Escaping Hell 1: Beginning
ATHENA'S POV
"Good Morning World! Good Morning Universe!"
Ang sarap talaga mabuhay! Huminga ako ng malalim. Ang presko talaga ng hangin sa probinsya.
"Thank you Lord sa panibagong araw ng buhay ko at sa lahat lahat."
Tiningnan ko ang pendant kong hugis kalapati. Mahahanap ko rin siya Nay at Tay. Balang araw mabibigyan ko rin ng hustisya ang pagkamatay niyo.
Tama na nga tong dramang to Athena, ke aga aga ang drama mo na. Papunta ako ngayun sa school first day of school ko as a grade 12 student. Isang taon na lang at gagraduate na ako. By the way I'm Athena Flores Suarez, 18 years old, masayahin akong tao, di ako nagpapaapi nino man basta nasa katwiran ako at relihiyosa akong tao gusto ko ngang maging madre e. I am a fighter, kaya kung makipagsabayan sa mga lalaking yan. Katunayan black belter ako sa taekwondo, marunong din akong mag judo, MMA (Mixed Martial Arts), kick boxing at karate. Thanks to my lola na magaling kong guro siya ang sensei ko (teacher).
Bakit ako nag-aral ng mga ganung sports?
Nung bata palang kasi ako pinatay ang mga magulang ko ng mga di kilalang tao. Siyam taong gulang palang ako nun pero sariwa pa rin sa alaala ko kung paanong patayin ang inay at itay ko sa harapan ko pa mismo. Hanggang ngayun ay hinahanap ko parin kung sino pumatay sa kanila di ko sila mapapatawad.
Balang araw alam kung darating din na makikita ko ang taong yun.
Sakay ng aking bike ay papunta na ako sa school ko ngayun, at sa school namin kinakatakutan ang pangalan ko ng mga lalaki at mga bully. Kaya siguro hanggang ngayun ay wala pang nanliiligaw sa akin. Maliban kay..
"AHHHHHH!!! "
Nakuha agad ang atensyon ng biglang magsigawan ang mga babae sa gate ng school namin. Teka anong meron? May bugbugan ba? Kung meron e baka mapasabak na naman ako sa maagang bubugan nito. Kaya naman ay mabilis akong bumaba sa bike ko at pumasok sa gate.
"AHHHH!! ANG GWAPO NAMAN NIYA. "
Whut?! Magsisigawan lang sila dahil sa gwapong lalaki? Napakababaw talaga ng mga babaeng to. Sino ba kasi yan ng mabinyagan na.
Nang nasa gate na ako ay napansin ko na agad kung sino yung pinakokompolan nila. Isang transferee namay car, nakashades, branded na damit at maangas na awra for short mayaman siya. Nakuh! Tingin ko mabubogbog ko to balang araw.
Nang tiningnan ko siya ay napatingin din siya sa akin. Pinagsalubong ko lang ang kilay ko at pagkatapos ay itinaas ko ang kanang kilay ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di ko na siya pinansin di nya deserve ang atensyon ko again for short I snob him.
"Hey Miss!!"
Di ako nakinig kahit alam kung siya yun at ako ang tinatawag niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng bigla ko nalang naramdaman na may nakahawak na sa braso ko.
"What?"
Napalingon ako kasabay ng pag alis ko sa nakahawak niyang kamay.
"Wala ka bang napapansin?"
"Bakit meron ba dapat?"
"Talagang wala?"
"Benge ka?"
"Talaga ba?"
"Paulit ulit?"
"Dapat kasi miss meron eh."
Sabay alis ng shades niya at nakatitig siya sa akin.
"Ah meron ba dapat?! Ano naman yun?"
"Ang kagwapuhan ko."
"HAHHAHA....!!!"
"That's the best joke ever. Salamat ha. Maganda na ang simula ng first day ko. Anyways, kung mamarapatin mo excuse me. Dahil may pasok pa ako. Enjoy mo ang KAGWAPUHAN MO HA."
Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila at naglapat ang aming mga labi.
"WOAHH!!"
"Si Athena ba yun? "
"Yung amazona?"
"Oo, naku mukhang nakahanap na ata ng katapat ang amazonang yan ha. "
Naglapat ang aming mga labi bigla akong nag init. Hindi dahil nalilibugan ako, kundi dahil ang pinakaiingatan kong unang halik ay napunta sa taong di ko naman kilala o ano paman.
"PAPATAYIN KITA!"
Bigla ko siyang itinulak ng malakas dahilan para mapadikit siya dun sa mamahalin nyang sasakyan. Patakbo akong lumapit sa kanya at isang uppercut ang natanggap niya mula sa akin. Di pa ako nakontento at pinaulanan ko pa siya ng sipa at suntok.
"How dare you steal my first kiss!!!!"
Napaubo siya ng dugo.
"Ang la-kas mo -pa-la..."
"Papatayin talaga kita, bakit ang first kiss ko ha?"
"Hindi mo ba ako kilala Miss?"
"Hindi at wala akong pakialam, dahil buburahin ko na yang pangalan mo sa census. Humanda ka ng makita ang impyerno. BALIWWW!!!"
Mabilis ko siyang sinuntok sa tiyan at pumunta sa kanyang likuran. I lock his neck gamit ang aking kanang braso para sakalin.
"Papatayin kita!"
Napatingin ako sa paligid at nakita kung pinagtitinginan na kami, ang daming nakikiusyoso. Pero walang makakapigil dahil maski ang guards dito ay takot sa akin. Subukan lang nila akong pigilan madadamay sila sa galit ko.
"Sige lang Miss, hindi mo na ako mapapatay, dahil matagal na akong patay nung iniwan niya ak-"
Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.
"Huhugot ka pa ha!"
"Ah! Ughrhh Ughh..arckk.. Ta....ma ....na di...na a..ko makahi....nga...uboohh."
"Yun nga ang gusto ko e. Ang mamatay ka na."
"Ubohh...Arkkk..Ughhh... Miss, tama na, So----sorry na... "
"Hindi mo ako kilala Mr. Kibago bago mo dito kala mo kung sino kang makaasta. AT NINAKAW MO PA TALAGA ANG UNA KONG HALIK, HALIK NA HINDI MO DESERVE. WAHHHH!!!"
Binitawan ko siya sa pagkakasakal tinulak at tumanggap ng malaks na sipa mula sa akin. Di pa ako nakontento at isa pang flying kick ang natanggap niya.
"Pasalamat ka at gusto kung maging madre dahil kung hindi sa morgue na ang drama mo ngayun."
Tatalikod na sana ako para pulutin at kunin ang bike ko ng nagsalita pa siya.
"Ang tamis pala ng first kiss."
Uminit ang tenga ko sa narinig ko.
"BALIW KA TALAGA!"
Patakbo akong sumugod sa kanya isang malakas na hook punch ang pinakawalan ko. Tumalsik ang dugo mula sa ilong niya at nawalan siya ng malay.
Ayun sure akong sa clinic ang bagsak niya. Banggain na niya lahat ng estudyante sa school dito. Wag lang ang amazonang gustong maging madre.
"Hoy! bat ka nakatulala dyan?"
Napalingon ako at nakita ko si Shane, na bestfriend ko. May dala itong dutchmill na paborito niyang inumin.
"Ano tong nabalitaan kung may binugbog ka nanaman daw?"
"May pakpak ang balita."
"At yung transferee pa talaga na galing sa Saint Mary Academy, bes sure akong mayaman yun baka makulong ka ng di oras."
"Wala akong pakialam. May VAWC naman e. At ang ginawa ng lalaking yun is purely a sexual harassment baka sila pa ipakulong ko."
"Wow! Matalino ka talga bes? Bes sabi nila gwapo daw yun bakit mo naman sinubrahan?"
"Gusto mo siyang makasama sa clinic ngayon?"
Sabay lahad ng kamao ko sa mukha niya.
"Bes naman di na mabiro, syempre kakampi mo parin ako kaw talaga."
"Sabihin mo lang at pagbibigyan ko ang kahilingan mo."
"Sabing joke lang e. Alam mo bes bagay kayu nun. "
"Shut up!"
"HAHAH..Dyan ka na nga. LAndi mo na ako dun."
Lumipas ang ilang oras at natapos na din ang unang araw ng pasukan puro pagpapakilala lang naman ang nangyari as usual pero parang nakakapagod ata ang school year nato. This is an unusual school year.
(Part of prologue but please continue reading..may karugtong na sa baba. TY!)
"Hay!!"
Buntong hininga ko habang mag-isang naglalakad sa madilim na kalsada. Paano ba kasi nakipagbubugan na naman ako dun sa mga salbahing lalaking nang bubully ng mahihinang nerd ng school namin kaya ayun ito ako mag-isang naglalakad. Sanay na naman din akong mag-isa. Maaga kasi akong naulila. Tanging lola ko na lamang ang nag aaruga sa akin.
Kahit na babae ako ay kaya kung depensahan ang aking sarili sa kung sino pa mang lalaking may masamang balak sa akin. Kaya kung magpatumba ng 5 lalaki sa loob ng sampung minuto. HAHAHHA! Ganun ako kalakas!
Tumingin ako sa aking dalang cellphone at nalaman kung mag 8 pm na pala. Naku baka nag-aalala na ang amazona kong lola sa akin.
"Hayyyy~~"
Sabay hawak sa mga labi ko. Takte naman oh! Wala na ang una kung halik at napunta pa sa lalaking di ko naman kilala. Kung di ko lang talaga gustong maging madre baka napatay ko na yun, binalian ko na ng buto at kasukasuan tas ilalagay ko sa sako tas sisindihan. Relax Athena, magmamadre ka pa. Bawal ang pumatay! Thou shall not kill!
"Nahhhh...nahhh...nahh.."
Napalingon ako aking kanan ng marinig ko ang pagkanta ni Mareng Maria, ang baklang make up artist ng patay. Bukas pa pala ang parlor niya at may minimake upan na naman siya.
Tiningnan ko ang mukha ng patay mula sa malayo at napansin kung pamilyar ito at dahil na rin sa curiosity ko ay nagdecide akong dumalaw muna para kumustahin si Mareng Maria at upang tingnan na din ang patay.
"Oh, Athena nagabihan ka nanaman ata. May binugbog ka nanaman bang bully?"
"Hehe..paano niyo po nalaman?"
"Hay naku, nakasulat dyan sa uniform mo oh may bahid pa ng dugo HAHAH!!"
"Teka po, sino po yang minimake upan niyo?"
Humawi ng kaunti si Mareng Maria at ganoon nalang ang aking pagkagulat sa aking nakita.
Teka!! Ang lalaking to, siya yung..
"Oh, bat parang gulat na gulat ka dyan? Ang gwapo niya noh? Sayang at ang aga niyang namatay."
Siya yung lalaking nagnakaw ng una kung halik kanina. Paanong? Patay na siya ngayun?
Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. May halong inis at awa akong naramdaman habang nakatingin sa patay niyang katawan.
"Wala pa ngang pamilya ang dumalaw niyan dito eh. Bagong salta daw kasi. Athena, maiwan muna kita dito hah. Titingnan ko lang yung niluluto ko. I shall return, babosshh.."
"Ah..sige po aalis na din po ako."
Ang gwapo naman pala ng lalaking to. Di na masamang pagbigyan ng unang halik. Pero paano siya namatay? Pinatay ba siya?
Pinagmasdan ko pa siya lalo at napansin ko ang malaking sugat niya sa leeg at braso. Para itong hiwa ng isang kakaibang sandata. Pero wala na akong magagawa kaya naman ay pumikit nalang ako at pinagdasal ang kaluluwa ng lalaking ito.
"Ughhh.."
Teka? sino yung umungol?
Napadilat ako at ..
"AHHHHHH...!!"
Napasigaw ako ng walang lumalabas na boses sa akin. Ganito talaga kasi ako pag nagugulat sumisigaw pero walang boses na lumalabas na boses sa akin. Paano ba kasi Yu-yung patay.
Nakadilat na at nakangiti pang nakatingin sa akin.
"shhhh...wag kang maingay. Tumakas akong impreyno."
Ano daw? He escaped from hell?
Di ako pakapaniwala sa aking narinig. Pero totoong yung patay talaga yung nagsalita sa harapan ko. Siguro ay prank to lalaking to. Ganti niya sa pagbogbog ko sa kanya dinamay niya pa talaga si Mareng Maria ha.
Akmang susuntukin ko na siya ng bigla siyang bumangon kinuha ang kamay ko at agad akong hinila palabas ng parlor ni Mareng MAria.
"Hoy! Gusto mo ba ulit mabugbog hah?"
Teka yung kamay niya? Ang lamig. Sugatan siya, teka nanaginip ba ako?
....................................................................................................................
AUTHOR'S NOTE:
First chapter done!
Woah!!
Sana magustuhan niyo ang new story kong to featuring #Boyoo Loveteam as the main characters. :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro