Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Junie's POV

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa bawat paggalaw na ako din ang gumagawa. Sobrang init ng katawan ni Ericka na maging ang katawan ko'y halos hindi ko na din maramdaman. Naglalaban ang init ng katawan naming dalawa na naging dahilan para mas lalo akong manabik sa kanya.

Siya ang una ko, ito ang unang beses na ibinigay ng buo ang sarili ko, nakakatawa man na pakinggan ay hindi lang naman para sa babae ang pag-iingat ng sarili. Naniniwala din ako sa ganoon bilang isang lalaki.

Maloko man ako nung kabataan ko ay tumatak sa isip ko na sa isang babae ko lang gagawin ang bagay na ito. Isang babae lang ang gusto kong makasama sa paggawa nito, 'yon ay ang magiging asawa ko...at si Ericka 'yon.

"Junie..." tawag niya sa akin.

Humigpit ang yakap niya sa akin, ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa aking likuran. Itinukod ko ang magkabilang braso ko sa kanyang gilid. Umusog ako lalo palapit sa kanya dahilan para mas lalong tumaas ang naka-parte na niyang hita.

"Ahhh..." mahinang sambit niya.

Ramdam kong basang basa na siya doon. Kaya naman mas lalong naging swabe ang bawat paglabas masok ko. Kung kanina ay ginawa ko 'yon ng marahas, ngayon naman ay dahan dahan ang naging pag-ulos ko.

Halos mabaliw siya, kita ko 'yon sa kanyang mukha. Ganoon din naman ako, halos pumikit na nga lang ako at damhin ang kakaibang pakiramdam ng ganito.

"Ericka...bibilisan ko?" marahan at mapang-akit na tanong ko sa kanya.

Kung kagaya ng kanina ang gusto niya ay handa naman akong gawin 'yon. Ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ko siya mababaliw, sa kung paano ko siya ma-satisfy. Sa aming dalawa ay siya ang may karanasan, gusto kong makalimutan niya ang lahat ng 'yon at ang sa amin na lang ang maalala.

Ang kaninang kamay niya sa aking likuran ay dahan dahang umakyat papunta sa aking leeg. Halos magsitayuan ang balahibo sa aking batok nang maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos doon, nang-aakit. Mas lalo akong nag-iinit.

Kagaya ko ay napakagat labi din siya, hindi na siya pumikit pa at diretsong tumingin sa akin habang pareho naming dinadama ang marahang paglabas masok ko sa kanya.

"Gusto ko 'to...mas gusto ko 'to," marahan na sabi niya sa akin, halos mapaos na ang boses niya.

Hindi pa siya nakuntento, siya pa mismo ang umayos ng pagkakabukaka niya dahilan para mas lalong magparte ang kanyang mga hita. Mas lalo kong naramdaman ang basa sa kanyang gitna dahil sa aking pagkakapwesto, tamang tama ako doon. Para bang yung pagkakaparte na 'yon ay para sa akin talaga.

"Ang sarap..." marahan na sabi niya. Sandali siyang bumangon para halikan ang aking dibdib.

"Ericka..." daing ko.

Gusto ko sana matawa dahil sa kiliting naramdaman ng umabot ang halik niya sa isa sa mga nipple ko. Nakiliti ako doon pero pinigilan ko na lamang para hindi masira ang mood.

Narinig ko ang mahina niyang pag ngisi. Mukhang alam niyang nakiliti ako dahil sa kanyang ginawa at mukhang pag-iigihan pa niya.

Bilang parusa sa kanya ay dahan dahan kong inilabas ang sa akin, sinigurado kong dama niya ang pagkawala ko sa loob niya, pero hindi ko 'yon inilabas ng buo dahil kaagad ko siyang binigla dahilan para magulat siya at mapabalik sa pagkakahiga.

"Ugh!"

Ganoon ang ginawa ko hanggang sa umayos ako ng pagkakadagan sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, ikinulong ng mabuti sa aking bisig bago ako muling naglabas masok sa kanya, mabilis, marahas, at mas madiin.

Sabay naming naabot ang rurok. Pero siguro nga ay masyado pa akong baguhan para dito. Dahil habang habol ko pa ang aking hininga ay walang kahirap hirap na napagpalit ni Ericka ang aming pwesto na dalawa.

Siya naman ngayon ang nasa aking ibabaw. Mas lalo kong nakita ang ganda ng kanyang katawan, pantay na pantay ang kulay, sobrang kinis. Hindi ko kailanman na-isip na ang isang kagaya niya ay magkaagusto sa isang katulad ko.

Parang suntok sa buwan ang lahat ng 'to. Parang panaginip.

Siya ang gumalaw sa aking ibabaw. Dahil sa galaw na ginagawa niya ay kaagad kong ikinulong gamit ang aking mga palad ang kanyang malulusog na dibdib na sumasabay sa bawat pagtaas baba niya.

Doon na ako halos mawala sa aking sarili, kakaiba siya gumalaw. Halos mabaliw ako, kung makikita ko nga lang siguro ang mukha ko ngayon ay baka masampal ko pa ang aking sarili.

Mas ma-ingay ako kesa sa kanya, pero doon lamang 'yon sa ganoong position. Si Ericka kasi ang gumagalaw, parang sasabog ang ulo ko...pero ibang ulo ang paulit-ulit na sumabog.

Matapos ang hindi ko na mabilang na position at round kung tawagin nila ay kapwa kami walang imik habang magkayakap na nakahiga sa kama. Hindi pa kami tulog, pareho lamang nakapikit habang patuloy pa ding dinadama ang init ng isa't isa. 

"Parang ito yung una ko..." sabi ni Ericka, out of nowhere.

Napadilat ako, nilingon ko siya at doon ko nakita na mukhang kanina pa din siya nakadilat, mukhang malalim din ang iniisip.

Humigpit ang yakap ko sa kanya, mas lalo ko siyang inilapit papunta sa akin. Hindi mahalaga sa akin kung sino ang una, hindi na 'yon mahalaga. Ang importante ay yung ngayon, kung anong meron sa amin ni Ericka.

Ngayon at yung future na bubuonin naming dalawa.

Ang tunay na pagmamahal hindi tumitingin sa nakaraan ng isang tao. Mamahalin mo siya sa panahon at sa kung ano siya nung nakilala mo siya. Mamahalin mo siya sa kung anong meron kayo ngayon at sa kinabukasan na haharapin niyong dalawa.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Kagaya ko ay humigpit din ang yakap niya sa akin.

"Iba yung feeling...ibang iba. Ngayon ko lang naramdaman," sabi niya sa akin.

Hindi ako naka-imik. Hindi ko din alam ang sasabihin. Wala naman akong ideya sa kung paano 'yon.

"Siguro dahil iba talaga pag ginawa mo 'yon na puno ng pagmamahal..." dugtong pa niya.

Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa mga naging karelasyon niya dati. Pero sa tingin ko ay hindi na 'yon para pa pag-usapan namin. Hindi na 'yon kailangan para sa relasyon namin ngayon.

Tapos na ang parteng 'yon para magkaroon pa ng epekto sa kung ano ang ngayon.

Imbes na magsalita pa ay mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ulo. Mahal na mahal ko si Ericka, at sinisigurado kong hindi lamang 'yon sa salita kundi sa gawa.

Halos tanghali na kami nakalabas ng kwarto. Maka-ilang beses 'yong naulit. Kaya naman natawa na lamang kami ng maisip na baka kanina pa naghihintay si Nanay sa amin sa labas.

"Gutom na ako..." natatawang sabi ko sa kanya.

Maging siya ay ganoon din. Ni wala pa kaming almusal. Pag-inom ng tubig at pag-ihi lang ang pahinga.

Naging masaya ang bakasyon namin ng ilang araw sa resort na 'yon. Ibang iba nga talaga ang buhay may asawa. Sobrang saya. Hindi niyo na kailangan pang habulin yung oras na kailangan mo pa siyang ihatid pauwi sa kanila.

"Babalik ako sa pagt-trabaho sa factory...kakausapin ko si Eroz," sabi niya sa akin.

Napag-usapan na namin 'yon. Hindi ko siya pipigilan kung gusto niya pa din magtrabaho, at wala namang kaso dahil pareho naman ang pagt-trabahuhan namin. Mas maganda ngayon.

"Hindi mawala sa isip ko..." kwento ko kina Boss Eroz at Julio.

Para kasing may mali. Hindi maganda ang kutob ko sa pananahimik ng kanyang pamilya. Para bang imbes na matuwa akong hindi sila nanggugulo ay mas kinakabahan pa ako.

Maging sina Boss Eroz ay ganoon din ang na-isip. Kaya naman ang bilin nila sa akin ay wag magpakampante.

"Hindi pa natin kilala ang pamilya nila. Hindi pa natin alam kung ano ang mga kaya nilang gawin...hindi din sila basta-basta," sabi pa niya.

Ang mga salitang 'yon ay muling nagpaalala sa akin na hindi din magiging madali ang lahat. Hindi basta-basta ang pamilyang kailangan kong harapin.

Marami silang koneksyon, makapangyaraihan, ang tanging panangga ko lamang ay pagmamahal ko sa aking asawa. Na kahit anong mangyari ay panghahawakan ko.

Kahit saan man ito makarating.

"Pwedeng pwede..." sabi ni Boss Eroz sa akin ng sabihin ko sa kanya na gusto ulit ni Ericka na pumasok sa factory bilang cook.

Nasa siya ngayon kasama si Nanay. Imbes na kuhanin ang pagkakataong magbakasyon pa muna kagaya ng suwestyon ni Boss Eroz at Julio ay pumasok na din kaagad ako sa trabaho.

Kailangan kong magtrabaho, mas lalo akong nagkaroon ng motivation na magtrabaho ng maayos dahil sa kanya. Ang isip ko ngayon ay sa pagbuo na ng pamilya kasama siya.

Nakatanggap ako ng mensahe sa aking asawa na nagluto daw sila ni Nanay ng mga paborito kong ulam. Kaya naman matapos ang trabaho sa factory ay nagpasya akong umuwi na kaagad.

"Sige, may madadaanan naman akng botika," sabi ko kay Ericka.

Tumawag ito sa akin para itanong kung nasaan na ako. At para din sabihing bilhan ko si Nanay ng gamot sa may botika dahil wala na itong iinumin para ngayong gabi.

Dahil ayokong sumakay pero gusto kong maka-uwi kaagad ay sa may shortcut ako dumaan. Matataas na ang mga talahib sa daang 'yon. Gagawin din sanang sementado ang daan pero kalahati pa lang ang nagagawa kaya naman kaunti pa lang din ang dumadaan.

Tinahak ko ang daang 'yon papunta sa may bayan. Hindi naman ako nabigo dahil mabilis akong nakarating doon.

Madaming tao dahil ang iba ay ngayon pa lang bibili para sa kanilang hapunan. Matapos kong bumili ng gamot para kay Nanay ay bumili na din ako ng prutas para sa kanilang dalawa.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng muli kong tinahak ang shortcut. Malamig na din ang simoy ng hangin dahil pagabi na.

 Mabilis na ang ginawa kong paglakad, naririnig ko pa ang pagtunog ng plastick ng prutas na dala ko dahil sa malalaking hakbang na ginagawa ko. Nakita ko ang pagdating ng isang itim na van, maliwanag pa pero bukas na ang headlights niya. Hindi ko 'yon pinansin hanggang sa magulat ako ng huminto siya sa aking harapan.

Hindi ako nakagalaw sa gulat ng may lumabas doon na hindi bababa sa anim na lalaki. Bago pa man ako makagalaw at makapag-isip ng pwedeng gawin ay tinutukan na kaagad nila ako ng baril. Wala akong ibang nagawa kundi ang itaas ang magkabilang kamay ko.

Lumapit ang isa sa akin, kinuha ang plastick na dala ko at itinapon 'yon sa may damuhan. Sumunod ang tingin ko do'n. Nagkalat sa daan ang prutas at mga gamot ni Nanay.

 "Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa kanila.

Kahit parang may ideya na ako. Kahit alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.

Hindi na nagsalita ang ni isa sa kanila. Kaagad nila akong inambahan ng suntok dahilan kung bakit malaya nilang akong nadala papasok sa itim na van na 'yon.

"Saan niyo ako dadalhin!?" sigaw ko.

Pinilit kong magpumiglas pero masyado silang madami. Tinakpan nila ng sako ang aking ulo, naka tali din ang magkabilang kamay ko sa likod. Bumbyahe ang sasakyan sa di kalayuan. Hanggang sa huminto ito at ibinaba nila ako.

Pagkatanggal ng sako sa aking ulo ay hindi inaasahan ang bumungad sa akin. Ang inaasahan ko ay sa isang nakakatakot na lugar, liblib, walang tao, sa lugar kung saan tahimik, walang nakakaalam. Na kung papatayin nila ako ay malaya nilang magagawa.

Pero ang bumungad sa akin ngayon ay isang hapagkainan. Halos nandoon na ang masarap at mamahaling pagkain. Para bang nirent nila ang buong lugar para lang sa amin.

Nakatingin silang lahat sa akin, walang wala ang suot kong tshirt at shorts sa ayos ng mga tao sa harapan ko ngayon.

Ngumisi si Madam Estell. Ngisi na may kasamang pandidiri bago niya nilingon ang kanyang asawa, nagkaroon ng bulungan ang iba pang bisita. Ano bang kailangan nila sa akin?

"Why don't you welcome your son in law..." mapanuyang sabi niya sa asawa.

Parang mas grabe pa 'to kesa ipabugbog nila ako. Sobrang liit ng pakiramdam ko. Alam ko na kaagad ang gusto nilang mangyari...ang apakan ang buong pagkatao ko.

"Shut up, Estel. Wala akong..." hindi natuloy ng matandang lalaki ang gustong sabihin.

Isa lang ang nararamdaman nilang lahat para sa akin ngayon. Para bang diring diri silang lahat sa presencya ko.

"Ano bang nangyayari sa anak mo...ang dami daming lalaki," dismayadong sabi ni Madam Estel bago siya sumimsim sa kanyang wine.

Natawa ang ibang tao sa malaking hapagkainan.

"Magkano ang kailangan mo para ibalik mo sa amin ang anak ko?" tanong ng kanyang ama sa akin.

"Hindi ko po kailangan ng pera. Mahal ko po ang aking asawa," matapang na sabi ko sa kanila.

Natawa sila, naghari ang tawanan sa buong lamesa na para bang joke ang sinabi ko. Ginawa nila akong kakatawanan doon.

"Ericka must be sick..." rinig kong sabi pa ng iba.

"Grabe na magrebelde ang anak mo. At talagang nagpakasal pa sa hampas lupang 'to?"

Nilunok ko ang lahat ng masasakit at pangmamaliit nila sa akin. Kahit sobrang hirap ay tinanggap ko.

"Magsasawa din si Ericka diyan. Parang hindi ka na nasanay..." sabi ng kanyang ama.

Hindi ko maintindihan.

Tumawa si Madam Estell, para bang may naalala.

"Sabagay..." sabi niya bago ako tingnan mula ulo hanggang paa.

"Paglalaruan niya lang ang isang 'to. Pag pinagsawaan ay iiwan din."

Naikuyom ko ang aking kamao, hindi ko alam kung bakit ganon sila magsalita sa aking asawa. Para bang mas kilala ko pa ang anak nila kesa sa kanila na magulang nito.

"Hindi po ganyan ang pagkakakilala ko sa aking asawa. Wag niyo po sanang sirain ang imahe niya sa akin...hindi po ako maniniwala," matapang at diretsahang sabi ko.

Imbes na matakot ay mas nagtawanan pa silang lahat. Para akong daga sa harapan ng naglalakihang pusa na 'to. Na para bang kahit kaya na nila akong kainin at patayin ngayon ay paglalaruan muna nila ako hanggang sa unti-unti akong mamatay.

"Eh ang imahe mo sa anak namin?" tanong ni Madam Estel sa akin.

Hindi ako naka-imik.

"Sisirain ka namin...hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Masyadong mataas ang lipad mong kutong lupa ka..."

"Hindi sapat ang pagpatay at pananakit sayo. Ang dapat sa'yo...tanggalan ng pakpak...masyado kang mataas mangarap wala ka namang kwenta," patuloy na sabi ni Madam Estel sa akin.

"Tita...that's so rude," nakangising sabi ng isa sa mga pinsan niya, namumukhaan ko 'yon.

"And true..." dugtong niya bago sila napahalakhak lahat.

"Tawagin ang guard. Bakit may pulubing pakalat-kalat dito?" sabi nila habang nakatingin sa akin.

Gustuhin ko mang kusang umalis doon ay para bang nawala ang lahat ng lakas na meron ako sa katawan. Ubos na ubos.

Apak na apak ang buong pagkatao ko.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro