Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14


"Nananadya ka ba??" singhal ni Jave nang makapasok ako ng kotse. "Kanina pa kita pinasunod dahil badtrip na badtrip na ako sa lugar na ito, ang tagal mo pa!"

Napatapal ako sa isang tainga. "Nabasted ka, hindi ka iiyak? Ok lang, hindi ko ipagsasabi kung iiyak ka ngayon." kalmado kong turan. Kilala ko na to si Paniki, pag sinalubong ko ang galit nito, sasabog to.

"Shut up!" sigaw pa niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Dapat naawa ako sa kanya eh, pero sa itsura niya ngayon parang hindi niya deserve yun. Di ba dapat nasaktan siya? Di ba dapat hurt ang nakikita ko sa mukha niya dahil ang babaeng pinakasasamba niya buong buhay niya ay kapatid lang ang turing sa kanya? Bakit puro galit at angas lang ang nakikita ko sa mukha niya ngayon? Ganito ba talaga siya masaktan? Nabasted na ang yabang pa? Paniki nga talaga! Hay.

Hindi ko pinansin ang mga sigaw niya. "Aray." Kunway daing ko. "Ang sakit ng paa ko, tingnan mo may sugat oh.."

Napalis ang murder look ni Jave, napalitan ng kunot ng noo. "Angat mo nga paa mo.."

"Nakapalda kaya ako!"

Pinandilatan niya ako. "Angat mo sabi!!" Atubili kong inangat ang paa ko, inabot niya iyon, hinubad ang sandals at walang sabi-sabing itinapon sa labas ng bintana.

"Hoy!" Gusto kong siyang pigilan pero hindi na inabot ng kamay ko ang kamay niya. Inilabas ko pa ang ulo ko para makita kung saan na ang mga mamahaling heels na yun, pero pinaandar na niya ang kotse. "Ba't mo tinapon?"

"If something is causing you pain, wouldn't it be rational to just throw it away?" sagot ni Jave. Well, double meaning yun. Ibig niya bang sabihin kakalimutan na niya si Rianne? Still, galit ako dahil tinapon niya ang sandals ko!

"Matuto kang magpahalaga sa mga bagay na mataas ang value. Kahit sa una, mahirapan ka, bandang huli masasanay ka rin. Tapos in the end marerealized mong worth it lahat ng pagtitiis mo, at masaya sa pakiramdam yun!" Ang sapatos ko ang tinutukoy ko. Na kung hindi niya itinapon, sana naenjoy ko pa kalaunan. "Tama lang na mapunta si Rianne kay Brendan, kaysa naman sayo--"

"Hindi ka tatahimik diyan??"

"Bakit, totoo naman! Kumpara sayo, si Brendan may breeding, mataas ang pinag aralan at may direksyon sa buhay. Eh ikaw? Anong ginagawa mo sa buhay mo araw-araw? Porke may inaasahan kang pera galing sa mga magulang mo, puro nalang bulakbol ang inaatupag mo!"

"Nag -eenjoy ka talagang bwesitin ako noh?" Madilim na naman ang anyo niya. Sagot niya pagkalipas ng mahabang minutong pagpapalipad ng kotse. Kung ibang tao ang driver malamang naheart attack na ako sa bilis namin, pero dahil siya ang may hawak ng manibela abot langit ang tiwala ko.

"Sa maniwala ka o sa hindi, I'm just trying to help you. Nilalagyan ko ng kaunting sense yang utak mo, talagang bobo ka lang hindi mo ma-gets! Ang gusto kong isampal sa mukha mo, eh umayos ka, kung gusto mo talagang makuha si Rianne, tapatan mo ang karibal mo, mag aral ka. Magpaka-mature ka, ipakita mong hindi ka na bata at nararapat ka sa kanya! Sa ginawa mo kanina, nasaktan mo yung tao eh, nagpaka-insensitive ka, sarili mo lang ang inisip mo. Ang sabi mo mahal mo si Rianne? Pero hindi mo man lang napansin kanina na umiiyak na siya at nasasaktan na siya, nagwawala ka pa rin!"

He suddenly stop the car. Nasa tapat na kami ng gate, umangat iyon para makapasok kami.

"Kung mamahalin ako ni Rianne, gusto ko bilang ako. Hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko o gayahin ang ibang tao, lalo na ang Brendan na yun!"

"Ang tigas ng ulo mong Paniki ka! Sinabi ko bang gayahin mo siya. Ang sinasabi ko ayusin mo yang buhay mo. Magkaroon ka sana ng direksyon, pumasok ka sa eskwela para naman magkaroon ng kaunting wisdom yang utak mo." Asar akong bumaba ng kotse ng nakayapak. Napakapit pa ako dahil nakalimutan kong masakit ang mga paa ko, parang napilayan, hindi ako makapaglakad ng maayos. Hinawakan ako sa braso ni Jave para umalalay pero marahas kong pinalis ang kamay niya. "Wag mo akong hawakan!!" sigaw ko sa inis ko.

"Anong gusto mo, gumapang ka papasok ng bahay??"

"Eh di gagapang kung kailangan! Basta wag mo akong hahawakan, naiinis ako sayo, wag mo rin akong kausapin!"

"Fine! Crawl your way inside the house!" asik niya, itinaas pa sa ere ang dalawang kamay indikasyon ng galit na pinipigil niya. Iniwanan niya ako dito sa labas. Nakakasar siya, akala niya magpapatulong ako sa kanya? Pero nakagat ko ang labi ko nang hindi ko na maigalaw ang dalawa kong paa, nanigas ang muscle ko sa binti, mas lumalala ang sakit kapag ginagalaw ko. Pakiramdam ko na-sprain na ng tuluyan ang binti ko dulot nang paulit-ulit kong pagkatapilok dahil patakbo akong pumunta sa kotse ni Jave kanina.

Hindi ko na muna tinangkang gumalaw, maghihintay akong humupa ang sakit. Pero nakaramdam ako ng lamig dulot ng simoy ng hangin na nanggagaling sa mga puno at halaman sa paligid, manipis din ang tela ng suot ko, nakalabas ang balikat at mga braso ko kaya nasimula na akong magkagoosebumps.

Ilang sandali pa bumalik si Jave. Hindi pa rin siya nakakapagbihis, mukhang hindi pa pumasok sa kwarto niya. Lumapit siya sakin at hinawakan na naman ako sa braso para tulungang pumasok. "Sinabi nang ayoko! Lumayo ka sakin!"

Umikot ang mata niya, sobrang tindi na ng pagtitimping nakikita ko sa mukha niya, nakikita ko na ang mga ugat sa braso niya sa tindi ng pagkakakuyom ng mga kamay niya, sinisipa na rin niya ang damo. " Ano bang problema mo?" dumagundong sa tainga ko ang sigaw niya, parang nanghina ang tuhod ko. "Tinutulungan ka lang--"

"Ikaw, anong problema mo? Tinutulungan lang din kita, ayaw mong makinig!" ganting sigaw ko sa kabila ng panginginig ng tuhod ko.

"Shit! Anong bang gusto mong gawin ko??"

"Mag aral ka."

"Are you fuckin kidding me?" tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You're actually asking me to go to school--"

"Seryoso nga." sagot ko.

"Well, manigas ka. Hindi mangyayari ang gusto mo. I'm outta here." inis niyang sagot. "I'll even lock the door para hindi ka makapasok, mabulok ka dito. Gusto mo yan eh!Akala mo madadala mo ko diyan sa kaartehan mo? Bahala ka sa buhay mo!"

Iniwan na naman niya ako. This time kinabahan na akong baka ilock niya ang pinto. Napabuntong-hininga nalang ako. Ang sakit na nga ng paa ko, dagdag pa ang bwesit na Paniking 'to na napakatigas ng ulo! Mukhang matutulog ako sa duyan neto. Napatitig nalang ako sa damo at sa paa kong walang silbi.

"Aw.." Ang sakit nang tangkaing kong ilakad ulit. Ano ba naman to... Aantayin ko na nga munang humupa ang sakit.

Pagkatapos ng halos mga sampung minuto. Nagulat ako dahil biglang sinipa ni Jave ang pinto ng bahay pabukas. Malalaki ang hakbang na tinungo ako at walang sabi-sabing pinasan ako sa balikat niya sa kabila ng pagkukumawala ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya walang tigil ang tili ko at hampas sa likod niya. "Bitiwan mo ako! Ano bang ginagawa mo! Bitiwan mo ako!!"

Binitiwan niya nga ako. Sinalampak niya lang naman ako sa kama ko ng ubod lakas, halos umikot ang paningin ko. Bumangon ako agad, hinampas ko siya ng maraming beses sa braso. "Nakakainis ka, hindi ka marunong makiusap, lagi mong pinipilit ang gusto mo, wala kang modo!" Sunod-sunod ang pagbubunganga ko habang hinahampas siya.

"Aray ko ha!" Asik niya sabay hinuli ang dalawa kong kamay. Natigilan ako dahil kapag igalaw ko pa ng konti ang ulo ko, didikit na ang labi ko kay Jave. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ngayon, its his way of making me stop. "Oo na! Oo na, narinig mo??"

Anong sinabi niya? Natigilan ako lalo.

"Oo na. Papasok na ako bukas, masaya ka na? Ok na? Pwede na ba nating gamutin 'yang paa mo?? Namamaga na oh! Tsk! Napakacareless mo, bago buhay ng ibang tao, buhay mo muna ang asikasuhin mo pwede?" Binitiwan niya ako. Kasi nga hindi na ako gumagalaw. Hindi na rin ako gumagawa ng kahit na anung ingay. Natuod na ako sa pagkakaupo sa kama. Naupo siya sa harap ko para suriin ang binti ko. "Maghintay ka dito Alien, kukuha ako ng gamot. At wag mo nang tangkaing magreklamo kundi tatamaan ka na sakin. Nakuha mo na gusto mo."

Nang makabawi ako sa pagkabigla, napangiti ako ng malawak sa kanya.

"Ang saya ng tawa mo. Panalo ka na naman!" pagsusungit niya pa rin. Pero ang cute na niya ngayon.

Kumindat lang ako sa kanya. "Syempre! Ako pa. Hindi mo ako kaya."

Irap ang isinagot niya bago lumabas ng kwarto para kumuha ng gamot.

Jiro's POV

"Dude, di ba kotse ni Jave yun? Anong ginagawa niya dito?" untag ni Ark na hinihila pa ang manggas ng damit ko. Inis akong pumiksi sa kanya. Pero sinundan ko ang tingin niya. Nasa malawak na parking kami ng school.

"Si Jave nga yan." sagot ko kay Ark, nakumpirma ang hinala namin nang lumabas ng kotse si Jave. Nakapormang papasok ng school si gago. Isa-isang nagsialisan ang mga estudyangteng nasa parking nang makita din ng mga ito si Jave. Para siyang isang nakakahawang sakit kung pang-ilagan ng mga tao sa University na 'to. Sabagay, wala naman kasing ginawang matino si Jave dito.

Lumapit kami sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kanya na nakakunot ang noo.

"Ano pa ba gagawin ko dito, eh di papasok!"nakatawang turan niya na nangingislap ang mga mata. Kabisado ko ang mga mata niyang yan, kapag ganito kaganda ang mood niya, ibig sabihin marami na naman siyang naiisip na kalokohan, huh, goodluck sa mga Professors at sa mga estudyante ng Westside University sa araw na ito.

"Alright! That's cool dude! Bagong-buhay ka na ba?" Tuwang-tuwa pa si Ark. Magkasundo talaga ang dalawang ito pagdating sa kagaguhan. Hindi ko alam kung paano ko sila naging mga kaibigan.

"Ulol!" ganti ni Jave. Naglakad na kami patungo sa unang subject namin sa araw na ito. Habang nasa daan syempre hindi nawawala ang bulung-bulungan, walang mintis na kakalat na naman ang tsismis, palagi naman eh. Lahat ng galaw ni Jave sa school na ito tila nirerecord ng mga estudyante at binobroadcast kung saan-saan.

"OMG! Jave's here! Ang gwapo niya talaga! Super nakakainlove ang bad boy look niya ngayon!

"Napansin niyo ba kung ano ang tatak ng shoes niya?"

"Eh nung shirt niya??"

"Oh my....sana pansinin niya ako."

Napatigil kami ni Ark nang tumigil si Jave sa paglalakad. He's jaw flexing, alam kong naasar na siya sa mga bulungang dinig na dinig namin.

Oh-oh. Here comes the trouble. Nilapitan ni Jave ang isa sa mga nagsasalitang babae, hinawakan sa kwelyo ng damit at pilit na inangat ang katawan hanggang sa halos dulo nalang ng sapatos nito ang sumasayad sa lupa, halos masakal na ito.

"Anong sinabi mo? Pansinin kita? So what now? Pinapansin na kita what are you gonna do?" parang asong nauulol na naman si Jave. Napabuntong hininga ako, samantalang nakatawa lang si Ark. Kumuha ng lollipop sa bulsa at parang amuse na amuse na nanonood ng sine. Syempre namumutla na ang babae sa takot. Ang mga kasama nito nagsitakbuhan na.

"I'm sorry Jave.." halos bulong ng babae na parang hihimatayin na.

"Kapag dumadaan ako, ayoko ng maingay naiintindihan mo? Sa pangit mong yan, pinapangarap mo pang pansinin kita? Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo!!" mas lalo niya pang sinakal ang babae na napapa-ubo na.

"Jave, lets go. Mali-late na tayo." sabi ko nalang.

Imbes na bitawan ng mahinahon. Itinulak pa ni Jave ang babae sa sahig, napadapa ito doon.

"Sa susunod huwag kang hahara-hara sa dinadaanan ko ah. Tabi!!" sigaw niya.

Ang kawawang babae halos gumapang para makaalis sa dadaanan ni Jave. Napailing-iling nalang ako. Pero hindi na bago sakin 'to, sanay na ang mga mata ko dito. Ganitong Jave ang kilala namin ni Ark, simula't sapol.

Kaya naman, isang milya ang layo ng mga estudyante sa amin ngayon.

Pagdating namin sa classroom, wala pang professor, kanya-kanyang tsismisan ang mga estudyante sa paligid. Yung iba nakaupo pa sa table.

"Girl! Si Jave!" bulalas ng isa sa mga unang nakakita. Nagsitahimik ang lahat, kanya-kanyang ayos ng gamit at upuan. Parang nahawi ang daan para makadaan kami patungo sa usual na spot namin sa classroom, sa likuran.

Pagdating namin doon, may lalaking estudyanteng tulog na tulog, nakaheadphones pa. Nakaupo ito sa tabi ng upuan ni Jave. Hinablot ni Jave ang kwelyo nito, nagising na lamang ang lalaki na nasa ere na siya. Binalibag ni Jave at lumanding ang katawan sa mga upuan.

Ouch. Shit. Masakit yun.

"Ano pang hinihintay niyo, dalhin niyo sa clinic 'yan." malamig kong turan sa mga kaklase ko. Nang sumulyap ako kay Jave, tatawa-tawa lang ito kasama ni Ark. Ang sakit sa ulo ng mga ito. Hindi ko malaman kung anong dahilan kung bakit nandito si Jave sa school, part of me wants him here. Pero sa nakikita kong ginagawa niya na naman, parang mas mabuti pang hindi nalang siya pumasok.

Ilang sandali pa, dumating na ang Math Professor naming matandang lalaki. "May anghel bang dumating dito at ganito kayo katahimik??" nakatawa pang turan ni Prof.

Hindi sumagot ang mga estudyante. Nang igala ng Professor ang mga mata, nakita nito si Jave, sa gitna namin ni Ark, sa dulo. Muntik na akong matawa dahil namutla ang terror na professor.

"Mr. Santillan...ah, l-long time no s-see. Mabuti naman at pumasok ka na.." mukhang wala naman sa mukha niya na natutuwa siyang andito si Jave.

Matalim na tingin ang ibinalik ni Jave dito. Hindi na muling dumapo ang tingin ni Prof sa gawi namin dahil doon.

In all fairness to him. Magaling siyang magturo at madali kong nakakabisa ang mga itinuturo niya. Busy ang lahat sa pakikinig at pagsusulat ng notes sa kanya-kanyang smart devices, samantalang si Jave, walang ginawa kundi ang manood ng movie sa laptop ang lakas-lakas pa ng sounds.

"Jave, ssshhhh.." nawawala ang concentration ko sa kakatawa niya.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Tsk. Kung ang professor nga hindi siya masaway, ako pa kaya!

"All right class, that's all for today. Do you have any further questions?" tanong ni Prof after his two-hour period class.

"None, Prof." sabi ng lahat except for Jave.

"How about you Mr. Santillan?"

Shit. Pinansin pa.

"Me? You're talking to me?" ulit ni Jave.

"Yes. May natutunan ka ba?"

Wag mo nang ipilit. Baliw din tong teacher na to eh.

"Wala. Kung gusto mo ulitin mo. Wala akong narinig eh. Naglelecture ka na pala hindi mo sinasabi. Nanonood ako ng movie, kaya hindi kita napansin."

Walang imik sa buong classroom. Kaya dinig ng lahat ang paglunok ng teacher at ang pagtama sa table ng keychain na hawak ni Jave.

"Ulitin mo." dalawang salita mula kay Jave.

"But Mr. Santillan, I will have my next class in 30min.."

Yeah right. That was a two-hour discussion.

"Eh di, ipaintindi mo sa 'kin ang mga tinuro mo in 30 minutes."

"Pero-"

"Hindi mo kaya? Gusto mo bang isipin kong hindi mo deserve ang trabaho mo dito?"

Napakamot ang Professor pero wala itong nagawa. Napahinga ako ng malalim. Ok na rin siguro 'tong recap.

"Wala ka pang balak umuwi?" tanong ko kay Jave nang papunta na kami sa school canteen. Sa buong school year na ito, ito siguro ang unang beses na inabutan siya ng lunch break sa school.

"Hindi pa pwede." sagot niya.

"Bakit?"

"Magagalit ang alien! Hindi ka ba natatakot sa alien invasion?"

"Alien?" tanong ko. Si Sofia ang pumasok sa isip ko. Ito siguro ang nag-utos na pumasok sa school si Jave. Wala namang iba, hindi ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa party ni Rianne, kaya malamang hindi si Rianne ang dahilan.

"Wala. Tara na, kumain na tayo!"

Pagdating naming tatlo sa canteen, maraming nakapila, nakakatamad na lumabas ng school kaya gusto kong dito nalang kumain. Meron pang ibang canteen sa loob ng University pero malalayo ang mga yun sa building namin.

Natawa nalang ako nang paglapit namin sa counter upang mamili ng pagkain, nahawi ang mga tao. Nawala bigla ang pila. One of the perks of being with the campus demon rex, I might say. Nakakuha kami ng pagkain ng walang kahirap-hirap. Special delivery pa ng tray courtesy of some sophomores na diyos ang tingin kay Jave.

Tamihik na sana kami sa isang isolated na mesa, malayo sa ibang mga estudyante nang pumasok sa lugar ang mga varsity players. Syempre naroon ang leader na si Zirk Alcantara at mga alipores nito. Nakukunsumi ako minsan sa mga ito, kung si Ark pumapatol, ako, nananahimik nalang ako. Mas mabuti nang makatapos ng school ng walang kahit na anong masamang record.

Tiningnan ko si Jave, mukhang wala naman siyang pakialam dahil nakaharap lang siya sa pagkain, habang naglalaro sa cellphone. Buti nalang.

Pero pare-pareho kaming napatingin sa gawi ng mga bagong dating ng isang estudyante ang sumigaw dahil nadapa at natapunan ng lahat ng binili niyang pagkain sa ulo. Hindi nadapa, mukhang pinatid ng isa sa mga kasama ni Zirk. Yung babae na din na yun ang nanulak kay Sofia noon. Ang queen bitch ng school. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam kong bitch siya. Papansin at masyadong pa-bida.

Napatingin ako kay Jave. Buti nalang wala ulit sa mukha niya ang makikialam, dahil pag nagkataon, malaking trouble na naman at gusto kong kumain ng maayos.

Nang matapos na kaming kumain, tahimik lang kaming naglakad palabas ng canteen. Wala na ang mga bulong-bulungan at malayo ang agwat ng mga estudyante sa amin, tahimik ang buhay ni Jave kaya salamat sa Diyos at hindi siya gumagawa ng eksena. Nagiging ulol lang naman siya kapag nakakanti o kaya ay napapansin siya di ba?

"Shit!"

Napatingin kami kay Jave. Napamura ito dahil nakaapak ng spaghetti. Malamang galing doon sa babaeng tumilapon kanina.

"Sinong lintik ang nagkalat dito?? Sino??" napatingin ang lahat kay Jave. Nanginginig na itinuro ng lahat ang babaeng nakatapon ng pagkain.

"Ikaw. Halika nga dito." galit na tawag ni Jave sa babae. This time, makikialam ako. Hindi naman ang nerd na babaeng ito ang may kasalanan. Naawa ako sa kanya dahil nanginginig ang buong katawan niyang lumapit sa amin. Namamaga ang mga mata niya kakaiyak simula kanina.

"Santillan, it's not her." pumagitna ako. Nakapagtago ang babae sa likod ko.

"Pinatid siya ng babaeng iyon." turo ni Ark sa totoong bully.

"Kailangan ko ng maglilinis ng sapatos ko. Dalhin mo siya sa harapan ko!" bulyaw ni Jave.

"Very well, rex Jave.." Nakatawang pahayag ni Ark. Patakbong tinungo ang kinaroroonan ng mga mayayabang na players. Ark had to punch some faces bago nito madala ng tuluyan sa harapan ni Jave ang babaeng puno't dulo ng lahat.

"Ikaw ba ang pumatid sa creature 'to?" tanong ni Jave.

Hindi makatingin ng diretso ang babae, nakatingin sa grupo nito tila naghahanap ng kakampi. Well, sinong kakampi dito kung wala ni isang nilalang sa school na 'to ang hindi takot kay Jave Santillan?

"Look at me when I'm talking to you, fathead!" halos bumaon ang kamay ni Jave sa panga ng babae. Nakakatawa dahil nadeform ang nguso nitong mukhang peke. Nakita ko na sa mga mata nito ang takot. Everybody knew what Jave is capable of, that's why.

"Jave..I didn't know, you're friends with her.." takot na sagot nito.

"Wala akong pakialam sa kanya. Ang pakialam ko, naapakan ko ang pagkaing naitapon niya, dahil sayo! Sa tingin mo, sino dapat ang maglilinis ng sapatos ko ngayon??" madiing sabi ni Jave sa mukha ng babae.

"A-ako.." dahan-dahan itong bumaba sa paanan ni Jave.

Sa puntong iyon lumapit si Zirk. " Jave, Mina's with us. Let her go."

Nakipagsukatan ng tingin si Jave kay Zirk. "Do you think I care??" asik ni Jave kay Zirk. Tapos bumaling ng tingin sa babae na Mina daw ang pangalan. "Luhod!" sa takot ay napilitang lumuhod ang babae. Pinahid ni Jave sa mamahaling palda nito ang sapatos na may dumi ng spaghetti. He's doing that while staring at Zirk with full angst. "Sa susunod, ilayo mo ang mga tao mo sakin. Naalibadbaran ako sa inyong lahat!"

"Sa susunod, hindi mo na magagawa sa kanila yan!" may pagbabanta sa boses ni Zirk.

Tumawa ng mala-demonyo si Jave. Parang nag-apoy ang mga mata nito. "Wanna bet?" Inangat ni Jave ang middle finger niya kay Zirk. Nang lumapit ang iba pang kasama ni Zirk, middle finger din ang pinakita ni Ark sa mga ito. Ako, dinala ko ang babaeng nasa likod ko sa mesang kinauupuan niya kanina. Hindi siya makalakad ng maayos kasi nanginginig ang buo niyang katawan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro