
Chapter 1
Delikado
Lumabas kaagad ako sa may back kitchen nila pagkatapos kong marinig ang mga salitang 'yon mula sa may mga ari ng bahay.
"Magkakaroon din ako ng ganitong klaseng bahay, ganito kalaki, ganito kaganda," sabi ng isa sa mga kasama naming habang naghihintay kami sa may labas para sa bayad.
Tamad akong sumandal sa truck habang nakikinig sa kanila at tinanaw din ang ganda at laki ng mansion ng mga San Miguel. Madali lang para sa kanila ang magkaroon ng ganito kalaking bahay dahil mayaman sila dahil sa laki ng kanilang Negosyo.
"Pahintay na lang muna si Madam para sa bahay," magalang na sab isa amin ng isa sa mga kasambahay.
Lumabas siya na may dalang mga baso at pitchel na may lamang malamig na tubig.
Pinagkaguluhan kagaad ng mga kasama ko ang dala niyang inumin. Na-uuhaw din naman ako pero hinayaan ko muna sila na mauna bago ako kumuha ng para sa akin.
"May pa-beer kaya?" tanong ng mga 'to kaya naman ang driver naming ay kaagad silang sinuway.
"Depende, wala pa kasi ata si Sir," nakangiting sagot sa amin ng kasambahay.
Matapos niyang sagutin ang tanong ng mga kasama ko ay ako naman ang nilingon niya.
"Ikaw, tubig?" alok niya sa akin.
Gamit ang manggas ng aking suot na tshirt ay nagpahid muna ako ng pawis bago ako tumango ay lumapit sa kanya.
Habang nagsasalin siya ng tubig para sa akin ay may isa nanamang kasambahay ang lumabas, ngayon hindi lang basta tubig ang dala niya, may hawak siyang tray na may lamang mukhang pagkain.
"Whoa, may pa-mirienda?" tanong ng mga kasama ko.
"Mirienda daw muna kayo, pinapabigay ni Senyorita Ericka," sabi nito sa amin bago niya inilapag ang tray sa likod ng truck.
Kumunot bahagya ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na pangalan.
"Mabait talaga 'yang si Senyorita. Sa lahat ng batang San Miguel ay 'yan ang pinaka gusto naming ang ugali..." pag-uumpisa ng kasambahay na unang lumabas kanina.
Tumingin siya sandali sa palagid para siguraduhin na walang makakarinig.
"Hindi matapobre, mabait, magaling makibagay," dugtong pa niya sa amin.
Parang hindi naman 'yon pinansin ng mga kasama ko dahil abala silang lahat sa pagkuha ng tinapay.
"Si Senyorita din ang may gawa ng tinapay, mahilig 'yong magluto..."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng kaagad na din akong nakipag-agawan ng tinapay sa kanila. Hindi pwedeng hindi ako makatikim ng tinapay na gawa niya.
Halos itapon ko ang katawan ko sa kumpulan nila para lang maabot ang pinaka-aasam na tinapay.
"Parang gago naman ni Junie, sakit nan ga ng katawan naming, e," reklamo nila.
Tinawanan ko na lang sila pero kaagad akong dumukot ng tinapay para makatikim din.
"Pwedeng mag-uwi?" tanong ng mga kasama ko dahil masyadong madami 'yon.
"Oo sige, sige..." sabi ng mga kasambahay sa amin kaya naman kanya kanya kaming kuha para may ma-ibalot.
Muli kong tinanaw ang bahay, wala man lang akong makita na bakas niya. Sigurado kasing hindi 'yon lalabas dito para lang makipaghalubilo sa mga kagaya namin.
Napa-ayos kami ng tayo nang lumabas si Donya Estel San Miguel. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa amin. Halos itago tuloy naming ang mga hawak naming binalot na tinapay.
Mula sa amin ay tumingin siya sa mga kubyertos na ginamit naming, mula sa mga baso, sa tinidor, at sa tray.
Itinaas niya ang kamay niya para tawagin ang isa sa mga kasambahay, humilig ito sa kanya at may ibinulong bago siya humingi ng pasencya at yumuko na lang, mukhang pinagalitan.
"Ito ang bayad. Paki-sabi na din kay Darren na maraming salamat," sabi niya at inabot sa driver naming ang bayad para sa mga sakong ibinaba namin.
Wala halos gumalaw sa mga kasama ko. Para kasing masyado siyang nakakatakot, para bang sa oras na may gawin kaming mali ay may bigla na lang babaril sa amin mula sa loob ng bahay.
"Are you waiting for some bottle of beer?" tanong niya sa amin.
Hindi kami sumagot, hinihintay lang naming na mauna siyang umalis para nanamn hindi nakakabastos sa kanya na matapos naming makuha ang bayad ay tatalikuran naming siya.
Tumawa siya na para bang may naiisip siyang nakakatawa, nakakainsulto ang tawang 'yon.
"Bigyan mo sila ng beer," utos niya sa isa sa mga kasambahay.
Mas lalo siyang napangiwi at tiningnan kami isa-isa ng hindi man lang tumanggi ang mga kasama ko, bagkus ay naghiyawan pa sa tuwa. Mga siraulo din talaga.
Tinalikuran na niya kami para bumalik sa loob ng mansion nila.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang masyadong nag-iisip ng ganito o talagang mababa ang tingin niya sa amin? Na baka masyado ko lang binibigyan ng kahulugan ang lahat dahil ayoko talaga sa mga mayayamang masyadong mataas ang tingin sa sarili.
Tumingin ako sa mga kasama ko, masaya silang lahat, parang walang nakakaramdam ng nararamdaman ko...ako lang.
Sumampa na ako sa likod ng truck para maka-alis na kami. Malaki ang ngiti sa labi ng mga kasama ko dahil sa mga dala naming iba't-ibang klase ng alak. Nagkayayaan nanaman sila mamaya pagkatapos ng trabaho.
"Tara, Junie...mamaya," yaya nila sa akin.
Marahan akong umiling. Hindi ako pwede dahil madaling araw pa lang ay pupunta na kami ni Nanay sa palengke para maghango ng mga ibabagsak na gulay para itinda.
Huminto ang truck sa carenderia sa may patag, tanghalian na kaya naman kailangan na naming kumain.
Kanya-kanya kami sa pagtingin sa mga nakahaing putahe.
"Adobo ang sa akin."
"Isang order ng nilaga!"
Matapos sabihin ang mga order nila ay dumiretso na sila para umupo.
"Ikaw, Junie?" tanong ni Sanie sa akin.
Kaklase ko siya, maganda at mabait. Tiyahin niya ang may-ari ng carenderia na 'to. Nagta-trabaho siya dito tuwing walang pasok dahil ito ang nagpapa-aral sa kanya.
"Nilaga ang sa akin," sagot ko.
"Nilagang baboy?" tanong niya.
Umiling ako at ngumisi, "Nilagang itlog, pahingi na din ng madaming sabaw," sabi ko kaya naman sinimangutan niya ako na lalo kong ikinatawa.
"Sira-ulo ka talaga," asik niya sa akin.
Umupo na ako kasama ang mga kasama ko sa trabaho. Inasar nanaman nila ako ng makita nilang nilagang itlog at sabaw ang ulam ko.
"Kailangan ng katawan natin ang sustansya, hindi naman kasi biro ang trabaho natin. Kaya nga sabi ng asawa ko...kumain ako ng maayos, yung masarap kahit papaano," pangaral nila sa akin.
Halos lahat kasi ng kasama ko sa trabaho ay mas matanda sa akin at may mga pamilya na.
Itinaas ko ang mangkok na may lamang sabaw, "Nasa sabaw ang nutrisyon," sabi ko pa sa kanila.
Nilingon ko ang counter at nakitang nakatingin si Sanie sa amin, nang makita niyang tinitingnan ko siya ay inirapan niya ako.
Maganda si Sanie, Morena, itim ang buhok, bilugan ang mga mata, sakto lang din ang tangos ng ilong niya sa liit ng kanyang mukha, hindi ganoon ka-curvy ang katawan pero sakto lang, bagay sa kanya.
"Aling Belinda, pasado ba 'tong bata naming sa pamangkin niyo?" pang-aasar nila sa akin para kay Sanie.
Nilingon ako ni Aling Belinda na may-ari ng kainan, naka pamewang ito habang nakatayo sa gilid ng lamesa naming.
"Aba'y Oo naman. Masipag 'tong si Junie at responsable. 'Yan nga ang palagi kong sinasabi kay Sanie, humanap ng lalaki na responsable. Hindi kailangang mayaman, ang mahalaga ay may pangarap sa buhay..." sabi pa niya kaya naman mas lalong naghiyawan ang mga kasama ko.
"Mga sira-ulo kayo..." suway ko sa kanila.
Nakita kong halos hindi na ma-angat ni Sanie ang ulo niya dahil sa hiya kaya naman sinuway ko na ang aking mga kasama.
Mabuti na lang at nagpalit na ng topic, pinag-usapan naman naming ngayon ang kalaban na kainan ni Aling Belinda sa kabilang kalsada, kaharap lang nila 'to.
"Malakas nga sila. Ang ibang customer naming ay diyan na kumakain," pamomorblema niya.
"Cooking ng ina mo," pagbasa ng mga kasama ko sa pangalan ng kainan.
Nagtawanan sila pagkatapos n'on kaya naman natawa na lang din ako.
"Aling Belinda, magpalit na din po kayo ng pangalan," suwestyon ko sa kanya.
Sumangayon ang mga kasama ko, sa itsura ni Aling Belinda ay mukhang maniniwala siya sa mga sasabihin namin.
Hindi ko pa man nasasabi kung anong gusto kong sabihin ay natatawa na ako. Kanya kanya sila sa pag suggest ng pwedeng ipangtapat na pangalan kaya naman tawa din kami ng tawa.
"Mga siraulo ko, pinagloloko niyo ako," suway niya sa amin habang nakikitawa din.
"Itong si Junie, ayan...kung kalokohan lang din naman, 'yan madaming alam 'yan," sabi nila kaya naman napakamot ako sa aking batok.
"Hindi naman po, pero kung bagong pangalan ng karenderia...may naisip ako," sabi ko kaya naman naghiyawan nanaman sila.
Tumawa na din ako kahit nasa isip ko pa ang kalokohang sasabihin ko.
"Cooking ng ina mo rin."
Matapos ang trabaho ay umuwi na din ako sa amin hindi para magpahinga kundi para naman tulungan si Nanay sa maliit naming tindahan ng prutas sa harap ng aming bahay.
"Nay," tawag ko sa kanya at kaagad na inabot ang kanyang kamay para makapag-mano.
Nakita ko ang pagod sa mukha ni Nanay kaya naman sinubukan ko siyang patawanin.
"Mas mukha pa pong matamlay kesa sa mga kangkong natin, Nay..."
Tumawa siya sa sinabi ko bago niya ako pabirong hinampas sa braso, "Ikaw talagang bata ka."
Pinapasok ko na muna si Nanay para ako naman muna ang mag-tao sa paninda namin. Pagod akong umupo sa harapan ng mga gulay naming. Palanta na yung mga gulay...pero mas mauuna pa ata akong malanta kesa sa kanila.
"Junie, magkano kamatis? Pwedeng bumili isang piraso? Pangsawsawan lang," sabi ng isa sa mga kakilala.
"Isang piraso lang? Gawin mo ng tatlo para I love you," nakangising sabi ko sa kanya.
Napakamot siya sa batok niya, "Magkano ba ang tatlo?" tanong niya sa akin.
Tumayo ako pata kumuha ng tatlong pirasong kamatis, inilagay ko pa 'yon sa kilohan kaya naman mas lalo siyang nagtaka.
"Oh, teka...tatlo lang," sabi niya nang makita niyang nagdadagdag pa ako.
"Oh ayan, one fourth para naman may stock ka na sa bahay," sabi ko at inilagay na kaagad sa plastick 'yon at inabot sa kanya.
"Galing mo din talagang mambudol, e," sabi niya sa akin habang kakamot kamot sa batok pero wala na siyang nagawa kundi ang bayaran ang mga kamatis.
Ilang oras lang ang tulog ko ng gabing 'yon dahil kailangan kong gumising ng maaga para samahan si Nanay sa palengke. Halos pumipikit pa ang mga mata ko, ipinasok ko ang magkabilang kamay ko bulsa ng suot kong jacket dahil sa lamig.
Madaling araw pa lang pero madami ng tao sa palengke. Nang makabili na kami ng mga gulay ay umuwi na din kami para ayusin 'yon sa pwesto namin.
"Ako na ang bahala dito, mag-ayos ka na para sa klase mo," sabi ni Nanay sa akin.
Bago 'yon ay nagluto pa muna ako ng almusal para sa aming dalawa. Itlog na maraming sibuyas, sawsawang suka, at mainit na sinangag.
"Highest natin para sa 3rd grading, Neil Juancho Villaverde," anusyo ng teacher naming kaya naman nagpalakpakan ang mga kaklase ko.
Kunawaring nahihiya hiya pa ako dahil sa pang-aasar nila pero sa huli ay tumayo pa ako at kumaway kaya naman tinulaktulak na ako ng mga kaibigan ko dahil sa kakatawa.
Breaktime ng lumabas ako para bumili ng makakain. Lumapit ako sa nagtitinda ng mga bananaque at bumili ng isa, nakakabusog naman kasi ang saging.
"Oh, Sanie, ito lang din ang kakainin mo?" tanong ko sa kanya ng tumayo siya patabi sa akin.
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sige, order ka...ako na ang magbabayad," sabi ko pa sa kanya.
Nakita ko kung paano namula ang magkabilang pisngi niya. Ngumiti siya sa akin bago niya marahang inipit ang buhok sa likod ng kanyang tenga.
"S-salamat, Junie..."
"Wala 'yon. Binubusog mo naman ako sa sabaw, e," nakangising sabi ko sa kanya.
Natigil ang pag-uusap naming ni Sanie ng magkaroon ng kumsuyon sa may kanto malapit sa paaralan namin.
Isang magarang sasakyan ang huminto sa gilid ng daan dahil sa flat na gulong nito. Hindi ko na sana papansinin ng kaagad akong mapatigil ng makita ko kung sino ang lumabas mula sa may driver seat.
Nakasuot siya ng kulang putting pantalon, itim na tube top habang nakalugay ang mahabang itim na buhok.
"Ganda...Sexy!" rinig kong kantyaw ng mga lalaking estudyante din sa katabi naming tindahan.
Sumama ang tingin ko sa mga 'to ng pumito pa ang isa sa kanila. Mga bastos!
"Teka, Junie...saan ka pupunta?" tanong ni Sanie sa akin.
"Una ka na sa loob," sabi ko sa kanya.
Napaawang ang labi niya, napakamot na lang ako sa batok at tatawa-tawang bumalik sa tindera para bayaran ang bananaque niya.
Lumapit ako sa pamilyar na babaeng 'yon. Kita ko ang pamomorblema sa mukha niya. Nilingon niya ako ng mapansin niya ako kaya naman gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya.
"Uhm..."
"You need a helping hand?" tanong ko sa kanya. Tangina ka, Junie. Pa-english-english ka pa!
Mula sa maganda niyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa labi niya nang napa-lipbite siya dito.
Halos nahirapan ako sa paglunok dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Para akong nakakita ng hindi pangkaraniwang nilalang sa harapan ko ngayon, mas grabe pa ata ang pakiramdam na 'to kesa sa makakita ako ng sikat na artista sa personal.
Itim at wavy ang buhok niya, mukha din 'yong malambot. Masyadong expensive ang kanyang mga mata, para bang nagungusap, para bang kinakausap ako sa tuwing tumitingin sa akin. Matangos ang ilong, ang kanyang labi ay parang pang model ng mga mamahaling liptick na nakikita ko sa brochure ng Avon ni Nanay.
May kahabaan ang leeg, mas lalong nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko kung gaano kalalim ang collar bones niya, kung gaano ka-kinis ang kutis niya, para bang naliligo siya ng gatas araw-araw.
Umihip ang malakas na hangin kaya naman tinangay no'n ang buhok niya. Sumaktong papunta ang amoy sa akin kaya naman halos mapapikit ako sa bango niya.
"A-ayos ka lang?" tanong niya sa akin.
Mukhang napansin ang matagal kong pananahimik.
Nagkunwari akong napa-ubo para hindi masyadong halatang gandang ganda ako sa kanya.
"May extra kang...gulong?" tanong ko habang bumaba ang tingin ko sa dibdib niyang hubog na hubog dahil sa suot na tube top.
Kaagad siyang tumango sa akin, tumalikod para pumunta sa likuran ng sasakyan. Bumaba tuloy ang tingin ko sa maliit niyang bewang hanggang sa kanyang pang-upo. Hindi ata talaga pangkaraniwang nilalang ang babaeng 'to.
"Nandito..." sabi niya sa akin kaya naman lumapit ako sa kanya papunta sa likuran ng sasakyan para kuhanin ang extrang gulong ng kanyang sasakyan.
Inilabas din niya ang mga tools niya. Lahat ng 'yon ay mamahalin. Parang kahit tuloy lahat ng gulo niya ay kaya kong palitan, masarap talagang gumamit ng mga original na bagay.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala," sabi niya sa akin habang naghahanda ako sa pagpapalit ng gulo niya.
"San Miguel ka di ba?" tanong ko kahit alam ko naman. Para hindi halatang kilalang kilala ko.
Marahan siyang tumango. "Ericka ang pangalan ko," pagpapakilala niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa inilahad niyang kamay sa akin. Binuhat ko na ang gulong, kung anoa no na din ang hinawakan ko pero naglahad pa din siya ng kamay sa akin.
"Sige na, madumi ang kamay ko..." pagtataboy ko doon.
Tumulis saglit ang nguso niya bago niya nanaman niya kinagat ang pang-ibabang labi. Para bang hindi niya namamalayan na ginagawa niya 'yon kaya naman mas lalong nagiging sexy tingnan.
"Ikaw...pwedeng malaman ang pangalan mo?" tanong niya sa akin.
"Junie..." sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Ang cute ng pangalan mo," sabi niya sa akin.
Muli akong napa-ubo, namamanhid ang buong katawan ko sa tuwing nagsasalita siya at kinakausap ako, magiging bato pa ata ako kung pupurihin niya.
Ano siya? Tae ng ibong Adarna?.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, nag-focus na lang ako sa pag-aayos ng gulong niya. Nanatili siya sa tabi ko at tahimik akong pinanunuod. Dahil sa pagpapawis ay hinubad ko muna ang suot kong uniform kaya naman naiwan na lang ang suot kong puting tshirt.
Bigla akong nagsisi ng makita kong may butas ang manggas no'n sa may bandang kili-kili. Nakita din 'yon ni Ericka pero parang wala lang sa kanya, hindi man lang niya pinuna o pinagtawanan man lang.
"May klase ka pa ba?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Practice lang para sa graduation," sagot ko sa kanya.
Tipid siyang tumango. Nilingon ko siya at nakita kong mula sa ginagawa kong gulong ay umakyat ang tingin niya sa braso ko papunta sa muscles ko.
Nang makita niyang nakatingin ako ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
"Tumakas ka noh?" tanong ko sa kanya.
"Paano mo nalaman?" natatawang tanong niya sa akin.
Dahil sa pagtawa niya ay lumabas pa ang maputing ngipin niya, nahiya pa ata ang pagto-toothbrush ko ng dalawang beses sa isang araw.
"Hindi ka naka-tawag sa inyo, kung hindi ka tumakas madali lang sa 'yo na humingi ng tulong," sabi ko sa kanya.
"Hinatid ko yung pinsan ko sa may Sta. Clara, magkikita sila ng boyfriend niya...exciting tumakas," natatawang kwento pa niya sa akin.
"Matigas pala ulo mo," puna ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
Habang nag-aayos ng gulong ay pansin ko ang panunuod at paninitig niya sa akin.
"Ang gwapo mo, Junie, noh?" biglaang sabi niya kaya nama halos dumulas sa kamay ko ang tools na hawak ko.
"W-wag mo nga akong ginugulo...nagco-concentrate ako," suway ko sa kanya pero ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko.
"M-may girlfriend ka na?" tanong pa niya kaya naman bumagsak ang tools sa lupa at tumunog ng malakas.
"Uhm..."
"Wala," sagot ko.
"So, pwede tayong kumain sa labas pagkatapos nito?" tanong niya sa akin kaya naman sumimangot na ako.
Bigla ko nanamang naalala na isa ng apala siyang San Miguel, mula sa mayamang pamilya. Galit ako sa mga mayayaman. Ayoko sa mga mayayaman.
"Hindi," masungit na sagot ko sa kanya.
"Ano lang sana..."
Hindi ko siya pinatapos.
"Ayoko sa mga mayayamang kagaya mo. Hindi ako nakikipah-date sa mayamang katulad mo. Ayoko ng girlfriend na mayaman," tuloy dire-diretsong sabi ko sa kanya kaya naman natahimik siya.
Nang makabawi siya ay ganoon din ako.
"Pa-thank you ko lang sana para sa pagtulong mo sa akin," dugtong niya.
"Hindi na kailangan," sabi ko pa.
Natahimik na lang siya hanggang sa matapos ako sa pagpapalit ng gulong niya. Ni hindi na din siya makatingin sa akin.
"Ok na, pwede ka ng umuwi sa inyo..." sabi ko sa kanya.
"Uhm...invite na lang kita sa party sa amin sa susunod na araw. Baka pwede ka na do'n, hindi 'yon date dahil madami namang tao...pwede ka ding magsama ng mga kaibigan mo, o kaya yung girlfriend mong kasama mong kumain ng Banana stick," sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.
Bukod sa hindi ko naman girlfriend si Sanie, nakita pa niya 'yon? At anong Banana stick?
Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Binuksan niya sandal ang pintuan ng sasakyan niya para kuhanin ang mamahalin niyang cellphone.
"Pwedeng makuha ang number mo?"
"Bakit?"
Bahagya siyang napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
"P-para pag nasiraan ulit ako ng gulong...sa 'yo na ako hihingi ng tulong," sagot niya sa akin.
Mula sa aking bulsa ay dahan dahan kong inilabas ang de-keypad kong cellphone. Nagtagal ang tingin ni Ericka do'n. Ibinigay ko ang number ko sa kanya sa hindi ko din malamang dahilan.
"T-thank you ulit, Junie..." sabi niya sa akin.
Ganoon na lamang ang gulat ko ng humilig siya sa akin para humalik sa aking pisngi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakangiti siyang humiwalay sa akin, sobrang ganda talaga niya...
Delikado ako sa babaeng 'to.
f(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro