Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12


Nang makarating kami sa hospital, inasikaso kaagad ako ng mga doctor. Magandang balita dahil sa kabila ng lahat ng kamalasan, wala namang nabaling buto sa akin. Sobrang sakit lang talaga ng pagkakalamog sa akin at may sugat pa ako sa baba na nakabandage na ngayon. Magkakasama kami sa isang malaking kwarto, kumpara sa akin mas konti ang tama nila Ark at Jiro. Ok, reality slaps hard, ako lang ang lampa sa aming lahat, kasi ako lang ang napuruhan.

Nang maiwan kaming apat sa kwarto, nakatitig ng masama si Jave sa dalawa niyang kaibigan. Kinabahan ako, uh-oh, looks like the devil's gonna blame them. "Ang tagal mo kasi! Nainip tuloy ako niyaya ko silang ilabas na ako kanina!" Nagsalita na ako bago pa mahuli ang lahat.

Bumaling ang nanlilisik na tingin ni Jave sa akin. "Kasalanan ko pang hindi ka makapag-hintay??" sigaw niya. Napakislot ako. "Pupulbusin ko 'tong dalawang gagong 'to eh!" Nahawakan niya ang isang maliit na plastic flower vase at hinagis iyon kina Jiro at Ark. Napapikit ako sa kaba. Naitakip ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Pagdilat ko, buo pa naman ang dalawa, dumaan sa gitna ng mga ito ang vase, at wasak iyon sa pader na nasa gitna nila. Beast mode si Jave. Pare-pareho kaming napalunok. Napanganga si Jiro. Namutla naman si Ark. Sigurado ako, maputla na rin ako. "Pag sinabi kong hintayin ako, hintayin ako, maliwanag?"

Tango kaming tatlo.

"Sino ang mga 'yon?" tanong niya ng medyo kalma na siya.

"Grupo ni Shell.." si Jiro ang sumagot.

"Shell-fuckin'-who?"

"Taga kabilang university, hindi mo kilala? Kapatid ni Ric.."

"Sino nga ang mga 'yon?" tila nauubos na naman ang pasensya niya.

"Pambihira naman Jave, si Ric, yung binogbog mo last year na na-ICU muntik nang matigok. Wag mong sabihing hindi mo pa rin kilala.."

"Hindi." Sagot niya.

Parehong napailing-iling ang dalawa. "Sa dami ba naman ng biktima mo, malamang hindi mo na nga kilala." bulong ni Jiro.

"Anong sinabi mo?"

"Wala. Ito kasi eh!" sabay batok kay Ark. "Burahin mo ang picture ni Sofia sa Facebook mo ngayon na ah! Sasamain ka sakin!"

"Aray!" napahawak si Ark sa nasaktang batok. "Malay ko ba!"

"Tatablahin na ba namin?" tanong ni Jiro kay Jave.

Tiningnan niya ako. Nasa mga mata pa rin niya ang pagaalala pero may halong paghihiganti na ang mga iyon. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nilang tatablahin, pero may pakiramdam akong hindi magiging maganda iyon.

"Sinong may gawa niyan sayo?" tanong niya. Tinutukoy ang sugat ko sa ilalim ng bibig ko. Gusto kong sabihing si Shell, pero hindi ako palasumbong na tao, kahit galit ako sa babaeng 'yon, gusto ko ako mismo ang maghihiganti para sa sarili ko. Kahit na masaktan pa ulit ako. "Hindi ko alam.." sagot ko

Umikot ang mata niya. Pero kumuyom ang dalawang kamay na halatang nagtitimpi ng galit. Binalingan ang dalawa. "Kayo, ano pang hinihintay niyo, alis na! Sabihan niyo ang grupo sa Westside, alam niyo na ang gagawin."

"Ngayon na ba agad? Di ba pwedeng magpahinga muna? Masakit pa ang panga ko eh." reklamo ni Ark.

"Eh kung ihiwalay ko 'yang panga mo sa mukha mo at pagpahingahin kita habang buhay, gusto mo?" asik ni Jave.

Napakamot si Ark. "Sabi ko nga dapat kanina pa kami umalis eh. To naman."

Napabangon ako. "Anong gagawin?" Tanong ko kay Jave.

Lumapit siya sa akin, tinapalan niya ng malaking kamay niya na may mahahabang daliri ang buong mukha ko at itinulak ako pabalik sa pagkakahiga. "Wala kang pakialam, magpagaling ka diyan, huwag mong pasakitin ang ulo ko."

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin pa sina Jiro dahil nakaalis na ang mga ito. Naiwan kami ni Paniki sa loob ng kwarto.

"Masakit ba?" tanong niya sa akin.

"Tingin mo?" pinanlisikan ko siya ng mata.

"Suntukin ko 'yang mata mo eh! Hindi ka na nga maganda, pinagduduldulan mo pa 'yang pangit mong mukha sa disgrasya." ganti niya. "Dapat ipa-CT scan ang bungo mo para malaman kung gawa ba sa magnet ng kamalasan 'yang buong ulo mo!"

"Hoy hindi ako malas. Ikaw ang malas, nagkataon lang na ako ang laging sumasalo ng kamalasan mo!"

"Siraulo to. Panu mo nasabi yan?"

"Ikaw ang may atraso sa Shell na 'yon, nadamay lang ako."

"Hindi ka madadamay kung hindi ka lumabas ng hospital kanina!"

"Tapos doon sa bus, pinalunok mo 'ko ng perlas!"

"Nakanganga ka eh. Ang ingay mo pa! Huwag mong sabihing ako ang sisisihin mo na muntik ka nang mabangga, hindi ko na matatanggap yun!"

"Ikaw naman talaga!" pairap kong sagot.

"Ang lakas pala ng tama mo eh, panung ako?"

"Basta." Eh kasi nakatitig ako sa Rianne mo. Doon sa babaeng dahilan ng pagikot ng mundo mo. Gusto kong idagdag. Pero baka isipin niya nagseselos ako, hindi naman!

"Ewan ko sayo."

Nakaidlip ako sa sobrang pagod at sakit ng katawan. Nang magising ako, nakita ko si Jave na nasa side table, nagdo-drawing. Tiningnan ko ang dino-drawing niya, singsing iyon. Gumagawa siya ng design ng singsing para sa perlas. Para kay Rianne ang pinagpupuyatan niya, kasi pagtingin ko sa relo alas-tres na ng madaling araw. Nasa hospital pa rin kami.

"Matulog ka pa masyado pang maaga." sabi niya sa akin nang hindi ako tinitingnan. Nakatutok ang mga mata niya sa ginagawa. Base sa nakikita ko, magaling magdrawing si Paniki, at sobrang ganda ng design ng singsing na ginagawa nito. Halatang matagal niyang pinag-isipan. Naisip ko, huwag ko kayang ibigay ang perlas, itapon ko ulit sa dagat? Kung pwede lang eh. Nangitim siguro sa galit 'tong si Paniki! "Anong ginagawa mo?" tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Wala." masungit niyang sagot. "Nga pala, samahan mo ako sa party ni Rianne, next week na 'yon."

"Ayoko nga! Sosyalan 'yon eh, hindi ako bagay doon, mamaya mapahiya lang ako."

"Magdadamit ka naman ng pang-tao, hindi na 'yon halata. Magpanggap ka lang din na tao ka, ok na 'yon!"

Lintik na paniki 'to. "Bakit hindi ba ako tao? Anong tingin mo sa'kin, alien??"

"Muntik na."

Hinagisan ko siya ng unan. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, tumama ako sa target. Haha! Sapul na sapol siya sa ulo, hindi niya nagawang umilag dahil abala sa ginagawa. Kaya lang kumuyom ang kamay niya, kumunot ang noo, nanlisik ang mga mata at gumagalaw-galaw ang panga. Oh my. Napikon. Napahawak ako ng mahigpit sa bed sheet ng kama.

Halos sumabog ang puso sa kaba nang tumayo siya hawak ang unan na binato ko sa ulo niya. Katapusan ko na, papatayin niya ako gamit ang unan. Nang makalapit siya at iangat ang unan para sapakin ako, iniwas ko ang mukha ko sabay takip ng kamay. "Sorry na Jave!" namutawi sa bibig ko, sabay pikit. Inantay ko ang pagtama ng unan sa ulo ko. Pero dalawang minuto na yata ang lumipas, hindi pa ako tinatamaan. Nagmulat ako ng mata. Then Jave's smiling face is in front of my face, almost an inch away. I'm like breathing in what's he's breathing out. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit napakaganda ng mga mata niya, at napakacharming ng mukha kapag nakatawa? Sobrang gwapo ni Paniki, sa totoo lang.

"Silly alien. Don't close your eyes when you're being attacked. Open your eyes so you can defend yourself." komento niya right in front of my face where I can smell his heavenly breath and intoxicating natural scent. Binalik lang pala niya ang unan sa kama ko. Tapos ay nag-unat-unat at humikab. Madaling araw na, wala pa siyang tulog. Mukhang wala pang balak matulog.

"I'm taking you to Rianne's party. I'm serious."

"Seryoso din ako, hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko doon."

"Tsk. Eh di gamitin mo 'yang pangit mong mukha, ano pa ba?? Kailangan kita doon."

Medyo nag-iba ang tibok ng puso ko sa narinig ko mula kay Paniki. "Kailangan para saan, para magbuhat ng mga regalo mong damit para sa kanya? Ayoko nga, ang dami noon!"

"Hindi 'yon."sagot niyang nakatingin sa mga mata ko. Naupo siya sa gilid ng kama, kaharap ko. "Kailangan ko ng lakas ng loob, magtatapat na ako sa kanya."

Napaawang ang labi ko sa tinuran ni Jave. Hindi ko malaman kung matutuwa ako sa sinabi niya, o malulungkot. Aamin lang naman siya ng nararamdaman kay Rianne, it's not like a marriage proposal or something...

"Brendan asked her to marry him." dagdag ni Jave sa seryosong tono. "Hindi ako papayag na mapunta siya sa gagong 'yon, ilang beses na siyang sinaktan ng lalaking 'yon, ilang beses na silang naghiwalay dahil sa dami ng mga side flings ng manyak na Brendan na 'yon. Hindi na siya nadala, papakasalan pa niya. I have to save her, kung kailangan ako ang magyaya ng kasal sa kanya gagawin ko."

Kasal. Natuyuan ako ng dugo sa sinabi niya. "You're just 19! Anong sinasabi mong kasal, ni hindi ka pa nga graduate ng college.."

"Kailangan ba 'yon? What's the big deal about it? Kaya ko siyang panindigan, at kaya ko siyang mahalin higit pa sa kahit na sinong matured na lalaking pumo-porma sa kanya! Rianne has always been my life saver ever since, ngayon ako naman ang magliligtas sa kanya mula sa miserableng buhay na ibibigay sa kanya ni Brendan! Ako lang pakakasalan niya, dahil ako lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, halata naman sa mga mata niya ang kagustuhang maging knight in shining armor ni Rianne. Si Jave ang klase ng taong kapag may ginusto, gagawin ang lahat ng paraan para makuha ito. Kaya wala akong pwedeng gawin na makakapagpabago ng utak niya. Sa ngayon, susuportahan ko nalang siguro siya. He must really loved her.

Napabuntong-hininga ako. Tapos ay dinukot ko sa bulsa ang perlas na kailangan niya para sa ginagawa niyang singsing. Inabot ko iyon kay Jave, tumawa pa siya sa akin nang tanggapin niya iyon. Nakakatuwa dahil ngayon ko lang nakitang sobrang excited si Jave sa isang bagay. Tama nga ang mga bestfriends niya, kay Rianne umiikot ang mundo niya.

Ilang saglit pa, inilapag niya ang papel na hawak sa side table, mukhang kontento na siya sa disenyo kaya magpapahinga na. Tatlo ang kama sa loob ng malaking room na 'yon, pero nagulat ako nang sa kama ko siya nahiga.

"Jave, kama ko to, doon ka sa kabila." bulong ko sa kanya. Nakahiga na rin ako, nakatagilid ako paharap sa kanya, samantalang siya ay nakatihaya. May kalakihan ang kama pero masikip pa rin iyon para sa dalawang tao.

"Alam kong kama mo 'to kaya dito ako hihiga. Kailangan mo ng bantay, dahil baka sa kamalasan mo, pati swero malunok mo."

"Pero masikip."

"Magpapayat ka."

Napasimangot ako. Bago pa man ako malait ng husto, tumahimik na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Alam ko namang kahit na anong gawin ko, hindi ako mananalo. Ang masama nito, unti-unti na akong nasasanay na matulog katabi ng paniking ito. Nakakatakot isiping isang araw, pumayag na si Rianne sa gusto niya at maetsa-pwera na ako. Kinalma ko ang sarili ko, enjoy the moment while it lasts nalang siguro ang drama ko. Simula sa araw na ito, hindi na lang siguro ako magfo-focus sa mga magagandang katangiang nakikita ko kay Paniki, titingnan ko nalang ang masasama niyang ugali. Hindi ako dapat na nakikipagkaibigan sa mga BI (bad influence) na kagaya niya. Hindi na rin ako masyadong magiging malapit at pala-asa sa kanya, dahil isang araw, alam kong babalik ako sa mundo ko, maiiwan siya dito sa mundo niya at titingalain ko nalang siya.

Kinaumagahan, alas-otso ng umaga na siguro ako nagising. Masakit pa rin ang buong katawan ko syempre, pero sa tingin ko pwede na akong umuwi. Nasa loob na rin ng kwarto sina Jiro at Ark. Nakabenda ang kamao ng mga ito ,mukhang pagod at walang tulog. Parang galing ulit sa rambol ang dalawa. Si Jave ay hawak ang cellphone ni Ark, tatawa-tawa ito sa kung anong pinapanood doon.

"Good morning Princess, are you feeling better now?" tanong sa akin ni Jiro na nakangiti. Tumango lang ako.

"Ba't ganyan ang mukha niyo ni Ark? Saan ba kayo galing kagabi?" usisa ko.

"Dyan lang sa tabi-tabi. Huwag mo kaming pansinin, wala sa 'min to, sanay na kami dito, ikaw ang inaalala namin, OK ka na ba?"

"Masakit pa ang tadyang ko, pero, Ok na ako."

"Good. Ano pa palang ginagawa natin dito, uwi na tayo."

Bakit parang may nasi-sense akong ginawang kababalaghan ng dalawang 'to kagabi? Nakakainis kasi kahit magtanong ako, alam kong hindi naman ako sasagutin ng mga ito.

"Pwede bang magpacheck up muna ako ng kahit isang beses lang? May sugat ako sa bibig, baka magpeklat to.." parang naiiyak na turan ni Ark. Panay pa ang tingin nito sa hawak nitong maliit na salamin nakatitig sa band aid na nakadikit sa side ng bibig. "Parang awa niyo na, magpadoctor pa tayo, kailangan ko si Doktora Belo dito.."

"Gago!" sabay na turan nina Jiro at Jave.

Ang sama ng pagkakatingin ni Ark sa mga ito. Natatawa nalang talaga ako. Nang tumayo na ako sa kama para magbihis, inabot sa akin ni Jave ang isa sa mga shopping bags na pinamili namin sa isang store sa mall. Kulay green na bestida iyon na hapit sa katawan, maiksi ang tabas at may slit sa magkabilang gilid.

"Magbihis ka na, uwi na tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Bihis? Nito?"

"Anong gusto mo umuwi ng nakadamit pang-hospital?"

"Hindi naman akin to eh.."

Gumuhit sa mukha ni Jave ang inis. "Oh di ba ikaw ang pumili niyan? Ngayon ayaw mong isuot??"

"Eh akala ko kay Rianne...hindi ba..?"

"Iniinis mo na naman ako. Lahat ng pinamili mo, sayo 'yon, anong Rianne ang sinasabi mo, sa dami ng damit niya pwede na siyang magtayo ng isang mall, tapos bibilhan ko pa?"

Naku naman. Ang mamahal pa naman ng mga damit na yun. At syempre, binagay ko sa taste ni Rianne at pati na rin sa katawan niya. Pero, never akong magsusuot ng mga ganung damit para sa sarili ko, magmumukha akong trying hard na pasosyal na ewan. Kasi naman!

"Jave..di ba nasusuli naman ang mga yun? O..napapalitan...?"

"Painitin mo pa ulo ko. Sige pa!"

Nakagat ko ang labi ko. Tapos ay atubili kong inabot ang bag bago magpunta sa CR. Ang bobo ko kasi, hindi man lang ako nagtanong kung para kanino ang damit, sana nakapili ako ng maayos. Sleeveless pa man din ang damit na 'to na pinapasuot niya sakin, nakalimutan ko kung nakapagbunot ba ako ng buhok sa kili-kili lately. Hindi ako handa! Walanghiya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro