Chapter 53
"Ji---" natigil ako sa sasabihin ko nang hindi si Jiro ang pumasok sa pinto. Hapon na kaya inaasahan ko nang darating ito. Si Jiro kasi ang nakaschedule na bumisita sa akin ngayon.
"Good afternoon, Sofia." nakatungong sabi ni Ms. Ysabel habang inaalis ang mamahaling sunglasses sa mata. Matangkad ito at sobrang ganda sa suot na leopard coat at business suit. Nakakaintimidate din ang queenly presence niya. Kinakabahan ako kapag tinitingnan niya ako sa mata. Hindi maipagkakailang pareho ang dugong dumadaloy sa kanila ni Jave. Kung tititigan ko siya ng maigi, nakikita ko din ang mukha ni Jave sa kanya.
"Good afternoon Ms. Ysabel, napadalaw po kayo?"
Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. "I'm happy to see you OK now, Sofia. Also, I'm quite impressed that Jave got you the most expensive hospital suite for your comfort. I can see his sense of responsibility now."
Napalunok ako. Nasa pang limang floor ng luxury hospital na kinaroroonan ko ang kwartong ito. Walang may nagbanggit sa akin na ito ang pinakamahal na kwarto kaya wala akong ideya, napanganga nalang ako sa hiya sa sinabi niya. Napakagat ako sa labi. Ni hindi ako makatingin ng diretso kay Ms. Ysabel.
"Sorry po Miss..hindi ko alam na ito ang pinakamahal--"
"Oh it doesn't matter. I don't mind the expenses. Jave wholeheartedly gave this to you, I can't contest that with my little brother." Lumapit siya sa akin. May hawak siyang maliit na brown envelope. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa expression ng mukha niya. Kasalanan ko na muntik nang mapahamak si Jave sa bar na iyon na punong-puno ng mga kriminal. Buhay nito ang itinaya para makalabas ako ng buhay doon kaya hindi ko masisisi si Ms Ysabel kung magalit siya ng husto sa akin. Hindi na ako makahinga sa kaba. "I just have a slight problem with this though..."
Inabot niya sa akin ang envelope. Nagdalawang isip akong abutin iyon. Pero nasa mukha ni Ms. Ysabel ang kagustuhang makita ko iyon, bahagyang nakataas na rin ang kilay niya. Nagagalit siya sa akin, pinipilit niya lang maging kampante at professional sa harap ko. Dahan-dahan kong binuksan ang laman ng envelope. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nanginig ang mga labi ko. Litrato namin ni Jave iyon. Sa loob ng bar. Kitang-kita sa camera ang paghalik ni Jave sa akin ng gabing iyon.
"I didn't know you two have a relationship. I didn't bother with the fact that you're living together. I tolerated it because you're a good influence to him, pero hindi yata magandang magkasama kayo sa iisang bahay at may relasyon kayong dalawa..."
"Wala po!" singit ko.
Umangat ang kilay niya. "Nakikipaghalikan ka sa hindi mo boyfriend? Ganun ba yun Sofia? Mas dapat ba akong kabahan na hindi mo boyfriend si Jave at may ganyan kayong litrato? Sabihin mo nga, nagkamali ba ako ng tingin sayo? Akala ko isa ka lamang inosenteng probinsyana na mataas ang pagtingin sa sarili.."
"Ms. Ysabel." mahina ang boses ko dahil kapag nilakasan ko iyon baka pumiyok na ako at tuluyang umiyak. Malalim ang mga paratang na binibitawan niya, ni hindi matanggap ng puso ko.
"Malaki ang naging tiwala ko sayo alam mo yan. Pero sa litratong ito, mukhang nagkamali ako sayo." buntong-hininga ni Ms. Ysabel. "I'm sorry dear but you have to pack your things up. Kapag pinayagan ka na ng doctor na lumabas, hindi ka na uuwi sa bahay ni Jave. Naiintindihan kong wala kang kamag-anak dito sa Manila kaya titira ka sa apartment na kinuha ko para sayo. "
"Po?"
"Malaki pa rin naman ang utang na loob ko sayo sa mga pagbabagong nangyari sa kapatid ko. Pero ngayong maayos na siya. Iwasan mo na sanang makipagkita kay Jave. Para sa ikabubuti ng lahat."
Para sa ikabubuti ng lahat. Yun lang ang sinabi niya bago umalis. Naiwan akong lunod na lunod sa luha ko, sa sobrang sikip ng dibdib ko pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Ito ba ang kabayaran ng walang hanggan kong kasiyahan nang mga nakaraang araw? Isipin ko palang na hindi ko na makikita si Jave araw-araw, parang gusto ko nang sumuko.
KInagabihan nakatanggap ako ng tawag kay Jave. Nagpahid muna ako ng luha, I also cleared my throat before talking. Ayokong mahalata niya ang paos kong boses.
"Hello.." mahina kong usal.
"Alien! I have good news for you!" bungad niya sa masiglang boses. Nang marinig ko ang boses na iyon hindi ko na naman napigilan ang pag agos ng luha sa mga mata ko.
"Ha?"
"Anong ha? Ba't ganyan ang boses mo inuubo ka ba?" alalang tanong niya.
"Oo, medyo.."
"Hay ano ba yan! Tatawagan ko nga ang doctor mo mukhang walang mga silbi hindi ka maalagaan ng maayos."
"Baliw. Inaalagaan nila ako dito. Anong good news mo?"
"Pumayag na si Phoenix sa interview. Pero hindi ko pa nahahanap si Demetri eh, bukas ko pa yata siya makikita hindi pa tapos ang convention eh. Nakakabadtrip imbes na makakauwi na ako sayo.."
"Wow. Phoenix Arthur Dizeriu, napapayag mo?? Ang galing mo naman talaga oh.."
"Ako pa ba?? Nanginig pa nga yun nang lumapit ako sa kanya." tawang-tawang sabi niya. "Mas gwapo ako sa kanya sheyt!"
Natawa ako. "Ang hangin mo baka ilipad ka malaman nilang lahat na paniki ka!"
"Tsk. Anong paniki?? Sa gwapo kong 'to! Ba't nga ganyan ang boses mo? Tsaka bakit parang ang tamlay mo?"
Nahalata pa rin niya kahit na tumatawa ako? Wala siguro talaga akong maililihim sa kanya. "Kasi naiinip na ako dito sa hospital. Gusto ko nang pumasok."
"Konting tiis nalang, kailangan lang siguruhin na hindi ka mabibinat, tama ng baril yan, hindi yan simpleng sugat lang. Tiis ka na muna baby, ok?"
Baby. Muntik na akong magkaheart attack. Bakit ang gandang pakinggan sa bibig ni Paniki iyon? "Baby ka dyan."
"Sabi ko bebe. Ang arte ng ugly duckling na 'to. Dyan ka lang ipapasurgery ko pa mukha mo, di ka ba naeexcite gaganda ka na??"
"Baliw. Maganda na ako. Kahit wag na."
"Nakks. Lakas. Lakas ng apog. Ang pangit mo kaya!" sabay tawa ng malakas. Tumawag lang siya para magyabang at para asarin ako. Hindi ako sumagot, natahimik ng ilang sandali ang linya.
"Hoy, nandyan ka pa?"
Hindi pa rin ako sumagot.
"Nagtampo ka na agad niyan?"
Bumuntong-hininga lang ako.
"Sorry na.."
Parang hinaplos ng malamig na hangin ang puso ko sa simpleng sorry na iyon. Nakakainis tong Paniki na ito, papahirapan pa talaga ang pag alis ko. Hindi ako nagsalita ng matagal, ganun din siya pero hindi niya pinapatay ang phone. Lihim akong humihikbi sa unan ko nang makarinig ako ng tunog ng gitara sa kabilang linya.
Jave's playing an acoustic guitar. Hindi ko alam na marunong siya. Sabagay may imposible ba sa kanya? Wala na dapat akong pinagtataka--
Baby I, I wanna know
What you think when you're alone
Is is me yeah?
Are you thinking of me yeah?
Natigilan ako hindi lang sa magandang boses ni Jave kundi pati na rin sa lyrics ng kinakanta niya. Mahigpit ang naging yakap ko sa unan ko.
We've been friends now for a while
I wanna know that when you smile
Is it me yeah?
Are you thinking of me yeah? Oh oh
Bumaha na naman ang mga mata ko. Nakakainis talaga siya.
Girl what would you do, would you wanna stay, If I were to say...
I wanna be last, yeah
Baby let me be your
Let me be your last first kiss
I wanna be first yeah
Wanne be the first to take it all the way like this
Your last first kiss..
"Ano? Di mo pa rin ako kakausapin?" tanong niya pagkatapos ng kanta. "Umiiyak ka ba?"
Narinig na niya ang paghikbi ko. "Hindi.."
"Masyado bang maganda ang boses ko at umiiyak ka na dyan?"
"Hindi nga!"
"Oh eh di hindi nga.. sabi mo eh. Ang sungit nito, kumakanta lang yung tao. Gusto ko nang umuwi diyan. Pesteng Demetri yan, pag nakita ko yan bukas papakainin ko yan ng kamao."
"Sige magyabang ka pa.."
"Totoo naman. Sinisira niya ang schedule ko. Gusto ko nang umuwi.."
"Wala ka talagang kahit na kaunting patience dyan sa katawan mo noh?"
"Abs ang meron sa katawan ko, hindi patience."
"Wala ka namang abs, ang yabang mo." sagot ko.
"Hoy, nakita mo na ba akong nakahubad?"
"Oo kaya."
"Bastos. Bastos na babaeng alien. Sinisilipan mo ako?? Panagutan mo ako!"
Kahit ang bigat ng pakiramdam ko nagagawa niya pa rin niya akong patawanin ako. "Eh panu kong ayoko?"
"Eh di idedemanda kita."
Tinawanan ko lang siya. Natahimik lang ako ulit nang siya naman ang hindi nagsalita sa kabilang linya.
"Sofia. May sasabihin ako." aniya sa seryosong tono.
"Ano yun?"
"Ligawan mo nga ako."
Napaawang ang mga labi ko na sinabi niya. Tapos tumawa ako dahil alam kong nagloloko na naman siya. "Ano na namang kalokohan yan Jave? Ako talaga ang manliligaw sayo? Palibhasa paniki ka kaya hindi mo alam na ang lalaki ang nanliligaw sa babae."
"Sige. Dahil pinilit mo ako. Ako na manliligaw sayo."
Napakurap-kurap ako. Napabangon pa ako mula sa pagkakahiga. Nagloloko lang talaga siya. Hindi siya seryoso. Pero nakakainis kasi ang tono niya....parang totoo.
"Wag nga ako ang utuin mo...hindi ako si Rianne.."
"Ano namang akala mo sakin sabog? Alam kong ikaw ang kausap ko. Sige na pumapayag na ako, liligawan na kita.."
Hindi ako nakapagsalita sa sagot niya. "Binasted ka na naman ba ni Rianne kaya nagdadaldal ka ng ganyan?"
"Walang babaeng nasa tamang pag iisip ang babasted sa akin. Pero natatakot ako sayo, alien ka eh. Yung likaw ng bituka mo sa utak buhol-buhol."
"Bakit mo naman ako liligawan?"
"Kasi ayaw mo akong ligawan." sagot niya. Pigil ko ang hininga ko sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng Paniking ito. Tapos puro kalokohan lang ang naririnig ko. At ganun nalang ako kaapektado, dahil bali-baliktarin man ang mundo, langit man siya at lupa lang ako, mahal ko ang Paniking ito. "Kaya kung ayaw mong kumilos ako nalang."
"Jave Santillan--"
"Sofia Althea Perez, liligawan kita. Gusto kitang maging girlfriend ko. Kaya hintayin mo ang pagbalik ko. Matutulog na ako. Bye." sunod sunod ang sinabi niya hindi man lang ako pinasingit.
Matagal nang ibinaba ni Jave ang telepono. Samantalang ako hindi pa rin makagalaw. Ang cellphone ko nanatiling nasa tainga ko.
Ano daw?
Gustong maging girlfriend?
Ni Jave Santillan?
Ako?
Imposible. Nananaginip ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro