
Chapter 11
Jiro's POV
Nakatitig ako kay Sofia habang ngumunguya ng pagkaing dala namin ni Ark. Bago kami dumiretso sa hospital ay dumaan muna kami sa isang Chinese restaurant para dalhan siya ng masarap na noodles at special siopao.
"Ang saaraap! Thank you dito ah??"
"Wala 'yon, sige lang kain ka lang!" sagot ni Ark. Samantalang ako ay tumango lang. Pinagmamasdan ko siya, matagal ko nang iniisip kung anong meron sa kanya at napapaamo niya ang isang taong may malakas na topak at matinding sapi kagaya ni Jave Santillan. Nakapagtatakang sobrang bait ni Jave sa kanya. Kilala ko si Jave simula kindergarten bully na ito at mahilig mangtrip ng tao. Mainitin din ang ulo at kahit wala sa katwiran ay palaging pinaglalaban ang gusto.
Kapag nagwawala si Jave, walang sinumang nakakaawat dito. Mismong sarili nitong pamilya hindi ito kayang pakalmahin. Kahit na minsan ay sinusunod nito si Rianne, unstoppable pa rin ito sa lahat ng masasama nitong gawain. Maybe it's his family's fault for tolerating so much of his bad behavior and violence, maybe he's just lonely and that's his way of coping with all the pain he's keeping inside. Hindi ko alam, walang nakakaalam, walang makaintindi kung bakit ganun ang ugali ni Jave.
Kaya napapahanga ako ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Wala siyang takot makipaglaban at makipagmatigasan kay Jave. Ang nakapagtataka pa, hindi umaangal si Jave sa kanya, heto nga at inutusan pa kaming bantayan siya sa hospital na ito.
"Ba't ka tumatawa, may nakakatawa ba, may dumi ba ako sa mukha?" inosenteng tanong niya sakin na punong-puno ang bibig ng kinakaing siopao. Hindi ko namalayang nakatawa na pala ako sa kanya.
"Wala. Naisip ko lang na nakapagtataka si Jave ngayon, usually kasi kapag nandito sa Pilipinas si Rianne walang ibang laman ang utak niya kundi puro yung crush niya lang. Walang kaibigan, ni walang kakilala. Pero nagugulat kami sa kanya ngayon, biruin mo naisipan pa niyang tawagan kami para bantayan ka." sagot ko na kinakunot ng noo ni Sofia.
"Oo nga noh?" komento ni Ark na parang laging insensitive sa mga pangyayari sa paligid. Kung hindi ko pa sabihin hindi nito mahahalata."Dapat, kasi nandito si Rianne, ang cycle ng buhay ni Jave ay kain-Rianne-tulog-Rianne-panaginip-Rianne-gising tapos Rianne na naman! Ganun yun kabaliw eh!" dagdag pa nito. Akalain mong naidagdag ka niya sa limitadong espasyo ng kanyang utak?" sabay halakhak.
"Ang sabi ko nga sa inyo, may kailangan sa akin si Paniki. Merong isang bagay na gusto siyang makuha sa akin."
Naging curious kami ni Ark kung ano yun, hindi naman siguro katawan, kahit naman sablay ang pagkakahulma ng utak ng kaibigan kong iyon, sigurado akong hindi yun manyakis. Si Ark pwede pa! Natatandaan kong binanggit na niya sa amin iyon, hindi niya lang din dinetalye kung ano ba talaga 'yon.
"Ano nga 'yon?" Pangungulit pa ni Ark.
"Yung puso ko."Tumatawa niyang sagot.
Napanganga si Ark. "Weh? Wag mo nga akong utuin, hindi pa nagbabago ang taste niya sa babae no. Embryo palang siya, gusto na niya si Rianne. Ano nga ang gusto niyang makuha sayo?"
Tumawa siya ng malakas. That sounds so carefree and light. Magaan kasama si Sofia, masayahin siya, at walang kaarte-arte sa katawan. Ngayon bigla kong napagtuunan ng pansin ang itsura niya. Medyo maliit siyang babae, 5'3" siguro. Mahaba ang buhok niya na halatang natural ang pagka-alon at hindi pa nasasayaran ng kahit na anong kemikal mula sa mga hair salon. Maganda rin siya, maamo ang mukha na mas lalong gumaganda kapag tumatawa. Kung pagmamasdan siya parang napakabait at hindi lalaban, pero hindi na ako malilinlang dahil nakita ko kung paano siya makipagsagutan kay Jave. 90% ng mga taong nakapaligid kay Jave ay takot dito, 9% ay nakakalapit pero sunod-sunuran, kasali siya sa 1% na lumalaban ng harapan dito.
"Secret namin ni Paniki iyon! Hanggat na'sakin ang bagay na 'yon, iikot siya sa mga kamay ko. Bwahaha!"
Totoo ang sinabi niya, umiikot si Jave sa mga kamay niya. Ilang sandali pa sumuko na si Ark. Mukhang wala talagang balak na magsabi ng sekreto si Sofia.
"Sofia, selfie nga tayo! Peste 'tong syota-syotaan ko ayaw maniwala na nandito lang ako sa hospital kasama niyo ni Jiro. Sabi ba naman naglalandi na naman ako." sabi ni Ark.
"Gago ka kasi. Nadala na 'yang syota mo, ayaw nang magtiwala sayo, lagi mo kasing niloloko. Kung ayaw mo na bitiwan mo na, hindi yung pinapaasa mo sa wala yung tao!"
"Nangaral na naman si brother Jiro. Bakit hindi si Jave ang pagsabihan mo, bawasan kamu ang sungay sa ulo dahil mas mataas na sa rebulto ni Rizal sa luneta!" bwelta nito sa akin. "Tara na selfie na!"
Tiningnan ko ang kuha naming tatlo. Sa gitna si Sofia at nakadamit pang hospital pa ito. Inupload ni Ark iyon kaya tiningan ko din sa cellphone ko nang marinig ko ang notification. Tinag pa ako ng loko.
"Ba't ganito ang nilagay mo?" tanong ko.
Ang sabi kasi sa caption: Chillin' with the badboy's Princess.
"Wala lang." kibit balikat na sagot ni Ark. Napabuntong-hininga ako. Mas lalong lalakas ang mga tsismis sa Westside tungkol kay Sofia. Simula nang dalhin siya ni jave sa campus, hindi na natigil ang balita tungkol sa kanya. Parang apoy na kumalat sa buong school na bukod kay Rianne Lucero at Ysabel Santillan ay may isa pang bukod tanging babae na nakalapit kay Jave. Ikinagulat iyon ng lahat dahil si Jave ang numero unong suplado at walang pakialam sa babae sa buong campus. Hindi ito nakikipagkaibigan sa kahit na sino. Tingin nito sa lahat ng estudyante sa campus, kung hindi laruan ay kaaway. Na-upload na 'to ni Ark, siguradong sisiklab na naman ang mga bibig ng mga estudyanteng tsismosa. Marami pa namang Facebook follower si Ark na taga-Westside. "Anong Facebook mo Sofia, itatag kita."
"Wala akong Facebook, wala nga akong cellphone."
"Wala kang cellphone? God, saang bundok ka ba talaga napulot ni Jave, ha?" hindi makapaniwalang turan ni Ark.
"Pag walang Facebook taga bundok agad? Hindi ba pwedeng wala lang talaga akong panahon sa mga bagay na 'yan? "kumislap ang mata niya. "Patingin nalang ng Facebook ni Jave!"
Tumawa si Ark, sumimangot naman siya. "Bakit ba?"
"Mauumay ka sa fb ni Jave. Puro mukha ni Rianne ang makikita mo doon, 'wag mo nang buksan." Ako na ang sumagot. Totoo naman eh. Bihira lang magfacebook si Jave pero ang laman ng account ng lokong 'yon ay mga detalye ng kaganapan sa buhay ni Rianne. Kulang nalang pati pagtae ng crush ay irecord ni Jave. Masyadong obsessed, minsan nakakatakot na.
Tumingin ako sa relo. Ilang oras na din kasi kaming nandito, ang sabi ng doktor na huling tumingin sa kanya ay OK na raw siya, anytime pwede nang makaalis. Ang problema hindi pa dumarating si Jave.
"Speaking of the devil, malamang nakalimutan ka nang sunduin! Inatake na naman ng Rianne syndrome, nagkaroon ng temporary amnesia." komento ni Ark.
"Gusto mo bang ihatid ka na namin sa apartment niyo?" suhestiyon ko.
"Wala akong susi.."
"Gusto mo bang mamasyal? Nakakainip na kasi dito.." dagdag ko pa.
Namilog ang mga mata niya. "Talaga? Tara!" Napakasimple talaga niya. Pasyal lang halos tumalon na sa tuwa.
Sofia's POV
Today I have learned that Jiro and Ark were really good buddies. No dull moments with them. No stingy moment with them din dahil lahat ng gusto ko mapa-pagkain man o adventure sinasamahan nila ako.
They took me to an amusement park. Lahat ng klase ng rides, ng adventure at ng saya ay nandoon. Dahil dalawang gwapo ang kasama ko, madami ang napapatingin sa amin. Most of them kilala ang dalawa, kaya feeling ko totoo talaga na sikat sila sa elite teen circle dito sa Manila.
Nagulat pa ako dahil wala kaming binayaran sa lahat ng pagkain, services at rides, found out later na pagaari ng family ni Ark ang amusement park na pinuntahan namin. Kaya pala sikat siya sa mga girls, kasi siya ang may-ari.
"Sobrang dami mo naman yatang ex, Ark. Parang lahat ng madaanan nating babae dito, nakarelasyon mo." komento ko habang kumakain ng ice cream. Madilim na ngayon at malamig na ang simoy ng hangin. Nakaupo kami sa isa sa mga bench ng park, sariwa ang hangin dahil napapalibutan ng puno ang lugar.
Tumawa si Jiro. "Syempre, iba talaga ang fuckboy."
"Anong fuckboy?"
Tumawa silang dalawa. "Wala. Ibig sabihin nun, sobrang gwapo ko, andaming nagkakandarapa sa akin!"
"Tss. Parang hindi naman ganoon ang ibig sabihin, parang ang manyak mo, 'yun yun eh."
"Mismo!!" Tumatawang tugon ni Jiro na kinaasar naman ni Ark.
"Ang galing magmalinis nito, eh ganun ka rin naman,hindi lang halata!" ganti ni Ark.
Napunta kaming tatlo sa parte ng amusement park kung saan may live band na tumutogtog. Mababa lang ang stage na naroon pero malaki, may maraming ilaw at may pa-smoke effect. Halos naroon ang pinakamaraming bilang ng kabataan sa buong lugar. Maingay ang musika at pambasag eardrums ang tunog na dumadagundong sa buong paligid. May kamahalan ang entrance pero nang makita ng taga-singil ang mukha nila Jiro at Ark, nakatawa lang itong pinalampas kami.
Ang saya, lalo na't favorite ko ang tinutogtog ng bandang may gwapong bokalista. Bahagyang madilim ang paligid habang sabay sabay na naghihiyawan ang mga tao. Nadala ako, nakihiyaw na rin ako kasama nila Jiro at Ark.
Nang matapos ang isang kanta, biglang tumutok sa aming tatlo ang spotlight, nagulat ako. "Looks like we have a very special guest in the audience. Ark Marquez and Jiro Atienza in the house!!"
Nagsigawan ng mas malakas ang mga tao. Sabay-sabay pa itong nagrequest ng kanta mula sa dalawa. Naexcite ako nang sumampa sila sa stage. Singer sila? Kung hiyawan ng crowd ang pagbabasehan, malamang Oo.
Ark went for the microphone, samantalang pinasa naman ng lead guitarist ang gitara nito kay Jiro. Nang pumasok ang intro, nagsitahimik ang mga tao, biglang nafocus sa pagpailanlang ng malamig na tinig ni Ark.
The Club isn't the best place to find a lover.
So the bar is where we go
Me and my friends at the table doing shots
Drinking fast and then we talk slow..
Ed Sheeran!
Naghiyawan na muli ang mga tao sa paligid. Hindi ko alam na magaling palang kumanta si Ark at talented sa gitara si Jiro.
'Ark!!! Ang pogi mo, anakan mo ako, pakasalan mo ako!'
'Jiro akin ka na! Utang na loob, akin ka na!!'
Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa mga naririnig ko sa paligid. Superstars pala talaga sila. Di nagtagal, nakikihiyaw at nakikisayaw na rin ako sa mga tao.
Girl you know I want your love
Your love was handmade for somebody like me
Come on now follow my lead
I may be crazy don't mind me.
Pero hindi ko inaasahan ang biglang pagtulak sa akin ng taong nasa likuran ko, sa lakas niyon muntik na akong masobsob sa sahig. Hinara ko ito, babaeng kaedaran ko lang. Maiksi ang skirt na suot nito at kinapos ng tela ang damit kaya kita ang pusod nitong may tattoo at hikaw. Sosyal ang pagkakaayos ng kolorete sa mukha ng babae, pati na rin ang pagkakatali ng buhok na parang artista sa Hollywood.
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yong bitch na kasama ng mga gonggong na taga-Westside na yan.."
Napikon ako. "Anong problema mo, inaano ka ba?"
"Wala. Gusto lang kitang pagtripan, hindi ko gusto ang aura mo eh, pampusali!" Tinulak niya ulit ako sa balikat. Tiningnan ko siya ng masama. "Ano lalaban ka??"
Inutusan niya ang dalawa niyang kasama sa likod ko na bitbitin ako sa madilim na bahagi ng lugar. May ilang pang mga lalaking naghihintay doon. Lahat sila may hawak na matitigas at nakakatakot na mga armas. May kadena, baseball bat, at tubo. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay, hindi ako makapalag.
"Actually ang mayayabang na mga alipores ni Jave Santillan ang target namin dito eh. Kaso ikaw ang naligaw ng landas, kaya ikaw na muna ang sasalo ng lahat ng galit namin!" Sigaw ng babae sa mukha ko.
"Bitiwan niyo ako!"Hindi ko kilala ang mga ito, pero hindi ako papayag na magpabogbog ng walang kalaban-laban. "Napakayabang mo, porke may mga kasama ka! Naghahanap ka pala ng gulo duwag ka naman." patama ko sa babaeng tila lider ng grupo.
Matalim ang tingin niya sa akin. Sinenyasan ang dalawang lalaki na bitawan ako. Pero sinabayan niya iyon ng pagsuntok sa tiyan ko, namilipit ako sa sakit. Nakakarami na ang hipon na ito sa akin ah! Kumuyom ang dalawang kamay ko, gumanti ako ng suntok pero mabilis siyang nakailag, tapos tinawanan ako ng mga kasama nito. Sinugod ko ulit siya ng isa pang bigwas sa mukha para magtanda, pero nakaiwas na naman siya. Sa pagkakataong iyon, gumanti siya ng suntok sa akin, dahil hindi ko inaasahan ang galaw na iyon tinamaan ako sa gilid ng bibig at pumutok iyon. Ah! Shit ang sakit! Kumukulo ang dugo ko, hindi ako makaganti, masyado siyang mabilis kumilos. Tinamaan na naman ako ng suntok sa tiyan, dumoble ang sakit na nararamdaman ko doon.
"Ano, lalaban ka pa! Ano kayang magiging reaction ng mga kasama mo kapag nakita ka nilang namamatay na sa bogbog dito sa lugar na to?!"
Napaluhod na ako sa sakit, sapo-sapo ko ang tiyan ko, hindi ko siya kaya. Kaya tinanggap ko pa ang isa pang sipa sa balikat ko, halos mapahalik ako sa lupa.
"Bagay sayong humalik sa lupa!"
Napa-ubo ako ng tapakan niya ako sa likod. Gusto kong humingi ng tulong pero papaano?
"Sofia???" narinig kong sigaw mula sa di kalayuan. Boses ni Jiro iyon. Malamang hinanap nila ako nang mawala ako sa audience.
"Shell, yung dalawang barkada ni Santillan.." dinig kong sabi ng isang lalaki.
"Harangin niyo." utos ng babaeng pinuno na Shell ang pangalan.
Tatawa-tawang naglakad papunta sa mga kaibigan ko ang mga lalaking may dalang mga armas. Ano nang gagawin ng dalawa, wala silang laban sa dami ng mga ito.
"Umalis na kayo!" Pilit kong sigaw. Dumiin ang pagkakatapak ni Shell sa balikat ko, sumadsad ang baba ko sa magaspang na sahig at humapdi iyon. "Tumahimik ka, siraulo! Kingina mo, pakabayani ka pa?" Sinipa niya ako sa tagiliran, halos parang mabali ang tadyang ko, pumailalim ang sakit sa katawan ko. Nagkagulo sa harap ko nang hindi natinag sina Jiro at Ark, tinangka pa ring sagipin ako. Dalawa sila laban sa lima, pang anim sa babaeng ito na nakadagan ang paa sa akin.
"Turuan niyo ng leksyon ang mayayabang na 'yan!" sigaw niya.
Naiangat ko ang mukha ko at nakikita kong harapang nilalabanan ng dalawa ang mga armadong lalaki. Walang armas sina Ark at Jiro, kaya kahit magaling sila at mabilis gumalaw, hirap na hirap silang patumbahin ang mga kalaban. Nakikita kong dumudugo na ang bibig ni Ark. Ganun din ang noo ni Jiro. Nagpumilit akong bumangon pero sinipa na naman ako ng demonyitang Shell na mukhang pokpok na 'to! Nakagat ko ang labi ko sa sobrang sakit.
"Fuck! Si Santillan, anong ginagawa ng demonyong 'to dito??" narinig kong sunod-sunod ang mura ni Shell. Pinawalan ako nito upang sumugod sa nagrarambolan.
Si Jave!
Halos magdilim na ang paningin ko sa tinamo kong mga sipa at suntok. Pero nakita ko si Jave, he was fighting with Jiro at Ark. Suddenly, they're winning the fight. Umiikot ang mga sipa ni Jave sa ere na nagpatumba isa-isa sa mga kalaban. Higit siyang mas mabilis at mas malakas kina Jiro at Ark. Kaya niya ang lahat ng kalaban kahit na mag-isa pa siya. Nakita ko kung paano sumubsob si Shell sa kalapit na basurahan ng hawakan ni Jave ang damit nito at ihagis sa maduming tambak ng basura. Buti nga, bagay ka sa basurahan!
Ilang kurap ko pa, nagsitumbahan na ang anim sa paligid, kahit sugatan nanatiling nakatayo sina Jiro at Ark. Samantalang si Jave, pinagpawisan lang yata. Nang tumakbo ang tatlo palapit sa akin, nagsitakbuhan na rin palayo ang mga bogbog-saradong kalaban. Paika-ika ang mga ito, duguan at hinang-hina.
"Sofia?" Inangat ako ni Jave mula sa pagkakahandusay. Hinawakan niya ang pisngi ko, nakikita ko sa mga mata niya ang matinding pagaalala. "You're hurt. God dammit!" nanginginig ang kamay niya sa galit nang buhatin niya ako. Pangalawang beses sa araw na ito, mukhang balik hospital na naman ako. Kasama sina Jiro at Ark. Ang swerte. Tsk. Ano bang meron sa araw na 'to at walang katapusan ang kamalasan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro