Chapter 25
Kusa
Nanatili akong nakatulala sa may lamesa. Rinig na rinig ko ang pagtawa nila, maging ang mga masasakit na salitang ibinabato nila. Hindi naman ako binugbog pero mas grabe pa don ang nararamdaman ng buong pagkatao ko. Mas ayos na nga sana kung sinaktan na lang nila ako sa pisikal. Matapos kasi ang ilang araw o linggo ay mawawala din 'yon.
Pero yung salita, tumatagos 'yon hanggang sa ikaibuturan ko. Hanggang sa papasok na 'yon sa ulo ko, hanggang sa 'yon na lamang ang ma-iisip ko. Kahit anong pilit kong labanan ay hindi malabong mamuhay ako dala-dala ang mga salitang 'yon.
"Bakit ba ang taas mangarap ng mga hampaslupang 'to?" rinig kong sabi pa ng isa sa mga nakatatandang babae. Mukhang isa sa mga tiyahin ni Ericka.
"Akala ata ay nasa pelikula sila," mapanuyang sabi pa ng isa.
"He looks gwapo though. Pero madumi..." nandidiring sabi ng isa sa mga pinsan niya.
Nag-angat ako ng tingin sa pinsan niyang 'yon. Ayoko sanang manlaiit pero hindi naman siya kagandahan.
"Alisin niyo na 'yan sa harapan namin. Nawawalan kami ng gana," sabi ni Madam Estel sa mga guard na lumapit sa kanilang table.
Ubos na ubos ang lakas ko. Ni hindi ko na din maramdaman ang buong katawan ko. Kaya naman nakita ko na lamang ang sarili kong sinasabayan ang lakad ng mga guard na may hawak sa akin palabas ng function room na 'yon.
Hindi ko na ininda pa ang tingin ng ibang mga kumakain sa mamahaling restaurant na 'yon. Para kasi akong may ginawang masama sa paraan ng pagkakahawak ng mga guard sa akin.
"Diyan ka! Wag ka ng babalik dito," asik nila sa akin.
Kung hindi ko lang nadala ng maayos ang sarili ko ay siguradong magkakahalikan kami ng kalsada.
Sobrang bigat sa pakiramdam. Maluwag sa dibdib na makaalis sa lugar na 'yon pero yung bawat lakad na nagawa ko ay ramdam kung gaano kabigat ang loob ko ngayon.
Gusto kong gumanti sa kanila. Para bang mas gusto ko na lang makipagsuntukan sa kanila. Magkapisikalan na lang kami. Dahil alam ko naman sa sarili kong kung sa mga napatunayan lang ang labanan ay walang wala ako sa pamilya nila.
"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinihintay ni Nanay," salubong sa akin ng aking asawa.
Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kaagad siyang yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi. Tipid ako ngumiti, pilit kong itinatago ang sama ng loob na dala dala ko dahil sa nangyari kanina.
Sa sobrang pag-aalala niya ay nakalimutan na niyang may ipinabili sila sa akin ni Nanay.
"Siguradong pagod ka sa trabaho...nagluto kami ni Nanay ng paborito mo," pagbibida niya sa akin.
Tahimik kong pinanood ang mga ginagawa ni Ericka. May kadiliman ang ilaw na gamit namin sa kusina dahil na din siguro sa tagal nito. Pero ang maputi niyang kutis ay nangingibabaw. Para bang palagig may nakatapat na ring light sa kanya sa puti at kinis ng kanyang balat.
Nangingibabaw ang itsura niya sa background, yung maliit at gawa sa kahoy na bahay namin. Kahit sino mapapatanong, bakit pinili niyang tumira dito kesa sa mansyon nilang bahay?
Kahit sino hindi makapaniwala.
"Uy! bakit ka ba tulala? May dumi ba ako sa mukha?" natatawang pagkuha niya sa aking pansin.
Mukhang naramdaman na niya ang kanina ko pang pagtitig sa kanya.
Hinawakan ko pa ang kamay niyang abala sa paglalagay ng pagkain sa aking plato. Sandali siyang napahinto dahil sa aking ginawa. Mukhang kanina pa nagtataka sa aking ikinikilos.
Marahan akong umiling. Ma-ingat kong ibinaba ang kamay nila para magawa niya ng maayos ang kailangan niyang gawin.
"Masaya lang ako kasi nandito ka," sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Syempre. Nandito ang asawa ko kaya nandito ako," sagot niya sa akin.
Ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi dahil sa sinabi niya. Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng dibdib ko.
Ang gusto ko lang ngayon ay mapatunayan sa pamilya ni Ericka na kahit hindi ako kasing yaman nila ay kaya kong buhayin siya at ang mga magiging anak namin. Magsusumikap ako para pagdating ng araw ay maipapakita ko sa kanilang lahat na kinaya namin.
Sinimulan ko 'yon sa pagta-trabaho ng maayos.
"Isa pang trabaho?" tanong ni Boss Eroz sa akin.
Maging ang nananahimik na si Julio ay napatingin sa aming gawi. Nasa loob kami ngayon ng opisina nito.
"Kailangan ko kasing mag-ipon..."
Nagtaas ng kilay si Boss Eroz. "Para saan?" tanong niya.
Chismoso din talaga ang mga ito. Pati pala ang sakit ng chismis ay hindi exempted ang mga mayayaman.
"Anong pag-iipunan mo ba?" segunda pa ni Julio.
Napakamot ako sa aking ulo pababa sa batok.
"Eh, basta..."
Hindi sila tumigil na dalawa hanggang sa masagot ko na ang kanina pa nilang tanong.
"Bahay?"
Tumango na lamang ako. Wala ka talagang matatagong sikreto sa dalawang 'to.
"Anong klaseng bahay ba?" tanong ni Boss Eroz.
Mukhang alam ko na ang iniisip niya. Sa dami ng bahay at ari-arian ng mga Herrer sa buong panig ng Pilipinas ay mukhang alam ko na ang ideyang pumapasok sa isipan niya.
"Yung kubo namin, ipapa-renovate ko sana," sagot ko sa kanila.
Marahan siyang tumango.
"Eh, mas matanda pa 'yon sa 'yo ah..." sabi ni Julio.
"Kaya nga. You should preserve it," dugtong pa ni Boss Eroz.
'Yon din naman sana ang gusto ko. Doon na ako lumaki. Iyon ang unang bahay nina Nanay at Tatay simula noong ikinasal sila.
"Pero syempre bubuo na kami ni Ericka ng sarili naming pamilya. Lalaki na ang pamilya namin kaya kailangan ng ipa-renovate yung kubo," pagdadahilan ko sa kanila.
Hindi na nila ako kinontra pa sa parteng 'yon. Kaagad silang nag suggest ng mga trabahong pwede ko pang gawin para sa dagdag na kita.
"Pag nagawa na ang isa pang factory sa Malolos ay ipo-promote naman kita," sabi pa ni Boss Eroz sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
"Talaga ba?" masayang sambit ko.
Tumango ito habang abala sa paglilipat ng mga documento na nasa kanyang harapan.
"You deserve it. Isa ka sa mga matatagal ng nandito sa factory..." Sabi niya sa akin.
Kahit halos magkasing sabay lang naman kaming nagsimula dito. Ang una ko kasi talagang naging Boss ay ang Tito niyang si Tito Darren. Napagkamalan ko pa nga siya nung una na katrabaho ko lang. Hindi kasi halata sa suot niya nung mga panahon na 'yon na siya ang anak ng may-ari.
Maging si Julio ay may sinabi din sa aking negosyo na gusto niyang pasukin. Isasama niya daw ako para may dagdag kita.
Sa sobrang gusto kong may mapatunayan sa pamilya ni Ericka ay inaamin kong naging abala na ako ng mga sumunod na araw. Para bang ang buong focus ko ay nandoon na. Ang may mapatunayan, ang magtrabaho, ang kumita ng pera.
"Junie..." tawag sa akin ng aking asawa ng marahan kong pinag-isa ang sa aming dalawa.
Masasabi kong mahaba at grabe din ang sex tolerance niya. Paano ba naman kasi ay ako na lang minsan ang susuko sa pagod. Sa tuwing matatapos kasi ang pagsisiping namin ay siya palagi yung nasa taas.
Ramdam ko ang mga binti niyang nakapulupot sa aking bewang. Dahil sa kanyang pagkakapwesto ay malaya akong nakakapaglabas masok sa kanya. Dahan dahan ang bawat galaw ko para mas ramdam niya ang laki at kabuuan ko.
Halos hindi niya ma-isara ang kanyang bibig dahil sa ginagawa kong paggalaw. Hindi pa din nagbabago ang pakiramdam, sa tuwing ginagawa kasi namin 'yon ay parang palaging una naming dalawa. Pareho kaming sabik, gigil, at halos ayaw ng tumigil pa.
Sandali akong umayos ng pagkakadagan sa kanya, ang aking kanang braso ay inilagay ko sa ilalim ng kanyang ulo para maging unan niya. Ikinulong ko sa sa aking bisig bago ko binilisan ang aking bawat paggalaw. Mabilis, madiin, at medyo marahas.
Mas lalong umiinit ang buong paligid lalo na't rinig na rinig ko ang bawat hinaing ng aking asawa dahil sa sarap. Ang kanyang malambot na labi ay halos tumama sa aking tenga sa tuwing nagkakadikit ang mga katawan naming dalawa.
Bukod sa tunog mula sa langitngit ng aming higaan ay rinig din ang tunog ng mga balat naming nagtatama.
Pigil man kahit papaano ang mga ungol namin dahil nasa kabilang kwarto lang si Nanay ay ramdam na ramdam pa din namin ang pagkasabik ng isa't isa.
Halos masubukan na namin ang lahat ng posisyon, ang lahat ng yon ay sa kay Ericka ko natutunan. Hindi ko alam na may ganoon palang mga pangalan sa mga posisyon na 'yon pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay yung Dog style kung tawagin nila.
Halos gabi gabi namin kung gawin 'yon. Sa bawat pagkakataon ay sinisigurado kong matatanggap ni Ericka ang bawat butil ng puting likidong lumalabas mula sa akin. Wala namang magiging problema dahil kung magbunga man ito ay handa naman kaming dalawa.
"Hindi kahit sa linggo?" taong niya sa akin.
Kapwa namin habol ang aming hininga. Naka-unan siya sa aking braso, tanging puting kumot ang nagtatakip sa hubad naming katawan na dalawa.
Nakatingin ako sa may kisame, trabaho at pagkakakitaan kaagad ang nasa isip ko matapos 'yon.
"May lalakarin aming trabaho ni Julio," sagot ko sa kanya.
"Pero ilang linggo ng nagsasabi si Nanay na magsimba tayong tatlo...kaming dalawa lang palagi," sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Marahan kong inalis ang braso ko sa pagkakaunan niya. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naman tatayo ako para kumuha ng inumin sa kusina.
"Junie..." tawag niya sa akin.
Hindi pa ako tuluyang nakakabangon, naka-upo pa lang ako sa gilid ng kama ay hinahanap ang boxer shorts ko.
"Sa susunod na linggo..." sagot ko sa kanya.
"Yan din ang sinabi mo kay Nanay nung nakaraan," sabi niya sa akin.
"Kailangan kong magtrabaho."
"May trabaho ka naman tuwing weekdays ah. Bakit ba..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng kaagad na akong tumayo.
"Wag kang makulit. Ginagawa ko 'to para sa atin...hindi ka sanay sa hirap kaya magtratrabaho ako para yumaman tayo," sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
"Sa-saan nanggagaling nanaman 'yan? Sinabi ko sayong hindi naman importante ang..."
Hindi ko nanaman siya pinatapos. Baka sa huli ay masabi ko pa sa kanya ang ginawa ng pamilya niya sa akin kaya naman minabuti kong tapusin na ang usapan na 'yon.
"May mga bagay na hindi ka alam. At mas mabuting wag mo na lang ding alamin," sabi ko sa kanya.
"Sabihin mo. Mag-asawa tayo..." giit niya.
Pero hindi ko na pinansin pa. Hindi na 'yon para malaman ni Ericka. Hindi na 'yon para sitahin pa niya ang pamilya niya, lalabas niyan ay sumbungero ako.
Hanggang sa dumating ang araw ng linggo. Kahit pa alam kong may tampo siya sa akin dahil sa naging sagutan na 'yon ay hindi siya tumigil na kulitin ako.
"Baka naman maka-uwi ka ng maaga. Hihintayin ka namin," sabi pa niya.
"Pwede ba...bakit ba ang kulit mo?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang inis.
Sandali siyang natahimik, nagulat dahil sa biglaan kong pagsusungit.
"Ano bang nangyayari sayo?"
"Palibhasa ay lumaki kang madali mong nakukuha ang lahat ng bagay kaya akala mo yung buhay ganon ganon lang. Hindi tayo aangat sa buhay kung uupo lang ako dito sa loob ng kubo natin," pag-uumpis ako.
'Yan nanaman at hindi ko nanaman napigilan ang matabil kong dila.
"Ikaw kasi kahit naka-upo ka buong araw makukuha mo pa din lahat ng gusto mo..."
Nakita ko kung paano namula ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang pag-iyak.
"Bakit naging kasalanan ko nanaman? Bakit naging kasalanan ko nanaman na ipinanganak akong mayaman? Hindi pa ba sapat na sinusubukan kong pasukin yung mundong 'to, Junie?" tanong niya sa akin.
Napangisi ako. "Anong tingin mo sa pagiging mahirap? Culture na kailangan mong aralin?"
"Ano bang nanagyayari sa'yo?" tanong niya.
Halatang naguguluhan na talaga siya. Kung tingnan niya ako ay para bang kung sino akong hindi na niya kilala.
"Aalis na ako," paalam ko sa kanya bago pa ako manghina pagnakita kong umiyak nanaman siya dahil sa akin.
Hindi ko na alam kung ano ba talagang kumain sa isip ko netong mga nakaraan. Siguro ay galit, gusto ko ng mabilisang resulta kaya naman sinasagad ko ang lahat. Gusto ko kaagad na may ipamukha sa pamilya ni Ericka kaya naman nagkakaganito ako.
"Nasa honeymoon phase pa kayo ah..." sita sa akin ni Julio.
Maging siya ay napapansin na ang pagiging abala ko. Hindi ko daw dapat iniiwan ng matagal ang asawa ko dahil nasa honeymoon phase pa nga. Dapat daw ay nag-eenjoy lang muna.
"May mga ibang araw pa naman," sagot ko kay Julio.
Naging abala kami ng araw na 'yon. Ni ang tingnan ang phone ko ay hindi ko na nagawa. Masyado akong focus.
Hanggang sa tumunog ang phone ni Julio dahil sa tawag ni Boss Eroz.
"Oo, nandito..." sagot niya dito habang nakatingin sa akin.
"Hindi mo daw ba dala ang cellphone mo?" tanong niya sa akin.
Kaagad kong kinapa 'yon sa bulsa ko.
"Dala, bakit?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Kinuha ko 'yon at doon ko nakita ang ilang messages at missed call mula kina Nanay at Ericka.
"Nasa mga San Miguel ang asawa mo," sabi niya sa akin.
Parang naubos ang dugo ko sa buong katawan ko dahil sa narinig.
"Kinuha siya..." sambit ko.
"Hindi," sabi ni Julio sa akin.
Hindi ako nakasagot, naguguluhan ako.
"Kusa siyang sumama..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro