Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57


"Aray-aray ang hikaw ko...masakit!" daig ni Jave nang pitpitin ko ang tainga niya nang mapagsolo kami.

"Ano masakit, gusto mo pa??"

Ang sama ng tingin niya sa akin. Sinalubong ko iyon ng mas masamang tingin hanggang sa siya na ang unang ngumisi. "Ba't ka ba nananakit? Hindi mo na nga ako sinundo sa airport pingot pa isasalubong mo sakin!"

"Anong ginawa mo sa airport pagkalapag mo? Umamin ka."

Nangunot ang noo nito. Mukhang naalala ang kabaitang ginawa. "Kasalanan mo yun kasi wala ka. Kung nandoon ka eh di hindi madilim ang mood ko."

"Ako pa sinisi?" Hindi ako makapaniwala.

"Kasalanan mo." aniyang inaayos ang hikaw sa tainga. "Ang sakit.." reklamo pa niya na nakanguso. " Ang lupit mo, hindi mo alam kung anong giyera pinagdaanan ko sa Korea para sayo tapos ito lang igaganti mo? Wala man lang I miss you Jave? Walang hug? Walang kiss...?"

Pinandilatan ko siya.

"Wala talaga?"pilit niya.

Inangat ko ang kamay ko. Lumayo siya kaagad. Isang segundo lang ang layo na ng agwat namin.

"Tama na! Masakit pa nga eh!"

Natawa ako dahil akala pipingutin ko ulit. Peste tong Paniking ito, kapag kaming dalawa magkasama akala mo ang bait. Kanina lang ang mga mata niya dun sa spiker parang galit na serial killer. Di ko alam kung normal pa ba siya o kailangan ko nang I-advise si Miss Ysabel na ipasok sa mental ang kapatid niya.

"Di nga? Di mo talaga ako namiss?"

Umiling ako. "Busy ako sa sakit ng balikat ko. Hindi kita naisip."

"Ganun?" nalukot ang mukha ni Jave. "Ang sakit mo talagang magsalita eh noh? Saktan din kaya kita? Tch. Teka, baka hindi mo lang naalala na namiss mo ako dahil sa mga painkiller at mga gamot na tinurok sayo sa hospital?"

Natawa ako pero pinigil ko lang. Siraulo talaga 'to. "Siguro.."

Tumawa na ulit siya. "Yun nga yun. I'm sure namiss mo ako nakalimutan mo lang.. Uwi na tayo?"

Tumingin ako sa oras. Pasado alas kwatro na kaya tumango nalang ako kay Jave. Dahil wala siyang dalang kotse, nagcommute kami pauwi. Sumakay sa aircon na bus si Jave, nakapagtataka dahil ilang beses itong nabunggo sa dami ng sumasakay, nanatili lang itong nakatawa sa akin. Yung pagmumukha ni Paniki ngayon parang anghel na kahit saktan mo hindi gaganti. Nakakatuwa.





Dahil sa traffic madilim na ng makarating kami sa subdivision. Naglakad nalang kami papunta sa bahay. Dala-dala niya ang bag ko na naglalaman ng PE uniform.

"Jave.." hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ito na ang pinakamagandang pagkakataon dahil mukhang good mood naman siya. "May sasabihin ako.."

"Ano yun?"

Nagkarera ang tibok ng puso ko nang tumingin sa akin ang nakatawa niyang mga mata. Napalunok ako at napahinga ng malalim.

"Ano yun? Sabihin mo na. Kinakabahan ka ba?"

Nahalata niya. Pinigil ko ang panginginig ng kamay ko. Tinago ko yun sa likod ko. "Hindi no."

"Ba't di ka makapagsalita diyan? Alam mo pwede mong sabihin sakin lahat. Hindi ako magagalit at mas lalong hindi ako tatanggi. Kung kaya ko yan gagawin ko. Ikaw pa!" sabi pa niya na nagpagaan ng loob ko. "Wag mo lang hihilingin na hanapin ko mga kamaganak mo dahil hindi ko gagawin. Hindi ko gagawin hanggat hindi mo pinapangakong hindi ka aalis ng bahay ko."

"Ha?"

"Anong ha?"

"W-wala!"

"Ano na sasabihin mo?"

Hindi ko kaya 'to. Sa ibang araw nalang. Huminga ako ng malalim. "Ang totoo, gusto kong magsorry sayo..tungkol doon sa mga test papers mo, alam kong masyado kitang minaliit at nawalan ako ng tiwala sayo sa studies mo.. Mali ako doon. Hindi kita dapat hinusgahan kaya..sorry."

"Yun lang ba? Ok na yun. Napikon ako pero nawala lang din agad. Ewan ko ba, pagdating sayo kahit gustuhin ko hindi ko magawang magalit. Nakakainis dahil habang tumatagal palala nang palala ang epekto mo sakin."

Napahinto ako. Kinuha ni Jave ang pagkakataon na iyon para harapin ako. Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Sobrang kabog ng dibdib ko para akong aatakehin. "Yung huling sinabi ko sayo nang magkausap tayo sa phone..naalala mo?"

"Ha?"

Napapikit siya. "Hindi mo naalala? Hays. Ano ba naman yan."

"Yung liligawan mo ako? Naalala ko yun pero baka nagdedeliryo lang ako..I mean, ba't mo naman ako liligawan? Imposible--"

"Totoo yun."

Nanuyo ang lalamunan ko. "Ha?"

"Kinakabahan ako." umpisa ni Jave. Hindi ako makapaniwalang nanginginig nga ang kamay niya. " Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo dito. Hindi ko alam kung magiging komportable ka pang harapin ako kapag sinabi ko sayo 'to. Pero kailangan kong pakawalan sa dibdib ko to Sofia. Gusto kitang ligawan. Gusto kong maging girlfriend ka. Yung totoo. Yung walang lokohan."

"Bakit mo ako gustong maging g-girlfriend?" nauutal kong tanong.

"Hindi ko masasabing mahal kita. Kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang ibig sabihin nun. Para sakin masyadong malalim ang salitang iyon. Kaya ipapaliwanag ko nalang sayo kung ano ang nararamdaman ko." ilang beses siyang kumurap. Nanginginig pati mga labi ni Jave at hindi ako makapaniwalang ako ang may kagagawan nun. "Mahirap akong kontrolin, kahit ako nahihirapan sa ugali ko, mabilis akong magalit, mabilis uminit ang ulo ko sa mga simpleng bagay. Hindi ako basta basta tumatanggap ng kaibigan. Lahat ng mga kaibigan ko matagal ko nang kilala. It's a struggle for me to open myself to other people. Then I've met you. You're the only person who can tame the devil within me. Makita ko lang na nanlalaki na yang mga mata mo pag naasar ka na sa ginagawa ko, kumakalma ko. And it's a surprise even to myself. I mean I've asked myself a dozen times why this girl, technically a stranger, can do that to me? Hind ako mapakali kapag nawawala ka sa paningin ko. Marami akong masamang naiisip na baka biglang may mangyaring masama sayo at wala ako doon para sagipin ka. Masaya ako kapag kasama kita, at malungkot ako kapag hindi. Hindi ko alam ang tawag dito. Basta ang alam ko, gusto kita at ayokong may ibang lalaking maglalayo sayo sakin. Alien lang kita. Akin ka lang dapat."

"Jave...."

"Gusto kitang maging girlfriend ko Sofia."

Natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakikita ni Jave ang mga luha ko dahil medyo madilim na nga talaga ang paligid at street lights nalang ang nagsisilbing liwanag.

"Hooh!" dinig ko ang pagbuga ng hangin ni Jave na para bang pinapakawalan ang matinding kaba sa dibdib. "Wala ka bang sasabihin? Hindi ka ba magagalit? Hindi ka matutuwa? Hindi ka madidisappoint? Wala?"

Napalunok ako. "Jave..alam kong kagaya nila Jiro at Ark, isa ako sa mga espesyal mong kaibigan..pero hindi ko inaasahan 'to..kung hindi mo ako pinaglololoko ngayon, hindi ako makapaniwalang gusto mong maging girlfriend ako. Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo Jave? Naiintindihan mo ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi dahil nakatira ako sa bahay mo. Kumakain ng kaparehong pagkaing kinakain mo, sumasakay sa kaparehong kotseng sinasakyan mo at nagaaral sa kaparehong school na pinapasukan mo ay pantay na tayo. Iba pa rin ako sayo Jave, Hindi tayo magkatulad ng mundo. Hindi ako pwedeng pumasok sa mundo mo..Pwede mo akong maging kaibigan pero hindi pwede ang higit pa doon.."

"Bakit? Sinong may sabi? Iniisip mo kung ano ang sasabihin ng ibang tao? Hindi sila ang nililigawan ko, ikaw. Sagot mo lang ang mahalaga sa'kin."

"Jave! Hindi ang sagot ko ang mahalaga dito. Balewala ang sagot ko. Ikaw si Jave Santillan, sa school ikaw ang demon rex, ikaw ang may pinakamataas na rank sa buong Westside. Outside school you're still the Almighty Jave Santillan, tagapagmana ng isang napakalaking kompanya. Ako? Sino lang ba ako? Isa lamang akong freshman na walang pangalan sa school, pati personal profile ko walang nakalagay. Walang address, walang bahay, walang kahit na sinong kamag anak! Kung ultimo mga batang studyante sa school hindi matanggap na magkaibigan tayo panu pa ang mundo? Panu nila ako matatanggap bilang girlfriend mo? Sabihin mo nga? Hindi ko alam kung bakit kailangan mo akong tanungin ng ganito Jave."

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Mukha ba akong socially inclined na tao para isipin ko ang sasabihin ng ibang tao? Alam mong wala akong pakialam sa kanilang lahat. Sa haba ng sinabi mo wala akong narinig na sagot sa tanong ko. Iisipin ko nalang na hindi mo pa ako gusto ngayon. Kaya gagawin ko nalang lahat para gustuhin mo rin ako. Pag dumating ang araw na yun, hindi mo kailangang isipin ang ibang tao dahil mahaba ang alambre ko sa bodega. Tatahiin ko ang bibig ng sinumang magsasabi ng masama tungkol sayo. Po-protektahan kita kagaya ng lagi kong ginagawa at higit pa."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Jave. Yun na yata ang pinakaseryosong salita na narinig ko sa bibig niya.

"May natutunan ako nang humarap ako sa mga Princes of Hell sa Korea. Hindi pa ako ganun kalakas. Hindi pa ako handang kalabanin ang mundo, pero pagsisikapan ko. Darating ang araw magiging kasinlakas nila ako, at walang sinuman ang pwedeng manakit sa taong isinumpa kong aalagaan habambuhay. Kaya wag kang magalala, pinagisipan ko tong mabuti bago sabihin sayo. Sofia, isa lang ang sagot na mahalaga sa akin. Ang sagot mo lang yun."

Napasinghap ako. Para akong napunta sa mundo ng panaginip at mga pangarap sa narinig ko. Hindi ako makahinga sa pagkakalunod. Wala akong pakialam kahit na hindi ako tanggap ng mundo. Wala akong pakialam kung puro pangmamata ang matatanggap ko, ang iniisip ko ay si Jave. Napakatayog niya ngayon, maatim ba ng puso ko na payagang yumuko siya at humalik sa lupa para lang maabot ako? Makakaya ko bang makitang bumaba ang tingin ng mga tao sa kanya dahil lang sa akin?

"Let's go." sabi pa niya. Kinuha pa ang isa pang bag na dala ko at nagpatiunang maglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro