Chapter 19
Utos
Hindi din naman nagtagal ang mga San Miguel doon. Para bang sapat na sa kanila na bigyan ako ng banta dahil sa pagkawala ni Ericka. Alam ko naman sa sarili kong kahit anong tanggi ang gawin ko sa kanila ay hindi sila maniniwala. Kahit naman kasi sinong tanungin mo ay iyon ang iisipin. Alam ko kung nasaan ang nobya ko.
Dahil kung tunay ngang hindi ko alam, hindi naman ako magpapakampante dito. Baka nga mas nauna pa akong maghanap kesa sa kanila. Hindi ako titigil hangga't hindi ko ito nahahanap.
"Sigurado ka bang hindi mo talaga alam?" tanong ni Boss Eroz sa akin.
Tahimik na bumalik ang operasyon sa buong factory. Halos lahat ng nandoon ay nagulat dahil sa nangyari. Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil sa nangyaring eskandalo. Aminado naman akong may kasalan kaya naman wala akong ibang dapat gawin kundi ang tanggapin ang lahat ng sinabi ni Madam Estel San Miguel.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Boss Eroz, buo ang desisyon ko na hindi ako aamin tungkol sa pananatili ni Ericka sa amin, pero ang hirap din pala talagang magsinungaling lalo na kay Boss Eroz na matalik kong kaibigan.
Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. Para bang alam niyang mas mahihirapan akong magsinungaling kung ganoon ang tingin niya.
Mariin na lamang akong napapikit at bayolenteng napalunok. Bahal na.
"Hindi ko talaga alam," pagsisinungaling ko.
Hindi ko din alam kung hanggang kailan ko 'to mapaninindigan. Bahala na talaga hangga't kaya.
Sandali pang nagtagal ang tingin ni Boss Eroz sa akin. Alam ko namang alam niyang nagsisinungaling ako. Pero sa huli ay tumango na lamang siya at sumuko. Hindi na nagpumilit pa at nirespeto ang isinagot ko.
Hindi na muling binanggit pa ni Boss Eroz ang tungkol doon. Nakapag-focus kaming lahat sa trabaho buong araw dahil wala ni isang sumubok na buksan pa ang tungkol sa nangyari kanina.
Natapos ang lahat ng trabaho namin sa tamang oras, pero pansin ko ang panunuod sa akin ng mga kasama nang makita nila kung paano halos maging si flash ako sa pagkilos maka-uwi lang kaagad.
"Oh, nagmamadali ka ata ngayon, Junie? Bawal ba malate sa bahay niyo?" natatawang tanong ng isa sa mga katrabaho.
Ngumisi na lamang ako at bahagyang binagalan ang galaw.
"Oo, papaluin ni Nanay," sagot ko sa kanya na ikinatawa niya din.
Hindi na din ako nagpaalam pa kay Boss Eroz, abala din ito sa mga virtual meeting niya kasama ang mga pinsan niyang nasa Manila.
Ilang beses ko ng nakita ang mga pinsan niya. Masasabi kong talaga namang nasa dugo na nila ang magagandang lalaki, para bang may sariling hulmahan ang pamilya nila. Walang hindi gwapo at maganda.
Diretso ang lakad ko pauwi sa aming bahay. Hindi ko lang din ma-iwasan na tumingin sa paligid, maya't maya din akong lumilingon. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin, hindi ko na alam.
Saradong sarado ang buong bahay namin, maging ang mga bintana ay naka-baba. Mula sa labas ay aakalain mong walang tao sa loob.
Ilang katok ang ginawa ko na may kasamang pagtawag kay Nanay. 'Yon kasi ang napag-usapan namin. Wag bubuksan kung hindi ako. Wala naman kasi kaming inaasahang bisita.
"Junie, anak..." tawag niya sa akin. Ramdam ko ang kaluwagan sa dibdib niya nang makita niya ako.
"Kamusta po kayo dito?" tanong ko kaagad.
"Ayos naman kami," sagot niya sa akin.
Sa loob na namin ipinagpatuloy ang usapan. Swerte pa din kami na hindi dito sa aming bahay pumunta at nag-eskandalo ang mga San Miguel. Pero hanggang kailan? Hindi kami nakakasigurado na magiging ganito palagi ang sitwasyon.
Ganoon naman talaga sa buhay, hindi tayo sigurado kung hanggang kailan, o kung kailan papabor sa ating ang sitwasyon.
Nakita kong handa na ang hapagkainan para sa aming hapunan. Medyo madami 'yon, di karaniwan sa dami pag si Nanay lang ang nagluluto.
Mula sa tingin ko sa hapagkainan ay nag-angat ako ng tingin sa babaeng lumabas mula sa aking kwarto. Alam ko naman na si Ericka 'yon, pero hindi ko ma-iwasang hindi mamangha nang makita ko ang ayos niya ngayon.
Mahabang palda kagaya ng kay Nanay, simpleng tshirt at suot din niya ang malaki kong tsinelas. Pagkahawi niya ng kurtina ay kaagad siyang sumilip sa akin, mabilis na puminta ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya ako.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at kaagad na lumapit sa akin para yumakap at humalik sa aking pisngi.
Naglahad ako ng kamay para salubungin ang yakap na ibinigay niya sa akin. Matapos ko siyang halikan sa pisngi ay lumipat ang halik ko sa kanyang ulo. Mahigpit ang yakap ko kay Ericka. Simula ngayon ay para bang takot na akong malayo sa kanya.
Pakiramdam ko ay pwede siyang mawala sa akin ano mang oras. Hindi ko hahayaan 'yon, hindi ko kakayanin.
"Nagluto kami ni Nanay ng mga paborito mong ulam," nakangiting sabi niya sa akin.
Gusto ko pa man sanang patagalin ang yakap ko sa kanya ay hindi ko na nagawa dahil siya na mismo ang kumawala sa bisig ko para ibida sa akin ang mga pagkaing inihanda nila ni Nanay.
Lumaki ang ngiti ko habang nakatingin sa lahat ng nakahain sa hapagkainan. Kahit may malaki kaming kinakaharap na problema ngayon ay nandoon pa din yung excitement ko na matikman ang lahat ng niluto nila ni Nanay.
"Tamang tama, matagal ko ng hindi natikman yung luto mo," sabi ko sa kanya.
"At bakit sawa ka na ba sa luto ko?" pabirong tanong ni Nanay sa amin.
Natawa ako, kaagad din akong naglahad ng kamay kay Nanay para mayakap siya.
Hindi naman nag-atubiling lumapit sa akin at yumakap din. Niyakap ko silang dalawa, yumakap din si Ericka kay Nanay. Masasabi kong sa maiksing panahon ay naging palagay na kaagad ang loob nilang dalawa sa isa't isa.
"Paborito ko ang luto niyong dalawa," sabi ko sa kanila.
Masaya ang naging hapunan naming tatlo. Hindi namin na ramdaman na may kinakaharap kaming problema. O baka dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari sa factory kanina.
Habang nakatingin ako kay Nanay at Ericka, sa kung paano sila tumawa habang nag-uusap ay parang mahirap para sa akin na sirain 'yon. Mahirap para sa akin na sabihin sa kanila ang nangyari kanina, ang banta ni Madam Estel at pananakot nito.
Malakas kasi ang kutob ko na pag nalaman 'yon ni Ericka ay hindi siya magdadalawang isip na umuwi sa kanila para lang ma-protektahan kami ni Nanay.
Mula kay Nanay ay nilingon ako ni Ericka, para bang napansin niya ang panunuod ko at pananahimik.
"Bakit?" nakangiting tanong niya sa akin.
Matamis akong napangiti sa kanya at umiling, umakto ako na humawak sa aking tiyan para ipakita sa kanila na masakit ang tiyan ko dahil sa kabusugan.
"Busog na busog ako. Ang sarap ng mga pagkain," puri ko sa inihanda nilang hapunan namin.
Nagtaas ng kilay si Ericka.
"Syempre, kami ni Nanay ang nagluto niyan e," pagbibida niya sa akin at nilingon pa si Nanay para gawing kakampi ito.
Ako na ang naghugas ng mga plato, wala naman kaso 'yon dahil sanay ako sa gawaing bahay. Mas ginaganahan din ako dahil habang ginagawa ko 'yon ay naririnig ko kung paano sila magkwentuhan ni Nanay at tumatawa pa.
Patapos na sana ako sa aking ginagawa ng bahagya akong magulat ng may bigla na lang yumakap mula sa aking likuran.
"Ang sipag," pang-aasar ni Ericka sa akin.
Natawa ako. Humigpit ang yakap niya sa akin, nakaramdam ako ng kiliti dahil malaya siyang nakayakap sa aking hubad na katawan. Hindi naman niya inalintana 'yon dahil ramdam kong gustong gusto niya ang pagyakap sa akin.
"Init..." gigil na sambit niya.
Mas lalo akong natawa, dahil sa lamig ng gabi ay mukhang nagustuhan ni Ericka ang dalang init ng hubad kong katawan.
Halos hindi na ako makapag-concentrate sa ginagawa ko, konti na lang ang natitirang hugasin pero halos hindi ko matapos dahil na din sa ang focus ko na ngayon ay sa kamay niyang malayang humahaplos sa aking hubad na katawan.
Halos kung saan na lamang ito mapadpad.
Tsaka lang siya bumitaw ng yakap ng mapansin niyang halos nasasayang na ang tubig pero hindi ko pa din matapos ang hinuhugasan ko.
Natawa na lamang siya at nagpaalam sa akin na babalik na muna sa may sala. Napabuntong hininga ako, bully din talaga ang isang ito.
Humanda siya sa akin mamaya.
Hindi na din naman nagpuyat pa si Nanay. Nauna na siyang nagpaalam sa amin na papasok na sa kanyang kwarto. Hinihintay ko na may sabihin siya tungkol sa kung saan matutulog si Ericka ngayong gabi, pero wala siyang sinabi hanggang sa makapasok na siya sa loob.
Matapos isara ni Nanay ang pintuan ng kanyang kwarto ay halos mabingi kami ni Ericka dahil sa bumalot na katahimikan. Hanggang sa natawa na lamang kaming dalawa nang magkatinginan kami.
"Tulog na tayo?" yaya ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. Mukhang mang-aasar nanaman ang isang 'to.
"Tulog lang ba talaga?" biro niya sa akin.
Inaamin kong may epekto ang sinabi niyang 'yon sa akin. Pero pinilit kong panatilihing walang emosyon ang mukha ko, normal lang kunwari.
"Syempre naman," laban ko at napakamot pa sa aking ulo.
Una akong tumayo, nanatili pang naka-upo si Ericka sa may sofa.
"Tara na?" yaya ko sa kanya at naglahad na ng kamay.
Ngumiti siya sa akin kaagad na lumapit at humawak sa aking braso.
May kung anong ikinwento pa siya habang naglalakad kami papasok sa aking kwarto. Ilang hakbang lang naman 'yon pero parang 'yon na ang pinakamalayong pagitan na nadaanan ko.
"Ayos lang ba sa'yo? Medyo matigas ang higaan ko," sabi ko sa kanya.
Manipis na foam lang din kasi ang sapin ng papag ko. Hindi ako sanay sa makapal na foam.
Tumango si Ericka na para bang batang makakasubok ng unang bagay.
"Ayos lang basta katabi ka," sabi pa niya na may kasamang kindat.
Mas magaling pa siyang bumanat kesa sa akin. Ako kasi ay kahit papaano ay nahihiya pa sa kanya. Hindi ko naman kasi nakakalimutan kung gaano kalaki ang agwat ng aming pamumuhay.
May mga bagay siguro na normal lang para sa akin dahil nakasanayan ko, at hindi normal para sa kanya.
Una siyang humiga sa may papag, siya na din ang nag-ayos ng manipi na kumot na pagsasaluhan naming dalawa. Kabado man ay tahimik akong humiga patabi sa kanya.
Hinintay niya ang paghiga ko, nang maka-pwesto na ako ng maayos ay kaagad siyang yumakap sa akin. Ini-unan ang ulo niya sa aking dibdib at iniyakap ang manipis niyang braso sa aking katawan.
Ilang minuto din kaming tahimik habang nasa ganoong posisyon. Pero ng maglaon ay ganoon na lamang ang gulat ko ng siya mismo ang gumalaw para halos pumatong na sa akin.
"T-teka..." mahinang sambit ko.
Hindi siya nagpatinag. Nang maka-ayos siya ng dagan sa akin ay tinitigan niya ako sa aking mga mata.
"Junie, I'm..." hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin.
"A-anong gusto mo?" tanong ko, ramdam ko ang kaba sa sarili kong boses.
Halos magbutil din ang pawis sa aking noo.
Hindi na niya ako sinagot. Siya na mismo ang humilig para siilin ako ng halik. Habang mas lalong lumalalim ang halik ay doon ko napansin ang pagpwesto niya sa aking itaas. Hanggang sa halos mahigit ko na ang aking hininga ng maramdaman mismo ng aking pagkalalaki ang sa kanya.
"Junie..." tawag niya sa gitna ng aming mga halik habang marahan ang paggalaw niya sa aking itaas na para bang ginagawa na talaga namin ang bagay na 'yon.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ito.
"Junie...buntisin mo na ako," utos niya sa akin na ikinagulat ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro