Chapter 18
Jave's POV
"Jave, anong org daw ba sasalihan mo?" narinig kong tanong ni Jiro. Wala kaming professor ngayon kaya kanya-kanyang aral ang ginagawa ng mga kaklase ko. Lahat sila nakatutok sa sari-sariling laptop na nasa desk. Nakakabagot silang tingnan, lalo na si Ark. Pa-goodboy kuno, alam ko namang kating-kati nang puntahan ang mga girlfriends niya sa kabilang building.
"Wala." tipid kong sagot, abala ako sa larong nasa cellphone ko. Kami lang ni Jiro ang walang ginagawa, pagkakaiba lang, alam kong kabisado na ni Jiro ang lahat ng topic sa subject na ito. Wala kasing ginawa ang isang ito kundi tumambay sa library. Ako, ni hindi ko alam kung ano na topic eh.
"Hindi pwedeng wala, lahat ng studyante dito sa campus required na magkaroon ng org. Ni wala ka sa numbering ng school, studyante ka ba talaga??"
"Student or not, do you think I care? Hindi importante kay Rianne ang grades ko, basta pumapasok ako ok na."
Wala akong panahon sa totoo lang. Madali lang naman ang pag-aralan ang lahat ng 'yan. Hindi sa nahihirapan ako kaya ayoko, nababagot lang talaga ako. At mabilis akong mabagot. Kagaya ngayon, naiinip na ako at gusto ko nang umuwi. Ang kaso pagdating ko sa bahay, sasalubungin ako ng alaga kong pangit na alien. Kung bakit kasi inampon ko pa 'yon! Titig pa lang ng alien na 'yon nakakasunog na ng balat. Mas gugustuhin ko nalang tumambay dito kesa matusta. Kung aalis naman ako, may chance na mapa-trouble lang ako sa labas ng campus. Baka mabalita sa tv, eh may antenna sa noo si Alien, malamang masasagap agad nun.
"Eh si Sofia? Ok lang ba sa kanya na pumapasok ka nga, wala ka namang ginagawa?"
Naubo ako. Peste. Talo tuloy ako sa laro. "Shit." Napabuga ako, dinilaan ko ang ibabang labi ko na pakiramdam ko nanuyo pagkarinig ko sa pangalang binanggit ni Jiro. Napansin ko ang flash ng cellphone sa mukha ko. Somebody took a picture of me. Mas lalo akong nairita. Bumaling ako sa direksyong iyon, nahuli ko ang isang lalaking estudyanteng biglang nagbaba ng cellphone niya.
Sa lahat ng ayoko 'yong kinukuhanan ako ng litrato na walang permiso.
Tumayo ako at nakaangat ang ulong tinungo ang upuan ng studyanteng iyon. Nagbabaga ang paningin ko, tumalikod ito mula sa akin at nagyuko ng ulo. Ganoon din ang ginawa ng iba ko pang mga kaklase, binaling nila sa ibang direksyon ang mukha nila, tumahimik ang buong paligid yabag lang ng sapatos ko ang naririnig. Gusto kong palampasin, pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang pigilan ang inis ko. Nagtatagis na naman ang bagang ko, pati kamao ko nangangati!
"Humarap ka!" utos ko sa lalaking kumuha ng picture. Nanginginig ang buong katawan nito at pawis na pawis ang mukha nang humarap sa akin. Dapat lang.
"I'm sorry Jave..." nangangatal na usal nito. Lumuhod ito sa harap ko at inabot sa akin ang cellphone na ginamit sa pagpicture.
"Gusto mo bang ako ang sumira niyan o ikaw na? Kasi kapag ako, babasagin ko sa mukha mo yan--"
Hindi pa ako tapos magsalita kaagad na nitong hinampas ang sariling cellphone sa sahig. Nawasak iyon at namatay. "Hindi ko sinasadya, patawarin mo na ako."
"Hindi mo sinasadyang nagflash ang cellphone mo sa mukha ko? Ginagago mo ba ako??" hinila ko ang kwelyo niya. Hindi siya sumagot. Naglunok lang ng laway at mukhang aatakehin pa sa puso.
"Bakit mo ako pinicturan? Anong kailangan mo sa litrato ko?"
Nag-alangan ulit ito. Kapag nagtatanong ako, nag eexpect ako ng sagot. Dahil umaangat ang dugo ko kapag binabalewala ako. Sa asar ko hinila ko siya mula sa pagkakaluhod at sinikmuraan.
"Sagot!! Gusto mong sinasaktan ka pa eh!"
Napaubo ito at namilipit hawak ang tiyan. "P-para s-sa page ng mga Rexes sa s-school. Ikaw nalang kasi ang walang picture, natatakot kaming lahat na lumapit sayo, pero ako ang napagutusan ng org. Ayoko naman talagang gawin, pero number ko din kasi ang nakasalalay dito. Patawarin mo na ako please.."
"Eh ayaw kitang patawarin, lumaban ka nalang!" binigyan ko ito ng isa pang suntok sa tiyan. Naasar ako kasi ka-lalaking tao, takot na takot. Mas matutuwa pa ako kung lalaban ang isang ito, ang laki-laki ng katawan puro polvoron ang laman, pota!
Umiling-iling ito. "Hindi ako lalaban sayo Jave..."
Nakakapag init talaga ng ulo! Pwe! "Ang boring mo... nababagot ako sayo. Gusto mong patawarin kita??"
"Oo Jave...gagawin ko lahat!"
Mukhang masaya 'to. Napahawak ako sa baba, naningkit ang mata ko sa pag iisip ng magandang laro. Napangisi ako ng may maisip ako. "Gusto kong maglaro ng dart eh, kaso wala akong dartboard, wala akong target.."
"A-Ako nalang."
"Talaga?" Tumawa ako. Pinagpagpagan ko ang balikat niya. "Good job, mukhang gumagaan na ang loob ko sa'yo. Tumayo ka doon sa likod ng bulletin board. Wag kang mag alala, ang sabi nila magaling ako sa dart, mapapatunayan natin 'yan ngayon.."sabay tawa. "Wala nga pala akong darts.."
"Ito Jave oh.." sabay-sabay na nilahad ng mga kaklase ko ang kanilang mga ballpen. Ang babait naman pala nila eh. Mukhang magiging exciting 'to! Pumwesto ako ng ilang metro mula sa target kung saan nakadipa ang ating bida!
Ang mas maangas, chini-cheer pa ako ng mga kaklase ko, kaya tawang-tawa ako. Sinipat ko ang target. Pinikit ko pa ang isang mata ko, kasabay ng paghinga, pinakawalan ko ang hawak kong ballpen.
Tch. Sisiw. Tumama iyon isang inch ang taas mula sa ulo ng subject. Bumaon ang ballpen sa board na gawa sa cork. Hiyawan ang mga kaklase ko, nagsikalampagan pa ang mga desk. Isa pang ballpen ang pinakawalan ko. Tumama iyon isang inch mula sa kili-kili ng subject. Kaya mas maingay sa buong classroom. Shit! Ginaganahan ako!
"Wag kang gagalaw, 'pag gumalaw ka, tapos ang kinabukasan mo." babala ko sa target. Napalunok lang ito.
"Hindi. Malaki tiwala ko sayo.." pero nangangatog ang tuhod niya. Tsk!
Walang sabi-sabing pinawalan ko ang ballpen na hawak ko, isang inch mula sa balls niya! Ang loko, naihi sa kaba, nagtawanan tuloy ang lahat. Natawa na din ako kaya pinabayaan ko na itong tumakbo palabas ng classroom na basang basa ang pants. Babalik na sana ako sa upuan ko nang isang paparating na sapatos ang muntik nang tumama sa mukha ko, mabuti na lang maagap ako at nasalo ko iyon, kundi biyaheng clinic 'tong ilong ko. "What the fuck!!" Kumuyom ang kamay ko sa galit. Nanlisik na bigla ang mga mata ko sa paghahanap ng pangahas! Wala pang gumagawa sa akin ng ganito sa buong school na ito, kahit pa mga rexes. Kaya sinong animal ang....
Siniko ako ni Ark. Nginuso niya ang direksyon ng pinto..
Holy Shit!
"Paniki!!"
Natigilan ako. Tangina. Si Alien.
Nanlaki ang mga mata ko. Kung nagbabaga ang mga mata ko sa asar, doble ang sa kanya. Tangina, hinuhubad niya ang isa pa niyang sapatos. Kaagad kong hinila si Ark sa harap ko para may shield.
"Hoy, anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko. Langya, anong ginagawa ni Alien dito? Di ba nasa bahay siya? Paano siya nakarating dito??
"Ark, umalis ka diyan!" utos ni Sofia.
"Pag umalis ka, sasapakin kita!" banta ko kay Ark.
"Shooo, eh kung ako ang sapakin niyang alaga mo? Bahala ka diyan!" Wala akong nagawa nang tumabi nga si Ark katulad ng utos ni Alien.
Nakakahiya ang daming nakatanga sa amin. Tinatagan ko ang mukha ko. Ako pa rin ang Demon rex ng university'ng 'to. Bakit akong matatakot sa payatot na babaeng pangit na 'to? "Tinatanong kita Alien, anong ginagawa mo dito?"
Sapatos ang sagot niya. Nasalo ko, pero lahat ng dumi at alikabok napunta sa mukha ko, naubo pa ako. Shit!
"Walanghiya ka. Pa-baby ka masyado, akala ko pa naman totoong nahihirapan kang mag aral dito, puro pala kalokohan ang ginagawa mo. Ang sakit ng braso ko kakamasahe...humanda ka sakin ngayon!" Napalunok ako nang mag-angat siya ng magkabilang manggas ng damit. Nakita ko sa mukha ni Alien na gusto niya talaga akong patayin. Kilala ko siya, hindi siya titigil hangga't hindi niya ako napupuruhan.
"Eh ano ngayon? Ang dami mong reklamo!" Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Hindi mo nalang sagutin ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?" sigaw ko.
Pero hindi umubra, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mukha pa rin siyang mamamatay tao na bagong laya sa kulungan. Sa paningin ko naging kasing maskulado niya si Hulk. Pati mukha niya may muscle, nakakatakot tong Alien na 'to. Nang isang metro nalang ang layo niya sakin, tumakbo na ako. Nagpatintero pa kami bago ako makalabas ng pinto. Hinabol niya ako hanggang hallway, shit, ba't ang bilis tumakbo ng alien na to? Tribo Wakwak siguro 'to sa probinsya, may lahing aswang parang lumilipad!
Sa bilis ng takbo ko akala ko ang layo ko na pero pagtingin ko sa likod ko ang lapit na niya. Potek! Aswang! Confirmed! Itatago ko na lahat ng langis sa bahay, peksman, mamatay man! Baka mamatay ako neto!
"Walanghiya kang paniki ka, bumalik ka dito!" sigaw niya.
"Eh 'di nilapa mo ko? Tsk. Ano ko tanga!"
"Bumalik ka sabi eh!!"
Siguro kapag nabaliw na ako.
"Awwwwouch! A-aray!!" pasigaw niyang daing.
Napalingon ako sa likod. Narealized kong nakamedyas lang si Alien at mukhang nadapa pa yata. Damn! Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa, lalo na nang makita ko ang kirot na gumuhit sa mukha niya. Napamura nalang ako, kaagad akong tumakbo pabalik para daluhan siya, nakakainis dahil hindi ko matiis tong alien na 'to. Kahit pa napapahiya na ako sa mga estudyanteng nakakakita! Pag may mag angat ng cellphone at magvideo nito, tatanggalan ko ng apdo!
"Sofia!! Tsk. Habol kasi ng habol! Ano masakit sayo?" Paa niya kaagad ang tiningan ko, nag alala akong baka napilayan siya. Pero nang tuluyan akong makalapit hindi nakaligtas sa akin ang pag ngisi niya, naramdaman ko nalang ang kamay niyang hinihila ang tainga ko. Ang sakit kasi sa hikaw ang hila niya. "A-A-Aray!!""
"Ano ha? Ang yabang-yabang mo, ang bilis mo pang tumakbo!"
"Akala ko ba nasaktan ka??!" angil ko.
"Syempre umarte lang ako. Alam kong hindi kita mahahabol Paniki ka eh!"
Fuck. Sabi ko na nga ba..... "AArraayyy!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro