Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


Ysabel Santillan

"Damn that kid!" malutong na mura ni Papa sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil kagagaling ko lang sa isang mahabang meeting with the board of directors pero may pakiramdam akong may ginawa na namang kalokohan ang nakababata kong kapatid.

"Dad, calm down. What's going on? Tell me. Si Jave na naman ba? Hindi ba nasa probinsya siya pinasundan mo pa sa mga tauhan mo?"

"He's back in Manila and he made a scene again!"

"He made what? Hindi ba may bantay siya?"

"He left his brand new Jaguar in between a tree hanging by the cliff in the province. It took hours for my men to figure out that he was not there! Hindi nila kaagad nasundan si Jave dito sa Manila."

Natutop ko ang noo. Kaya naman pala masakit ang ulo ni Papa. "So anong problema? Bakit kayo galit na galit?"

"Jave is in jail right now, do you know that? Inararo niya ng motorbike niya ang isang boutique na ayaw magpapasok sa kanya dahil closing hours na. At alam mo ba kung ano ang dahilan niya sa mga pulis, gusto lang daw niyang bumili ng damit. Can you imagine how sick is that??"

Humugot ako ng malalim na hininga. Well, that sounds like my brother. He's not the type who would wait for the opening hours just to get the clothes he wants. Talagang aararuhin niya iyon. "Don't worry Dad, I'll go get him. Wag ka nang mag aalala ako na ang bahala sa kanya."

"Ysabel, please, look after your brother, ikaw nalang ang inaasahan ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sobrang kasutilan ng batang 'yan." problemado nitong turan sa kabilang linya.

Naupo ako sa swivel chair ko at sinimsim ang black coffee na inilapag ng assistant ko. "Dad, kasalanan mo rin naman. Sinabi ko na sayo na huwag kang magpadalus-dalos, alam mo namang ayaw ni Jave na nali-link sa atin o sa Santillan Empire tapos inannounce mo pa sa buong mundo na siya ang magiging tagapagmana eh hindi mo pa naman siya nakakausap tungkol doon."

"I don't have to talk to him about it, he's my only son. It's only natural that he takes care of my business when I retire. Sa ayaw niya at sa gusto sa kanya maiiwan ang Santillan Empire!"

"Pero kilala mo naman si Jave. Alam mo kung gaano katigas ang ulo niya at kung gaano kalala ang tantrums niya. Mabuti nga at boutique lang ang naisipan niyang wasakin eh. You know he could do a lot worse than that." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng matanda. "Sige na Dad, ako na ang bahala, huwag ka nang mag-alala."

Gusto kong mangiti sa nangyayari. Sinong mag-aakala na ang isang makapangyarihan at maimpluwensyang taong kagaya ni David Santillan ay tiklop pagdating sa sutil na anak? Ilang bodyguards na ba ang pinataob ni Jave? Ilang credit cards na ba ang pina-freeze ni Dad sa kanya? Ilang pananakot na ba na ipapakulong ang pinagwalang-bahala lang niya? Kahit anong gawin ng matandang Santillan, sagad sa bunbunan ni Jave ang sungay niya at hindi iyon basta-basta maalis.

Hindi ko din naman masisisi ang bata dahil alam ko ang puno't dulo bakit siya nagkakaganyan. Jave was my half brother. Magkapareho kami ng ama pero magkaiba ng ina. Naunang minahal ni Dad ang Mama ko kaya nauna akong ipinanganak kay Jave, we were supposed to be a happy family kung hindi naging ganid sa salapi si Dad, para mas lalong umunlad ang negosyo niya imbes na si Mama ang pakasalan he chose to marry Jave's mother because of her fame and money. Eventually nalungkot si Dad at pinagsisihan ang desisyon niyang iyon kaya bumalik siya sa Mom ko, dahil martir si Mom, tinanggap niya ulit si Dad.

Doon nagsimula ang gulo, matagal na panahon naging kabit ni Dad si Mom. Nasaktan ng husto si Mrs. Santillan, dinibdib niya lahat ng pagtataksil ng asawa niya hanggang sa nagkasakit siya at namatay. Jave apparently witnessed all those vile things in his very young age. Doon nagsimula ang paggiging rebelde niya at ang pagkawala ng respeto niya sa Daddy. Kailanman, hindi napalapit ang loob ni Jave sa kahit na kanino sa aming dalawa ni Dad kahit na kami nalang ang natitira niyang pamilya.

Growing up, the kid was caught in his own depression and trauma, it affected his attitude badly. When Jave was in high school, kailangan pa naming aregluhin ang mga teachers niya para lang makapasa at makalipat ng college. Sa mga grades niyang walang pumasa ni isa, at sa ugali niyang talaga namang kasumpa-sumpa, walang university ang gustong tumanggap. Pero sa huli nanaig pa rin ang pera at impluwensya ni Dad kaya nakapag-aral pa rin si Jave sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong eskwelahan ng bansa. Ang Westside University. 'Yon nga lang, bihira siyang pumasok, at kung pumasok man, hindi nawawalan ng estudyante o propesor na nasasaktan.

Pagkababa ng telepono, kaagad kong tinawagan ang family lawyer, kahit na ganoon kasira-ulo ang kapatid kong iyon, hindi ko kayang matulog ito at malipasan ng gabi sa malamig at malamok na selda ng presinto.

Nag-aalala din ako sa kondisyon ni Papa dahil hindi na ito bumabata, hindi magiging maganda sa kalusugan nito kung patuloy na bibigyan ng problema ni Jave. Sa lalong madaling panahon ay kailangan kong makaisip ng paraan para mapatino ang kapatid ko.

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Ang bestfriend kong si Rianne.

Oo nga pala isa pang malaking problema ang pagdating ni Rianne. I don't know how Jave will react once na malaman niya ang isang malaking pasabog mula sa kaibigan ko. Napahawak na muli ako sa sentido. Mukhang kakailanganin ko ng maraming tylenol kapag dumating na ang araw na iyon.

Sofia

Magihit apat na oras ko nang nililinis ang apartment ni Jave, hindi pa rin ako matapos-tapos. Pagod na pagod na ang buong katawan ko. Nakasuksok sa bulsa ng pantalon ko ang perlas ni Jave. Hindi ko na gustong alalahanin pa kung paano ko nakuha iyon pero ibibigay ko iyon sa kanya pagdating na pagdating niya. Hindi naman talaga ako pala-angkin ng hindi akin. Sana lang payagan niya akong manatili dito pansamantala habang wala pa akong trabaho. Kahit na anong trabaho papasukin ko, magsurvive lang ako dito sa Maynila.

Pagtingin ko sa orasan alas-dyes na ng gabi wala pa rin siya. Saan naman kaya nagsuot ang isang iyon? Nang marinig ko ang pagparada ng kotse sa labas ay kaagad kong sinilip ang bintana. Sina Jiro at Ark iyon kasama si Jave na magulo ang buhok at damit, may puting benda sa gilid ng leeg pati na rin sa magkabilang kamay. Kinabahan ako.

"Anong nangyari?" kaagad kong tanong pagbukas ko ng pinto.

"Wala naman. Binangga niya lang naman ang motor niya sa isang boutique para bumili ng damit." ani Ark. Sinulyapan ito ng matalim ni Jave.

"Umuwi na nga kayo!" singhal niya sa dalawang kaibigan. Anong problema niya eh siya na nga ang sinundo ng dalawa at pinagmamalasakitan? Padabog siyang pumasok ng bahay, binangga pa ako sa balikat. Nakuuuhhh Paniki...ang pasensya ko talagang tinetesting mo!

"Pa'no, ikaw na bahala. Alis na kami." kalmadong turan ni Jiro na parang sanay na sanay na sa mga tantrums nitong paniking ito.

"Hindi ka na nga nagpasalamat sa mga kaibigan mo, naninigaw ka pa. Ganyan ka ba talaga?" nakapameywang kong sermon habang siya ay nakasalampak sa sofa at nakapatong ang isang braso sa noo.

"Pwede ba cymbals, tantanan mo muna ako! Masakit ang leeg ko oh!"

"Kasalanan mo 'yan--- Urgh!" natigil ako nang ibato niya sa mukha ko ang isang paper bag na puno ng damit. Ang sabi ni Ark isang boutique ang binangga nito. Nagpunta ba siya doon para bilhin ang mga damit na ito...para sa 'kin? Pakiramdam ko lumambot ang puso ko. Pero mali pa rin ang ginawa niya at hindi pwedeng konsentihin nalang. Naupo ako sa tabi niya. Nang hubarin niya ang jacket niya, meron pa siyang mga pasa at gasgas sa magkabilang braso. Base sa kilos niya halatang iniinda niya ang sakit. Tumayo ako at tinungo ang kusina, kumuha ako doon ng ice cubes. Habang nakahiga siya at pinipilit na umidlip, tsinaga kong isa-isang lapatan ng gamot ang pasa niya sa braso. "Ano ka ba naman, tingnan mo nga 'tong ginawa mo sa sarili mo." Ungol lang ang sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit nagmamalasakit ako ng ganito sa Paniking ito eh ang sama-sama naman ng ugali. Ewan ko ba, simula nang dalhin niya ako sa bahay niya at ipagtanggol sa mga lasing nang hindi iniisip ang sarili niya parang napalapit na ang loob ko sa kanya. Parang matagal ko na siyang kakilala, komportable ako sa kanya.

Nang matapos ako ay nakaidlip na rin siya sa wakas. Malamig ang aircon sa sala, nagdalawang isip ako kung gigisingin ko siya o papasok nalang ako sa kwarto niya at kukuha nalang ng kumot doon. Pinili ko ang pangalawa. Mabuti nalang at hindi nakalock ang kwarto.

Bumungad sa akin ang isang malaking portrait sa ibabaw ng headboard ng kanyang kama. Mahaba ang buhok ng babae, maputi ang balat, at maamo ang hugis pusong mukha. Napakaganda nito sa suot na bestidang kulay kahel. Bilang isang babae, hindi ko napigilan ang mainggit, may mga babae talaga na pinanganak na dyosa at meron din namang kagaya ko lang na....medyo dyosa din naman. Maganda din naman ako pero aaminin kong hindi ako kasing ganda niya. Habang sinasamsam ko ang unan at kumot napansin ko ang pangalang nakalagay sa kaliwang bahagi ng frame. Rianne.

Dahil doon napatitig akong muli sa mukha ng babae. Nakakabighani ito. Mahaba ang pilikmata at matangos ang ilong. Ang kagandahan nito ay hindi hiram sa mga kolorete, kundi ay natural. Kaya pala patay na patay si Jave dito. Totoong maganda nga naman. Buntong-hininga akong lumabas ng kwarto, hindi ako mahilig mainggit at magself-pity pero sa mga oras na ito parang gusto kong gawin ang mga iyon.

Ipinatong ko ang kumot sa katawan ni Jave at pinailalim sa ulo nito ang isang unan. Maluwag ang sofa kaya naman ok lang na doon siya magpalipas ng gabi. Kaya lang, saan ako matutulog? Dahan-dahan akong naupo sa may paanan niya at tinakpan ng kumot kahit man lang kalahati ng katawan ko. Sumandal ako sa coach, pagod na pagod ako sa maghapon kaya mabilis akong kinapitan ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro