Chapter 22
Malalim
Natawa ako at napakamot sa aking bato dahil sa sinabi ni Ercika. Ngayon kung gagawin man namin ang bagay na 'yon ay pwedeng pwede na. Malaki kasi ang respeto ko sa kasal, na kahit ganoon ang nangyari sa mga magulang ko ay naniniwala pa din ako na sagrado ang bagay na 'yon.
Naghalo-halo na ang nararamdaman ko, excited ako na magbakasyon kasama sina Nanay at aking asawa. Hanggang ngayon din ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na talaga sa akin si Ericka. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.
Na kahit may kaba sa aking dibdib dahil sa walang karanasan ko doon ay hindi ko na lamang masyadong inintindi pa.
Siguradong unang beses ding gagawin 'yon ni Ericka. Kahit siya din siguro ay may tinatagong kaba ngayon. Tiningnan ko ang aking asawa na abala ngayon sa pag-aayos ng aming mga gamit.
Kanina pa hindi naaalis ang ngiti sa kanyang labi. Ramdam kong masaya din siya dahil sa kasal namin.
"Kinakabahan ka?" tanong ko. Ni hindi ko na napigilang itanong 'yon.
Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. Marahan siyang umiling.
"Bakit kakabahan?" nakangising tanong niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko dahil sa kanyang isinagot. Tama nga naman, bakit naman ako kakabahan?
Tipid akong napangiti at kunwaring sumangayon sa kanya. Bigla akong nagkaroon ng kung anong pakiramdam.
Bakit hindi siya kinakabahan?
Hanggang sa na realize ko na hindi nga pala namin 'yon napagk-kwentuhan ni Ericka. Ni hindi ko din alam kung naka-ilang boyfriend na siya, sigurado namang hindi ako ang una. Sa ganda ba naman ng aking asawa.
"Titingnan ko muna kung ayos na din si Nanay. Ayos ka lang diyan?" tanong ko sa kanya.
Walang pag-aalinlangan siyang ngumiti. Ngumiti ako pabalik at lumapit sa kanya para humalik bago ako lumabas ng aming kwarto para tingnan si Nanay.
Kagaya i Ericka ay abala na din ito sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Hindi pa sana niya gustong sumama dahil ang sabi niya ay para sa aming dalawa ng aking asawa ang bakasyon na 'yon.
"Tapos na po kayo, Nay?"
"Oo, malapit na 'to anak. Aalis na ba tayo?" tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti. Umupo ako sa dulo ng kama ni Nanay. Tahimik kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto nila ni Tatay.
Kahit kalahati ng bahay namin ay hindi pa sementado at mukhang kubo pa din kung titingnan mula sa labas ay matibay pa din ito. Dito sila nagsimula ni Tatay.
"Dito po ako nabuo Nay, no?" tanong ko sa kanya.
Sandali siyang natahimik dahil sa naging tanong ko. Hanggang sa natawa na lamang din nang makabawi.
"Ikaw talagang bata ka!" suway niya sa akin.
Napanguso ako ng maramdaman kong parang kinikilig pa ito. Ang na-obserbahan ko, sa mga nagdaang taon, lumipas man ang panahon. Hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya kay Tatay.
Na sa kabila ng sakit na natanggap niya mula dito ay hindi 'yon nawala. Tsaka ko lang napatunayan na pwede naman pala talaga. Na kahit gaano ka nasaktan ng isang tao, kung puro, malalim, at tunay ang pagmamahal mo para dito...hindi 'yon mawawala basta-basta.
"Bakit parang kinikilig pa kayo diyan, Nay?" pang-aasar ko sa kanya.
Imbes na hindi magpakita ng emosyon ay mas lalo pang lumaki ang ngiti niya.
"Hindi ka ba mapapangiti pag nakaka-alala ka ng masayang ala-ala?" tanong niya sa akin.
Mula kay Nanay ay bumaba ang tingin ko sa mga damit na ipinapasok niya sa loob ng dadalhing bag.
"Napapangiti naman po," sagot ko.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi din kaagad siya nagsalita. Para bang alam niyang hindi pa din ako tapos sa sasabihin ko, alam niyang may karugtong pa 'yong tanong. Kilalang kilala na talaga ako ni Nanay.
"Pero sinaktan lang niya kayo..." mahinang sabi ko.
Madaling banggitin ang salitang Tatay pag kaharap ako ang ibang tao, pero pag dating kay Nanay ay parang nahihirapan ako.
Nasaksikahan ko kasi kung paano siya nasaktan. Kaya naman hindi na naalis sa akin na baka pag narinig niya 'yon ay masaktan lang din ulit siya, ayoko siyang masaktan.
"Sinaktan niya ako, Oo. Pero dahil ba sinaktan niya ako ay makakalimutan ko na din yung masasayang ala-ala?" tanong ni Nanay sa akin.
"Hindi po ba ganon?" tanong ko.
Sandaling napatitig si Nanay sa akin. Hanggang sa nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata.
"Sa tagal naming nagsama ng Tatay mo, 'yun ang unang beses na sinaktan niya ako. Nung iwan niya tayo...bagay na hindi ko kailanman nakitang mangyayari," pag-uumpisa ni Nanay.
"Dahil masaya naman kami, maayos...walang problema bukod sa hindi lang talaga ako matanggap ng kanyang pamilya," pagpapatuloy pa niya.
"Pero pag mahal mo Nay dapat ipinaglaban mo...hindi niya tayo pinaglaban," giit ko.
Sandaling napa-isip si Nanay bago siya marahang tumango.
"Pero alam kong mahal niya tayo..." sabi niya sa akin.
Hindi ako naka-imik, hindi ako sang-ayon.
"Ma-iintindihan mo din 'yon. Lalo na ngayong may asawa ka na."
Bahagyang kumunot ang aking noo.
"Ma-iintindihan po ang alin?" tanong ko.
Napabuntong hininga si Nanay, binitawan niya ang ginagawa niya para umupo sa aking tabi. Kinuha ni Nanay ang kamay ko at hinaplos 'yon.
Bumaba ang tingin ko doon, alam kong ramdam niya ang mga kalyo sa palad ko. Hindi man siya nagsasabi ay alam kong 'yon ang palagi niyang tinitingnan doon. Mga kalyo na bunga ng maaga kong pagt-trabaho.
Hindi ko naman 'yon kinakahiya. Mas proud pa nga ako doon. Dahil tinuruan ako ni Nanay at ng mga nangyari sa amin na lumaban ng patas sa buhay.
"Kung gaano kalalim ang pagmamahal..." tipid na sagot niya sa akin.
Na kahit gusto kong ipaliwanag pa niya ay pakiramdam ko hindi nakailangan. Dahil tama si Nanay, malalim ang pagmamahal...marami na akong nakitang ginagawa ang lahat para dito.
Na pag nagmahal ka, may mga bagay kang magagawa na hindi mo aakalaing kaya mong gawin.
"May mga oras na halos hindi mo makikilala ang sarili mo, na mapapa-isip ka kung paano mo nagawa 'yon...pero iisa lang ang sagot sa lahat ng 'yon," patuloy pa niya.
"Kasi nagmamahal ka..."
Hinawakan ko pabalik ang kamay ni Nanay. Doon ko naramdaman na hindi na siya bumabata, kita na dito na tumatanda na si Nanay at isa 'yon sa mga ikinakatakot ko. Ayokong tumanda siya na hindi ko man lang napaparanas sa kanya ang buhay na gusto kong maranasan niya.
"Sobrang swerte niya sa'yo...hindi ko ma-isip kung paano niya pa nagawa 'yon."
Imbes na sumagot ay nginitian na lamang niya ako, isinandal ang ulo sa aking balikat.
Halos hapon na din nang umalis kami papunta sa may resort. Hindi pa natapos doon ang regalo nina Boss Eroz sa akin dahil ipinahiram pa niya ang isa niyang sasakyan para hindi kami mahirapan na pumunta doon.
"Sobrang bait talaga ng batang 'yon. Maging ang buong pamilya niya," sabi ni Nanay.
Tumango ako at sumang-ayon. Kaya nga hindi na nagtataka ang mga tao sa Sta. Maria kung bakit sobrang yaman nila, sobrang swerte...dahil 'yon sa pagiging mabuti nila sa iba.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang makarating kami sa resort. Mas lalong gumanda ang view dahil sa ganda ng kalangitan. Sinalubong kami ng mga nandoon, may ibinigay pa silang inumin na akala mo ay mga VIP kami.
Dumiretso kami sa reception area, hindi naman kami nagtagal doon dahil matapos ang ilang sinagutang form ay ibinigay na din sa amin ang mga susi ng aming kwarto. Parang maliliit na villa 'yon na parang hugis mushrooms. Mas lalo kaming na-excite.
"Dito na ang sa akin," sabi ni Nanay ng magtugma ang number sa card na hawak at sa number ng villa.
Halos mga tatlong villa din ang layo ng Villa namin sa kanya.
"Ang ganda..." puna ni Ericka.
Hindi din ako makapagsalita, tama nga siya sobrang ganda sa loob. Maging ang ayos ng malaking kama ay para bang hindi ko kayang humiga doon, baka malukot.
Halatang hindi biro ang presyo ng villa na 'yon.
"May dinner daw tayo by 6pm," sabi niya sa akin matapos naming ibaba ang mga gamit namin.
Kinuha ko ang remote ng aircon at pinaandar 'yon. Kahit ayoko sanang sirain ang nakalagay na mga kung anong design sa kama ay umupo na ako sa dulo no'n.
"Mag-swimming kami ni Nanay mamaya..." sabi niya sa akin habang abala sa pagkalikot ng kung ano sa bag na dala niya.
Tahimik ko lang siyang pinanuod. Ramdam ko na ulit yung kaba. Hindi matatapos ang gabing 'to na hindi namin magagawa 'yon.
Paano kung hindi ko magawa ng tama?
"Sumama ka din ha...bawal KJ," nakangising sabi niya sa akin.
Tumayo siya at ipinakita sa akin ang bikini na hawak.
"Pwede ko 'to suotin?" tanong niya sa akin.
Napatitig ako sa kapirasong tela na hawak niya.
"P-pwede naman pero..."
Hindi pa tapos ang sasabihin ko pero natawa na siya na para bang alam na niya ang sagot. Hindi ko naman siya pagbabawalan, pero gabi at malamig sa labas.
Nagtaas siya ng kilay...nagsimula na ang kaba. Nag-iba na ang itsura ni Ericka.
"Saan ko 'to pwedeng suotin? Dito sa kwarto kaya?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko ang aircon, bukas na 'yon pero ramdam ko na ang pamumuo ng butil ng pawis sa akin noo.
Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. Halos humigpit ang kapit ko sa comforter.
"N-ngayon na ba natin..." kinakabahan ako kaya naman halos hindi ko matapos ang gusto kong sabihin.
Imbes na sumagot ay halos mahigit ko ang aking hininga ng kumandong paharap sa akin ang aking asawa.
Hindi na siya nag sayang pa ng oras dahil kaagad na niya akong sinunggaban ng halik matapos niyang ipulupot ang braso sa aking leeg. Hindi na din ako nagsayang pa ng panahon dahil mahigpit kong niyakap ang maliit niyang bewang para hindi siya mahulog.
Ramdam ko ang pagsikip ng aking pantalon. Alam kong ramdam niya ang akin doon.
"Junie..." hinihingal na tawag niya sa akin.
Halos mapa-awang din ang labi ko ng magumpisa siyang gumalaw sa aking ibabaw na para bang ginagawa na namin 'yon kahit pa may damit pa kaming pareho.
Gumala na kung saan saan ang kamay ko sa kabuuan ng likod niya maging sa bewang. Napansin ata niya 'yon kaya naman sandali siyang humiwalay ng halik sa akin. Si Ericka na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang dibdib.
"Sayo na ako Junie...p-pwede mo ng gawin 'to," mapang-akit na sabi niya sa akin.
Ramdam ko kung paanong nagtaas baba ang adams apple ko dahil doon. Mas lalong uminit ang buong paligid ng halos mapapikit at mapaliyad siya ng marahan kong pinisil ang kanyang dibdib.
Hanggang sa hindi na namin namalayang dalawa na kapwa na kami walang suot na damit. Hindi ko maalis ang tingin ko sa aking asawa. Mas lalo akong napatanong kung paanong ang kagaya niya ay sa akin na ngayon, asawa ko na siya ngayon.
Para siyang yung mga model na nakikita ko lang sa palabas.
Hindi ko ma-iwasang mapa-ungol ng maramdaman ko kung paano niya hinawakan ang sa akin.
"Too big..." buloong niya sa aking tenga matapos niyang kagatin 'yon.
Habang nakakandong pa din sa aking harapan ay nagawa niyang hawakan 'yon, ikinulong ng kanyang malambot na palad bago niya iginaya 'yon pataas baba.
Hindi ko ma-iwasang mapamura. Ramdam ko na ang sobrang init ng paligid.
"Ericka..." tawag ko sa kanya.
Gagawin na talaga namin 'to ngayon. Hindi na din ako papayag na hindi 'to matutuloy.
"You like this?" mapang-akit na tanong niya sa akin.
Mula sa pagkakapikit at napadilat ako, kita ko kung gaano nang-aakit ang mukha niya. Para bang dahil sa ekspresyon no'n ay mas lalong nag-iinit ang buong paligid.
"S-sige pa..." sabi ko sa kanya.
Mukhang nagustuhan niya ang sinabi ko kaya naman mas lalo niyang pinag-igihan. Hindi ko na napigilan. Kaagad ko siyang binuhat at inihiga sa kama.
Dumagan ako sa kanya at kaagad siyang siniil ng halik. Dahil sa ginawa kong 'yon ay naramdaman ko ang kanyang dibdib sa akin. Sobrang lambot.
"Junie..." tawag niya sa akin.
Ang kanyang kamay ay kung saan saang parte na din ng katawan ko napunta.
"F-fuck me..." sabi niya habang hinihingal.
Bigla akong nagising. Hindi ko 'yon inaasahan.
"A-ano?" tanong ko.
Tiningnan ko siya, kita kong dalang dala na din sa nangyayari. Ramdam ko ang init ng kanyag buong katawan.
"Please, Junie..." sabi niya sa akin.
Sa klase ng pagkakasabi niya, sa itsura niya ngayon. Parang nag-ibang tao siya. Parang hindi na siya ang inosenteng si Ericka.
Hindi pa siya nakuntento, mukhang na-inip dahil sa pagkabato ko. Nakita ko kung paano bumaba ang kamay niya sa kanyang sarili at ginalaw 'yon.
"I'm...I'm to we..."
Hindi ko na kinaya. Kaagad kong kinuha ang kamay niya doon.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko, halos hindi ko na maalis ang iritasyon sa aking boses.
Bumangon ako at kaagad na hinila ang kumot para takpan ang kanyang hubad na katawan.
"B-bakit?" tanong niya naguguluhan din.
Habol ko ang aking hininga habang pinapakalma ang sarili.
"Anong fuck me?" galit na tanong ko.
Napaawang ang bibig ni Ericka. Para bang naguguluhan din sa nangyayari.
"Hindi ko ma-intindihan..." sabi niya sa akin.
Mariin akong napapikit at napahilamos sa aking mukha. Gusto kong gawin 'to sa kanya na puno ng pagmamahal at respeto. Mas intimate hangga't maaari. Masyado lang akong nagulat sa mga bulgar na salita at gawain.
Nasobrahan sa pagiging conservative.
"Saan mo natutunan ang mga 'yan?" tanong ko, hindi maiwasang hindi magtunog iritado.
Nilingon ko si Ericka, nakita kong napayuko siya. Humigpit ang hawak sa kumot na ibinigay ko.
"Importante ba 'yon?" tanong niya sa akin.
Napatitig na lamang ako sa kanya.
"P-pasencya ka na kung hindi ko masabayan yung pagiging conservative mo," sabi niya sa akin bago siya tumayo at pinulot ang mga hinubad na damit kanina/
"Ericka..." tawag ko sana sa kanya pero di na niya ako pinansin.
Ang gago mo Junie.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro