Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: THIRD DAY OF SCHOOL FESTIVAL PART 2


CHAPTER SIXTEEN : Third Day of School Festival Part 2

ALEEZA'S POV

" Hey, hon. " Natigilan ako sa pakikipag-usap nang marinig ang boses ni Axzel. Sinalubong ko siya.

" Hey." magiliw na bati ako saka dinampian siya ng halik sa pisngi. " You're late? May nangyari ba?"

He suddenly hug me at naramdaman ko ang pag-iling niya. " Nothing. " sagot niya saka mas humigpit ang kanyang pagkakayakap. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.

Nang maghiwalay kami sa yakap ay no'n ko naman nakita ang pagpasok ni Mandy sa tent pub. Pinigilan ko ang sariling lapitan siya at tinuon na lang muli ang atensiyon sa kaharap ko.

I smiled at him. " What do you want to do?" tanong ko, sinisikap na ituon ang buong paningin ko sakanya. Pero maya-maya ay nahuhuli ko ang sariling sumusulyap sa direksiyon ni Mandy, inoobserbahan ang mga kilos niya.

Binalik ko ang paningin ko sa kausap ko ng marinig ang sagot niya." Let's do that, then. " Muli ko siyang nginitian. " Let's go?"

Nginitian rin niya ako saka inabot ang kamay upang hawakan iyon. " Let's go."

Matapos kaming kumain ay nagpaalam din siyang may aasikasuhin. Mukhang nagmamadali kaya hindi ko na inubliga na ihatid ako pabalik sa tent pub. Hindi ko naman inaasahan na kami lang ni Mandy ang naroon.

Naglakad ako papasok, sa may gawi niya. Bagaman may pag-aalinlangan ay tumulong ako sa pagsasaayos ng mga gamit.

Saglit siyang natigilan, nagugulat. Marahil ay hindi inaasahan ang paglapit ko. Iniiwas ko na lamang ang paningin sakanya saka itinuon ang pansin sa ginagawa.

Pero ilang saglit pa lamang, ayon na naman ako sa pagsulyap sa kanya. Nakatalikod siya sa'kin kaya malaya kong natapunan ng tingin ang bandang naitama kahapon. Ganoon na lang ang pagkakahigpit ng hawak ko sa pinupunasan kong plato nang pasimpleng hawakan niya ito at pati ako ay naramdaman ang sakit non.

Pinigilan ko ang sariling tanungin ang kalagayan niya. Hindi ko din alam kung may karapatan pa ba akong magsabi ng ganoon sakanya, samantalang ako naman ang rason kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman ngayon.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Nasasaktan ako pero alam kong mas higit pa don ang sakit na nararamdaman niya. Gusto kong may magawa pero mas sinasaktan ko lamang siya. Not just physically, pero ang buong pagkatao niya. At ang lahat ng iyon ay dahil sa pansariling kadahilanan.

Bata pa lang kami ay alam ko na ang nararamdaman niya para kay Axzel. Iyon pa lang ay sapat nang hangganan para idistansiya ko ang aking sarili. Pero sa huli, ano ang ginawa ko? Ako rin mismo ang tumibag sa hangganang iyon para patuluyin ang sarili kong mithiin. Ngunit sapat na bang dahilan iyon para makapanakit ako ng iba 'gayong una pa lamang ay may ideya na ako sa nararamdaman niya?

Alam kong hindi. At kailanman ay hindi iyon magiging tama. Pero anong magagawa ko? I just want to be loved by my father, kahit hindi pa siya ang totoo kong ama. Gusto ko lang din mapansin ng taong mahal ko at ituring na sarili niyang anak.

At kaya kong itapon ang lahat para doon. Kahit masakit...kahit mali. At kahit pa gaaano ako tinutuligsa ng konsensiya ko.

Hindi ko kayang sabihin na masaya ako sa naging desisyon ko pero sa mahabang panahon, nito ko lang naramdaman na may ama ako. With the help of Axzel, I really feel it. Wala na akong pakialam kung iyon lang ay dahil sa may kinalaman ang kanyang negosyo.

Napabuntong-hininga ako at mabilis na pinunasan ang nangingilid kong luha. Walang binibitawang salita ay iniwan ko ang aking ginagawa saka lumabas papunta sa mini park ng school para magpahangin.

Doon ko ibinuhos ang hinanakit na nararamdaman ko.Mabuti na lang ay walang tao maliban sa'kin.
Hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak. Sobra ang pagpipigil kong mangyari iyon pero ganoon naman kabigat sa dibdib.

Tanggap kong may mali ako pero ni kahit minsan ay hindi ko nagawang humingi ng tawad kay Mandy. Sa halip ay ako pa ang umaastang parang naagrabyado.

I keep on pushing her away pero kailanman ay hindi siya nakinig. I keep on blaming her pero wala siyang ginawa kundi tanggapin ang lahat ng iyon. And I hate her for that. Mas pinapamukha niya lang sa'kin ang lahat ng kamaliang nagawa ko. She's just making me more guilty.

Nasapo ko ang sariling mukha at hindi na napigilan nang magkakasunod na pumatak ang aking luha.

' Patawarin mo ako,Mandy. I'm really sorry for everything. '

Pinagkatiwalaan mo ako pero binigo kita.

~••~

MAXY'S POV

5:00 P.M.

Katatapos ng film viewing. I thought it would be about the university or history stuffs again, just like last time. But it wasn't.

It was a healing drama in these trying times, teaching us life lessons and raising mental health awareness.
It's a story of a young girl trying to chase her dreams in the city known for its glamour, wealth, and fame. Then suddenly found herself being involved with three guys who became her friends. They are forced to confront the meaning of their short lives and imagine the possibility that love and friendship can make their years mean more.

It is beyond the usual drama romance theme. This has a deeper, more profound story that will take you on a meaningful journey of each characters in the story. After watching it, you'll soon realized that pain is normal yet not everything.

That even though life will give you many reasons to just sit around and do some soul searching, quiet reflection, read a little, and maybe get a little emotional and let it all out. And that even though we lost in our regrets and became addicted to replaying the inequities of our past, we should climb deep inside the castle of our own insecurities. Close it and then we must come back out again, maybe still broken but motivated, eyes open to the small tragedies of the lives that stride past us on that snowy sidewalk.

To conclude this, the story will really make us feel that it's okay to be not okay. It's okay to feel pain and get hurt. Because feeling so doesn't mean you're already making the wrong choice. But it's not okay to stay where you don't belong. To miss out on what you deserve. You need love, happiness and goodness. And sometimes, walking away is the only way you'll gain them.
You must walk away from whatever is repetitively hurting you. Confront your trauma. Because you deserve better. You deserve to love and to be loved. And you deserve a healthy connection.

It was all thank you to the production team tho. From the casts, staffs, writers, and to the people behind this phenomenal drama. This is truly a masterpiece, from the well-written storylines, amazing cinematography, excellent directing, unexpected plot twists, superb actors and LSS-inducing soundtracks.

I am just hoping that I will get some the same role, soon. Nakakamangha talaga ang lahat.

Napangiti ako sa aking naisip bago ibinaling ang paningin sa kasama ko. Kami na lang atang dalawa ang natitira dito. Ang lahat ng estudyante ay paniguradong nandoon na sa soccer field dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Campus Talent Show.

Pinauna ko na din naman doon si Ellisze dahil bukod sa pinatatawag na siya ni Wilmer ay talagang kailangan ang presensiya niya doon.

Maingat kong inayos ang ulo ni Mandy na kasalukuyang nakapatong sa aking balikat. Mahimbing padin siya sa pagtulog. Marahil ay dahil narin sa pagod.

No'ng makabalik kami kaninang umaga galing grocery store ni Ellisze, kahit gaano namin iopen up kay Mandy at kagusto na pag-uusapan ang tungkol sa nakita namin sa parking lot, hindi na namin iyon nagawa dahil dumiretso narin kasi kami agad sa department office para asikasuhin din ang event na magaganap ngayon. Si Mandy ang natira sa tent pub at umayos sa lahat ng kailangan doon. Hindi ko nga alam kung kumain siya ng lunch kanina.

Dito sa music hall na din kasi kami ulit nagkita matapos naming idaan ang mga pinamili namin kanina sa tent pub. Hindi ko naman inaasahan na mapapasama ako sa pag-organize ng stage.

Bigla namang nagring ang cellphone ko. It's Ellisze. Maingat ko itong sinagot.

" Are you still there? How's Mandy?"

" She's still asleep. Ayoko namang gisingin siya. She really looks tired. Bakit? Pinapatawag ba ako?" I asked.

" Yes but I'll just handle it. Just take care of Mandy, first. "

"Okay. Thanks, then"

"No worries. And nga pala... parang nakita ko kanina si kuya Kaze. Hindi ako sigurado but I think he's with tito Kyle."

" Si tito Alexus?" napataas ang boses ko, nabibigla. I didn't expect that he'll come right away just after that long and tiring flight.

Dahil doon ay nagising ko pa ang natutulog.

" You're really loud, Maxy. Okay, I'll hung up. Ikaw na muna ang bahala kay Mandy."

Ibinaba ko ang tawag saka inalalayan ang katabi kong umayos ng upo. 'Ayon na naman iyong may masakit sakanya.

Naunahan niya akong magsalita. " You're talking about daddy?"

Tumango-tango ako. " He's with kuya AK daw. Ellisze's not sure pero parang nakita niya daw sila."

"What?" bigla siyang napatayo. Napahawak na naman siya sa may bandang likuran niya. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pasimpleng pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi, animong nasasaktan.

Tumayo din ako saka pabiglang pinisil ang likuran niya. Agad ko namang binitawan iyon nang marinig ko ang sigaw niya. Ramdam ko ang sakit non.

" What happened?" nag-aalalang tanong ko habang tinuturo ang likuran niya. Binalak ko pang tignan ito pero inilayo niya agad ito.

Tinignan ko siya ng diretso. " Don't tell me this is the reason kung bakit magkasama kayo ni Axzel kaninang umaga. Siya ba ang may gawa niyan sa'yo?"

Pakiramdam ko ay sasabog ako anomang oras ngayon. How dare him do that to my bestfriend? She's a woman for pete sake! Walang kalaban-laban si Mandy!

" Isusumbong ko siya kay Ellisze." desidido ako nang sabihin iyon.

Tatawagan ko na sana siya nang kunin ni Mandy ang cellphone ko.

" It's not what you thi---"

I cut her words. " No Mandy! Huwag mo naman siyang ipagtanggol. Hindi porket may gusto ka sakanya, wala siyang karapatan na ganituhin ka. I'll go to Ellisze. Sakto! Sasabihin ko rin ang tungkol dito kay tito Alexus!"

Dali-dali ko siyang nilagpasan. Nakapitong hakbang na ako, doon pa lang siya nagsalita.

" I said it's not what you think. It's not him."

Natigil ako sa paglalakad. Hindi dahil nakumbinsi ako ng sinabi niya kundi dahil umiiyak na naman siya. It's visible in her voice nang bitawan niya ang mga salitang iyon.

Naglakad ako pabalik sa direksiyon niya and I am right. I immediately hug her.

" Okay fine, I'm sorry. Hindi ko na siya isusumbong kay Ellisze at kay tito Alexus. But I'll give him a sudden punch later."

She hugs me back. " It's not really him. He just took care of me."

Inihiwalay ko siya sa pagkakayap sa pagkabigla. Am I hearing things right?

" What? He took care of you?"

Pinaningkitan ko siya ng tingin. " Ehey! I'm not that stupid. You can't fool me. Don't even try to save him with that unbelievable reason again. He's not that kind of person, most especially to you." Napailing-iling ako.

Hindi ko naman inaasahan na sisigaw siya habang patuloy parin sa pagtulo ang kanyang luha. Natigilan ako. Why? What's wrong? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

" Ya! Are you even my bestfriend? I'm really telling the truth."

Tumatango-tango na lamang ako. " Okay, fine. If it's not him. Then who?"

" It's my fault. Naout of balance ako. He saw me at tinulungan ako."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Parang ayaw kong maniwala.

" It's not really him. Swear!" pan-uulit niya.

Sa huli ay ako din ang sumuko. Sinabi ko na lamang na naniniwala ako. I'll just investigate later. Ang importante ngayon ay tumahan na siya at maayos na.

Lumabas kami ng entertainment hall, ilang minuto na rin ang nakakalipas nang magsimula ang talent show. Dumiretso kami sa harap, malapit sa stage.

" Hindi pa pwedeng sa tent pub na lang ako. I don't have the mood, right now."

Pinitik ko ang kanyang noo. " Huwag kang KJ, Mandy. Ayaw mo naman sigurong makita ka ng kuya at daddy mo na nageemo ka na naman. I am sure that they come to check you. So don't dare. You understand me?"

Pilit siyang tumango. " Good. Let's enjoy the night!"

~••~

MANDY'S POV

I just smiled. Kahit papaano ay gumaan na naman ang pakiramdam ko dahil sakanya.

Pero nandito kaya talaga sina kuya at daddy? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

But I can't see them among the crowds.

Napabuntong-hininga hininga ako. I can't also help myself not to worry.

Alam ni kuya ang nangyari sa'kin at wala akong ideya kung anong sinabi niyang rason sa magulang namin para makumbinsi sila.

Kahit sobrang ingay ng mga estudyante ngayon, mas maririnig ko parin ang pagtibok ng puso ko. It's heavy and faster than normal. Sobrang kinakabahan ako sa sasabihin ng pamilya ko.

"Mandy?"

Bumalik ako sa reyalidad. " Huh? I'm okay." sagot ko kahit hindi ako sigurado kung iyon ba ang dapat na sabihin sa mga sinabi niya. Kung meron man.

" Ya! Can't you just enjoy for now? You're making me more worried."

" Sorry. " paghingi ko ng paumanhin.

" It's okay. You don't need to say sorry. Just focus on the event and have some fun for now. Don't stress yourself too much. I am sure that it'll be easier for you to find the answer with a clear mind."

She convinced me. Pero nang una kahit gaano ko pilitin ang sarili kong magpokus, lumiliyag parin ang isipin ko sa maraming isipin na posibleng mangyari. It took me a few minutes to focus myself on the show.

Nagsalita muli ang emcee para tawagin ang susunod na kalahok. Hindi ko alam kung pang-ilan na itong performance pero nang lumabas ang mga performers, I can say that they seem familiar to me.

Most especially their drummer. His build and posture... hindi ko alam kung bakit sobrang pamilyar sa'kin. It's just that, I can't remember where and when did I got to saw him and his co members.
Because of that, nakuha talaga nila ang atensiyon ko.

Mapapansin ang confidence sakanila. Ang lakas ng sigawan ng mga manonood, lalo na ng mga babae kasama na itong kaibigan ko, paglabas nila. It seems like they're really famous. Kaya siguro sobrang pamilyar sila para sa'kin.

Habang pinapanood ko naman sila, hindi ko maiwasang humanga. Isang upbeat na Pop song ang tinutugtog nila. I don't know the title of the song or if it's their original composition. Pero habang pinapakinggan at pinapanood mo sila, you can't avoid yourself to go with the rhythm and just dance. Mapapasabay ka talaga.

Super ganda ng pagkakablending ng boses ng dalawang vocalists, a boy and a girl. Ang galing din nang pag rap nong isa. I can't help myself to admire them more.

Natapos ang 5 minute performance nila na makikita ang satispaksiyon sa mukha ng lahat ng mga manonood. Sobrang lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao hanggang sa tuluyan na silang makababa ng stage.

Muling nagsalita ang emcee sa harapan. Akala ko ipapakilala na naman niya ang susunod na kalahok, 'yon pala ay magkakaroon ng short break for 15 minutes.

Niyaya naman ako ni Maxy. Ice cream ang binili namin. She is craving daw. Pero pakiramdam ko, gusto niya lang iyong ipakain sa'kin. Ganitong-ganito kasi siya kapag nakikita akong wala sa mood o sobrang nag-aalala siya sa'kin. Ginagawa niya akong bata. Psh.

Mabilis na natapos ang break. Bumalik din kami kaagad ni Maxy sa pwesto namin kanina. Ilang minuto lang din, nagsimula na ulit ang line up ng performances.

Bigla ko namang naalala si Ellisze. " Maxy, si Ell---" Natigilan ako sa pananalita. Naramdaman ko naman na lingunin ako ni Maxy.

" What?" turan niya sa hindi ko natapos na salita.

" Mandy?" narinig ko ding tawagin niya ang pangalan ko pero hindi ko matanggal ang paningin ko sa dalawang tao na umaakyat sa stage.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa sleeves ng katabi ko. Naramdaman ko ring sundan niya ang direksiyon ng aking paningin.

" If you don't want to watch it, we can go."

Pinigilan ko siya. " It's okay. I want to watch them."

" Don't force yourself,. Mandy. Alam ko kung ano ang toto---"

I didn't let her finish her sentence. Tinignan ko siya ng diretso sa mata. " I really want to watch them."

Napabuntong-hininga siya. " Okay,fine. I'll just comfort you, later. "

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Itinuon ko ang aking pansin sa panonood.

'Crush' by David Archuleta ang kasalukuyang kinakanta nila. One of my favorite song. Ito rin iyong kantang gusto kong ialay kay Axzel. Pero mukhang hindi na iyon mangyayari pa.

Why do I keep running from the truth?

All I ever think about is you

You got me hypnotized

So mesmerized

And I've just got to know

Tumatagos sa puso ko ang bawat linyang napapakinggan ko mula sakanya. The lyrics, itself is so exact to what I am feeling towards him. Pero ganoon na lang kasakit ang idinulot nito sa akin dahil kailanman ay hindi siya magiging ganoon pagdating sa'kin.

Hindi sa akin kundi sa kaharap niya ngayon, kay Aleeza.

Do you catch a breath

When I look at you?

Are you holding back

Like the way you do?

'Cause I'm trying, trying to walk away

But I know this crush ain't going away

Going away

Naagaw niya ng tuluyan ang aking atensiyon. His voice is too great dahilan para mapaawang ang aking bibig at pinakatitigan siya.

Bagaman alam kong hindi para sa'kin ang kantang iyon at kahit may nararamdaman akong kirot, hindi ko magawang alisin ang paningin sakanya habang pinapanood ang mabagal niyang paglalakad at makita ang kanyang pagngiti. 'Ayon na naman iyong hindi ko maipaliwanag na pagbilis ng tibok ng aking puso.

Hanggang kailan ba ako pagtataksilan ng sariling nararamdaman ko?

See it's a chance we've gotta take

'Cause I believe that we can make

This into something that will last

Last forever, forever

Boses naman ni Aleeza ang narinig ko. Sa pagkakataong iyon, hindi ko man aminin sa aking sarili, I know I envy her.

I really want to be with her position. I wish that it is me that he's holding, right now.

Damn, what I'm even thinking?

Why do I keep running from the truth?

(why do I keep running?)

All I ever think about is you

(all I ever think about)

You got me hypnotized (hypnotized)

So mesmerized (mesmerized)

And I've just got to know

After singing the last lyrics, I don't know if it's allowed in the university but he just kissed her in front of many people. Bago ipagsigawan ng lalaking gusto ko kung gaano niya kamahal ang babaeng kasama niya ngayon sa stage. He just showed to the whole campus how precious Aleeza to him. At isang malaking sampal iyon sa'kin.

I stop for a moment. Naikuyom ko ang aking kamao habang napakagat ako sa aking labi at ganoon na lang ang pagpipigil ko sa pagtulo ng aking luha.

" Mandy?" narinig kong tawagin ni Maxy ang pangalan ko kasabay ng sigawan ng mga estudyante. Madadama ang paghanga mula sakanila, kabaligtaran ng kung anong nararamdaman ko sa ngayon.

Tinawag muli ni Maxy ang aking pangalan ngunit naroon parin ako sa pagtitig sa dalawa kahit nasasaktan. Nang maghiwalay sila sa halik ay marahan silang nag-angat ng tingin dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata.

Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang pelikula na sila ang mga bida habang ako naman iyong kontrabida.
Mababasa ko sa mata ni Axzel ang paghanga. At hinihiling kong sana ay nagkakamali na lamang ako sa nabasang iyon.

I really want to free myself from this kind of feeling, from this damn complications. Mukhang pinagbigyan at dininig naman iyon ng kalangitan.

Pero bakit ganito? Parang may nakatarak na kung ano sa puso ko.

Sa halip na matuwa ako dahil sa wakas nangyari na ang kagustuhan ko, napatunayan ko na sa aking sarili na hindi talaga kailanman mababago ang katotohanang hindi ako ang mahal niya. Instead, I felt the opposite.

Narinig kong magpalakpakan ang mga manonood. Sa pagkakataong iyon, hindi ko inaasahang magtatama ang paningin naming dalawa ni Axzel. Wala akong nagawa kundi ang nag-iwas ng tingin. Pero kasunod no'n ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Agad akong napahawak sa aking dibdib saka sunod na napahawak sa braso ng katabi ko upang mabalanse ang sarili.

" Mandy... Are you okay?" 'ayun na naman iyong nag-aalalang tinig ni Maxy. Hindi ko magawang sumagot. " Mandy, bes..."

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago salubungin ang tingin niya. " I'm okay." pagsisinungaling ko upang hindi na siya mag-alala. Pero gaya ng inaasahan, hindi iyon umepekto.

She suddenly held my hand at nagsimulang humakbang. Sinuway ko siya pero hindi siya nagpaawat. Patuloy lang siya sa paghila sa'kin hanggang wala na akong makitang tao maliban sa'min. She only stop on that moment at agad na hinarap ako, with a questioning look.

" Cry. You don't need to stop yourself. " She commanded.

" I already said that I'm o---"

I didn't expect that she will shout at me. " Hindi ka ayos, Mandy! Please stop saying that you're okay. Dahil ikaw lang din ang mahihirapan sa huli."

Nakagat ko ang aking labi, sobrang diin na para bang masusugatan ko iyon. Naroon ang pagpipigil ko pero ilang segundo lang pagkatapos kong marinig iyon sakanya ay sunod-sunod na sa pagtulo ang aking luha. What she said really triggered me.

Hindi ko maipaliwanag ang umaalon na pakiramdam sa dibdib ko. Magkakahalo ang pakiramdam na dulot no'n.

"I'm sorry. I'm really sorry." Paulit-ulit ako sa paghingi ng tawad dahil bagaman nasasaktan ako, 'ayon parin ang pakiramdam na hindi dapat ako nagkakaganito. Dahil wala akong karapatan.

I want to apologize for hurting and crying. Just right after telling myself that I'll move on.

Maya-maya ay naramdaman kong yakapin ako ni Maxy. Patuloy parin ako sa paghikbi.

She gently carressed my hair as she started to spoke something that will forever remain a life lesson to me. She's not lying when she said she'll comfort me. " Loving someone who doesn't feel the same way like you do is already a painful thing. You don't need to suffer from another pain by forcing yourself to be okay because it's not the right thing to do. Pretending that you're fine will only add to the torture you're suffering from. "

Bumuntong-hininga siya. " When you want to cry, there's nothing wrong with that. It's okay to do it when you're hurt. So please stop yourself from apologizing. It's not a sin to wail."

I hug her back at tanging pagtango lang ang naging sagot ko.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero ngayon naman ay humiwalay siya sa pagkakayakap at ihinarap ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at matamang tinitigan ng diretso sa aking mga mata.
" Just cry for now. But please do remember this, Mandy. That joy comes at the price of pain. One day, someone will love you the way you deserved to be loved and you won't have to fight for it. "

" What I am going to say might hurt you but maybe Axzel is not the right one for you. You deserve someone better than him. You don't need to force yourself from someone whose heart belongs to someone else when you can be somebody else's first choice. "

Binigyan ko siya ng yakap. I don't want her to see my face while faking a smile.
Sunod ko siyang pinasalamatan.

What she said really gives me hope but at the same time, ayaw ko nang paasahin ang sarili ko, gayundin ang makasakit ng damdamin ng iba.

For now, I just want to move on and to finally let go of this feelings. That's what I want to do.

I just hope na tuluyan na akong pakinggan ng kalangitan.

Pero hindi sana sa ganitong paraan na kailangan ko pang masaktan at paulit-ulit na tanggaping wala akong kalaban-laban.

Because frankly saying, I'm too tired of heartaches.

I really don't what to to do, now.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro