry?" Ginaya ko lang naman ang tono niya pati na ang evil-face niya kanina.
"Trouble trouble trouble.."pakantang bulong ni Ark sa likuran ko.
Kinabahan ako nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nito. Ang grupong nasa kabilang bench, isa-isang lumapit sa amin. Tatlong babaeng mukhang mga barbie doll sa kapal ng make-up at iba pang mga lalaking nakasunod sa mga ito.
"Why did you do that, you bitch!" Sugod ng isa.
"Bakit, nung ang ulo ko ba ang tinamaan, nagreklamo ako? Tinawag ko ba kayong bitch nang tawanan niyo ako?" Ganti ko sa babae. Hindi naman siguro ako sabay-sabay na sasabunutan ng mga ito noh? Wag naman sana dahil ang dami nila. Pero hindi rin naman pwedeng magpa-api nalang ako, hindi ako kasing righteous ni Cinderella.
"How dare you do that to Zirk. And how dare you talk to us like that! Hindi mo ba kami kilala? Bago ka ba dito?" asik ni barbie doll number two.
"Ang tapang mo ah!" Lumapit na din si angry doll number three, mukhang mas biolente ito dahil dinuro niya ako at tinulak sa braso kaya bahagyang napaatras ako. "Kung tinamaan ka sa ulo wala kang karapatang magreklamo. Magpasalamat ka, 'yan lang ang inabot mo!"
"Whoa. Easy easy ladies.." Si Ark ang pumagitna. Si Jiro naman ay kinabig ako papunta sa likod niya na para bang anumang oras ay may susugod sa akin. Nagsi-angatan ang mga ulo ng grupo, tila nahamon sa inakto ng dalawa kong kasama.
"Chill guys. We're not looking for trouble here!" sabi ni Ark na nakataas ang dalawang palad.
"Masyadong matapang 'yang kasama niyo eh, mukhang bago yan dito. Pagsabihan niyo." Deklara ng pinakamalaking lalaki sa grupo. Hindi ako makapaniwalang sa laki ng katawan at sa tangkad nito ay college student palang ito.
"Hindi naman kam---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang takpan ni Jiro ang bibig ko.
"Bago siya, and she's with us. Palagpasin niyo na, total kayo naman ang unang nang-agrabyado." Saad ni Jiro na nakataas din ang noo kagaya ng mga kaaway. Sa dalawang kasama ko, si Jiro ang mas tahimik, pero sa tingin ko siya ang mas maiksi ang pasensya at palaban.
"Let it go, guys. Let's go." singit ni Zirk. Mukhang nakabawi na ito sa sakit at sa pagkabigla dahil sa ginawa ko. Naisip kong ito siguro ang unang beses na may nagtangkang manakit dito kaya ganun nalang ang reaksyon ng grupo. "Let's go." Giit nito dahil ayaw pa rin talagang umalis ng mga kasama nito at nakikipaghamunan pa ng tingin sa dalawang lalaking kasama ko. Samantalang halos patayin ako sa tingin ng mga bruhang fake barbie doll na nakapaligid pa rin sa 'min.
"Pagsabihan niyo yan ha?" Pagbabanta ng biolenteng babaeng nanulak sa 'kin. Inangilan pa ako bago pairap na umalis.
"Ang yayabang naman pala ng mga 'yun!" Palatak ko nang bitiwan na ako ni Jiro.
"Muntik na 'yun ah!" Bulalas ni Ark na tila nakahinga ng maluwag. "That was one hell of a stunt! Ang tapang mo!" Sabay tumawa na naman ito na parang walang nangyari.
"Pero wag mo nang uulitin 'yun Sofia." Payo ni Jiro. "Mukhang mga normal na estudyante lang ang mga tao sa paligid mo, pero hindi mo sila kilala. Westside is not like any other school in the country. Everything is different here, hindi ang mga professors o mga school officials ang dapat mong katakutan kapag nandito ka...dahil hindi sila ang batas dito."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Anong klaseng school 'to? Eskwelahan ng mga high profiled gangster? Sa mga koreanovela ko lang yun napapanood, hindi ko akalaing may ganitong klaseng school sa bansa. Napahawak ako sa nasaktang braso. Kunsabagay, kung paaralan ito ni Jave, ano nga ba naman ang ini-expect ko? Bagay na bagay talaga siya sa lugar na ito.
"Lahat ng estudyante dito, matatalino..." Ani Jiro.
Ay yun lang. Mukhang tagilid si Jave sa bagay na 'yun. Kaya siguro hindi pumapasok ang isang 'yun.
"Mahalaga sa lahat ang ranking nila sa school. At gagawin nila lahat huwag lang bumaba ng kahit na isa ang kanilang numero." Dagdag pa ni Ark. "Kapag umangat naman ang numero mo. Ibig sabihin, may napababa kang kapwa mo estudyante. Humanda ka kapag nangyari yun..."
"Bakit? Masama bang umangat ang numero mo?" Sa probinsya, nagdidiwang kapag tumataas ang grades at ranking sa classroom eh. Iba ba dito?
"Depende." kibit-balikat na sagot ni Jiro.
"Bakit depende?"
"Depende kung sino o kung sino-sino ang nasagasaan mo sa pag-angat mo. Most of the students here will not take it lightly."
Napakurap ako. Talaga ba?
"Every middle of the school year ay may Annual assessment na ginagawa dito across all levels. Hindi importante kung anong year level ka. Isang set lang ang exam na 'yun, at doon nakabase kung ano ang magiging numero mo sa school." Dagdag ni Jiro.
"The lower, the better..." komento pa ni Ark.
"Teka, parang baliktad yata."
"Kapag mataas ang numero mo, marami kang kaaway. Maraming mainit na matang nakatingin sayo. Yung iba, sasaksakin ka nalang sa likod at palulutangin sa ilog. Kagaya ng nangyari sa tatlong estudyanteng umangat bigla ang numero last year. Hindi sila lumutang sa ilog pero.....muntik na. Ganun kaimportante ang ranking sa school na ito."Pahayag ni Ark. "Napakadali nga ng trabaho ng mga teachers dito, mga above average ang mga estudyante kaya hindi na kailangan ng magtuturo. Most of the time, papasok lang ang mga teachers kapag exam na at magchi-check lang ng attendance gamit ang cctv sa classroom.
Napamaang ako lalo. Nakakatakot naman dito. "Eh di delikado pala si Zirk Alcantara niyan? Di ba siya ang number one?"
Tawa ang isinagot ni Ark. Samantalang ngumisi at naningkit lang ang mga mata ni Jiro sa tanong ko.
"Zirk Alcantara is not the nerdy-geek type of brainy student na kagaya ng mga nasa palabas. He's one of the university Rexes.." Alam ko ang ibig sabihin ng salitang rex. It's a Latin word for King. "..he is a student official, he is the captain ball of basketball and he holds control over half of the school's population. Baliw lang ang magtatangkang agawin ang pwesto niya." kwento pa ni Jiro.
"At ikaw Sofia ang kauna-unahang baliw na nanakit sa kanya sa harap ng grupo niya. Pasalamat ka kasama ka namin.. kundi patay kang bata ka." deklara ni Ark.
Kinilabutan ako. Imagine kung kuyugin nga ako ng kalahati ng populasyon ng mga estudyante dito. Himala nalang kung makalabas pa ako ng buhay! Naku! Pag nagkataon mumultuhin ko si Jave, dahil siya ang nagdala sa 'kin sa nakakatakot na lugar na ito.
"Eh kayong dalawa. Sino naman kayo dito? Mataas din ba ang numero niyo? Campus Rex din ba kayo tulad ni Zirk?"
"Hindi." Sabay tawa ni Ark. "Pero mataas ang numero namin, syempre! Magagawa ka ba naming ipagtanggol mula sa pinakanotorious na grupo sa school kung hindi? Let's just say ...we're the shadows of this school..."
"Shadows...?" tanong ko na naman.
"We're like a plague. A disease. Nobody gets near us inside the campus..."
"Mga outcast kayo?" konklusyon ko.
"No. Hindi sa ganun. Tama si Ark, we are the shadows...." binitin nito ang pagsasalita, tila nagisip kung sasabihin ba sa kanya o hindi. Tumingin pa muna ito kay Ark bago nagpatuloy. "..of the campus Demon Rex.." Hindi ko na-gets. Anong Campus Demon Rex ang sinasabi niya?
Bago pa man ako makapag-usisa, namataan ko na ang kotse ni Jave na pumarada sa harap ng gym, isang school staff ang nagmaneho noon, ilang sandali pa lumabas na sina Jave at Rianne. Natuon ang mga mata ko sa magkahawak na kamay ng dalawa. Nang sumakay ang dalawa sa kotse, gusto kong sigawan si Jave at ipaalalang kasama niya ako, pero parang may bumara sa lalamunan ko. Naisip kong dahil kasama nito si Rianne, nakalimutan na ako bigla. Hindi ko naman siya masisisi, sa palagay ko matagal na hindi nagkita ang dalawa at hindi naman lingid na patay na patay ang Paniking iyon kay Rianne. Ang tanong, paano ako uuwi?
"Hindi mo sila tinawag?" Tanong ni Jiro nang mapansing natuod ako sa kinatatayuan. Pinagmasdan ko lang ang kotse ni Jave na tumakbo palabas ng school.
"Hindi na.." malungkot kong pahayag. "Kaya ko namang umuwi mag isa."
"Loko talaga 'yun. Nawala na naman sa huwisyo, nakita lang si Rianne. Gusto mo bang tawagan ko si Jave?" Napansin ni Ark ang pagtamlay ko.
Umiling ako. "Wag na. Ngayon palang makakasama ni Jave si Rianne, ayoko namang maging istorbo, baka sapakin ako ng paniking 'yun."
Tumingin si Jiro sa relo. "Makakapag-hintay ka ba? May isang subject pa kami eh. Isang oras lang 'yun. Ihahatid ka na namin.."
"Wag na noh. Pagkatapos ng mga kwento niyo sakin, hindi ako si Darna na kayang labanan ang isang batalyon ng mga gangster dito sakaling iwanan niyo ako mag-isa. Uuwi na ako, kaya ko naman.."
"Sigurado ka?" Pagtitiyak ni Jiro.
"Oo.." Pinilit kong ngumiti. Kahit pa masama ang loob ko kay Jave. Imagine ang tagal kong naghintay tapos iiwanan lang ako?
"Sige, ikaw ang bahala. It's time for our next class na, doon ka dumaan sa kung saan kayo dumaan ni Jave kanina. Hindi ka gagalawin ng lahat ng mga estudyanteng nakakita sayo kasama ni Jave."
Tumango ako. Pero hindi ko na naisip pa ang bagay na 'yun. Tumatakbo sa utak kong napaka-importanteng tao talaga pala ni Rianne kay Jave.nakakalimutan nito lahat, pati ako.
Ang inakala kong madaling pag-uwi, napakahirap pala. Nakalagpas na ako sa mismong school premises kung saan naroon ang kumpol ng mga estudyante, pero napakahaba ng daan palabas ng main gate. Pakiramdam ko isang kilometro na ang nilalakad ko. Mainit pa ang sikat ng araw. Mabuti nalang flat ang doll shoes na suot ko.
Isang magarang pulang sports car ang huminto malapit sa 'kin. Nang ibaba ng driver ang bintana, lumundag ang puso ko.
Si Zirk Alcantara.
"Anong ginagawa mo't naglalakad ka sa gitna ng init ng araw? Is that the way you punish yourself for hitting me?" Nakatawang saad nito. Kita sa malapitan ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. "Gusto mo bang sumabay sakin? Ihahatid na kita.."
Kahit na gwapo talaga ito. Binalewala ko lang. Masyadong mayabang ang tabas ng dila. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. "Kilala ko na kung sino ka sa school na 'to. Ba't ko gugustuhing sumabay sayo? Baka ibangga mo pa ako!"
Tumawa lang ito sa sagot ko. "Transfer student ka ba dito? Anong year level mo?" Tanong pa nito.
"Hindi ako estudyante dito.." Inis kong sagot.
"That's nonsense. This is a very exclusive place, hindi ka makakapasok dito kung hindi ka studyante. Wag ka nang magkaila..."
"Sinabi na ngang hindi ako studyante dito. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para magtransfer dito noh.." Mga psychotic ang mga studyante dito. Malalakas ang tama sa ulo. Isa pa hindi naman ako mayaman na gaya niyo.
Tinawanan lang ako ni Zirk. "Kung hindi ka student..then how did you get in? I'm sure you can't pass the security all by yourself...unless..." Tila may sumagi sa utak nito at nakapag-isip isip. "...unless you're with a Campus Rex...sandali nga. Balita sa buong school na pumasok si Jave ngayong araw na to .....wag mong sabihing ikaw 'yung kasama ka niya?"
Napatingin ako dito. So kilala ng almighty Campus Rex na to si Jave?
"Eh ano ngayon kung kasama niya ako?"
Tahimik itong ngumisi at hinampas ng marahan ang manibela. "You're with Jave Santillan??" Kumpirma nito. "Sabi ko na nga ba, you're not like the others, you're amusing...... and very intriguing. Sumabay ka na sakin.."
"Sinabi nang ayoko!"
"Natatakot kang sumabay sakin, pero hindi ka natatakot sumama kay Jave Santillan?" Tumawa ito na para bang napaka-imposible ng ginawa ko. "You're a piece of art. I love your courage. I'll see you next time then." Kumindat ito nagsuot ng mamahaling shades at tuluyang pinatakbo ang kotse. Money display? Hah! Inis kong pinaghahampas sa hangin ang kamay ko sa sobrang pikon. Maiksi talaga ang tolerance ko sa mga batang kagaya nito na wala namang sariling pera ang yabang-yabang na.
Isa pa, ano ngayon kung sumasama ako kay Jave? Eh as far as I'm concern naman, mabait siyang tao. May pagkapikon lang at sobrang yabang. Pero mabait di hamak kumpara sa mga estudyante dito sa Westside.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro