PROLOGUE
ATHENA'S POV
"Hay!!"
Buntong hininga ko habang mag-isang naglalakad sa madilim na kalsada dala ang aking bike. Paano ba kasi nakipagbubugan na naman ako dun sa mga salbahing lalaking nang bubully ng mahihinang nerd ng school namin kaya ayun ito ako mag-isang naglalakad. Sanay na naman din akong mag-isa. Maaga kasi akong naulila. Tanging lola ko na lamang ang nag aaruga sa akin.
Kahit na babae ako ay kaya kung depensahan ang aking sarili sa kung sino pa mang lalaking may masamang balak sa akin. Kaya kung magpatumba ng 5 lalaki sa loob ng sampung minuto. HAHAHHA! Ganun ako kalakas!
Tumingin ako sa aking dalang cellphone at nalaman kung mag 8 pm na pala. Naku baka nag-aalala na ang amazona kong lola sa akin.
"Hayyyy~~"
Sabay hawak sa mga labi ko. Takte naman oh! Wala na ang una kung halik at napunta pa sa lalaking di ko naman kilala. Kung di ko lang talaga gustong maging madre baka napatay ko na yun, binalian ko na ng buto at kasukasuan tas ilalagay ko sa sako tas sisindihan. Relax Athena, magmamadre ka pa. Bawal ang pumatay! Thou shall not kill!
"Nahhhh...nahhh...nahh.."
Napalingon ako aking kanan ng marinig ko ang pagkanta ni Mareng Maria, ang baklang make up artist ng patay. Bukas pa pala ang parlor niya at may minimake upan na naman siya.
Tiningnan ko ang mukha ng patay mula sa malayo at napansin kung pamilyar ito at dahil na rin sa curiosity ko ay nagdecide akong dumalaw muna para kumustahin si Mareng Maria at upang tingnan na din ang patay.
"Oh, Athena nagabihan ka nanaman ata. May binugbog ka nanaman bang bully?"
"Hehe..paano niyo po nalaman?"
"Hay naku, nakasulat dyan sa uniform mo oh may bahid pa ng dugo HAHAH!!"
"Teka po, sino po yang minimake upan niyo?"
Humawi ng kaunti si Mareng Maria at ganoon nalang ang aking pagkagulat sa aking nakita.
Teka!! Ang lalaking to, siya yung..
"Oh, bat parang gulat na gulat ka dyan? Ang gwapo niya noh? Sayang at ang aga niyang namatay."
Siya yung lalaking nagnakaw ng una kung halik kanina. Paanong? Patay na siya ngayun?
Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. May halong inis at awa akong naramdaman habang nakatingin sa patay niyang katawan.
"Wala pa ngang pamilya ang dumalaw niyan dito eh. Bagong salta daw kasi. Athena, maiwan muna kita dito hah. Titingnan ko lang yung niluluto ko. I shall return, babosshh.."
"Ah..sige po aalis na din po ako."
Ang gwapo naman pala ng lalaking to. Di na masamang pagbigyan ng unang halik. Pero paano siya namatay? Pinatay ba siya?
Pinagmasdan ko pa siya lalo at napansin ko ang malaking sugat niya sa leeg at braso. Para itong hiwa ng isang kakaibang sandata. Pero wala na akong magagawa kaya naman ay pumikit nalang ako at pinagdasal ang kaluluwa ng lalaking ito.
"Ughhh.."
Teka? sino yung umungol?
Napadilat ako at ..
"AHHHHHH...!!"
Napasigaw ako ng walang lumalabas na boses sa akin. Ganito talaga kasi ako pag nagugulat sumisigaw pero walang boses na lumalabas na boses sa akin. Paano ba kasi Yu-yung patay.
Nakadilat na at nakangiti pang nakatingin sa akin.
"shhhh...wag kang maingay. Tumakas akong impreyno."
Ano daw?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro