Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Ring



Nagulat man ako sa sinabi ni Ericka ay hindi ko naman gaanong pinansin 'yon. Masyado na akong nalulunod sa mga halik niya sa akin, dagdag mo pa ang kakaibang paggalaw niya sa aking ibabaw.

Hindi naman ako ganoon ka inosente sa mga ganitong klaseng bagay, pero iba pa din pala pag nararanasan mo na talaga. Inaamin kong kagaya ng mga kabataang lalaki ay masyado ding lumalim ang kuryosidad ko sa mga ganito, pero natapos 'yun nung namulat ako sa katotohanan na ang tunay na lalaki...may respeto sa babae.

"Junie..." tawag ulit sa akin ni Ericka.

Gusto ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Masyado akong lunod sa mga halik niya na para bang ayokong matigil 'yon.

Bahagya akong napadilat ng maramdaman kong nagbago nanaman siya ng pwesto. Ngayon, gusto na niyang itaas ang laylayan ng suot kong tshirt. 'Yon ang gusto niyang mangyari kaya naman ako na ang gumawa no'n para sa kanya.

Pumungay ang mga mata ni Ericka habang pinapanuod niya ang paghuhubad ko ng pang-itaas na damit.

Nakita ko kung paano tingnan ni Ericka ang bawat galaw ko, matapos 'yon ay pinagmasdan niyang mabuti ang aking hubad na katawan. Hindi naman ako nakaramdam ng hiya dahil kumpyansa ako na pang-billboard sa nlex itong katawan ko.

Nawala lahat ng lakas ng loob na meron ako nang mapa-iktad ako ng siya mismo ang humawak sa hubad kong katawan. Marahan 'yong pinasadahan ng kanyang kamay. Halos magsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan.

Sobrang lambot ng kamay ni Ericka na para bang nakaramdam ako ng kuryente dahil doon.

"Nahiya ka pa..." nakangising sabi niya sa akin ng mapansin niyang ang hinubad kong tshirt ay halos itakip ko sa aking sarili.

Tatawa pa lang sana ako pero hindi ko na 'yon nagawa ng siya na mismo ang halos tumulak sa akin pabalik sa pagkakahiga sa kama.

"Gawin na natin, Junie..." sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung tanong ba 'yon o utos. Pero sa pagtanggap ko sa paraan ng pagkakasabi niya ay utos 'yon.

Hindi ako naka-imik. Nabalik ako sa pagkakahiga habang nakatingin kay Ericka. Hindi din ako makapag-isip ng maayos. Pero isa lang ang sigurado ako, gusto ko 'tong gawin kasama si Ericka. Si Ericka lang...kay Ericka ko lang ibibigay ang buong pagkatao ko.

Nanatili siyang nakaluhod sa aking harapan, dahan dahan na sana niyang itataas ang laylayan ng suot na damit para maghubad ng bigla akong magising sa katotohanan. Gusto kong gawin 'yon kasama siya pero hindi pa ngayon. Hindi dahil sa hindi ako handa...kundi dahil nirerespeto ko si Ericka.

Nirerespeto ko ang pagkababae niya, hindi ko 'yon kukunin sa kanya hangga't hindi ko siya napapakasalan.

"Ericka..." marahang tawag ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya indekasyon na wag niyang gawin 'yon. Nasa tamang edad na kaming dalawa, mahal namin ang isa't isa. Pero alam ko din ang responsibilidad na hatid nito.

Napaawang ang kanyang bibig sa gulat na para bang gulat at hindi siya makapaniwala dahil sa sinabi ko.

"S-sorry..." nahihiyang sambit niya.

Nakuha kaagad niya ang gusto kong mangyari kaya naman siya na mismo ang umayos ng upo sa kabilang gilid ng kama.

"Hindi naman sa ano..." paliwanag ko sana.

Matamis siyang ngumiti, yung ngiting 'yon ay alam kong hindi naman totoo, alam kong nadismaya siya dahil sa nangyari.

"Matulog na tayo," yaya niya sa akin.

Umayos siya ng higa ng nakatalikod sa akin.

Gusto ko pa sana siyang kausapin para sana makapagpaliwanag. Pero yung ayos niya ng pagkakahiga ay isang indekasyon na ayaw niya ng kausap.

"Kukuha lang ako ng tubig. Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw," sagot niya na may kasamang pag-iling.

Napanguso ako, ramdam ko ang pagtatampo sa kanyang boses. Marahang galaw ang ginawa ko paalis sa kama.

Masyadong mainit ang naging tagpo doon. Kailangan kong uminom ng tubig at magpahangin sandali. Madilim na ang buong bahay, maging sa kwarto ni Nanay ay patay na din ang ilaw. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil kahit madilim ay naaaninag ko naman ang buong lugar. Kahit nakapikit ay kabisado ko na ito.

Ilang minuto din akong nagtagal sa may kusina, pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Halos maabot ko na ang litid ng pasencya ko, kaunti na lang ay bibigay na din ako.

May mga bagay lang talaga na gusto kong gawin ng tama. Mga prinsipyong pinanghahawakan ko. Gustong gusto ko 'yon gawin kasama si Ericka, pero kasama ng pagmamahal ko sa kanya ay ang respetong gagawin ko 'yon pag napakasalan ko na siya.

"Good night," malambing na sabi ko matapos ko siyang halikan sa ulo.

Tulog na talaga siya pagkabalik ko sa kwarto. Nakaka-guilty lang na mukhang nakatulog siya habang dismayado sa akin. Ayoko sana na matulog kaming may hindi pagkakaintindihan.

"Masyado po bang marami ito, Nay?"

Boses kaagad ni Ericka ang narinig ko pagkagising ko kinaumagahan. Maaga akong nagigising, pero mas maaga siyang nagising sa akin. Lumapit ako sa may bintana para tingnan kung maliwanag na, pero kagaya ng inaasahan ay madilim pa sa labas.

"Medyo madami para sa ating tatlo," natatawang sagot ni Nanay sa kanya.

Nasa kusina na kaagad silang dalawa. Siguradong nagkakasundo nanaman sa pagluluto.

"Ipabaon na lang po natin sa kanya yung sobra," sagot pa ni Ericka.

"Ang aga niyo..." nakangiting puna ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang lumingon sa akin. Pero nagulat ako ng makita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi ni Ericka ng makita niya ako. Parang kanina lang ay ang saya saya niyang kausap si Nanay. Ngayon naman ay parang bigla siyang nawalan ng gana nang makita ako.

"Oh, gising ka na pala, anak. Ipagtitimpla kita ng kape..." sabi ni Nanay.

Hihintayin ko sanang mag-presinta si Ericka na siya ang magtitimpla ng kape ko. Hindi naman niya obligasyon 'yon, nakasanayan ko lang.

"Ako na po, Nay. Ipagpatuloy niyo lang po 'yan," sabi ko kay Nanay.


Nanatili ang tingin ko sa likuran ni Ericka. Masyado niyang inabala ang sarili sa ginagawa na para bang hindi siya pwedeng ma-istorbo doon.

Bago ako kumuha ng tasa ay lumapit muna ako kay Nanay para humalik sa kanyang ulo. Nilingon ko ang katabi nitong si Ericka na para bang hindi pa din niya ako nakikita, hindi na niya ako pinapansin.

Nanatili ang tingin ko sa kanya, napansin ata niya kaya naman nilingon niya ako sandali at pinagtaasan pa ng kilay.

"Ano?" tanong niya bago muling nag-iwas ng tingin.

Napangisi ako, masyadong matulis ang nguso.

"Sungit," sambit ko.

"Hmp."

Mas lalo akong natawa dahil sa naging pagsagot niya. Kulang na lang ay magmaktol siya sa harapan ko.

"Good morning," malambing na bati ko at humalik sa likod ng kanyang ulo.

Hindi pa din siya natinag kaya naman hinayaan ko na lang muna. Baka hindi makapagconcentrate sa pagluluto pag ginulo ko. 

Kahit sa pagkain namin ng almusal ay hindi pa din niya ako pinapansin. Si Nanay lang ang kinakausap niya. Mukhang nahalata naman 'yon ni Nanay kaya naman natatawa na lang siya. Pansin niya sigurong may tampuhan kami ni Ericka.

"Aalis na po ako..." paalam ko sa kanya.

Kakatapos kong lang maligo, dahil sa basang buhok ay bahagyang nabasa ang suot kong tshirt.

Nasa itaas na ng lamesa ang lunch box para sa akin, pero gusto kong siya mismo ang mag-abot no'n sa akin.

Hindi niya ako tiningnan, nilingon niya ang lunch box. Nakita ko kung paano niya hinanap si Nanay na para bang gusto niyang ito ang pag-abot sa akin.

Hahanap pa kakampi.

"Ayun oh," sabi niya at tinuro lang ang nananahimik na lunch box na nasa may lamesa.

"Ang supla-suplada," sambit ko na sinigurado kong narinig din naman niya.

"Hindi no!" asik niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan at natawa na lamang din ako.

Niyakap ko si Ericka kahit alam kong nagtatampo pa siya at hindi ganoon ka pabor 'yon sa kanya.

Na-miss ko kaagad siya sa simpleng pag-iwas niya sa akin.

"Sandali na lang," sabi ko.

Hindi ko din alam kung para saan 'yon. Pero 'yon ang lumabas sa aking bibig.

Umalis ako ng bahay na nagtatanong si Ericka kung anong ibig sabihin ng sinabi kong 'yon. Alam ko kung ano pero maging ako ay parang naguguluhan din. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung paano magsisimula.

"Pagkatapos ng delivery? Bakit?" tanong ni Boss Eroz sa akin.

Nagpaalam ako sa kanya na matapos ang delivery mamayang hapon sa may palengke ay magpapa-iwan na ako doon.

"May bibilhin lang," sagot ko at napakamot pa sa aking batok.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Sandali pang nag-isip habang nakatingin sa hawak na mga documento.

"Sige. Wala namang problema," sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong nagpasalamat sa kanya.

Hindi ko alam kung saan makakarating ang maliit na halagang hawak ko. Totoong may tamang oras para sa lahat ng bagay, pero pansamantala lang naman ito. Dahil pagkatapos nito ay habambuhay naman akong babawi kay Ericka.

Sa maliit na halagang ipon na meron ako, kailangan kong asikasuhin ang munisipyo, ang isusuot na damit ni Ericka, ang engagement ring, at ang wedding ring namin. Kailangan ko din ng budget para sa mga dadalhin naming witness matapos ang kasal namin.

"Itong may bato ba?" tanong ko sa may jewelry shop.

Halos puro silver ang tinda nila. Hindi gaanong mamahalin, hindi ko pa kaya sa ngayon pero babawi naman ako.

"Hindi kasya sa budget niyo, Sir."

Pagkarating ko pa lang ay sinabi ko na kaagad ang budget na meron ako. Nahati ko na ang pera, hindi pwedeng lumagpas.

"Kahit yung sa kanya na lang yung may design...ayos na sa akin 'to oh," turo ko sa isa pang singsing.

Natawa siya sa akin. "Wag kang desisyon, Sir. Naka-pares na ang mga 'yan," sabi niya sa akin kaya naman maging ako ay natawa na din.

"Baka lang naman makalusot," sabi ko na ikinatawa din ng may ari ng jewelry shop.

Dala ang hindi gaanong mamahaling engagement ring ay umuwi ako sa amin. Mahal ko si Ericka, alam ko sa sarili kong hindi lang ito yung klase ng singsing na nararapat para sa kanya.

Pero dala ko ito, aalukin ko siya ng kasal kasama ang buong puso ko, pagkatao, at dedikasyon na habangbuhay ko siyang mamahalin at pagsisilbihan. Sa oras na makasal siya sa akin ay araw araw akong magsusumikap para bigyan siya at ang bubuuin naming pamilya ng magandang buhay.

"Bakit nandito ka na?" galit pang tanong niya sa akin.

Masyado pang maaga para sa normal na uwi ko galing sa factory. Siya lang yung kilala kong galit dahil maagang nauwi.

"Wala si Nanay may pinuntahan sandali," sabi pa niya sa akin.

Tangkang tatalikuran nanaman ako ng tawagin ko na siya.

"Ericka..."

Hindi siya umimik, tiningnan niya lang ako. Hanggang sa makita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa dahan dahan kong pagluhod.

"H-hindi ito kasing mahal ng mga nakasanayan mong alahas...pero," sandali pa akong nautal, hindi makapagsalita ng maayos.

"Gusto kitang yayain ng kasal..."

"Will you marry me?" tanong ko sa kanya.

Ang gulat sa kanyang mukha ay unti-unting nabahiran ng luha. Luha dahil sa saya.

"Syempre, Junie. Magpapakasal ako sa 'yo. Bakit kasi ngayon lang 'to?" sagot niya sa akin na may kasama pang litanya.

Natawa din ako kahit na-iiyak. Ang babaeng 'to talaga.

"Pasencya ka na dito sa..."

"Hindi 'yan kailangan...hindi naman 'yon importante sa akin," sabi niya.

Nakita ko kung paanong halos hindi umalis ang tingin niya sa singsing na inilagay ko sa kanyang kamay.

"Hindi 'yan kasing mahal ng mga nireregalo sa 'yo..." pahabol ko pa.

"Alam mo ba yung..."

"They gave me 20 and you gave me 10. I should appreciate them more. But what I didn't know was they have 100 and all you have is 10..."

"Gustong gusto ko 'tong singsing na 'to..."

(Maria_CarCat)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro