Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25


“Jey…jey…”

Langya ang lambing ng boses ngayon ni Sofia ah. Kelan pa? Anong nakain nito? Kamote? Pakainin ko nga ng isang sako! Hindi muna ako babangon, ninanamnam ko pa eh. Mabait pa ito ngayon pero mamaya magwawala na ‘to. Nakakatawa, ang sarap niya talagang asarin.

“Jey..”

Kumibot lang ako. Kunwari bumaling lang ako ng higa at niyakap ang unan. Gusto kong magkunwaring humihilik pero wag na lang. Gwapo pala ako, hindi ako marunong humilik. Naiimagine ko na ng mukha ni Alien, tinutubuan na ng lumot ang ilong niya tapos humahaba na ang antenna sa noo. Mas lalo ko siyang aasarin para mas lalo siyang pumangit. Nakakatawa talaga! Aray, ang sakit na ng tiyan ko kakapigil humalakhak, langya. Kaya ko pa ‘to.

“Jey, wake up now.”

Bahala ka diyan Alien. Nagkakaugat na ang ilong niya, isang dilig nalang mamumulaklak na mga pores niya sa mukha!

Shit! Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa pisngi. Tinititigan ba ako ni Alien? I could feel her breath on my face now na para bang ang lapit ng mukha niya sa akin. At ang bango niya, kakaiba ang bango, teka……

Nagmulat ako. Hindi amoy ni Alien ang naamoy ko, para akong binuhusan ang malamig na tubig sa panaginip ko. Napakurap ako sa mukhang nakaharap sa akin ngayon

“Good morning handsome!”

Si Rianne. Malawak ang ngiti niya sa’kin. Ang alien sa panaginip ko napalitan ng diwata.

“Or should I say good afternoon?”

Napakurap ako. Shit, wala ako sa bahay ko! Napahawak ako sa noo nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Nagtxt sa akin si Rianne na puntahan ko siya dito sa condo niya, at dahil mag isa siya at lasing nag alala ako at tumakbo kaagad dito. Masama na naman ang loob niya sa manloloko niyang syota-syotaan na si Brendan. Apparently, Rianne caught him cheating--again, for the nth time. Hindi ko siya napigilang maglasing kaya sinamahan ko nalang siya. At yun na nga, nauna pa akong malasing sa kanya, sa sobrang galing kong uminom! Fuck.

Napatingin ako sa orasan. Shit! 3pm?? Naisip ko kaagad si Alien, pumasok nang mag isa yun at malamang naglakad ng halos dalawang kilometro papasok sa campus! Napahilamos ako sa mukha, tangina gigiyerahin na naman ako nun.

“Ba’t di mo ko ginising? May pasok ngayon!” iritado kong sabi.

“Uh. Sorry, you slept late last time, so I thought It’s fine to skip your classes today. Don’t worry, I told your dean you’re sick.” nakangiting tugon sa akin ni Rianne. Ewan ko ba, dati naman ngumiti lang siya tanggal na asar ko pero bakit ngayon naasar pa rin ako?

Hindi ako pumasok buong maghapon. Isang subject nalang ang aabutan ko kung pupunta pa ako sa school. Hindi ko alam kung ano ang ihahambalos sa akin ni Alien kapag nagkita kami sa school. Damn!

“I have a 4:30pm ballet class later sa Westside. Maligo ka na at magbihis, walang magda-drive sa akin papunta doon.”

Kumunot ang noo ko. “What?”

Ngumiti na naman si Rianne. “Come on now, Jeyjey. Escort me today, you know I need you…”

Umikot ang mata ko. May magagawa pa ba ako kung ganitong ang reyna na ng aking buhay ang nagsabing kailangan niya ako?

Pero teka, anong isusuot kong shield para kay Sofia mamaya? Bahala na si Batman! Tsk. Natigilan ako sa naisip ko. Si Superman pala. Bahala na nga. Wala na akong nagawa nang itulak ako ni Rianne patungong shower room para maligo.





HInatid ko si Rianne sa school. May mga importanteng estudyante daw siyang tuturuan ayon sa pakiusap ng mga kaibigan niya. Sinamahan ko na rin siya sa malaking ballet studio ng Westside na sa kasamaang palad ay katabi ng theatre. Namataan namin sina Jiro at Ark, papasok sana sila sa theatre nang makita kami.

“Hey, Jave!” sigaw ni Ark. Tinanguan ko lang siya. Bumaling ang tingin niya kay Rianne, ang loko pinasadahan ng tingin ang reyna ko mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Rianne ng dress na labas ang braso at kalahati lang ng hita ang natatakpan. Gusto kong dukutin ang mata ni Ark, masyadong bastos makatingin!

Lumapit sila sa amin.

“Ei Jiro! Ark! I missed you both! Masyado bang busy na sa mga girlfriends hindi niyo man lang ako bisitahin sa bahay ko?”bati ni Rianne sa dalawa.

“Luh. Grabe ka sa girlfriends ate Rianne, may s talaga? Good boy ako noh!” reklamo ni Ark.

“Guilty mo masyado! Sirain ko kamao ko sa mukha mo!” bira ko sa kanya sabay angat ng kamao. Ang bilis niya, dalawang metro na kaagad ang distansya niya sa akin.

“Ate oh!”

“Ate, mas mukha kang matanda! Ulol!”

Tumatawa lang si Jiro sa amin.

“Nice to see you here, Rianne.” sabat naman ni Jiro.

Napansin kong kanina pa maraming estudyanteng pumapasok sa theatre. Ano na naman bang meron? Akala ko tapos na ang audition?

“Si Sofia?” tanong ko kay Jiro.

“Nasa loob ng theatre. May performance siya kasama ng mga bagong members ng club mamayang 5pm.” kibit balikat na tugon ni Jiro.

Naalala ko na. “Despacito? Seryoso siya dun? Walangya! Sino may sabi sa kanya??”

“Dunno. Papunta kami ni Ark eh. Ang boring sa classroom ngayon wala kaming magawa, mas maganda na dito tumambay, maingay. At gusto kong makitang sumayaw si Sofia.”

Ng Despacito. Over my dead body. Langyang Alien nalingat lang ako ang lakas na ng loob magsayaw. At magsasayaw lang malaswa pa? Kelan pa siya natuto? Tingin ko sa kanya sintigas ng kahoy ang katawan, kelan pa natutong sumayaw ang puno ng narra?

I eyed Jiro and Ark. “Antayin niyo ako dito.” Bumaling ako kay Rianne. “Let’s go Rianne. Ihahatid kita sa klase mo.”

Nang makabalik ako sumama ako sa dalawa na pumasok sa theatre. Nagugutom na ako gusto ko nang umuwi. Dahil mukhang tapos naman na ang klase ni Sofia, isasama ko na siya. Walang sasayaw ng Despacito, langya, nakakasuka, baka pasukahin niya lahat ng tao sa loob ng theatre nakakadiri. May Despacito pa siyang nalalaman, otso-otso nga mukhang hindi niya kaya, ang tigas ng mukha.

Gusto kong pumunta sa unahan at palayasin lahat ng mga estudyanteng maiingay doon. Pero hinila ako ni Jiro sa may dulong bench, pinagsabihan pa akong wag maingay at wag gumawa ng gulo. Anong akala nito sa kin, basagulero? Sa bait kong ‘to. Pero sige nalang, aantayin ko lang na lumabas si Sofia, pag nakita ko na siya, babatuhin ko nalang ng dala kong baseball sa bulsa ang speaker sa gilid ng theatre, tingnan ko nalang kundi mabasag yun at matapos na ang kalokohang ito.

Ha! Yun ang gagawin ko. Naamaze talaga ko sa katalinuhan ko. MInsan naisip kong baka ako ang reincarnation ni Albert Einstein! Malamang ako nga. Gwapo lang ako sa kanya ng mga isang milyong beses. Ha!

Nagsimula na ang palabas. Nakakaisang minuto palang ang unang pares na nagsasayaw sa entablado umiikot na ang paningin. Langya nakakahilo silang tingnan, ang sarap nilang pagbuholin. Ayoko sa ganitong lugar, umaangat ang init ng katawan ko sa ulo ko, ang sarap tadyakan ng tao sa harapan ko.

Hindi ako nakapagpigil.

“Ano ba!! Proble--” ang tapang na lalaki nito. Natigilan siya ng makita ang mukha ko na nakataas ang noo.

“Ano? Ha?” Para sinipa ko lang ang likod ng upuan niya ang tapang na! Butasan ko bunbunan nito eh!

“J-jave..W-wala Jave…sorry..”

I gave him a bad smirk. Siniko ako ni Jiro.

“Tama na yan! Si Sofia na susunod.”

Nawala ang tawa ko. Napatingin ako sa stage, mga siraulo kailangan pang pausukan ang stage at patayin ang ilaw. Nakasentro ang malamlam na liwanag sa bulto ng babae na lumabas mula sa backstage.

Si Sofia. Umilaw ang ilang bombilya, parang naging bar ang tema ng stage. Langya wild bar.

Napatayo ako. Abat---

Bumukas-sumara ang bibig ko.

I saw Sofia, almost lying at the center of the stage. When the smooth and slow tune of Despacito started, she began to move in a painfully sexy way. Nakalugay ang buhok niyang mamasa-masa at wala sa ayos. Mas lalo itong nagugulo sa tuwing sumasayad ang kamay niya sa buhok niya at sa tuwing umiikot ang ulo niya kasabay ng togtog. She looks wet, she appears to be sweating yet her face was perfectly unblemished and smooth. The dim light reflecting on her face gave her the aura of a very seductive young lady wearing a lustful look in her eyes. Habang tumatagal bumibilis ang togtog. Bumibilis din ang galaw niya.

Napalunok ako. Gusto kong ipilig ulo ko dahil nahihilo ako kakasunod sa bawat galaw ng katawan niya, pilantik ng kamay at giling ng beywang.

She was wearing a big white shirt that exposed one of her creamy shoulders up to the middle of his arm. Sa ilalim ng malaking damit, she was only wearing a black fitted crop top. Sa tuwing hinahaplos niya ang kamay niya sa katawan niya sumasama ang shirt niya, nakikita ang impis niyang tiyan at pusod.

Napanganga ako. Ang sexy pala ni Alien? Tapos biglang sumakit ang tainga ko sa hiyawan ng mga tao. Tsk. Dammit! Kumuyom ang kamao ko, dinukot ko sa bulsa ang baseball na dala ko dahil nangangati na akong basagin ang malaking speaker sa harap ko. Ngunit natigil ako nang may isa pang taong biglang lumabas sa eksena.

Si Alcantara??

Napatingin ako kina Jiro at Ark. Tuwang-tuwa si Ark na nakatingin sa stage samantalang si Jiro mukhang pinagaaralan ang mga kilos ko.

“What the fuck is going on??” asik ko.

“Jave!” ganting sigaw niya sa akin sabay agaw ng baseball na hawak ko. “Hindi mo alam kung ilang oras nagpraktis si Sofia sa araw na ito para mabuo lang yan! Wag mong sirain, kung ayaw mong siyang masaktan at magtampo sayo!” pabulong niyang asik sa akin. Ang lakas ng loob niyang hawakan ako sa damit, uminit ang ulo ko at pinalis ko ang kamay niya.

Binalik ko ang mga mata ko sa stage. Naningkit ang mata ko sa nakita ko, Alcantara was all over Sofia in that fuckin sexy dance. Like what the fuck is wrong with her, tuluyan na bang kinain ng mga langgam ang utak niya at pumayag siyang hawakan ng ganyan ng lalaking yan??

Huminto ang mabilis na tibok nang puso ko nang magtama ang paningin namin ni Sofia. Saglit siyang nagulat, umawang ang mga labi niya at bahagyang lumaki ang mga mata. Pero pagkatapos ng maikling sandaling iyon, ibinalik niya ang malanding tingin kay Alcantara.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magwala, gusto kong tadyakan lahat ng taong abot ng paa ko. Umuusok ang sistema ko sa asar na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Bumukas at kumuyom ang kamay ko.

“Jave, let’s get the fuck out of here!” hila ni Jiro.

Hinawakan niya ako sa braso. Marahas kong pinalis ang kamay niya. Hindi ko kailangang pagsabihan, sa init ng dugo ko ngayon gusto kong sunugin ang buong lugar na ito. Pero tama si Jiro kanina, hindi ko alam kung anong hirap ang pinagdaanan ni Sofia para sa lintik na sayaw na yan. Kaya sige na lang. Ako na ang mag aadjust! Padabog akong lumabas ng theatre, lahat ng nakaharang sa dinadaanan ko tinutulak ko! At wala akong pakialam!

***********

A/N: Hindi man tayo umabot sa 400k na quota kanina. Mahal ko pa rin kayo! Haha.

Maraming salamat sa walang tigil na pagboto. Sana araw arawin niyo na. Hehe. Matagal pa deadline niyan.

500k na sana yan bukas.

Nasstress na si Vee, kailangan nating depensahan ang takong niya, lam niyo yan! Ahaha.

Fighting Helliannes! Kaya natin to. Lakas kong maka kdrama alam ko. Sari. Hahaha.

Nways, thanks guys!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro