Chapter 23
E.M.S.M
"Ericka..." tawag pa sa akin ng aking asawa. Hindi ko na siya pinansin pa. Masyado na akong nasaktan sa mga sinabi niya.
Niyakap ko ang aking sarili habang palabas ako ng aming Villa. This isn't me. Honeymoon namin pero he almost ruined it.
At some point, I do understand him. Hindi kami pareho ng culture na kinalakihan. Halos buong buhay ko nasa ibang bansa ako, nito na lamang ako nalagi sa Pilipinas. Kahit ako ay nagugulat din...kung bakit ako nanatili sa lugar na 'to.
Ni ayoko ngang tumagal dito ng ilang buwan. Uuwi lang kami ng mga pinsan ko para magbakasyon, pagkatapos no'n ay babalik na ulit sa ibang bansa. Malayo sa pamilya, malayo sa expectations ng lahat.
"Good evening po..." bati sa akin ng ilang staff ng resort.
Kahit hindi maganda ang mood ko ay nagawa ko pa ding bumati sa kanila pabalik. I'm not someone na pagnagalit o wala sa mood ay dinadamay ang lahat.
Maybe because i've met alot of different people, maraming nakilala sa iba't ibang lugar na napuntahan ko.
Mas lalo akong napayakap sa aking sarili ng maramdam ko ang lamig dahil sa pag-ihip ng hangi. Naglakad ako papunta sa may pool, malayo pa lang ay narinig ko na ang tunog ng tubig dahil sa mga naliligo.
Isang pamilya ang nandoon, may dalawa ding maliit na bata kaya naman napangiti ako sa aking nakita. Para hindi maka-istorbo ay pumwesto ako sa sun lounger may kalayuan sa kanila.
"Do you need anything, Ma'am?" tanong ng isang staff na lumapit sa akin.
"Orange juice na lang," nakangiting sagot ko sa kanya.
May mini bar sa gitna ng isa pang pool. Umayos ako ng upo sa sun lounger at itinaas ang paa ko para maging kumportable.
Ilalapag ko na sana ang phone ko sa lamesa sa gilid ng mapansin ko ang ilang message mula sa aking mga pinsan.
Nagpakasal ka?
Are you out of your mind?
Tatanggalan ka ng mana, Marrianne!
Do even signed a prenup?
Ilan lang 'yon sa message ng mga pinsan ko. Hindi ko na nagawa pang buksan ang ilan sa mga message ng iba dahil alam ko namang puro pangungutya lang sa aking asawa ang mababasa ko do'n.
I super love him na pag may narinig o nabasa akong against him ay sobra akong nasasaktan.
"You can charge this under my name," sabi ko sa staff after niyang ibigay sa akin ang orange juice na in-order ko.
Bahagya siyang humilig sa akin indication na hinihingi niya ang aking pangalan.
"Ericka San..." sandali akong napahinto ng may ma-realize.
Muli akong tumingin sa staff at matamis na ngumiti.
"Ericka Villaverde."
Tumango ito at nagpasalamat bago ako iniwan doon. Sumimsim ako sa orange juice ko habang inililibot ang aking paningin sa lugar.
"Hindi man lang ako hinabol...hmp!" mahinang pagmamaktol ko.
I really want to make love with him. Hindi ko alam na ganoon pala ka-conservative si Junie.
It's been a year or two since my last experience. Naging rebelde ako sa pamilya kaya naman kung ano-ano na ang na-experience ko. Naging normal na lamang 'yon sa akin sa ibang bansa.
But it's not that lahat ng makilala ko ay ganoon. I had two boyfriends, umabot din naman ng taon ang mga 'yon kasi hindi naging impossible na may nangyaring ganon.
I didn't even remember kung nasabi ko 'yon kay Junie or kung alam ba niya? But based sa nangyari kanina ay mukhang may ideya na siya.
Does it really matter? Does my past really matter?
Junie is a man with principle, isa 'yon sa magagandang katangian niya na nagustuhan ko sa kanya. Alam ko na hindi kailanman niya ma-iisip na i-judge ako sa parteng 'yon ng buhay ko.
Nakuha ang atensyon ko ng grupo ng mga lalaking pumunta sa gilid ng pool. Alam ko na kaagad na ang mini bar sa gitna ng pool ang pakay nila. Hindi ko na sana papansinin pero nakita kong napako ang tingin ng isa sa kanila.
Hindi pa siya nakuntento at para bang itinuro pa niya ako sa mga kasama niya. Imbes na makipagtinginan sa kanila ay nag-iwas na lamang ako ng tingin.
Napagpasyahan ko lang na ubusin ang orange juice ko at babalik na ulit ako sa villa namin ni Junie. Siguro ay kailangan lang talaga naming pag-usapan 'to. Na baka pareho kaming hindi bukas sa usapan na 'yon, lalo na't magkaiba ang experience namin do'n.
Mag-aayos na sana ako para tumayo at umalis na doon ng makita ko ang paglapit ng lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin.
"Do you want any other drinks? It's on me..."
Marahan akong umiling. "No thanks, ayos na ako..." sagot ko.
Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kasama niya di kalayuan sa amin, mukhang inaasar pa siya ng mga ito. Nilingon ko ang lalaki, mukha naman siyang mabait, mukha ngang nahihiya pa.
Hindi nga niya ako magawang tingnan diretso sa aking mga mata. Napakamot pa siya sa kanyang batok, para bang hindi niya makuha ang susunod na salitang gusto niyang sabihin sa akin.
"By the way. I'm..."
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng kaagad na may sumagi sa kanya dahilan para mawala siya sa harapan ko.
"Kukunin ko lang asawa ko," seryosong sabi ni Junie.
Hinawakan niya ako sa may bandang siko para hilahin palayo sa lalaking 'yon. Hindi naman mahigpit ang kanyang pagkakahawak, hindi din niya ako hinihila. Sapat lang 'yon para makalayo kami don, ramdam ko pa din ang pag-iingat niya sa akin kahit kita na medyo badtrip siya.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na hilahin ako sa kung saan niya gusto. Gusto kong matawa dahil nakanguso siya, pero pinigilan ko lang dahil inaamin kong nakaramdam din ako ng kaba.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
Narinig ko kasing may binubulong siya habang naglalakad.
"Wala," nakasimangot na sagot niya sa akin.
Matapos niya akong sagutin ng ganon ay nagpatuloy pa din naman yung pagbulong niya. Hindi na ako ulit nagtanong pa ng makita kong pabalik na kami sa villa namin.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na hilahin ako sa kung saan niya gusto. Gusto kong matawa dahil nakanguso siya, pero pinigilan ko lang dahil inaamin kong nakaramdam din ako ng kaba.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
Narinig ko kasing may binubulong siya habang naglalakad.
"Wala," nakasimangot na sagot niya sa akin.
Matapos niya akong sagutin ng ganon ay nagpatuloy pa din naman yung pagbulong niya. Hindi na ako ulit nagtanong pa ng makita kong pabalik na kami sa villa namin.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa akin para buksan ang pinto.
"Pasok," sabi niya at nagawa pang pagbuksan ako at paunahin pumasok.
Sinunod ko na lang ang gusto niya para hindi na humaba pa ang usapan. Dumiretso ako sa dulo ng kama at umupo doon. Kita ko pa din ang pagkakabusangot ni Junie na akala mo parang batang inagawan ng candy.
"Sino 'yon?" tanong niya sa akin.
"Alin?"
Parang mas lalo siyang na-irita dahil sa tanong ko pabalik.
"Yung kausap mo..."
"Ewan ko. Magpapakilala nga sana kaso di ba...hinila mo ko," sagot ko sa kanya.
Kanina ay kaya ko pang kumalma. Ngayon ata ay hindi na. Lalo't naalala ko nanaman kung paano naudlot ang dapat sanang ginagawa na namin ngayon.
Tumayo siya sa aking harapan, sapat na ang agwat para hindi ako mahirapang tingalain siya.
"At makikipagkilala ka nga?"
Sandali ko siyang tinitigan.
"Hindi," maiksing sagot ko.
Tinatamad akong magpaliwanag, mas gusto ko na lang na mainis siya sa tipid ng mga sagot ko.
"Kanina pa ko nandoon, e..."
Pagkasabi niya no'n ay nag-iwas siya ng tingin. Nagulat ako, ang buong akala ko asi ay hindi man lang niya ako sinundan.
"O-order ng orange juice nakikipag ngi..." hindi ko na halos ma-intindihan ang mga sumunod na salita. Para bang kinakain niya 'yon.
"After uminom ng orange juice babalik na ko...nagpalamig lang ako," sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Kahit ako kasi ay nakaramdam ng kakaiba sa sinabi ko.
Tumikhim si Junie, nagpamewang siya sa harapan ko. Tumingala at tumingin sa kung saan habang habol ang kanyang hininga.
"Kung galit ka pa...sa iba ka na lang matulog," sabi ko pa.
Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Nagulat ito kaya naman nag-iwas na lang ulit ako ng tingin.
"Hindi ako galit," giit niya pero umirap ako.
"Galit ka."
"Hindi."
"Oo."
Napabuntong hininga siya, ganoon din ako. Napayuko na lamang ako, pinaglaruan ang aking mga daliri.
"Hindi ako kagaya mo, Junie. Hindi na ako inosente sa bagay na 'yon..." pag-amin ko.
Kailangan naming maging klaro, kailangan naming magkaintindihan.
Natahimik siya, nakita ko kung paano bumagsak ang balikat niya. Hindi ko alam kung para saan 'yon.
"Minsan na-isip ko din sana kagaya mo 'ko...sana nakapaghintay din ako," sabi ko.
Hindi lang ako nagsasalita pero 'yon din ang nasa isip ko. Na sana nga ganoon, na kasing inosente niya ako. Hindi tama pero pakiramdam ko tuloy ang unfair sa kanya na siya inosente pa at ako hindi na.
Pero hindi naman sa ganoon nasusukat ang halaga ng isang tao. Hindi 'yon ang basehan.
"Hindi naman sa..."
"Alam ko naman na iniisip mo 'yon," sabi ko.
"Hindi, Ericka..."
"Na-iintindihan ko naman," sabi ko pa.
Hindi na nakapagsalita pa si Junie. Inaamin konh nasaktan ako, umasa ako na hanggang sa dulo ay itatanggi niyang wala talagang kaso 'yon sa kanya. Pero hindi niya itinanggi.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa napansin ko ang dahan dahang paglapit ni Junie sa akin. Hindi na kagaya kanina na kita pa din na galit siya. Ngayon mas maamo na ang kanyang mukha mas kalmado na siya.
Nang makalapit sa akin ay lumuhod ito sa aking harapan.
Pilit niyang hinuli ang aking tingin kahit sinubukan kong iwasan 'yon. Nang hindi siya nakuntento ay hinawakan niya ang aking baba. Pinagtapat niya ang aming paningin.
"Hindi naman ganoon ang tingin ko sa 'yo..." malumanay na sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita. Hinayaan ko muna siya na magpaliwanag.
"Ayoko lang na maging ganoon, Ericka. Mahal kita...nirerespeto kita. Gusto kong tratuhin ka ng tama," paliwanag pa niya.
Naramdaman ko ang pamamanhid ng mukha ko pababa sa batok hanggang braso. Bumigat din ang dibdib ko, bigla akong nakaramdam ng guilt. Inaamin kong nag-isip ako ng masama laban kay Junie.
Na baka kagaya ng ibang makitid ang utak ay may nasabi din siya dahil sa mga naging karanasan ko.
"Tanggap kita...Mahal kita," pahabol pa niya sa akin.
Hindi ko na namalayan na tumulo na ang luha sa aking mga mata. Nakita ko kung gaano katotoo ang mga sinasabi ni Junie. Nakita ko 'yon sa mga mata niya. Sa kung paano niya ako tingnan.
"Wag ka na umiyak. Pasencya ka na sa akin kanina. Sorry..." marahang sabi niya sa akin habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.
Marahan akong tumango sa kanya. Patuloy pa din siya sa marahang pagpahid ng luha sa aking mga mata na para bang sinisigurado niya na wala ng tutulo pa doon.
Imbes na sagutin pa siya ng kung ano ay dahan dahan akong humilig para halikan siya sa kanyang labi. Marahan 'yon, hindi kagaya sa kung paano ko siya halikan dati.
Naramdaman ko ang sandaling pagkagulat ni Junie. Sa huli ay humalik na din siya pabalik sa akin. Sinabayan niya ang pagiging marahan ng halik ko sa kanya.
Hanggang sa tumayo siya, inakay ako pahiga sa kama habang hindi pinuputol ang halik naming dalawa. Sa klase ng halik niya ay para bang 'yon ang unang beses na nahalikan ako.
Ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin, sa bawat haplos at hawak niya ay para bang isa akong babasaging bagay na ayaw niyang mabasag o magasgasan man lang.
Para akong lumulutang sa ere, halos hindi ko na namalayan ang bilis ng mga pangyayari. Para bang bumagal ang paligid, pakiramdam ko tuloy ay ito ang unang beses na gagawin ko 'yon.
"Ready?" marahang tanong ni Junie sa akin.
Naka-pwesto na siya sa aking itaas. Naka-parte na din ang aking mga hita. Tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata, tipid akong ngumiti, sandali kong inabot ang tungki ng kanyang ilong para halikan 'yon.
Matapos kong tumango ay dahan dahan kong naramdaman ang pag-iisa naming dalawa.
Nakita ko sa mukha ni Junie ang pinaghalong hirap at sarap. Halos bumaon ang kuko ko sa kanyang likuran. Ngayon ko lang 'to naramdaman, para bang ito ang unang beses.
"Ericka..." tawag niya sa akin habang dahan dahan niya akong pinupuno.
Hindi din nagtagal ang pagiging mahinahon ni Junie dahil nagulat ako sa kung paano siya gumalaw ng maglaon. Hindi ko napigilan ang mga ungol sa bawat paglabas masok niya sa akin.
Hindi mapagkakailang maginoon si Junie, pero tunay ngang may itinatago din siya. Nakumpirma ko 'yon sa kung paano siya gumalaw sa aking ibabaw...gigil, marahas, madiin, at mabilis.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro