Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Grandson



Halos pumuti na ang mukha ni Isaac, naubusan ata ng dugo sa mukha. Kahit papaano ay nakaramdam din siguro ng kahihiyan at nabawasan ang kanyang kayabangan.

"Alam mo naman pala, e. Bakit lapit ka pa rin ng lapit sa anak ko?" galit na tanong ni Madam Estel sa akin.

'Yon lang ang lamang ni Isaac sa akin, gusto siya ni Madam Estel para sa kanyang anak. Mahirap talagang kalabanin ang gusto ng mga magulang para sa kanilang anak, alam kong kapakanan lang ni Ericka ang iniisip ng kanyang ina. Pero sigurado naman ako sa nararamdaman ko, alam kong kaya kong panindigan ang nobya ko.

"Mahal ko po ang anak niyo," diretsahang sabi ko sa kanya.

Sandali siyang natigilan, matapos no'n ay nilingon niya ang nakakabawi na ngayong si Isaac.

Sabay nila akong tinawanan na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.

"Kulang ba sa nutrisyon ang utak mo?" nakangising tanong ni Isaac sa akin.

Tiningnan ko lamang siya, tahimik lang din si Madam Estel. Kung may kulang man sa nutrisyon ang utak, si Isaac 'yon at hindi ako.

"Pero hindi puro yabang ang laman ng utak ko...ikaw, sobra-sobra."

Muli siyang na-inis, magaling siyang makipag-asaran. Pero kung babatuhan mo na ng katotohanan ay galit na galit siya.

"Pinupuno mo na ko..."

Muli sana siyang aamba ng suntok ng humarang na ang inis na inis na si Madam Estel.

"Oh my goodness. Stop with your petty fights, para kayong mga batang handang magbasag ulo sa kalsada. I don't want something like this for my daughter," madiing sabi niya sa amin.

Para bang sumuko na din siya, hindi siya sanay sa mga ganitong tagpo kaya naman tinalikuran na niya kami at bumalik sa may dulo ng hallway kung nasaan ang iba pa nilang kasama.

Kahit may kalayuan sa akin ay nakita ko pa din ang pag-aalala sa mukha ni Ericka. Marahan akong tumango sa kanya, senyales na ayos lang ako at wag na siyang magpumilit pa na lapitan ako. Baka lalo lang magalit si Madam Estel at pati sa kanya ay magalit din.

"Alis na," pagtataboy ni Isaac sa akin.

Nagawa niya pa akong hawakan para itulak. Bumaba ang tingin ko sa parte ng dibdib kong tinulak niya.

Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay nakita ko kung paanong napatingin din siya sa kanyang kamay na para bang bigla siyang nagsisi dahil hinawakan niya ako.

"Hindi ako sanay humawak sa maduduming bagay..." pagbibida niya sa akin.

Tumango ako, tama siya. Silang mayayaman ay hindi sanay sa mga maduduming bagay, pero ibahin mo 'tong pinsan ko kuno.

"Putik...basura," nandidiri pang sabi niya.

"Alam ko kung ano yung basura? Yung utak mo...'yan ang basura," pagpapa-intindi ko sa kanya.

"Tarantado ka talaga Neil!" asik niya.

Pumagitna na ang mga bodyguard nila kaya naman iniwan kong nagwawala doon si Isaac. Pinili kong lumabas na lang muna sandali para pahupain ang galit.

Nag-iwan na din ako ng mensahe kay Nanay na medyo gagabihin ako sa pag-uwi. Kinamusta ko na din siya, nasabi niyang nasa isang kaibigan siya at ayos lang daw naman. Mukhang hindi pa niya nababalitaan ang nangyaring kaguluhan kanina.

Kung nabalitaan man niya, hindi siguro niya alam na isa si Tatay sa mga tinamaan. Ayoko sanang malaman pa niya 'yon at mag-alala siya. Sa tinagal tagal ng panahon, sa lumipas na mga taon...sa dami ng mga nangyari at pinagdaanan naming dalawa na, alam ko, ramdam ko...na mahal na mahal pa din niya si Tatay.

Pinili kong maupo sa isa sa mga bench sa labas ng hospital. May ilang media van pa din na nasa parking lot, pero hindi na gaanong marami ang nagpupumilit na makapasok sa loob. Sa likod na entrance ako nagtungo kaya naman wala sila doon.

Nilingon ko ang iilan pang nandoon. Ang iba ay abala sa kausap nila sa phone, ang iba naman ay tulala habang naninigarilyo. Bumaba ang tingin ko sa suot kong damit na may bahid ng dugo dahil sa pagtulong ko kanina.

Tsaka lang muli ako nag-angat ng tingin ng may humintong magarang sasakyan sa may entrance. May bumaba sa passenger seat na nakapunting lalaki, may bodyguard, halatang mayaman.

Hindi ako nanliit sa lahat ng salitang ibinato ni Isaac at Madam Estel sa akin kanina sa loob, pero pagkababa pa lamang ng mga ito ay para na akong tuluyang sinampal ng kahirapan.

Ang bumaba sa magarang sasakyan ay ang mga magulang ni Tatay. Sina Lolo at Lola. Mga taong nagdesisyon ng kapalaran namin ni Nanay. Mga taong naglayo sa amin kay Tatay.

Hindi kaagad nila ako napansin. Si Lolo ang unang nakakita sa akin, nagtagal ang tingin niya na para bang may nakita siya sa akin na pamilyar na mukha.

"Anong problema?" tanong ni Lola.

Hanggang sa sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ni Lolo at doon ay nakita niya din ako. Parehong nagtagal ang tingin nila sa aking dalawa, para bang nakita nila ang binatang si Tatay dahil sa akin.

Nakuha ko ang mata ni Nanay, pero ang ibang features ng mukha ko ay mula na lahat kay Tatay.

Naramdaman ko ang pamamanhid ng buong katawan ko dahil sa pagtaas ng aking balahibo. Iyon ang unang beses na narinig ko 'yon mula sa kanila.

"Ang apo natin," sabi ni Lolo.

Lalapit sana siya sa akin, pero pinigilan siya ni Lola.

"Pumasok na tayo," yaya niya dito. Inalis kaagad niya ang tingin niya sa akin na para bang hindi niya kayang tingnan ako ng matagal.

Hindi kaagad nagpatinag si Lolo. Para bang gusto talaga niyang lapitan ako. Dahil doon ay nakumpira kong sa kanilang dalawa ay si Lola talaga ang may ayaw sa amin ni Nanay. Hindi ko alam kung bakit, dahil lang ba sa mahirap kami?

Ang babaw naman ng rasong 'yon para ipagkait niya sa amin ang dapat sana'y masaya at buong pamilya.

"Bakit nandito ka sa labas?" tanong ni Lolo. Hindi na niya napigilan pang lumapit sa akin at kausapin ako.

Tumayo ako bilang pagrespeto pa din sa kanila. Ipapakita ko sa kanila kung paano ako pinalaki ng maayos ni Nanay kahit mag-isa lang siya.

"Magandang gabi po, Sir."

Nagkaroon ng bahid ng pagdisgusto si Lolo dahil sa itinawag ko sa kanya.

"Ma'am..." pagbaling ko naman kay Lola.

Sinundan ko ng tingin ang mga mata ni Lola, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Halata sa kanyang mukha na hindi talaga mapagkaka-ilang anak nga ako ni Nigel Villaverde.

"Bakit nandito ka sa labas?" tanong ulit ni Lolo sa akin.

"Hindi po ako pwede sa loob. Malapit na pamilya lang po ang pwede," diretsahang sagot ko sa kanila.

Napasinghap si Lolo na para bang may epekto sa kanya ang mga salitang 'yon.

"Anak ka...may karapatan ka sa loob," sabi niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Hindi na po. Marami naman na pong naghihintay na maging maayos ang lagay ni Sir Nigel. Makikibalita na lang po ako sa mga kakilala..." sabi ko at tangkang aalis na doon ng pigilan ako ni Lolo.

Hinawakan niya ako sa braso, bumaba ang tingin ko doon.

"Neil, apo...kamusta ka?" tanong niya sa akin.

Napasinghap si Lola at nag-iwas ng tingin. Halata sa kanya na hindi niya nagugustuhan ang tagpong ito.

"Maayos po kami ni Nanay. Masaya po..." paninigurado ko sa kanila.

"Pumunta ka sa bahay pag labas ng Daddy mo sa hospital," sabi pa niya sa akin.

"Mag-usap tayo."

Halos hindi kinayang tanggapin 'yon ng tenga ko. Para saan ang pag-uusapan? Dahil ba nakita nilang nakakalapit ako kay Tatay ay pipilitin naman nila ngayon na kami naman ni Nanay ang lumayo?

Hinding hindi ako tatanggap ng utos mula sa kanila. Hindi kami ni Nanay ang maga-adjust nanaman sa mga gusto nila sa buhay. Wala kaming panahon sa mga trip nilang mayayaman.

"Nandito ka na pala, Anak..."

Nauna akong naka-uwi sa bahay, kaagad akong naligo at itinapon na ang damit na may bahid ng dugo para hindi mag-alala si Nanay sa akin. Nakapagluto na din ako ng hapunan para sa aming dalawa. 

"Sinong nagsabing pwede kang umuwi ng ganitong oras, Nay?" kastigo ko kunwari sa kanya.

Sa huli ay natawa na lamang kaming dalawa dahil sa aming mga kalokohan. Masayang ikinwento ni Nanay ang naging lakad niya kasama ang mga kaibigan. Ngayon ay mas nagiging bukas na siya sa mga lakad kasama ang mga kaibigan, hindi katulad dati na palagi siyang nasa bahay at nakakulong.

Base sa kwento niya ay mukha hindi pa nakakarating sa kanya ang balita tungkol kay Tatay. 

"Pansin ko anak mas mukha kang pagod ngayon, marami bang trabaho? O dahil sa dalawa na ang trabaho mo ngayon?" puna niya sa akin matapos ang sandaling pananahimik.

"Hindi naman po, Nay. Baka naninibago lang po kayo..." nakangising sabi ko na lang para pagaanin kahit papaano ang sitwasyon.

Nagmake-face siya na para bang inaasar niya ako.

"Siguro ay dahil hindi lang kayo madalas magkita ni Ericka. Nami-miss mo siguro ang Nobya mo," sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong napangiti.

Walang pagdadalawang isip akong tumango kay Nanay, tama naman kasi siya. Miss na miss ko na si Ericka, yung mga panahong pwede kaming magkita araw-araw.

Inaasahan ko pa sana na pagkatapos ng eleksyon ay babalik kami sa dati. Pero mukhang impossible na dahil alam na ni Madam Estel ang tungkol sa amin.

"Normal lang na malungkot ka dahil hindi kayo madalas nagkikita. Pero ang mahalaga naman ay kahit magkalayo kayo...committed pa din kayo sa isa't isa," sabi pa ni Nanay sa akin.

Tumango ako bilang pagsangayon. Nasa iisang lugar lang kami ni Ericka pero parang talo pa namin yung nasa long distance relationship. Nung una hindi ako naniniwala sa mga ganoon, pakiramdam ko ay hindi magwo-work.

Pero nang mahalin ko si Ericka, nang maramdaman ko ang malayong agwat naming dalawa, doon ko napatunayan na pwede naman pala. Pwedeng magwo-work ang isang relasyon kahit hindi kayo araw-araw na nagkikita. Ang pinakamahalaga sa lahat ay committed ka.

"Nakita ko, at ramdam ko na mahal ka niya. At masaya ako para sa'yo Anak. Bihira ka lang makakakita ngayon ng babaeng handa kang mahalin sa kung sino ka talaga...maswerte ka," sabi pa ni Nanay sa akin.

"Kaya nga po hindi ko na papakawalan, Nay. Bubuntisin ko na," sabi ko kay Nanay kaya naman pabiro niya akong hinampas sa braso.

"Ikaw talagang bata ka. Wala naman problema sa akin, basta ba't gusto din ni Ericka," sabi pa niya kaya naman mas lalo akong natawa.

Wala kaming magiging problema ni Ericka kay Nanay, alam kong kahit anong maging desisyon namin ay susuportahan niya kaya. Nakakabawas 'yon sa bigat ng dibdib ko.

 Dahil sa nangyaring aksidente sa kampanya ay hindi na muna kami pinagtrabaho ngayong araw. Hindi ko din alam kung ilang araw mahihinto ang trabahong 'yon namin. Kaya naman imbes na hintayin 'yon ay napagpasyahan kong bumalik na muna sa totoo kong trabaho sa factory.

Ilang araw ko ding na-miss ang trabaho ko doon maging ang mga kaibigan. Nilakad ko ang papunta sa rice mill factory ng mga Herrer suot ang normal na suot ko sa tuwing nagt-trabaho.

Simpleng tshirt, maong na pantalon o kaya naman minsan ay shorts, tsinelas at backpack na may laman ng ilang mga gamit ko kagaya na lamang ng pamalit.

Tahimik ang paglalakad ko ng may huminto nanamang magarang sasakyan sa aking gilid. Dapat sana ay matatakot na ako sa mga ganitong eksena matapos ng nangyarig pambubugbog sa akin noon. Pero naisip kong kung palagi akong matatakot...walang mangyayari sa akin.

"Sir Neil..." tawag ng isa sa mga bodyguard na nasa loob.

Mas lalo akong nagulat sa kanilang itinawag sa akin. Sir? Kailan pa ako naging si Sir Neil? Junie ang pangalan ko.

"Pinapasundo po kayo ng Lolo niyo..." sabi nila sa akin.

"Bakit ako maniniwala sa inyo?" hamon ko sa kanila.

Hindi na sarado ang isip ko sa mga ganitong tagpo, baka mamaya isa nanaman 'tong patibong sa kung ano.

"Gusto niya po kayong maka-usap na kayong dalawa lang sana...walang makaka-alam," sabi pa niya sa akin.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, gusto kong ipakita sa kanila na hindi nila ako basta basta mapapasama. 

"Importante lang po. Kailangan kayong makausap ng Lolo niyo," sabi pa nila sa akin.

Hindi pa din ako natinag. Kung patigasan lang din naman ng ulo, hindi ako magpapatalo.

"Tungkol po ito sa pamilya niyo...importante lang talaga," sabi pa din nila.

E, bakit ba sila ang namimilit sa akin. Bakit hindi si Lolo mismo ang kumausap sa akin kung talagang gusto niya akong makausap?

Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan silang dalawa maging ang plate number ng sasakyan.

"Ise-send ko to sa mga kaibigan ko. Sa oras na hindi na ako maka-uwi sa amin, kulong kayong dalawa," pananakot ko sa kanila bago ako tuluyang sumama.

Hindi ko din alam, matigas ulo ko pero nakita ko na lamang ang sarili ko na sumasama na din sa kanila.

Dinala nila ako sa isang tagong coffee shop, may ilang mga tao doon pero hindi kagaya sa ibang coffee shop na puntahan talaga. Para bang kailangan mo pang dayuhin ang lugar na 'to para mapuntahan.

Sa loob ay nandoon nga si Lolo. Mukhang kanina pa din talaga niya ako hinihintay.

"Apo," tawag niya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako sanay na tawagin akong apo ng isang Villaverde.

Pinaupo niya ako at inalok pa na umorder pero tinanggihan ko na.

"Ano pong kailangan niyo sa akin?"

Sandali siyang sumimsim sa kapeng iniinom niya. Diretso ang tingin niya sa akin.

"Kailangan ko ang tagapagmana ng pamilya..." sabi niya na hindi ko kaagad naintindihan.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya, Neil..." sabi niya sa akin. Hindi ko pa din makuha.

"Andyan naman po si Tatay," sabi ko pa.

"Kayong dalawa ni Nigel...kayo ang mga tagapagmana ko," sabi pa niya sa akin.

"Andyan naman po si Isaac..." sabi ko pa. Gusto ko sanang idagdag na isaksak nila sa baga ni Isaac ang mana napigilan ko lang ang bunganga ko.

"I only accept Neil Juancho Villaverde as my grandson," sabi pa niya sa akin.

Anong nakain ng mga Villaverde na 'to?

(Maria­_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro