Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Neil Juancho Villaverde




Nawala ang ngiti sa labi ko nang mula sa malayo ay narinig ko ang iyak ni Nanay.

"Parang-awa mo na, wag mo kaming iwanan!" umiiyak na paki-usap niya kay Tatay.

"Junie, nag-aaway nanaman ata ang mga magulang mo," sab isa akin ng isa sa mga kaibigan.

Hindi ko na 'iyon, pinansin at kaagad na tumakbo pa-uwi sa aming bahay.

"Tay, saan po kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang makita ko ang hawak niyang mga gamit.

Malungkot siyang tumingin sa akin, hindi nagtagal 'yon na para bang hindi niya ako kayang tingnan.

"Kailangan ko nang umalis," seryosong sabi niya kay Nanay at marahang tinaggal ang pagkakakapit ni Nanay sa kanyang kamay.

"Neil, ikaw na ang bahala sa Nanay mo," sabi niya sa akin na may kasama pang pag-gulo sa aking buhok.

"B-bakit po, Tay? Saan po ba kayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Kahit may nararamdamang takot sa mga ideyang pumapasok sa isip ko ay ipinagsawalang bahala ko 'yon.

"Babalik na ang Tatay mo sa pamilya niya. Iiwan na niya tayo," sagot ni Nanay sa aking tanong.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata habang nakatingin kay Tatay. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya. Palagi ko pa namang sinasabi na paglaki ko ay magiging katulad niya ako.

Marami akong gustong itanong kay Tatay. Marami akong gustong sabihin pero masyado na akong nanghihina kaya naman walang ibang lumabas sa mga bibig ko kundi ang mga salitang...

"Tay, bakit po?"

Halos mag-iisang taon na din simula nang iniwan kami ni Tatay. Galing sa isang may kayang pamilya si Tatay. Tutol sa kanila ang pamilya nito dahil galing sa mahirap na pamilya si Nanay. Ang tawag pa nga nila ay Pobre. Maraming masasakit na salita at pamamahiya na ang nakuha namin mula sa kanila, lalong lalo na si Nanay.

"Edi hindi kayo mahala ng tatay mo. Kung mahal kayo...isasama kayo," sabi ng isa sa mga kalaro ko.

"Eh ano naman ngayon? Hindi ko din naman siya mahal," mayabang na sagot ko sa kanya.

Ipinakita ko sa kanya na wala akong pakialam. Kahit lumalangoy pa si Tatay sap era ay wala akong pakialam.

Iyon ang akala ng lahat. Ang totoo ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil yung lalaking tinitingala ko at pinapangarap kong maging katulad ko din pagnagkataon ay pinagtaksilan ako...kaming dalawa ni Nanay.

Nagpatuloy ang pang-aasar nila sa akin kaya naman inasar ko sila pabalik.

"Manahimik ka nan ga. Talo ka lang e. Taya ko itong lahat," sabi ko sa kanila at kaagad na itinaya ang hawak kong pogs.

"Sigurado ka?" nakangising tanong sa akin ng aking mga kaibigan.

"Oo sabi, daming satsat," na-iiritang sagot ko sa kanila.

Tinira niya ang aming mga pamato, nagtagal pa 'yon dahil ang daming seremonyas, may nalalaman pang posing at pagpitik-pitik daw.

Tabla ang unang bato kaya naman marahas akong napakamot sa aking batok. Habang naghihintay sa sunod ay napalingon ako nang makita ko ang paglapit ni Alice sa aming gawi. Naka-uniporme pa ito kahit kanina pa tapos ang klase. May hawak nanaman siyang mga basahan, mukhang naglako nanaman.

Tumingin siya sa akin at sinimangutan pa ako, dahil sa ginawa niya ay pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan din. Inalis ko ang atensyon ko sa kanya nang ibinato na ulit ang mga pamato namin.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Alice sa akin para manuod.

"Talo!" kantyaw ng mga kalaro ko nang matalo ang aking pamato.

Marahas akong napakamot sa aking batok dahil sa nangyari.

"May balat ka ata sap wet, Alice, e!" sita ko sa kanya kaya naman hinampas niya ako sa braso.

"Bakit kasalanan ko?" masungit na tanong niya sa akin.

Sa huli ay wala na akong ibang dala kundi ang isang pirasong pogs na pamato ko.

Pinaglalaruan ko 'yon habang naglalakad kami pa-uwi ni Alice. Ako na din ang nagbuhat ng dala niyang mga basahan.

"Paano 'yan? Wala ka nang pogs," sabi niya sa akin matapos niyang mahustong asarin ako kanina dahil talo ako.

"Edi manghihingi ulit. Hingi ko lang naman lahat 'yon," pagbibida ko sa kanya.

Dahil sa sagot ko ay kaagad na nawala ang kaonting awa na ipinakita niya kanina.

Dahil sa hirap ng buhay ay namamasukan din ako kahit nag-aaral. Nagtitinda ng gulay si Nanay sa palengke, hindi sapat para sa mga gastusin sa pag-aaral ko ang kinikita niya lalo na't marami kaming binabayaran na utang.

"Jusko naman, Junie! E, regular customer ko yung kinalbo mo," reklamo ni Mang Dan sa akin.

Napakamot na lang ako sa aking ulo, mukhang mawawalan nanaman ako ng trabaho.

"E, ang sabi po kasi..." magdadahilan pa sana ako pero napa-iling na lang ito.

Dahil sa kapalpakan ko sa barber shop ni Mang Dan ay naghanap ulit ako ng pwedeng pasukan.

"Sa Tito Darren ko sa may rice mill," sabi ni Alice sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot at sandaling napa-isip habang sumisipsip sa softdrinks na siya pa ang nanlibre para sa akin.

Naging close kami ni Alice kahit palagi kaming nag-aasaran nung minsang may mang-asar sa kanya. Sa sobrang feelingero ko na si Batman ako ay hinarap ko ang mga umaaway sa kanya na di hamak na mas malaki at mas madam isa akin. Umuwi ako ng bugbog sarado ng araw na 'yon, pero ang mahalaga ay natulungan ko ang kaibigan ko.

Namasukan ako bilang kargador sa Rice mill factory ni Mang Darren. Mabait siya sa akin kaya naman halos naging maluwag ang schedule ko sa kanya lalo na't alam niyang nag-aaral pa ako.

"Sa mga San Miguel. May handaan sa kanila sa susunod na linggo," sabi niya sa amin tukoy sa paged-deliveran namin.

Sumampa ako sa likod ng truck kung nasaan ang mga sako ng bigas. Mas gusto ko doon dahil mas presko.

Matapos ang byahe ay nakarating kami sa Mansion ng mga San Miguel, isa sila sa mga mayamang pamilya dito sa Bulacan. Mayroon silang pagawaan ng mga alak.

"Namimigay sila ng beer minsan," rinig kong pag-uusap ng mga kasama ko.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at kaagad na tumalon pababa sa truck para mag-simula ng magbuhat ng mga sako papasok sa may likod bahay.

Dahil hindi pa naman ganoon ka-batak ang katawan ko ay pa-isa-isang sako muna ang nabubuhat ko.

Sa pangalawang balik ko papasok sa may dirty kitchen ay saktong dating din ng dalawang babae.

"Masyado kang mabait, Ericka...kaya inaabuso ka niyang mga kaibigan mo kuno," rinig kong sabi ng isa sa kanila.

Napatingin ako sa kausap nitong babae na tinawag niyang Ericka. Itim at mahaba ang kanyang buhok, matangos ang ilong, maputi, at sobrang ganda. Hindi ko na nga halos namalayan na nagtagal ang tingin ko sa kanya.

"Excuse me. What are you doing here?" tanong nung kausap niya.

Kaagad akong napapunas ng pawis sa aking noo gamit ang likod ng aking palad.

"Nagbababa lang po ng sako ng bigas," sagot ko sa kanya pero ang mga tingin ko ay nasa kay Ericka.

"Oh, tapos na ah? Lumabas ka na, baka mamaya ay may mawala pa dito."

Dahil sa sinabi niyang 'yon ay kaagad akong na-alarma.

"Audrey," suway ni Ericka sa kanya.

Hindi siya nakinig at nagtakip pa ng ilong niyang gamit ang palad.

"Ang baho, amoy araw," reklamo niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit. Isang beses akong sumulyap kay Ericka bago ako napayuko at nag-paalam na lalabas na.

"Teka..." tawag niya pa sana sa akin pero tuloy tuloy na ang paglabas ko.

Akala mo kung sino, Pare-pareho talaga silang mga mayayaman.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro