Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Escaping Hell 8: Thank you!

Tiwala lang matatapos ko din ang story na to. Lol~ 
Love you~ ~ 
Salamat sa pagbabasa~ Pagpalain ka~ 




CHAPTER 8


ATHENA

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nasa dalampasigan ako ngayon habnag pinagmamasdan ang malinaw na tubig ng dagat. Hindi ko parin lubos maisip ang aking mga natuklasan sa mga nakaraang araw. Magdadalawang araw na simula nung malaman ko ang ilan sa mga sekreto ng aming pamilya. Nasa bahay parin ni lola ang mokong na si Alexander na yun at napapayag narin ako nito sa gusto niyang mangyari.

Putik naman kasi e yung Harry Potter novels na signed ng favorite author ko tas yung casts pa. Sana lang talaga nagsasabi ng totoo sa akin yung mokong nayun dahil pag nalaman kung nagsinungaling siya. Babalian ko siya ng tailbone pati na yung mga tarsals at metatarsals niya. HAHAHA...

Pero sa totoo lang payag na naman talaga ako kahit na wala yung books nayun. Sa mga nalaman ko pa naman kay lola nung isang gabi di pa ba ako papayag nun. Nakasalalay sa akin ang hinaharap ng mundo. Pero di rin naman siguro hahayaan ni Lord na mangyaring mapasakamay ng mga kampon ng kasamaan ang mundo. Kaya siguro ako ang gagamitin niyang instrumento para pigilan ang plano ng mga Tartarus na yun.

Masyado talagang mapaglaro ang tadhana sa akin. Ang lalaking magnanakaw ng una kong halik ay siya palang lalaking aking poprotektahan mula sa mga masasamang nilalang. Abay hanep din ang storyang to ha. Ang lalaki na yung bibigyan ng proteksyon.

"kishhhh,..." napalingon ako dahil sa kaluskos na mula sa mga damo. Bago kasi makarating sa dalampasigan kailangan munang dumaan sa kagubatan.

"Sino yan?," saad ko habang pinupulot ang aking tsinelas sa puting buhangin. Tumayo ako at inalerto ang aking sarili. Kung sino man tong taong to, magsisi siya na ako ang babanggain niya.

Isinuot ko ang aking tsinelas at dahan dahang naglakad papalapit sa boundary ng kagubatan kung saan nanggaling ang kaluskos. May kaunti ng kaba akong naramdaman. Mula sa paglalakad ay pagtakbo kung pinuntahan ang pinanggagalingan ng kaluskos kanina. Mabilis kung hinawi ang malalagong damo at tumambad sa akin ang dahilan ng kaluskos.

"oooooiinnnnnnkkkkkkkkkkk......cooinnrkkkk...," phew! Baboy ramo lang pala. Mabilis itong tumakbo papalayo sa akin. Akala ko talaga may mabubogbog na naman ako ng di oras.

"Baboy lang pala, Hayss," saad ko. Babalik na sana ako ng biglang may humawak sa kanang balikat ko. Malamig ang kamay nito. Sa sobrang gulat ko ay mabilis ko itong hinawakan at malakas ko na sana itong ibabalibag paharap.

"Aray! Aray! Ano ba Tena ako to, ughh," daing ng boses. Napalingon ako at nakita ko ang mokong na si Alexander na nakabalot sa kumot ang katawan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?, "tanong ko.

"Sinundan kita kanina. Naiinip na kasi ako dun sa loob ng guess room na puno ng mga pulang papel tas mababahong ensenso. Kaya tumakas ako nung nakita kitang dumaan," saad niya habang hawak ang kanang kamay niya.

"At bat mo naman ako sinusundan?," daing ko.

"Kasi gusto kitang makausap?," saad nito habang mas hinigpitan pagyakap sa kanyang sarili.

"Ano naman pag uusapan natin?,"

"Ka-kasi,"

"At isa pa diba sabi ko sayo wag na wag mo akong tawaging Tena, my name is Athena too beautiful para gawin mong malaswang pakinggan," saad ko.


"HAHAHA"


"Why are you laughing?"

"Ang cute mo pala kapag naiirita ka," patuksong niyang saad sa akin.


"Oh, tapos,"


"Gusto lang sana kitang makilala pa. As your boss karapatan ko naman sigurong makilala ang body guard ko diba?,"

"Uhhh," saad ko. Meged! Ang hangin talaga ng lalaking to. Putik talaga. Pag ako di nakapagbigil mabubogbog ko na naman ng di oras to. Well, relax Athena, relax. Para sa Harry Potter books at para sa mission mo. Patience is a virtue. Haysss..


"What's with that face?"

"Wow! Di naman ako na inform na bodyguard pala ako ng isang mokong na katulad mo,"

"Ano ulit sabi mo? Mok-mokong?" saad niya habang nakasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Oo mokong, bagay naman sayo. Teka lang nga Mr. Marcos, hindi mo ako empleyado at mas lalong di mo ako bodyguard. Kaya lang naman ako pumayag sa deal na sinasabi mo dahil sa mga librong yun at sa personal kong reason. Never consider yourself na boos kita at bodyguard mo ako o ano paman," mahabang litanya ko. Gamit ang relax at mahinahon na tono ng boses ko. Ang bait ko sobra..

"Whatever, but still poprotektahan mo parin naman ako. You're still considered as body guard, my safety is your job, dahil kung hin-" saad niya.

"Blah blah blah mokong ka! Protektahan mo mukha mo," tatalikod na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at hinala ako papalapit sa kanya. Nagkalapit ang aming mga mukha.

"DOG DOG DOG DOG.." bat ganito ang bilis ng tibok ng kidney ko. Kidney ko yung tumibok. Astig ko talaga!

"ARAYYYYY!!!!!" napasigaw siya ng bigla kong tinapakan ang kanang paa niya. Mamanyakin mo nanaman ako ah. Napayuko siya habang pilit na inaabot ang paa niyang sure akong mamaga ng ilang araw. Mokong ka, sabing don't mess with me. Hayss

"Manyakin mo na lahat ng babaeng makasalubong mo Mr. Marcos pero wag ang isang Athena Suarez!," tatalikod na sana ulit ako ng nagsalita na naman ang mokong.

"Wait Ms. Suarez!," saad nito habang sinusubukang tumayo ng diretso.

"Ano? Magpapadagdag ka pa?"

"Can I borrow your phone?"

"Diba mayaman ka? May car ka nga diba tas you consider yourself as a boss tas wala kang phone? How ridi-"

"I lost my phone nung pinatay ako. I want to call my dad right now. Gusto kung ipaalam sa kanya na buhay ang pinakagwapo niyang anak, " saad nito. Tssskk.. Mahangin to. Pero totoo naman gwapo naman talaga siya. Erase erase ano ba tong pumapasok sa isip ko.

Di ko na siya sinagot bagkus ay iniabot ko agad sa kanya ang keypad ko na phone. Yung mas matanda lang ng konti sa 33 10. Napatingin lang siya sa kamay ko. Teka nga? Pinipigilan niya ba ang pagtawa?

"Pfffffttttt..."

Abay! Sobra na tong mokong nato ah. Pinagtatawanan niya yung cp ko?

"Hihiram ka ba o ano? Pagtatawanan mo lang yan ganun?" Haysss..

Eh kesa di nga ako marunong sa mga ganung bagong klase ng phone. Ikaw kaya ang lumaking matanda ang kasama mo tas isolated pa yung bahay niyo. Malayo sa kabihasnan. Di na introduce sa akin yung mga android phones at ayaw ko ding magkaroon ng ganon. Mas gusto ko pang magkalibro kesa magkaroon ng ganun, na ang mahal mahal naman.

"A-akin na, pfttt, hahhaha..." inabot na niya yung cp ko habang pinipigilan ang pagtawa. Tskkk.. Kesa bigay lang ni lola yang cp na yan. Magkapareho kami ng phone. Jusmeyo! Ilang buwan ko ding pinagpraktisan yang gamitin bago ko makabisa tas pagtatawanan niya ako.

"May load ba to?," tanong niya habang nagtatype.

"Meron yan," saad ko habang umuupo sa malaking bato. Buti nalang pala nagpaload ako kung hindi mapapahiya na naman ako sa mokong nato.

"Hello," panimulang bati nito sa kausap. Pansin ko ang lungkot sa tono ng kanyang boses. Kahit may pagkabadboy pala tong mokong nato. Pagdating sa pamilya goodboy pala siya. Nakakaturn on pala siya.

Meged! Ano daw?


Jusmeyo! Ano tong naiisip ko! Erase Erase!



ALEXANDER



"Hello," pasimula kong tawag sa aking ama.

"Hello, who's this?," sabi ng dad kong nasa kabilang linya.

"Naalala nyo pa po ba ang anak niyo?," pamimilusopo ko.

"Uhhh...What do you mean? Wait is this you Xander? Son?," sagot nito. Di ko alam pero sa tono ng boses niya para itong gulat na gulat sa pagtawag ko. Hindi niya eniexpect na tatawag ako.

"Ako nga po dad, buti naman at naalala niyo pang may anak pa pala kayo?," saad ko. Napalingon ako sa kinaroroonan ng babaeng amazona at napansin ang pagreact niya sa nasabi ko.

"I really did not expect na tatawag ka son. This is the first time na tumawag ka sa akin, look I've been contacting you last two days ago. Sabi kasi ng caretaker ng resthouse natin dyan e di ka daw pumunta. What happened?," si dad na may kaunting pag aalala na ang tono ng boses.

"Wala naman pong nangyari dad, as usual mag aadjust na naman ako sa lugar na pinagtapunan niyo sa akin," daing ko. Di ko magawang sabihin sa kanya ang tunay na nangyari sa akin. Sigurado akong hindi siya maniniwala. Realistic masyado si dad. Mas naniniwala siya sa science. Para sa kanya lahat ng bagay ma eexplain ng science. Lahat ng phenomena. Doctor nga kasi. Tsskk..


"How was the environment? San ka nagstay? Pumunta ka agad sa resthouse I hired some personnel para ma assist ka dyan,"

"The environment? It was refreshing ibang iba diyan sa bahay. Stop asking some nonsense questions dad. Can you send me some credit cards and a new car here. I lost my car, " saad ko. Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko ang pag buntong hininga ng aking ama.

"May kotse ako sa resthouse, get the key na kay Mang Kanor," saad ni dad.

"Okay dad, thanks then. Send me the location of our resthouse dad, e.email mo nalang sa akin. I lost my phone too," daing ko pa ulit.

"What?! Ano bang nangyari dyan sayo ha Alexandro?," saad ni dad na parang may galit na.

"Wala po dad, aasahan ko po ang email. Bye, ubos na load ng lumang cp na gamit ko," ako. Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Mabuti nalang pala talaga sinunod ko ang payo ng bestfriend kong si Kemuel. That I should memorize those contact numbers ng taong pwede kung hingan ng tulong everytime my emergency, now my problem is saan ako maghahanap ng internet café para makita ko ang email na isesend ni papa.


"Pwede ko na bang kunin ang cp ko?,"saad ng amazona.

"Here, take this."

"Sa susunod na hihiram ka ng gamit at mang uubos ka ng load humingi ka naman ng thank you ha. Tas wag mo naming laitin tong baby cp ko. Kahit luma to matino naman di kagaya mo!" saad nito. Naiirita na naman ang amazona. Di ko alam pero I find it cute when she's anxious. Cute!

Tssss...


"Really?," saad ko. Bigla siyang lumapit sa akin tas aambangan na sana ako ng batok.

"Anong gagawin mo?"

"Babatukan ka?"


"Para saan?"

"Para sa pagamit sa load ko tas pagkutya sa baby cp ko."

"Tssss... subukan mo hahalikan kita."

"Tingin mo natatakot ako?"


"Tingin mo nagbibiro ako? You and me sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G.." pakanta kanta ko pang pang iinis sa kanya.


"Arghhhhh...Diyan ka na nga!"

"Wait Ms. Suarez!" pagtawag ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?"


"Paki mo?!"


"Iiwanan mo ko dito?"


"Pwehhh!"


Sinundan ko siya sa paglalakad sa dalampasigan. Binalot ko parin ang sarili ko ng kumot. Sobrang lamig parin kasi. Epekto siguro to ng minsang paglapit sa akin ng reapers.

"Di ka pa ba uuwi?! Baka hanapin ka na ni Lola Fe!" pagtawag ko pa. Nasa unahan ko siya, sobrang bilis naman maglakad ng amazona na to.

"Magpapaload ako meron kasing walang utang na loob na tao na gumamit ng load ko na di man lang nagthank you tas kinotya pa yung pinakamamahal kung cp," inis niyang saad.

"Big deal ba sayo yun ha?"


"Oo!"sigaw niya.


Kahit na masakit pa ang katawan ko ay mas binilisan ko na din ang aking paglalakad. Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad ay natanaw ko na ang iilang mga bahay na nakatayo sa dagat. What da! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Meron ding mga batang naliligo at nagsasagwan sa maliit na Bangka. Nakakatuwa para gusto kong matry yun.


Bat ganun di na kumikibo tong amazona nato?


"Okay ka lang?"


Abay! Di ako sinagot ng amazon? Naku naman oh!

"May alam ka bang internet café dito?," tanong ko ulit. And kagaya kanina di parin ako sinagot. Kanina lang ang daldal tas ngayon di ako kinikibo. Thank you lang naman yun what the big deal?


Nagpatuloy lang kami sa paglalakad para akong pulubi dahil sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Pinagtitingnan tuloy ako ng mga tao na nakakasalubong namin.


"Hai pogi," saad ng dalawang babaeng nakasalubong namin. Nginitian ko lang sila tas kindat. Kahit kailan talaga Alex di kumukupas ang kagwapuhan mo. Hahaha..

Lumipas ang ilang sandali ay naramdaman ko na mas bumilis ang paglalakad ng amazona. Kaya ayun mas binilisan ko na din. Pero masyado talaga siyang mabilis. Napahinto ako, sumasakit na ang kasukasuan ko sa paa. Nanghihina na ako, epekto parin siguro to ng mga reapers na yun.

Arghhh... ayaw ko mang gawin to. Ayaw ko mangsabihin pero tingin ko kailangan na talaga. Dahil kong hindi baka iwan talaga ako ng amazonang to. Di ko pa naman kabisado ang daan pabalik. Tsss..

"THANK YOU!" sigaw ko. Dahilan para napahinto ang amazona.

"THANK YOU Ms. Suarez sa pagpapagamit ng load at cp mo! Sorry na din kasi inaway ko yang baby phone mo. Di naman siya ganun ka luma," dagdag ko pa.

Ngayon ay biglang lumingon ang amazona pero ang mas nagpalaki sa mata ko ay ang nakangiti niyang mga labi. Nanlaki ang akin mata. Di ko alam pero ramdam kung bumabagal ang pagtakbo ng oras.

Ang amazonang to!

"Magtathank you ka naman pala e. Bat di mo pa ginawa kanina? Haha magaling Mr. Marcos!" saad niya habang nakangiti parin.

I-isa pala siyang diyosa! Isa siyang anghel!


Ngayon ay dahan dahan na siyang lumalapit sa akin. Inilahad ang kanyang kamay habang nakangiti parin. Inabot ko ang kanyang kamay at dahan dahang tumayo. Nasa langit na ba ak-

"Aray ko!," napahawak ako sa ulo ko ng naramdaman kong may bumatok sa akin.

"Nakadruga ka ba ha? What's with that stare and tulala effect mo ha?, Tara na ata baka hinahanap na tayo ni lola," saad niya.


Napasapok ako ng ulo dahil sa nangyari kanina. Argghh.. Kailan ka pa naghallucinate sa babae huh Alex? Ikaw ang hinahallucinate ng mga babae hindi dapat ikaw ang naghahalucinate. Anak ng tinapa!


"Hoy Mokong bilisan mo dyan!" sigaw nito.


Una ay pumunta kami sa tindahan na may binibentang load. Tangang amazona kasi eh di pala niya naregister yung load niya kanina kaya ayun ubos sa pagtawag ko kay dad. Tanga talaga!

"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong ibang daan na yung tinatahak namin di na pabalik sa bahay nila ng lola niya.

"Di ba sabi mo naghahanap ka ng internet shop?," saad niya.

Nakinig pala siya sa daing ko kanina akala ko hindi. Kaya ayun gumamit ako ng pc. Makalipas ang 25minutes nakuha ko na yung email at nakopya ko na.

"Magkano po?" tanong ko sa server ng internet shop.

"5 pesos lang po!," sagot nito.

Dumukot ako sa bulsa ko pero walang laman. WTF! I lost my everything pala nung namatay ako. Anak ng tinapa naman oh! Mukhang magtathank you na naman ako sa amazonang to.

Nagkatinginan lang kami tas tinaasan ako ng kilay.

"Ito po bayad," she said. What's with that glare?

"Thank you po!" saad ng server.

"You're welcome," sagot naman ng amazona na may pangiti ngiti pang nalalaman. Ayan na naman, bumabagal na naman ang pagtakbo ng oras. Uso ba talaga yun effect na pagbagal ng oras sa mga love stories? Aba matindi!

Lumabas na kami ng internet shop naunang naglakad ang amazona hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"San nagpunta yun?!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin kong may mga taong papunta sa isang lugar. Parang may pinakakaguluhan sila. Naglakad ako papalapit dun ko nakita si Athena, nakatulala siya habang tinitingnan ang mga kompol ng tao sa unahan. Anong nangyayari?


"Nandito ka lang pala," saad ko pero parang wala siyang narinig. Kaya naman tiningnan ko ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Nakipagsiksikan ako at dun ko nakita ang pinagkakaguluhan nila.


Bahagya akong napaatras ng nalaman kung isang babae na nasa edad 18 ang wala ng buhay. Tirik ang mga mata nito, sobrang putla, at parang may kung anong tinititigan bago ito mamatay.

Kagagawan ba ito ng mga reapers?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro